Thursday, 28 May 2020


Paano makilala ang kalooban ng Diyos? – (Unang Bahagi)

Introduction
·         Ang kasaysayan ay naglahad patungkol sa isang Obispo, na sinasabing nagpahayag na ang mabigat na paglipad ng tao ay hindi posible, sapagkat sumalungat ito sa kalooban ng Diyos.
·         Ang kanyang pangalan ay Milton Wright at siya ang ama nila Orville at Wilbur Wright.
·         Tila ang kanyang pagka-unawa sa kalooban ng Diyos ay masyadong binigyang lalim..o sineseryoso!
·         Bagaman nakakatawa, ipinapaalala sa akin ni Bishop Milton na karamihan sa atin ay gumagawa ng maling desisyon sa buhay dahil kong minsan  inaako natin ang kalooban ng Diyos ngunit  hindi naman talaga natin ganap na naiintindihan ang Kanyang kalooban.
·         Sa aking ituturo sa inyo  umaga , bibigyan ko kayo ng isang listahan na makakatulong sayo upang makilala mo ang kalooban ng Diyos, kapag sa mga sitwasyong hindi ka sigurado sa kalalabasan ng isang desisyon na kailangan mong gawin.

1. Ang kalooban ng Diyos at ang kasulatan
2 Timoteo 3:16
16 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay,
A. Ang dapat na unang itanong sa iyong sarili ay : "Aprubado  ba ito ng Diyos ayon sa Kanyang Salita?"
B. Sinasabi ng mga Taong mapagduda na ang Bibliya ay lipas na at hindi akma sa pamumuhay ng tao noong ika-21 Siglo.
C. Ang katotohanan ay hindi mo pwedeng magpasadya nang Salita ng Diyos upang umangkop lamang sa uri ng gusto mong pamumuhay. Ngunit maaari mong palaging i-upgrade ang uri ng iyong pamumuhay upang matugunan ang mga kinakailangan upang masunod mo ang  Kanyang Salita.
Kong kaya po kapag hindi sangayon ang kaniyang salita malinaw po na hindi po iyan kalooban ng Diyos much better na huwag mo ng ituloy pang gawin..
Huwag mo na ipagpilitan pang humingi ng sign kong malinaw naman na ito ay labag sa kaniyang mga salita o kasulatan..huwag mo ng ituloy pa
Dahil pagitinuloy mo yan para kang pumulot ng batong ipupukol mo sa iyong ulo..maaring ikapahamak mo pa.

2. Ang kalooban ng Diyos at ang paglilihim  
Mga Kawikaan 11:3
3 Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan,ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan.
A. Ang pangalawang tanong na itatanung sa  mo sa  iyong sarili ay: "Magagambala ba ako kung malaman ng lahat na ito ang aking pinili?"
B. May nagsabi, "Ang kalikasan mo ay ang mga ginagawa mo kapag walang nakakita sayo." Ang karapatan sa privacy ay hindi isang dahilan upang magpakasawa ka sa imoralidad.
C. Ang regular na mga pagsusuri sa kalusugan ay kapaki-pakinabang para sa pag-iwas sa mga nakamamatay na stroke. Gayundin ang pagsusuri sa mga lihim na ating ginagawa ay makakatulong sa atin upang  bantayan ang ating kalikasan .
Dahil kapag nasuri natin ito at nalaman natin na lisya ito sa kalooban ng Diyos may panahon pa para magbago ,umiwas at maging mapagbantay sa sarili
Upang sa ganun masunod natin ng hayagan ang kalooban ng Diyos para sa ating buhay.

3. Ang kalooban ng Diyos at ang Pagsisiyasat
Lucas 6:39
39 Tinanong sila ni Jesus nang patalinghaga, “Maaari kayang mag-akay ang isang bulag ng kapwa niya bulag? Pareho silang mahuhulog sa hukay kapag ginawa nila ang ganoon!
A. Ang pangatlong tanong na dapat itanong sa sarili ay ang : "Paano kung ang lahat ay sumunod sa aking halimbawa. Pagpalain ba sila? "
B. Paglalarawan:
Tinuruan ng Ina ang kaniyang anak na babae kong paano magbalik  pasalamat. Bigyan niya ito ng isang basong gatas at tinanong "Ngayon, ano ang sasabihin mo?" Ang maliit na batang babae ay nagsabing "tagay!"
C. Ang ating mga ginagawa  ay mas malakas na impluwensiya kaysa sa mga ipinapangaral natin  o itinuturo..kaya sabi ng Biblia mas malaki ang pananagutan ng mga tiga-pangaral at tiga-pagturo
Mananagot tayo sa Diyos para sa mga kaluluwa ng ating mga tagasunod
Kayat dapat na tayo’y maging maingat sa uri ng ating pamumuhay...maging sa tahanan o sa simbahan..

4. God’s will and the Spiritual Approach4. Ang kalooban ng Diyos at ang banal na  Espirituwal
Juan 19:12-16
12 Nang marinig ito ni Pilato, naghanap siya ng paraan upang palayain si Jesus. Ngunit nagsigawan ang mga Judio, “Kapag pinalaya mo ang taong iyan, hindi ka kaibigan ng Emperador! Ang sinumang nagsasabing siya'y hari ay kalaban ng Emperador.”
13 Pagkarinig ni Pilato sa mga salitang ito, inilabas niya si Jesus at siya'y umupo sa upuan ng hukom na nasa dakong tinatawag na “Plataporma,” Gabatha sa wikang Hebreo.
14 Araw noon ng Paghahanda sa Paskwa, at mag-aalas-dose na ng tanghali. Sinabi ni Pilato sa mga Judio, “Narito ang inyong hari!”
15 Sumigaw sila, “Patayin siya! Patayin! Ipako sa krus!”

“Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?” tanong naman ni Pilato. Sumagot ang mga punong pari, “Wala kaming hari kundi ang Emperador!”
16 Kaya't ibinigay sa kanila ni Pilato si Jesus upang siya'y ipako sa krus. Ipinako si Jesus sa Krus Kinuha nga nila si Jesus.
A. Ang pang-apat na tanong na dapat itanong sa sarili ay ang:sa pag-gawa ng bawat desisyon  ikaw bay pinangungunahan o pinamunuan ng Banal na Espiritu o ikay umaayon lamang sa udyok ng mga tao upang gawin ito? ..
B. Paglalarawan:
Ang isang dalaga pagniyaya ng isang lalaki na makipagtagpo sa kaniya  ang pangunahing iniisip niya ay kung gaano siya kagusto  ng lalaki pagnagkita sila at kung paano siya mapapabilib nito.. at madalas na nakakaliligtaan kong angkop o  bagay ba siya para sa kanya?
C. Ang ibig ng tao ay ang makuha ang pangarap ng iba kong kaya hindi nila nakukuha ang katuparan ng kalooban ng Diyos para sa kanila.

Conclusion
Ang pagpapasya, malaki man o maliit ay maaaring maging mahirap, lalo na kung nais mong maging tiyak na ang iyong desisyon ay nasa kalooban ng Diyos. Ang mga pamamaraang ibinahagi ko sa iyo ay hindi perpekto, ngunit tiyak na aalisin nila ang misteryo sa proseso ng pag-unawa sa kalooban ng Diyos

Tuesday, 26 May 2020

Ang Pinagpala: Part II

Introduction

Ginamit ni Jesus ang salitang mapalad o pinagpala  upang ipaliwanag sa Kanyang mga tagasunod ang landas tungo sa kaligayahan.

 Gayunpaman, ang turong ito ay hindi tinanggap iba dahil mayroon silang ibang paniniwala hingil sa pagpapala at kaligayahan..

Si Friedrich Nietzsche, ang pilosopong Aleman ay ay tinawag itong "isang nakamamatay na sakit.

Ang punto ni Jesus ay kailangan nating baguhin ang ating pokus mula sa pananaw ng mundo ng kaligayahan tungo sa pananaw ng Diyos, upang matagpuan ang anumang kaligayahan sa buhay na ito at ang mga hamon na dumarating sa buhay  ang paraan upang magawa ito.

Sa aking nakaraang Pagtuturo  ay tinalakay natin  ang unang apat sa mga ito.
Ngayong umaga  tatalakayin natin ang natitira pa.  

1. Alamin ang  mga Taong nangangailangan..

Mateo 5:7
7 “Pinagpala ang mga mahabagin,sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.

A.ito’y Nangangahulugan ng pagiging mahabagin at pagpapatawad sa mga hindi karapat-dapat tulad 
ng ginawa ng Diyos

 Roma 5:8
8 Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.

B. Itinuro ni Jesus ang kahabagan ay hindi isang damdamin lamang sa kaibuturan ng puso, kundi isang kagawian na dapat isapamuhay at bigyan ng malalim na pagpapahalaga ng mga Kristiyano.

Mateo 5:38-40
38 “Narinig ninyong sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ 39 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong gumanti sa masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa. 40 Kung isakdal ka ninuman upang makuha ang iyong damit, ibigay mo ito sa kanya pati ang iyong balabal.

