Sunday, 4 July 2021


         

 Aklat: Paano Magpatawad ?

May Akda: Ptr Boyet Cervantes

Unang Kabanata: Pagbubukas ng Isipan

Ikalawang Pag-aaral : Nagugulumihanan ka  bang Magpatawad?

Pangunahing Talata: Mateo 18:21

21 Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?”

Panimula:

Ang isang pangwakas na aspeto ng pagpapatawad na dapat nating isaalang-alang bago natin simulang tingnan ang "kung paano magpatawad" ay kung ano ang pagkakaiba sa pagitan ng kapatawaran at pagtitiwala

Madami ang nakakaunawa  at nagsasabi na nalalaman nila ang  pagkakaiba sa pagitan ng dalawang salitang ito  at hindi lamang iyon kundi maging ang konseptong  kinakatawan nito, ngunit tandaan natin na madaling salitain kung wala pa sa sitwasyon pero kapag nadoon na sadyang nakaklito talaga.

Minsan ramdam ng mga tao na ang pagtitiwala ay bahagi ng kapatawaran at dapat silang magtiwala sa mga pinatawad nila.

Minsan naman ramdam ng mga tao na sila’y nakapagpatawad na ngunit hindi nila kailanman kailangang mag-gawad muli ng Pagtitiwala sa taong nagkasala sa kanila..

Tandaan po natin na ito ay kapwa mali.

Palagi Tayong dapat mag-gawad ng kapatawaran,  ngunit hindi natin kailangang magtiwala sa mga nakapanakit na sa atin hangang hindi natin sila nakakakitaan ng tunay na senyales ng lubusang Pagbabago at Paghingi ng tunay na paumanhin o  kapatawaran sa nagawang kasalanan sa atin..

 Sa kabilang banda naman, sa sandaling nakapagpatawad tayo dapat tayong magsikap na payagan ang pagtitiwala na mabuo ,umusbong at lumagong muli hangga't maaari upang ang kapanatagan ng kalooban at kapayapaan ng kaisipan ay muli mong maranasan.

I- ANG KAIBAHAN SA PAGITAN NG KASINUNGALINGAN  AT KATOTOHANAN

Ang pagkakaiba sa dalawang ito ay nakasalalay sa katotohanang ang pagpapatawad sa sinumang nagkamali o nagkasala sa atin ay ating responsibilidad; Ngunit ang muling pagtatag ng tiwala ay madalas na ito’y responsibilidad na ng taong nagkamali laban sa atin.

Sa totoong buhay, paulit-ulit  tayong nasasaktan at sinaaktan  ng kapwa natin  tao – at ang katotohanang iyon ang naging batayan ng tanong ni Pedro kay Jesus:

Mateo 18:21

21 Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?”

Ang problema ay bilang tao ,minsan nakagagawa muli ng pagkakamali ,kung kaya’t bilang tao din tila napakahirap na para sa atin ang magpatawad pang muli.

Kung kaya nga parang nagpayo pa si Pedro dito, bagamat idinaan niya sa pagtatanong na kung pwede eh pitong beses lang ..kasi para sa kanya mababang numero lang iyon at kayang-kaya pang pagbigyan.

Ngunit ano ang Sagot ng Panginoon?

Ang sagot ni Jesus, syempre, ay hindi tayo dapat maglagay ng limitasyon ng Pagpapatawad sa mga taong nagkamali o nagkasala sa atin

Mateo 18:22

22 Sinagot siya ni Jesus, “Hindi pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.

Gaano po natin naiintindihan iyong pitumpung ulit na pito?

Tila sinabi niya sa kanyang sagot na bakit ka mananatili sa hangang pito lang kung pwede naman palang di masaktan kasi naging ugali mo na o kinasanayan mo na ang magpatawad ng walang limitasyon.

Iyon ang nais niyang tukuyin sa atin .

Hindi naman iyan naka akma sa Pagtitiwala sa mga taong delikadong makasama katulad ng pisikal na pananakit baka  ikamatay mo na ng walang kalalaban-laban..

Kaya ang payo ng banal na kasulatan:

Mga Kawikaan 22:3

3 Kung may dumarating na panganib, ang matalino'y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.

Mga Kawikaan 27:12

12 Alam ng matalino kung may panganib at siya'y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.

Kung mapapnsin po natin dalawang beses binangit dahil pinatutunayan na ito ay mahalaga..

II- ANG KAIBAHAN SA PAGITAN NG PAGPAPATAWAD AT PAGTITIWALA

Ang hindi pag-unawa sa mga pangunahing katotohanan na ito ang siyang  humahadlang sa pagpapanumbalik ng mga nasirang relasyon at ito’y mas lalo pang nagdudulot ng mas malalang sakit sa damdamin at lubusang lang silang mahihirapan kapag ganito ang kanilang ginawa.

Sa aklat na isinulat ni Pastor Rick Waren   kaniyang sinabiTHE PURPOSE DRIVEN LIFE ,:

 “Many people are reluctant to show mercy because they don't understand the difference between trust and forgiveness. Forgiveness is letting go of the past. Trust has to do with future behavior.”