 Matthew 18:21-35
C. Hindi tayo pinahintulutan ng Diyos na husgahan ang iba, dahil tayo din ay naligtas dahil sa kaniyang kagandahang loob sa kaniyang awa..

Mateo 18:21-35 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Ang Talinghaga tungkol sa Lingkod na Di Marunong Magpatawad

21 Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?”

22 Sinagot siya ni Jesus, “Hindi pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.[a] 23 Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. 24 Nang simulan niyang magkwenta, dinala sa kanya ang isang lingkod na may utang na milyun-milyong piso.[b] 25 Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad. 26 Lumuhod ang lingkod sa harapan ng hari at nagmakaawa, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ 27 Naawa sa kanya ang hari kaya't pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya.

28 “Ngunit pagkaalis roon ay nakita niya ang isa niyang kapwa lingkod na may utang sa kanya na ilang daang piso.[c] Sinakal niya ito, sabay sabi, ‘Magbayad ka ng utang mo!’ 29 Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ 30 Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ito'y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad.

31 “Sumama ang loob ng ibang mga lingkod ng hari sa pangyayaring iyon, kaya't pumunta sila sa hari at nagsumbong. 32 Ipinatawag ng hari ang lingkod na iyon. ‘Napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. 33 Naawa ako sa iyo. Hindi ba't dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?’ 34 At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran nang buo ang kanyang utang. 35 Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo taos pusong patatawarin ang inyong kapatid.”

Implications:

Pagpapalain tayo ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang awa kung susundin natin ang kanyang kalooban. Ang Kanyang kalooban ay ang magpatawad tayo at magpakita ng kahabagan sa mga taong nakapanakit sa atin

2. Panatilihin ang pagkakaroon ng isang busilak na Puso

Mateo 5:8
8 “Pinagpala ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.
A.ang  tinutukoy ni Jesus ay hindi lamang iyong nagsasabing maypaniniwala sila sa Diyos, kundi iyong mga sumasamba sa kanya nang may katapatan at katotohanan,

 Juan 1:47
47 Nang malapit na si Nathanael ay sinabi ni Jesus, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita. Wala siyang anumang pagkukunwari.”
B. Hindi kinakailangang mamatay ka muna physically bago mo maranasan ang kalapitan ng Diyos,Sinasabi ni Jesus na ang kadalisayan ng puso ang maglalapit sayo sa Diyos.

 Santiago 4:8
8 Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo. Hugasan ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan! Linisin ninyo ang inyong puso, kayong pabagu-bago ang isip.

C. Ang ganitong kadalisayan ay hindi nagmula sa pagiging perpekto ng ating kalooban, ngunit mula sa pagtanggap ng biyaya ng Diyos

Isaias 6:7
7 Idinampi niya ang baga sa aking mga labi, at sinabi: “Ngayong naidampi na ito sa iyong mga labi, pinatawad ka na at nilinis na ang iyong mga kasalanan.”

Implications:
Ang relihiyon at panlabas na mga ritwal ay hindi makakonekta sa atin sa Diyos sapagkat tinitingnan niya ang puso.

3. Itaguyod ang Kapayapaan at Pagkakasundo

Mateo 5:9
9 “Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan,sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.
A. Ibinigay ni Jesus ang Kanyang buhay upang gumawa ng kapayapaan sa pagitan ng Diyos at ng mga makasalanan. Nagiging tagapamayapa tayo kapag dala natin ang mensahe na iyon sa iba

Isaias 52:7
7 O kay gandang pagmasdan sa mga kabundukan,ang sugong dumarating upang ipahayag ang kapayapaan at nagdadala ng Magandang Balita Ipahahayag niya ang tagumpay at sasabihin:“Zion, ang Diyos mo ay naghahari!”

B. Sinabi ni apostol Pablo na ibinigay sa atin ng Diyos ang dakilang ministeryo ng pagkakasundo
2 Corinto 5:18
18 Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng ito. Sa pamamagitan ni Cristo, ibinilang niya kaming mga kaibigan at hindi na kaaway, at pinagkatiwalaan niya kami upang maglingkod nang sa gayon ang mga tao ay maging kaibigan rin niya.

C. Sinabi rin ni Paul na kami ay mga embahador ni Cristo ay inaanyayahan ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan natin

2 Corinto 5:20
20 Kaya nga, kami'y mga sugo ni Cristo; ang Diyos mismo ang nakikiusap sa inyo sa pamamagitan namin. Kami'y nakikiusap sa inyo alang-alang kay Cristo: makipagkasundo kayo sa Diyos.

Implications:
Bilang mga anak ng Diyos ay ipinangangaral natin ang ebanghelyo dahil ito ang katangian ng ating ama sa langit ang ang dakilang tagapamayapa

4. Tignan sa positibong pananaw ang Pag-uusig na nararanasan dahil sa pagsunod kay Kristo....

Mateo 5:11-12
11 “Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan][a] nang dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Alalahanin ninyong inusig din ang mga propetang nauna sa inyo.”
A.      Sinasabi ni Jesus na ang mga hindi matuwid ay uusigin tayo ,paparatangan tayo ng mga masasakit na salita dahil sa ating pagiging matuwid..

2 Timoteo 3:12
12 Gayundin naman, ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng mga pag-uusig,

B. Tinawag tayo upang itaguyod ang kapayapaan sa isang mundo na nagmamahal sa poot at karahasan. Hindi kataka-taka na uusigin tayo,

 Juan 15:19
19 Kung kayo'y taga-sanlibutan, kayo'y mamahalin nito bilang kanya. Ngunit hindi kayo taga-sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula rito, kaya napopoot sa inyo ang sanlibutan.


C. Maaari tayong magalak kahit na tayo ay nakakaranas ng matinding kirot sapagkat si Cristo ay makakasama natin sa lahat ng oras,

Implications:


ang pag-uusig ay hindi maiwasan. Ngunit ang kabiguang ito ay nagsasabing ang ating kasalukuyang pagdurusa ay hindi maitutumbas sa kaluwalhatian na ipinahayag sa atin.
Conclusion
Sinabi ni Burton Hills, "Ang kaligayahan ay hindi isang patutunguhan. kundi  isang paraan ng pamumuhay. " Sinasabi ng Bibliya na ang pagiging mapalad o pinagpala  ay siyang  paraan ng maayos na pamumuhay

Ang mga Pinagpala: Part I

Introduction
Hindi mabilang na pananaliksik ang napatunayan na ang kaligayahan ay ang pinakamalaking layunin ng bawat tao sa buhay.

Mateo 5:3-12 ; Lucas 6:20-22

Ginamit ni Jesus  Ang mga Pinagpala upang ipaliwanag sa Kanyang mga tagasunod ang totoong landas tungo sa kaligayahan.

Sa aral na tatalakayin natin  ngayon, pag-isipan natin kung paano yayakapin ang mga alituntuning ito?

1. Sadyaing aminin ang iyong pangangailangan  sa Diyos

Mateo 5:3
3 “Pinagpala ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.

A.      Ang maging mahirap sa espiritu ay hindi nangangahulugang kahirapan sa pananalapi. Kundi ang  pag-amin nang iyong pangangailangan  sa Diyos

Isaias 64:6
6 Lahat tayo'y naging marumi sa harapan ng Diyos;ang mabubuting gawa nati'y maruruming basahan ang katulad.Nalanta na tayong lahat gaya ng mga dahon; tinatangay tayo ng malakas na hangin ng ating kasamaan.

B.      Lahat tayo ay isinilang sa ganitong estado ng espirituwal na kahirapan.

Ang ipinanganak ka mula sa mayaman angkan o mahirap  na angkan ay walang pinagkaiba.


C.      Ang puntos na ito ay nagtuturo ng dalawang uri ng tao.
Ang mga taong labis na nakikita sa kanilang sarili ang pagmamalaki dahil sa kanilang pananalapi na hayagan naman na nagpapakita  nang  kahirapang espirituwal
at ang pangalawa ay yaong mapagpakumbabang umamin na kailangan niya ang Diyos,

Lucas 18:9-14
Ang Talinghaga ng Pariseo at ng Maniningil ng Buwis
9 Sinabi rin niya ang talinghagang ito sa mga taong matuwid ang tingin sa sarili at hinahamak naman ang iba. 10 “May dalawang lalaking pumasok sa Templo upang manalangin, ang isa ay Pariseo at ang isa ay maniningil ng buwis. 11 Tumayo ang Pariseo at nanalangin nang ganito: ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat hindi ako katulad ng iba na mga magnanakaw, mandaraya, mangangalunya, o kaya'y katulad ng maniningil ng buwis na ito. 12 Dalawang beses akong nag-aayuno sa isang linggo at nagbibigay rin ako ng ikasampung bahagi mula sa lahat ng aking kinikita.’ 13 Samantala, ang maniningil ng buwis nama'y nakatayo sa malayo at di man lamang makatingin sa langit. Dinadagukan niya ang kanyang dibdib at sinasabi, ‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!’ 14 Sinasabi ko sa inyo, ang lalaking ito'y umuwing matuwid sa harapan ng Diyos, at hindi ang Pariseo. Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakababa ay itataas.”


Implications:
Sinabi ni Jesus na mas kinalugdan ng Diyos ang  maniningil ng buwis kaysa sa Fariseo.
Gayundin, ang kaligtasan ay kabilang sa mga taong umamin na sila ay makasalanan, (ang Kaharian ng Langit ay nangangahulugang kaligtasan).

2. Maging isang taong basag sa harap ng Diyos

Mateo 5:4
4 “Pinagpala ang mga nagdadalamhati,sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
A. Ang pinatutukuyan ng panginoong Jesus ay ang mga makadiyos na tao na hindi nagtatago ng kanilang kasalanan sa harapan ng Diyos at sa mga taong  nakapaligid sa kanila,

 Isaias 6:5
5 Sinabi ko, “Kawawa ako sapagkat ako ay isang makasalanan at mula sa isang lahing makasalanan. Mapapahamak ako sapagkat nakita ko ang Hari, si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat!”

B. Ang kaginhawaan na binanggit dito ay ang kahabagan ng Diyos. Binibigyan niya ng kahabagan 
ang lahat nang umaamin at handang talikuran ang kanilang mga pagsalangsang,

Mga Kawikaan 28:13
13 Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti,ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.

C. ang pinagpala at kahabag-habag ay tumutukoy sa dalawang uri ng  tao Ang mga umamin sa mga nagawang pagkakasala at ang ayaw umamin,,

Lucas 23:39-43
39 Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.”
40 Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya!
 41 Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama.”
42 At sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.”
43 Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”

Implications:

ang magnanakaw ay nakakuha ng higit pa kaysa sa kanyang paghingi.
Siya ay nasa matinding sakit ngunit ang kanyang kamatayan ay tiyak na mas komportable kaysa sa buhay dahil alam niya na siya ay pupunta sa  paraiso,at  hindi impiyerno.
Tulad ng magnanakaw na ito kailangan din nating kilalanin ang ating kahabag-habag na kalagayan at tiyak na  pupunasan ni Kristo ang ating mga luha.

3. Isuko ang iyong pakikipagsapalaran para sa personal na  Karapatan

Mateo 5:5
5 “Pinagpala ang mga mapagpakumbaba,sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

A. Ang maamo ay makakaranas ng hapdi ng sugat bunga ng kababaang-loob silay nagdurusa hindi dahil sila ay mahina kundi dahil sila ay mapagpakumbaba,

Isaias 53:7
7 “Siya ay binugbog at pinahirapan, ngunit hindi kumibo kahit isang salita;tulad ay tupang nakatakdang patayin,parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan,at hindi umiimik kahit kaunti man.

B. Kilala sila dahil sa haba ng kanilang pagtitiis o pasensiya na maliwanag na nakikita sa kanilang paglilingkod sa Diyos at sa tao,

 Filipos 2:5-8
5 Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.
6 Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos,hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
7 Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin.
Ipinanganak siya bilang tao.At nang siya'y maging tao,
8 nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.

C. magtiyaga silang Naghihintay  sa Panginoon kayat silay paparangalan sila ng Panginoon sa takdang oras o panahon

Implications:

ang isang tao ay hindi maaaring maging maamo kong nananatili siya sa katangian bilang makasarili ..dapat niya munang hubarin ang dating katangiaan niya.

4. Maintain a hunger and thirst for God4. Panatilihin ang pagkagutom at pagkauhaw sa Diyos

Mateo 5:6
6 “Pinagpala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat sila'y bibigyang kasiyahan ng Diyos.

A.      Ang pinagpala ay nangangahulugan ng pagsisikap na maipagpatuloy ang maayos na ugnayan sa Diyos at kapawa tao.

Mateo 22:37-38
37 Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo.
38 Ito ang pinakamahalagang utos.

Filipos 2:4
4 Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.


C. Ang relihiyon ay isang direktang resulta ng paghahangad ng tao ng tamang ugnayan. Ngunit sinasabi ng Bibliya na si Jesus lamang ang makakapagbigay ng kasiyahan at pagkauhaw sa katuwiran

Juan 4:13-14
13 Sumagot si Jesus, “Ang bawat uminom ng tubig na ito'y muling mauuhaw,
14 ngunit ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay ko ay magiging batis sa loob niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.

Implications:
Tiniyak ni Hesus sa babaeng Samaritan ang dalawang bagay. Ang sinumang uminom ng tubig na ibinigay ni Jesus sa kanya ay hindi na muling mauhaw. Nangangahulugan ito ng pagpapanumbalik ng kanyang kaugnayan sa Diyos at sa tao. Ang tubig na ito ay magiging isang bukal ng tubig din. Nangangahulugan ito ng walang hanggang kalikasan ng ugnayan ng Diyos at sa tao.

Thursday, 21 May 2020


ASIN NG SANLIBUTAN ,LIWANAG NG SANLIBUTAN,AT ANG LUNGSOD SA  ISANG BUNDOK

Introduction
Ngayong umaga gusto ko pong tignan natin ang isa pa sa pinakamagandang bahagi na natala sa kasulatan ayon sa aklat ni Mateo 5:13-16
Mateo 5:13-16
13 “Kayong mga tagasunod ko ang nagsisilbing asin sa mundo. Ngunit kung mag-iba ang lasa ng asin, wala nang magagawa para ibalik ang lasa nito. Wala na itong pakinabang kaya itinatapon na lang at tinatapak-tapakan ng mga tao.14 “Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo. At ito ay makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago. 15 Walang taong nagsindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan upang magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay. 16 Ganoon din ang dapat ninyong gawin. Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.”

Sa tingin po ng iba ito ay napakadaling unawaing talata sa biblia ,pero hindi po ganun ang aking nakita..

Ito po ay isang malalim na aral na kinakailangang pagbuhusan ko na puspusang pag-aaral upang maibigay ito sa inyo ng mainam..

Kinailangan ko talaga ang gabay ng Espiritu Santo upang maibahagi ito ng may malawak na pagtanaw at hindi sa  simpleng pagkaunawa lamang.

Kinakailangan ng mahabang preparasyon at pag-aaral sapagkat ayaw kong masayang ang panahon ninyo sa pakikinig ng walang bagong natutunan kundi paulit-ulit lamang.

Unahin po nating tignan iyong :

1.ASIN NG SANLIBUTAN  

 Sa akin pong pag-aaral ay aking nakita na hindi lamang sa Bibliya makikita ang paggamit ng Pariralang  ito kundi pangkaraniwang ginagamit din pala ito ng mga tao sa gitnang silangan
at Ayon po sa Meriam-Webster Dictionary  it’s a phrase used to refer to people of good character.
Sa wikang tagalog po . Ang pariralang ito ay tumutukoy sa mga taong mayroong mabuti o maayos na katangian,..

Ngunit bakit nga ba sinabi ni Jesus na tayo ay Asin at Ilaw ng Mundo?

Ang Asin ay may kakaiba at natatanging Tambalan o timplada ng kemikal,wala siyang kapara ..o walang maihahambing sa kaniya sa madaling salita wala siyang katulad..

Nais ipakita ng Panginoon dito na dapat maging kakaiba ka.!

Ngunit ang tanong naman papaano ka magiging kakaiba sa mundong iyong ginagalawan sa kasalukuyan?

Balikan natin ang orihinal na lengguwahe na kong saan naisulat ang bagong tipan. Upang mahanap natin ang kasagutan.

The Greek word for salt is ‘halas’ which means prudent.
Ano ba ang Prudent sa salin sa wikang pambansa natin..( maalam,maingat,mahinahon,may isip,masinop,mapaghanda,may bait,may hunos dili) yon pala mga kapatid..

Colosas 4:6
6 Kung nakikipag-usap kayo sa kanila, gumamit kayo ng mga kawili-wiling salita para makinig sila sa inyo, at dapat alam nʼyo kung paano sumagot sa tanong ng bawat isa.
Yong ginamit ni Pablo na wikang Griego ay parehas sa ginamit ni Mateo .

Ang pagiging mahinahon ang siyang basihan sa katangian ng disepulo ni Cristo at nakikita ito sa pamamgitan ng uri ng pananalita.

Ang asin po ay hindi basta basta nawawala ang kaniyang kabuluhan dahil mayroon po siyang taglay na natatanging Tambalan o timplada ng kemikal at ito’y napakatatag.

Kong ganun nga po ang kaniyang kalidad ..bakit po sinabi sa aklat ng Mateo :

Mateo 5:13

13 “Kayong mga tagasunod ko ang nagsisilbing asin sa mundo. Ngunit kung mag-iba ang lasa ng asin, wala nang magagawa para ibalik ang lasa nito. Wala na itong pakinabang kaya itinatapon na lang at tinatapak-tapakan ng mga tao.

Sa  mga sinaunang araw hindi katulad ngayon ..ang mga asin ay hindi inaani sa pamamagitan vaporization o sa tagalog singaw. Kundi ang asin ay inaani sa pamamgitan ng mas hindi gaanong maaasahang mga pamamaraan . kaya ang uri ng pamamraang ito ay madumi kong minsan kaya itinatapon nalang sa daan at tinatapaktapakan ng mga tao.

Kaya ang ibig sabihin ni Jesus malaya kang mamili ano Gusto mo mamuhay ka ng maingat o walang pagiingat..

Paano natin pipiliin ang pagiging maingat..?

Mateo 12:34
34 Mga lahi kayo ng ahas! Paano kayo makakapagsalita ng mabuti gayong masasama kayo? Sapagkat kung ano ang laman ng puso ng isang tao, ito ang lumalabas sa kanyang bibig.
Tayo din po ay binalaan na bantayan ang ating mga puso..

Kawikaan 4:23
23 Higit sa lahat, ingatan mo ang iyong isipan, sapagkat kung ano ang iyong iniisip iyon din ang magiging buhay mo.

Kong gusto mo na maging maingat na Kristiyano kinakailngan kang magsimula sa pamamagitan ng pagpapalit ng puso..mag pa opera ka kay Lord ..

At pagnapalitan na niya ang puso mo ito na ang magiging katangian mo..bago na
Magiging maalam,maingat,mahinahon,may isip,masinop,mapaghanda,may bait,may hunos dili
Kaya ang buhay mo ay mapupuno ng sigla,galak,kapayapaan Amen.

2. LIWANAG NG SANLIBUTAN

Ngayon lumipat tayo mula sa talinghaga ng Asin tungo sa ilaw ng sanlibutan..
Ang ebanhelyo ni Juan ay nagsabi na si Jesus ay Ilaw ng Sanlibutan.

Juan 1:9
9 Ang tunay na ilaw na nagbibigay-liwanag sa lahat ng tao ay dumating na sa mundo.

Kong si Jesus ang ilaw ng sanlibutan bakit tayo tinawag ni Jesus na ilaw ng sanlibutan?

Mayroon po akong ibibigay sa inyo na tatlong kadahilanan.:

1.       Ang sinasabi ni Jesus ang ating mga kasanayan o uri ng pamumuhay ay katibayan ,pagpapakita,tanda,katunayan,patotoo,pagpapakilala,paghahayag,patunay,pagpapahalata ng kaniyang liwanag sa pamamagitan natin..

Ang wikang Griego na ‘phos’ ang siyang  ginamit ni Mateo patungkol sa ilaw at ang ipinampalit na kahulugan ay katibayan o patunay

Mas lalong binigyang linaw po ito ng Amplified Version of the Bible.. ang sabi doon “You are the light of Christ to the world.”

Hindi sinasabi ni Jesus na tayo mismo ang ilaw kundi tayo ang katibayan o patunay ng kaniyang ilaw o liwanag sa sanlibutan..

2.       Binibigyan tayo muli ni Jesus ng kalayaang mamili kong nais nating maging katibayan o patunay ng kaniyang liwanag sa sanlibutan o mamuhay sa kadiliman


Sabi ng  Meriam-Webster Dictionary dark as the absence of light.

Pababawin natin sa simpleng salita  “madilim kasi walang ilaw..

Ang liwanag po ay wala kapag ang ating kinasanayang gawin ay kontra sa nais o kalooban ng Diyos ang resulta kadiliman..dahil pinahintulutan mong pasukin ka ng kadiliman..

Juan 12:35
35 Sumagot si Jesus, “Maikling panahon na lang ninyong makakasama ang ilaw. Kaya mamuhay kayo sa liwanag ng ilaw na ito habang narito pa, para hindi kayo abutan ng dilim. Sapagkat hindi alam ng naglalakad sa dilim kung saan siya papunta.

3.       Tinawag muli tayo ni Jesus sa pangalawang pagkakataon na maging kakaiba.
Yong una ng sabihin niya na tayo ay maging asin ng sanlibutan at ang pangalawa ay ang maging ilaw.

Ang gusto niyang ipakita sa atin dito iyong pagkakaiba ng kaniyang mga disepulo sa mga di mananampalataya

Kaya pagnakita tayo ng mga di mananampalataya sila ay kombinsido na sila ay iginugupo ng kadiliman.

Ano ang gagawin nati bilang mga saksi ng kaliwanagan?
1 Juan 1:4
4 Isinusulat namin ito upang malubos ang aming kagalakan.
Tayo ay magiging katibayan  ng liwanag ng ilaw ni Jesus sapamamgitan ng ating relasyon sa kaniya.
At ito nga po ay ilang bises na binangit ni Juan :

Juan 14:23
23 Sumagot si Jesus, “Ang nagmamahal sa akin ay susunod sa aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama at mananahan kami sa kanya.

Juan 15:5
5 “Ako ang puno ng ubas, at kayo ang aking mga sanga. Ang taong nananatili sa akin at ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa akin.

1 Juan 1:3-4
3 Ipinapahayag namin sa inyo ang nakita at narinig namin upang maging kaisa namin kayo sa Ama at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. 4 Isinusulat namin ito upang malubos ang aming kagalakan.
Ang katibayan nang liwanag ni Cristo ay di sapat ,hindi ito magiging kapakipakinabang sa iba hangat hindi natin hahayang ito ay magliwanag sa pamamgitan ng ating buhay.
Dahil po diyan dumako na tayo sa pangatlong talinghaga at ito ang Lungsod sa gitna ng Bundok

4.       LUNGSOD SA GITNA NG BUNDOK

Ang sinaunang bayan ay kadalasang nakatayo sa puting Limestone o sa tagalog ay Apog.
Ito’y kumikinang kapag araw at kapag gabi naman ay nagliliwanag dahil sa mga lamparang may langis sa buong kapaligiran nito ay nagliliwanag.

Kong kaya nga ang lungsod na ito ay madaling makita ng mga manlalakbay upang doon sila mamahinga kahit na milya-milya ang layo nito...

Sa gabi doon sila matutulog at sa araw doon nila papawiin ang kanilang kauhawan at kapaguran sa paglalakbay.

Nagpalit ng pagtuon si Jesus mula sa liwanag ng lungsod tungo sa liwanag ng isang sambahayan.
Sa sinaunang gitnang silangan ang mga bahay ay mayroong maliit na ilawan na yari sa clay .

Sa kadahilanan nga na ang mga bahay ay simple lamang isang kwarto lamang kaya nga ang isang ilawan ay sapat na para maliwanagan ang buong tahanan.

Ginamit ng Diyos ang halimbawang ito sa sanlibutan upang turuan sila ng Espiritwal na aralin..
Ang pagliwanagin ang iyong ilawan ay hindi palaging mabuting karanasan,dahil ang liwanag ay hindi tangap saan ka man pumunta kasi inilalantad nito ang gawa ng kadiliman.

Efeso 5:13
13 Pero kung pagsasabihan nʼyo sila sa masasama nilang ginagawa, malalaman nilang masama nga ang kanilang mga ginagawa.

Kaya kinakailangan tayong magpasya kong nais nating pasayahin ang Diyos o ang mga tao..

Juan 12:42-43
42 Ganoon pa man, maraming pinuno ng mga Judio ang sumampalataya kay Jesus. Pero inilihim nila ang kanilang pananampalataya dahil takot silang hindi na tanggapin ng mga Pariseo sa mga sambahan. 43 Sapagkat mas ginusto pa nilang purihin sila ng tao kaysa ng Dios.

Sabi ni Jesus hayaan nating magliwanag ang ating buhay sa pamamgitan ng paggawa ng kabutihan sa kapwa.

Sa wikang Griego ‘works’ is translated as ‘ergon’. It means ‘labour’. Sa tagalog Gawa
Hangat hindi ka handang gumawa hindi ka magliliwanag sa sanlibutan.

Conclusion
Sa aking pagtatapos gusto kong ibahagi ang sa inyo ang laman ng aking kaisipan ..sa mundong ating ginagalawan tayo po ang pinaka mahalagang nilalang ..baki po ? dahil tayo po ang nagsisilbing ilaw at asin sa sanlibutan kong wala tayo magiging magulo at mawawalan ng kapayapaan ang mundo kaya sabihin mo sa katabi mo mapalad ka napasama ka sa mahalagang nilalang nabubuhay sa mundo pagpalain po tayong lahat ng ating panginoon.


Bakit kinakailangan tayong lubusang lumayo sa paginom ng alak..?

Introduction
Ang tinatayuang pundasyon ng ating samahan hingil dito ay hango sa pundasyong tinatayuan ng Assemblies of God na kong saan doon tayo nangaling..

Ang tawag po dito ay total abstinence or “teetotalism” when it comes to the use of alcoholic beverages.

Sa panahon natin ngayon na sobrang niyayakap na ng mga tao maging ng mga kristiyano ang kalayaan paano natin ma idedepensa ang ating pinaniniwalaan..?

Marami sa ngayon ang naghahanap ng lusot para maipagpatuloy ang pagkalulong sa paginom ng alak..

Halimbawa nito yong kasalan sa Cana..yong unang himalang ginawa ni Jesus..

Abay kapag binasa mong maiigi iyon wala si Jesus sa umpokan ng mga nagiinuman nasa sulok sila kasama ang kaniyang mga alagad..

Sa hiling ng kaniyang ina  lumikha siya ngunit kakaibang alak ang kaniyang nilikha..

Medyo inis nga si Jesus doon sa pagsagot niya kay mary ngunit ayaw niyang mapahiya si mary kaya sinunod niya ito..ngunit hindi siya tumikim o uminom man lang ng alak ..malinaw po iyon..

Kaya mahina pong basihan iyan para sa katuwiran

Read

Mga Kawikaan 23:29-35

29 Sino ang may kalungkutan at may malaking panghihinayang? Sino ang may kaaway at kabalisahan? Sino ang nasusugatan nang di nalalaman? At sino ang may matang pinamumulahan?
30 Sino pa kundi ang sugapa sa alak, at ang nagpapakalango sa masarap na inumin.
31 Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito'y katakam-takam,
32 sapagkat kinaumagahan ay daig mo pa ang tinuklaw ng ahas na makamandag.
33 Kung anu-ano ang iyong sasabihin, at hindi ka makapag-isip nang mabuti.
34 Ang makakatulad mo'y nasa gitna ng dagat at hinahampas ng malalaking alon. Pasuray-suray kang maglalakad
35 at sasabihin mo, “Ano sa akin kung ako'y mahandusay? Mabulagta man ako, ayos lang iyan! Pagbangon ko, iinom muli ako.”

Efeso 5:18
18 Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu.

1.       ANG PANGANGAILANGAN PARA SA MENSAHE NA ITO

·         Sa palagay ninyo Ito ba ay mahalagang pag-usapan?

Kinuha ko po ang  isang article mula sa  Patrol.ph ABS-CBN News

Sa isang interview Sabi po ni rehabilitation counselor na si Envic Zamora
Mula sa pagdiriwang ng mga okasyon hanggang sa pagiging pantanggal ng pagod at stress, may iba-ibang dahilan ang bawat tao sa pag-inom ng alak.

Pero nagbabala ang  eksperto hinggil sa labis na pag-inom at pagdepende sa alcohol, na hindi umano nakabubuti para sa katawan.

"They drink because they have problems, to get away from the issue, problems at work. The problem is they abuse it," yon po ang sabi niya.
Alcoholic o alcohol-dependent ang tawag sa taong bisyo ang alak.

"[Kapag] siya na 'yong gumagawa ng occasion para makainom, may problema na, kasi gusto niyang uminom every week," ani Zamora.

Ayon kay Zamora, ilan sa mga sintomas ng pagiging alcoholic ay ang pagiging bugnutin, namamawis o nanginginig kapag hindi nakatitikim ng alak.

"Marami kasing alcoholic, ang tingin nila leisure lang 'yong alak so hindi nila matanggap na may problema. So here, pinapaintindi namin sa kanila na once hinahanap na ng katawan mo, there's a problem."

Mahalaga raw para sa mga alcoholic na magkaroon ng suporta mula sa kaniyang mga kaanak at malapit na kakilala.

Dagdag ng eksperto, mas maganda kung maaga pa lang ay maagapan na ang pagiging lulong sa alak sa pamamagitan ng pagdisiplina sa sarili.

"Sa iba kasi mas magandang napipigil na siya habang kaya pa, habang wala pang lumalabas na sakit o diperensiya 'yong katawan mo," ani Zamora.

·         Malinaw po na nakakasira sa ating lipunan,sa pamilya,at sa iyong katawan ang pag-gamit o pag-inom ng Alak

Ayon sa isang artikulo na aking nabasa sa bandera.inquirer.net
MAHIGIT sa 10,000 aksidente sa kalsada kada taon ang iniuugnay sa pag-inom ng alak, bukod pa sa 40 sakit ang iniuugnay sa alcoholism. “Alcoholism is linked with about 40 main diseases, including liver cirrhosis, cancer, pancreatic disease, hypertensive disease, tuberculosis, diabetes, and mental diseases.” Ayon sa datos ng World Health Organization noong 2016, 4,431 sa bawat 100,000 Filipino ang namamatay sa liver cirrhosis; 16,418 sa hypertensive diseases at 8,526 sa tuberculosis. bandera.inquirer.net

·         Ang Alcohol abuse and alcoholism within a family is a problem that can destroy a marriage ..
·         Ang ibig sabihin lang po ang mga tao na manginginom ay isinusuka lamang ang budget na para sa pamilya..

·         Kaya lumilikha ito ng kaguluhan,away pamilya,pagpapabaya ng Ama o Ina sa pangangailangan ng mga anak dahil sa pagiging sugapa sa alak,

·         Nasisira nito ang moral ng isang tao..nagiging dahilan ito ng mga nangyayaring krimen katulad ng patayan,pang-aabusong Physical,Emotional,sexual sa ibang tao at maging sa sariling pamilya..


·         Yan ang dahilan kong bakit hindi natin pinahihintulutan sa ating samahan ang pag-gamit at pag-inom ng alak..

Magbibigay po ako ng limang epekto sa pamilya ng pag-gamit o pag-inom ng alak

1.       Maaaring magkaroon ng malalang sakit tulad ng sakit sa atay na nagiging dahilan ng pagiging imbalido sa pamilya - Kung ang isang ama ng tahanan o kaya’y ina ng tahanan ay pala inom ng alak, maaari siyang magkaroon ng malalang karamdaman. Dahil dito, maaari siyang mamatay sa malubhang sakit at maiwanan niya agad ang kaniyang pamilya.

2.       Nawawalan ng panahon sa anak at sa pamilya - dahil sa pagkalulong sa alak, maaaring mawalan na siya ng panahon sa kaniyang pamilya. Ang buong oras at araw niya ay nilalaan na lamang niya sa pag-iinom o bisyo niya.


3.       Nauubos ang pang budget sa pamilya - dahil sa pagkakalulong sa alak, maaari ring maubos ang pera na itinatabi o kinikita ng isang ama para sa pamilya. Imbes na pangkain at pangangailangan nila ang kaniyang bibilhin, nagiging pambili na lamang ito ng alak.

4.       Ito ay nagmimitsa o nagpapasimula ng away sa pamilya - dahil sa sobrang kalasingan, nakakapaghamon ng away ang isang lasing o lango sa alak. Ito rin ang nagiging dahilan kung kaya sila nag aaway sa isang pamilya. Nagmimitsa rin ito ng mas malalang away sa kanila. O maaari rin itong maging dahilan upang alalahanin nila kanilang mga sinaunang away pa.


5.       Pagkatanggal sa trabaho - kung ang isang ama ay lango o lulong sa pag-inom ng alak, maaari rin siyang matanggal sa trabaho. Imbes na siya ay papasok sa trabaho, siya ay lumiliban sapagkat siya ay lasing. Hindi ito katanggap-tanggap na rason kung ang isang tao ay liliban sa trabaho.

2. MULA SA MAKA BIBLIYANG PANANAW.

Ang Bibliya ang nagbigay babala patungkol sa pag-inom ng Alak..
Mga Kawikaan 20:1
20 Ang alak ay nagpapababa sa dangal ng isang tao,kaya isang kamangmangan ang magpakalulong dito.

Isaias 5:11
11 Kawawa ang maaagang bumangon na nagmamadali upang makipag-inuman; inaabot sila ng hatinggabi hanggang sa malasing!
Levitico 10:9
9 “Kung ikaw at ang iyong mga anak ay pupunta sa Toldang Tipanan, huwag kayong iinom ng alak o anumang inuming nakakalasing. Mamamatay kayo kapag ginawa ninyo iyon. Ito ay tuntunin na dapat tuparin ng lahat ng inyong salinlahi.

·         Si Juan Bautista po ay hindi uminom ng Alak.
Lucas 1:15
15 sapagkat siya'y magiging dakila sa paningin ng Panginoon. Hindi siya dapat uminom ng alak o anumang inuming nakakalasing. Sa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina ay mapupuspos na siya ng Espiritu Santo.

Efeso 5:18
18 Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu.

Mga Kawikaan 23:29-35
29 Sino ang may kalungkutan at may malaking panghihinayang? Sino ang may kaaway at kabalisahan? Sino ang nasusugatan nang di nalalaman? At sino ang may matang pinamumulahan?
30 Sino pa kundi ang sugapa sa alak, at ang nagpapakalango sa masarap na inumin.
31 Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito'y katakam-takam,
32 sapagkat kinaumagahan ay daig mo pa ang tinuklaw ng ahas na makamandag.
33 Kung anu-ano ang iyong sasabihin, at hindi ka makapag-isip nang mabuti.
34 Ang makakatulad mo'y nasa gitna ng dagat at hinahampas ng malalaking alon. Pasuray-suray kang maglalakad
35 at sasabihin mo, “Ano sa akin kung ako'y mahandusay? Mabulagta man ako, ayos lang iyan! Pagbangon ko, iinom muli ako.”


Wednesday, 20 May 2020


ANG PAGKA DIYOS NI KRISTO?

Tanong:
"Si Hesu Kristo ba ay Diyos? Inangkin ba ni Hesu Kristo na Siya ay Diyos?"

Sagot:
Wala pong talata sa Banal na Kasulatan kung saan tuwirang sinabi ni Hesu Kristo ang ganito: “Ako ay Diyos,” ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi Niya kailanman ipinahayag na Siya ay Diyos.

Isa sa mga halimbawa ay ang sinabi ni Hesu Kristo sa Juan 10:30, “Ako at ang Ama ay iisa.”
Sa biglang tingin, tila hindi ito tuwirang pag-angkin ni Hesus na Siya ay Diyos.

Ngunit, para sa mga Hudyo ang sinabi ni Hesus ay tiyakang pag-angkin na Siya ay Diyos.

Ganito ang reaksyon ng mga Hudyo, “Hindi dahil sa mabuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos. Sapagkat nagpapanggap kang Diyos gayong tao ka lang” (Juan 10:33).

Sa nabanggit na mga talata, hindi itinuwid ni Hesu Kristo ang mga Hudyo gaya ng pagsasabing, “Hindi ko inangkin ang pagiging Diyos.”

Ipinahihiwatig lamang nito na si Hesu Kristo ay Diyos nang Kanyang sabihin, “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).

Sa Juan 8:58, ganito naman ang wika ni Hesus, “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, bago pa ipinanganak si Abraham, Ako ay Ako na!” Muling kumuha ng bato ang mga Hudyo at tinangkang batuhin si Hesus.

Bakit kailangang batuhin ng mga Hudyo si Hesu Kristo, kung wala Siyang sinabi na sa paniniwala nila'y pamumusong sa pangalan ng kataas-taasang Diyos?

Sinasabi sa Juan 1:1, “Sa pasimula pa'y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita, at ang Salita ay Diyos.”

Sa Juan 1:14, nakasaad naman ang ganito, “Naging tao ang Salita at Siya'y nanirahan sa piling natin.”

Ito'y malinaw na nagpapahayag na si Hesu Kristo ay Diyos na nagkatawang-tao.

Sinasabi sa atin sa Gawa 20:28, “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng kabilang sa katawan, sapagkat inilagay sila ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang Iglesiya ng Diyos na Kanyang tinubos sa pamamagitan ng kamatayan ng Kanyang sariling Anak.”

Sinabi din sa Gawa 20:28 na tinubos ng Diyos ang Kanyang Iglesya sa pamamagitan ng Kanyang banal na dugo. Samakatuwid si Hesu Kristo ay tunay Diyos.

Ganito naman ang sinabi ng alagad na si Tomas kay Hesu Kristo,

Juan 20:28
28 Sumagot si Tomas at sinabi sa kaniya: Aking Panginoon at aking Diyos.

Tito 2:13
13 habang hinihintay natin ang pinagpalang araw na ating inaasahan. Ito ang araw na mahahayag ang kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo,

2 Pedro 1:1
1 Mula kay Simon Pedro, isang lingkod[a] at apostol ni Jesu-Cristo—Para sa inyong lahat na tulad nami'y tumanggap ng napakahalagang pananampalatayang mula sa ating makatarungang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.

Mga Hebreo 1:8
8 Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya,“Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan.Sa aklat ng Pahayag, itinuro ng anghel kay Apostol Juan na tanging Diyos lamang ang sasambahin

Pahayag 19:10
10 Nagpatirapa ako sa kanyang paanan upang sambahin siya, ngunit sinabi niya sa akin, “Huwag mong gawin iyan! Ako ma'y aliping tulad mo at tulad ng iyong mga kapatid na nagpapatotoo tungkol kay Jesus. Ang Diyos ang sambahin mo, sapagkat ang pagpapatotoo tungkol kay Jesus ang diwa ng propesiya.

Makailang ulit din na naitala sa Banal na Kasulatan na sinamba si Hesu Kristo

Mateo 2:11
11 Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira.

Mateo 14:33
33 at sinamba siya ng mga nasa bangka. “Tunay nga pong kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila.

Mateo 28:9
9 Ngunit sinalubong sila ni Jesus at binati. Lumapit sila sa kanya, hinawakan ang kanyang mga paa at sinamba siya.

 Mateo 28:17
17 Nang makita nila si Jesus, siya'y sinamba nila, subalit may ilan sa kanilang nag-alinlangan.,

Lucas 24:52
52 Siya'y sinamba nila at pagkatapos ay bumalik sila sa Jerusalem na punung-puno ng kagalakan.

Juan 9:38
38 “Sumasampalataya po ako, Panginoon!” sabi ng lalaki. At sinamba niya si Jesus.
Kahit kailan, hindi sinaway ni Hesu Kristo ang mga sumamba sa Kanya.
Kung hindi Siya Diyos, sana ay pinagsabihan Niya ang mga tao na huwag Siyang sambahin tulad ng ginawang pagsaway ng anghel kay Apostol Juan sa Pahayag 19:10.

Marami pang mga talata at pahayag sa Banal na Kasulatan ang nagpapatunay sa pagka-Diyos ni Hesu Kristo.

Ang pinakamahalagang nagawa ng pagiging Diyos ni Hesu Kristo ay ang Kanyang ganap na handog: ang Kanyang kamatayan, bilang sapat na kabayaran ng kasalanan ng buo

1 Juan 2:2
2 Si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, hindi lamang ang ating mga kasalanan, kundi maging ang kasalanan ng lahat ng tao.Tanging Diyos lamang ang nagtataglay ng kakayahan at katuwiran upang mahango ang tao sa walang hanggang kaparusahan.
Tanging Diyos lamang ang may kakayahang akuin ang kasalanan ng sanlibutan

2 Corinto 5:21
21 Hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pakikipag-isa natin sa kanya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.


Friday, 15 May 2020


ANG KAHANGA-HANGANG KAHABAGAN NG DIYOS (part-2)

Ang antinomianismo ay nagmula sa Greek na ang kahulugan ay walang batas.
Ang paniniwala na  ang moral law ay wala ng kabuluhan ngayon at hindi na tayo inuubliga pang sundin ito  dahil tayo ay nassasakop na ng gospel dispensation of grace, at ayon dito ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya.

Kaya nga ang paniniwalang ito ng mga antinomianismo ay direktang sumasalangsang sa biblical doctrine of grace.

At ito nga po ay mahigpit na tinutulan ng ilan sa mga most notable Theologians in church history.

The Christian is required to obey the moral law, not in order to be accepted by God but in order to continue in His grace. (John Wesley)

God promises grace and every blessing to all who keep His commandments and Christians should therefore love Him, trust Him, and cheerfully do what He has commanded. (Martin Luther)

Kapag inalis mo at binaliwala ang utos ng Diyos ,hindi mo matatangap ang kaniyang salita ng kahabagan.

Paano ka magkakaruon ng pag-asa na makasalo sa kaniyang hapag kong sa isang pagkakataon sa buhay mo tinakbuhan mo siya o tinakasan mo siya.?

Ang taong sumusuway ay hindi naniniwala,dahil ang tanging sumusunod lamang ang naniniwala.

TIGNAN PO NATIN NGAYON ANG MAKABIBLIYANG PANANAW PATUNGKOL SA BIYAYA AT BATAS.

Hindi inalis ni Cristo ang batas .kundi tnupad niya ito

Mateo 5:17
17 “Huwag ninyong isipin na naparito ako upang ipawalang-saysay ang Kautusan ni Moises at ang isinulat ng mga propeta. Naparito ako upang tuparin ang mga ito.

1.       ANG KAHABAGAN AY HINDI PROPORSIYONAL SA KASALANAN

Ang kadalasang pagkakamali sa pagbibigay ng interpretasyon sa

Roma 5:20-21
20 Ibinigay ng Dios ang Kautusan para ipakita sa mga tao na marami ang kanilang pagsuway, at nadadagdagan pa nga dahil sa Kautusan. Pero kung nadadagdagan ang pagsuway, higit na nadadagdagan ang biyaya ng Dios. 21 Kaya kung paanong naghari ang kasalanan at nagdulot ng kamatayan, ganoon din naman, naghahari ang biyaya ng Dios at nagdudulot ng buhay na walang hanggan. At dahil sa ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo, itinuring tayong matuwid ng Dios.

Romans 5:20-21 sinbasabi ba na ang biyaya ay kasukat ng  kasalanan?

Ang katotohanan ang biyaya at kasalanan ay hindi pwedeng magabot hindi pwedeng magsama.
Dahil habang nararanasan ng tao ang kahabagan ng Diyos ,hindi na niya nanaisin  pang magkasala..dahil ang biyaya ng Diyos ang siyang nagpapalakas sa kaniya upang mumuhay ng naayon sa kaniyang kalooban o sa nais ng Diyos at hindi sa nais niya,

Hindi ka dadalhin ng biyaya para magpatuloy doon sa bagay na kong saan doon ka niya iniligtas.

Ang totoong biyaya ay hindi ka dadalhin nito sa kalagayan ng pagsuway upang pagsamantalahan siya o yurakan siya.

Roma 6:1-2
6 Ano ngayon ang masasabi natin? Magpapatuloy ba tayo sa kasalanan para lalong madagdagan ang biyaya ng Dios sa atin? 2 Aba, hindi maaari! Hindi maaari na magpatuloy pa tayo sa pagkakasala dahil ang kasalanan ay wala ng kapangyarihan sa atin.

2.       ANG BIYAYA AY HINDI LISENSIYA PARA SA PAGLABAG...
Ang biyaya ay ibinigay upang sa gayon ang makasalanan ay magsisi at makapanumbalik sa Diyos.

Ang tunay na pagsisisi  ay nangangahulugang pagpapahayag ng iyong nagawang kasalanan at pagtalikod na ng lubusan..

Hindi pwedeng magpatuloy sa paggawa ng kasalanan sa ngalan ng biyaya.

Judas 4-5
4 Sumulat ako sa inyo dahil hindi ninyo namalayan na napasok kayo ng ilang mga tao na pinipilit baguhin ang mga aral tungkol sa biyaya ng Dios upang makagawa ng kalaswaan. Tinalikuran nila ang ating Panginoong Jesu-Cristo na nagmamay-ari ng ating buhay. Silaʼy mga taong walang Dios na noon pa man ay nakatakda nang parusahan ayon sa Kasulatan.
5 Kahit alam nʼyo na, gusto ko pa ring ipaalala sa inyo na kahit iniligtas ng Panginoon ang mga Israelita sa pagkaalipin sa Egipto, sa bandang huli ay pinatay niya ang ilan sa kanila dahil hindi sila sumampalataya sa kanya.

Kinakailangan makalikha tayo ng bunga ng biyaya . yan ang tuntunin ng  biyaya na hindi dapat nating kaligtaan.

Juan 15:1-2
15 Sinabi pa ni Jesus, “Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga. 2 Pinuputol niya ang aking mga sangang hindi namumunga, at nililinis niya ang bawat sangang namumunga para lalo pang mamunga.

ANG KAHALAGAHAN NG BATAS NA MORAL.

Mayroong pong malalim na relasyon sa pagitan ng Batas at Ebanghelyo.
Dahil hindi matutupad ang batas kong wala ang Ebanghelyo.,ang Ebanghelyo kailanman ay di maipangangaral kong di titignan ang batas .liban sa batas ang Ebanghelyo ay walang kabuluhan
Ang batas ang nagtutulak sa makasalanan tungo sa kahanga-hangang biyaya o kahabagan ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo dahil nalantad ang katotohanan patungkol sa kasalanan

Galacia 3:24
24 Ang Kautusan ay naging tagapag-alaga natin hanggang sa dumating si Cristo, para sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya ay maituring tayong matuwid.

Galacia 2:16
16 Ngunit alam namin na ang tao ay itinuturing na matuwid ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan. Kaya nga kaming mga Judio ay sumampalataya rin kay Cristo Jesus para maituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi dahil sa pagsunod sa Kautusan. Sapagkat walang sinumang maituturing na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan.

May mga uri po ng kautusan ayon sa lumang tipan: kautusang pangseremonya, kautusang moral, at panghudikatura/kautusang sibil
Yon pong moral law at civil law ay hindi inalis ng Diyos ang inalis niya iyong ceremonial law

Salmo 119:105
105 Ang salita nʼyo ay katulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa aking dadaanan.

Ang ibang relihiyon ay nagtuturo na makaktangap tayo ng biyaya kong gagawa tayo ng mabuti.
Ang sangkakristiyanuhan ay nagtuturo na ang Diyos ay nagbigay biyaya upang sa ganun makagawa tayo ng mabuti

Huwag nating kalimutan na ang biyaya ay libreng ipinagkaloob ngunit hindi po ito nasa kateguryang mababa ang kalidada kundi sobrang napakahalaga sa Doktrinang Kristiyano

Isinakripisyo ng Diyos ang kaniyang kaisa-isang anak .sikapin nating mamuhay para sa kaniya.



ANG KAHANGA-HANGANG KAHABAGAN NG DIYOS (Part 1)

Ang BIYAYA O kahabagan  ang isa sa mahalagang Doktrina ng pananmpalatayang Kristiyano.
Ito ang Pundasyon ng Kristiyanismo .

Mahalagang maintindihan po natin itong maiigi at palawakin ang kaalaman sa Doktrina dahil walang kristiyanismo kong wala ito.

Ang BIYAYA ay pangunahing pangangailangan.

The New Dictionary of Pastoral Studies’ defines the grace as “The forgiving love and generosity of God.”

Noong taong 1976, nang ang pangulo ng Ceylon ay si Mr. William Gopallawa
Iyon pong isang bilango na isasalang na sa kinabukasan sa parusang kamatayan na nagngangalang Sumanapala ay winakwak niya ang kaniyang tiyan noong kinagabihan ..
Iyong mga maykapangyarihan sa kulungan ay isinugod siya sa malapit na pagamutan .
At kinabukasan ay dinala muli siya sa kulungan upang isagawa na ang nasabing parusang kamatayan na igagawad sa kaniya.
Ngunit ng malaman ng Presidente na si Mr Gopallawa ang kaniyang ginawa. nagutos ang pangulo na iusog ang paggawad ng parusang kamatayan sa taong ito dahil sa nakaramdam siya ng habag
Lumipas ang ilang araw nag labas ng panibagong utos ang pangulo na siya ay palayain ng lubusan..

Hindi binigyang linaw kong bakit nagawang palayaing lubusan ng Pangulo si Sumanapala sa kasalanang nagawa ..ngunit ibinahagi ko lamang po ito sapagkat sa kwentong ito ay muling napaalala sa akin iyong kahanga-hangang kahabagan ng Diyos.  

Sinasabi ng banal na kasulatan na tayong lahat ay makasalanan na karapat-dapat sa parusang igagawad ng Diyos dahil sa ating pagsuway..

Roma 3:23
23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Dios.
Ano ang maipagmamalaki ng tao pwede ba tayong magmalinis? Ang sabi dito lahat tayo nagkasala..

Mangangaral 7:20
20 Wala ni isang tao rito sa mundo ang laging gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.
Hnilinaw po sa talata na walang isa man sa mundo na hindi nagkakasala.

Roma 6:23
23 Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Sino daw po si Cristo ? malinaw po diyan na siya ay Panginoon natin. Kapag di mo kinikilala si Cristo bilang iyong panginoon malinaw na wala kang buhay na walang hangan..sa madaling salita di ka pa ligtas kahit na naglalakihan pa ang mga gusali ng simbahang dinadaluhan mo hindi ka pa rin ligtas kasi ang kaligtasan ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng pakikiisa kay Cristo..siya ang maging panginoon mo.ayon po yan mismo sa talata.

Gawa 4:12
12 Walang sinuman sa mundong ito ang makapagliligtas sa atin kundi si Jesus lang.”
Eih kahit ang relihiyon natin hindi pala tayo kayang iligtas tanging si Jesus lamang ang makapagliligtas sa atin..

Juan 14:6
6 Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.

Juan 1:12
12 Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Dios.

Juan 3:16
16 “Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Kapag siya’y ginawa mong panginoon siya ang susundin mo kasi para sa iyo siya ang tunay na sugo ng Diyos at hindi kong sinumang tao na pinapalagay ng mundo ayon din naman sa ipinapahayag ng mga  tigapagturo na nagmula lamang sa kanilang kuro-kuro at ang hangad ay paniwalain ang mga tao gayong ayaw naman nilang ang mga tao ay magbasa ng Biblia ang gusto nila sila lang ang pakingan at ang mga tao’y walang kalayaang tumuklas ng katotohanan. Kaya’t ang sinasabi nila ay tago sa mga tigapakinig..kayat kahit anong sabihin nila ay pinaniniwalaang tama ng kapulungan..pero ang katotohanan hindi naman naayon sa sinasabi mismo ng kasulatan ang kanilang sinasabi..sapagkat ang tinutukoy ng kasulatan na sugo sa mundo ay si Cristo at hindi kong sino mang tao na ngayon lang lumitaw sa mundo.
Kaya kong ayaw maparusahan  dapat magisip na habng may pagkakataon pa.

Efeso 2:3
3 Dati, namuhay din tayong katulad nila. Namuhay tayo ayon sa pagnanasa ng laman at sinunod natin ang masasamang hilig ng katawan at pag-iisip. Sa kalagayan nating iyon, kasama rin sana nila tayo na nararapat parusahan ng Dios.

 Daniel 12:2
2 Bubuhayin ang marami sa mga namatay na. Ang iba sa kanila ay tatanggap ng buhay na walang hanggan, pero ang iba ay isusumpa at ilalagay sa kahihiyang walang hanggan.

Mateo 25:46
46 Itataboy ko ang mga taong ito sa walang hanggang kaparusahan, ngunit bibigyan ko ang mga matuwid ng buhay na walang hanggan.”

Pahayag 21:8
8 Pero nakakatakot ang sasapitin ng mga duwag, mga ayaw sumampalataya sa akin, marurumi ang gawain, mga mamamatay-tao, mga imoral, mga mangkukulam, mga sumasamba sa mga dios-diosan, at lahat ng sinungaling. Itatapon sila sa nagliliyab na lawang apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.”
Ng isulat ni Pablo na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan ,ang tinutukoy po niya ay iyong ikalawang kamatayan, Itatapon sila sa nagliliyab na lawang apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.”yon po ang tinutukoy niya.

Marcos 9:48
48 Ang mga uod doon ay hindi namamatay, at ang apoy ay hindi rin namamatay.

Efeso 1:7-8
7-8 Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Dios. Binigyan niya tayo ng karunungan at pang-unawa

Magpasalamat tayo sapagkat ang galit ng Diyos ay napawi dahil si Cristo na walang kasalanan ay naging makasalanan para sa atin at binata niya ito hangang doon sa kamatayan sa Cross.
Ang tawag Diyan kahanga-hangang biyaya ! dahil isinugo niya si Jesus-Cristo para mamatay doon sa Cross ,para sa atin ,kahit na hindi tayo karapat-dapat iligtas iniligtas niya tayo
Iyan ang tunay na sugo ng Diyos kahit buhay niya inialay niya hangang kamatayan doon sa Cross para lamang tayo ay mailigtas..

1 Juan 4:9
9 Ipinakita ng Dios ang kanyang pag-ibig sa atin nang isinugo niya ang kanyang kaisa-isang anak dito sa mundo, upang sa pamamagitan niya ay magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan.
Sino po ang sinasabing isinugo? di malinaw po na si Cristo..!bugtong ang binangit..

Roma 5:8
8 Pero ipinakita ng Dios sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin.

2 Corinto 5:21
21 Kailanmaʼy hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, itinuring siyang makasalanan para sa pamamagitan niyaʼy maituring tayong matuwid ng Dios.

MAYROON PONG TATLONG PREBELIHIYO NA PWEDE NATING IKAGALAK:

1.       Mayroon tayong buhay na walang hangan. Mabubuhay tayo sa pamamagitan niya.
2.       Hindi na tayo kabilang sa mga anak na parurusahan kundi mamahalin..
3.       Tayo ay pinawalang sala sa harap ng Diyos.

Ang kahabagan ay kaloob ng Diyos sa sangkatauhan.
Ito’y libreng kaloob walang bayad sa sinumang nagnanais nito.
Ang sinumang tatangap sa libreng kaloob ay magkakaroon ng buhay na walang hangan..ngunit ang kabaliktaran nito ay totoo din ang walang hangang kaparusahan sa mga ayaw tumalima o sumunod sa kaniya dahil ang galit ng Diyos ay nanatili sa kanila.

Juan 3:36
36 Ang sumasampalataya sa Anak ng Dios ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa kanya ay hindi magkakaroon ng buhay na walang hanggan kundi mananatili sa kanya ang galit ng Dios.”

SUSI SA KAHABAGAN NG DIYOS

Ang pagsisisi po ang susi sa kahabagan ng Diyos.
Ang pagsisisi ay pagsasabi ng ating mga nagawang kasalanan sa kaniya at pagtalikod sa mga masasamang gawain tungo sa kabutihan..

Hindi natin matatangap ang kahabagan ng Diyos kong hindi tayo magsisisi at magpapahayag ..

Kawikaan 28:13
13 Hindi ka uunlad kung hindi mo ipapahayag ang iyong mga kasalanan, ngunit kung ipapahayag mo ito at tatalikdan, kahahabagan ka ng Dios.

Mga Halimbawa:
Sa lumang Tipan
1. Iyong mga tao sa Nineveh:
Jonas 3:1-10
3 Muling nagsalita ang Panginoon kay Jonas. 2 Sinabi niya, “Pumunta ka agad sa Nineve, ang malaking lungsod, at sabihin mo sa mga taga-roon ang ipinapasabi ko sa iyo.” 3 Pumunta agad si Jonas sa Nineve ayon sa sinabi ng Panginoon. Malaking lungsod ang Nineve; aabutin ng tatlong araw kung ito ay lalakarin.4 Pumasok si Jonas sa Nineve. Pagkatapos ng maghapong paglalakad, sinabi niya sa mga taga-roon, “May 40 araw na lamang ang natitira at wawasakin na ang Nineve.”5 Naniwala ang mga taga-roon sa pahayag na ito mula sa Dios. Kaya lahat sila, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakaaba ay nagsuot ng damit na panluksa[a] at nag-ayuno upang ipakita ang kanilang pagsisisi. 6 Sapagkat nang mapakinggan ng hari ang mensahe ni Jonas, tumayo siya mula sa kanyang trono, inalis ang kanyang balabal, nagsuot ng damit na panluksa at naupo sa lupa upang ipakita ang kanyang pagsisisi. 7 At nagpalabas siya ng isang proklamasyon sa Nineve na nagsasabi, “Ayon sa utos ng hari at ng kanyang mga pinuno, walang sinumang kakain at iinom, kahit ang inyong mga baka, tupa o kambing. 8 Magsuot kayong lahat ng damit na panluksa pati na ang inyong mga hayop, at taimtim na manalangin sa Dios. Talikdan ninyo ang masamang pamumuhay at pagmamalupit. 9 Baka sakaling magbago ang isip ng Dios at mawala ang kanyang galit sa atin at hindi na niya tayo lipulin.”10 Nakita ng Dios ang kanilang ginawa, kung paano nila tinalikuran ang kanilang masamang pamumuhay. Kaya nagbago ang kanyang isip, at hindi na niya nilipol ang mga taga-Nineve gaya ng kanyang sinabi noon.

2. IYONG PROPESIYA NI JOEL:
Joel 2:12-14
12 Sinabi ng Panginoon na ito na ang panahon para magbalik-loob kayo sa kanya nang buong puso, na nag-aayuno, nananangis at nagdadalamhati. 13 Magsisi kayo nang buong puso at hindi pakitang-tao lamang sa pamamagitan ng pagpunit ng inyong mga damit. Magbalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Dios, dahil mahabagin siya at maalalahanin. Mapagmahal siya at hindi madaling magalit. Handa siyang magbago ng isip upang hindi na magpadala ng parusa. 14 Baka sakaling magbago ang isip ng Panginoon na inyong Dios at pagpalain kayo ng masaganang ani, para makapaghandog kayo sa kanya ng mga butil at inumin.

Sa bagong Tipan

1. Zacchaeus:

Lucas 19:8-9
8 Sa loob ng bahay niya ay tumayo si Zaqueo at sinabi, “Panginoon, ibibigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng kayamanan ko. At kung may nadaya akong sinuman, babayaran ko ng apat na beses ang kinuha ko sa kanya.” 9 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Dumating na ngayon ang kaligtasan sa sambahayang ito, dahil siya ay mula rin sa lahi ni Abraham.

2. Pusakal na makasalan na nakasama ni Jesus sa Cross:
Lucas 23:39-43
39 Ininsulto rin si Jesus ng isa sa mga kriminal sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang sarili mo, pati na kami!” 40 Pero sinaway siya ng isa pang kriminal na nakapako, “Hindi ka ba natatakot sa Dios? Ikaw man ay pinaparusahan din ng kamatayan. 41 Dapat lang na parusahan tayo ng kamatayan dahil sa mga ginawa nating kasalanan, pero ang taong itoʼy walang ginawang masama!” 42 Pagkatapos ay sinabi niya, “Jesus, alalahanin nʼyo ako kapag naghahari na kayo.” 43 Sumagot si Jesus, “Sasabihin ko sa iyo ang totoo, ngayon din ay makakasama kita sa Paraiso.”
Ang kahabagan ay natangap sa pamamgitan ng pananmpalataya .at hindi sa pamamagitan ng mga gawa .ngunit may mga kailangang gawin ayon sa pananmpalataya dahil ang sabi ni Santiago ang pananmpalatayang walang kalakip na gawa ay patay..

Ito ang dapat mong gawin:
1.       Aminin mo na ikay makasalanan:

Roma 3:23
23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Dios.
2.       Maniwala ka kay Jesu-Kristo : “For everyone who calls on the name of the Lord will be saved.” Roma 10:13
13 Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon.

3.       Ipahayag mo ang iyong pananmpalataya sa kaniya sa Publiko.:
Mateo 10:32
32 “Ang sinumang kumikilala sa akin bilang Panginoon sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko rin sa harap ng aking Amang nasa langit.


  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...