  “Maraming tao ang nag-aatubili na magpakita ng awa dahil hindi nila naiintindihan ang pagkakaiba sa pagitan ng tiwala at kapatawaran. Ang pagpapatawad ay pagpapaalam sa nakaraan. At May kinalaman naman ang tiwala sa pag-uugali sa hinaharap. "

Tiyak na wasto ang pagkasabi ni Ptr Rick  Warren hingil dito, sapagkat ang pagpapatawad ay dapat na agarang ipinagkakaloob  natin sa sinumang nakasakit sa atin , ang pagtitiwala naman ay dapat na mabuo sa paglipas ng panahon at nakasalalay ito sa pag-uugali ng Taong pinatawad mo.

Ang pagpapatawad sa iba ay dapat palaging walang pasubali, ngunit ang ating pagtitiwala sa iba ay maaari at madalas na may kondisyon na - kailangan maabot .

Tulad ng nakita natin sa huling kabanata, na ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang kailangan nating makita ang pagbabago sa ibang tao upang mapatawad natin  sila – dahil iyon ay malinaw na maling diskarte.

Dahil Dapat nating patawarin kung ang isang isang Tao man  ay nagbago o hindi.

Ngunit hindi natin sila dapat pagkatiwalaan kung Hindi mo pa sila Kinakakitaan ng Pagbabago Pagsusumikap man lang na magbago.

Ang pagtitiwala ay mabagal na Nabubuo - at ito’y mabubuo din sa paglipas ng panahon…sana buhay pa at hindi pagpantay na ang mga paa saka mo pa maisipang bigyan ng second Chance ..ano pa ang maipapakita non sayo eh patay na.pano niya patutunayan sayo na siya ay ganap na nagbago na eh sarado nga pusot isip mo.

Isipin mo nalang ang halimbawang ipinakita  ni Jesus ng tinanong niya si Pedro ng tatlong beses,

Juan 21:15-17

15 Pagkakain nila, tinanong ni Jesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?”

“Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo,” tugon niya.

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon pakainin mo ang aking mga batang tupa.” 16 Muli siyang tinanong ni Jesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?”

Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo.” Sabi ni Jesus, “Alagaan mo ang aking mga tupa.”

17 Pangatlong ulit na tinanong siya ni Jesus, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?”

Nalungkot si Pedro sapagkat tatlong beses siyang tinanong ng, “Mahal mo ba ako?”

At sumagot siya, “Panginoon, alam po ninyo ang lahat ng bagay; alam ninyong mahal ko kayo.”

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Pakainin mo ang aking mga tupa.

Juan 18:15-27

15 Sumunod kay Jesus si Simon Pedro at ang isa pang alagad. Ang alagad na ito ay kilala ng pinakapunong pari kaya't nakapasok siyang kasama ni Jesus hanggang sa patyo ng bahay ng pinakapunong pari. 16 Naiwan naman si Pedro sa labas ng pintuan, kaya lumabas ang alagad na kilala ng pinakapunong pari, kinausap ang utusang babae na nagbabantay sa pinto at pinapasok si Pedro. 17 Si Pedro'y tinanong ng babae, “Hindi ba't isa ka sa mga alagad ng taong iyan?”“Hindi,” sagot ni Pedro.18 Maginaw noon, kaya't nagsiga ng uling ang mga utusan at ang mga bantay, at nag-umpukan sila sa paligid ng apoy upang magpainit. Nakihalo sa kanila si Pedro, tumayo roon at nagpainit din.19 Tinanong si Jesus ng Pinakapunong Pari tungkol sa kanyang mga alagad at sa kanyang itinuturo. 20 Sumagot si Jesus, “Hayagan akong nagsasalita sa madla, at lagi akong nagtuturo sa mga sinagoga at sa Templo na pinagtitipunan ng mga Judio. Wala akong sinabi nang palihim. 21 Bakit ako ang tinatanong ninyo? Ang tanungin ninyo'y ang mga nakarinig sa akin; alam nila kung ano ang sinabi ko.”22 Pagkasabi nito'y sinampal siya ng isa sa mga bantay na naroroon. “Ganyan ba ang pagsagot sa pinakapunong pari?” tanong niya.23 Sumagot si Jesus, “Kung may sinabi akong masama, patunayan mo! Ngunit kung tama ang sinabi ko, bakit mo ako sinampal?”24 Matapos ito, si Jesus na nakagapos pa noon ay ipinadala ni Anas kay Caifas, ang pinakapunong pari.25 Habang nagaganap ito, si Simon Pedro ay nakatayo at nagpapainit pa rin sa tabi ng apoy. Siya'y tinanong ng mga naroon, “Hindi ba't alagad ka rin ng taong iyan?”26 Tinanong naman siya ng isa sa mga utusan ng pinakapunong pari at kamag-anak ng lalaking natagpasan niya ng tainga, “Hindi ba nakita kitang kasama ni Jesus sa halamanan?” 27 Muling ikinaila ito ni Pedro, at agad na tumilaok ang manok.

Bakit Tatlong beses na tinanong ni Hesus ang katagang ito na “Mahal mo ba ako?”kay Peter

Dahil malinaw po na ipinakita dito  ang aral o  ebedensya na  ang Salita o Pangako ng tao ay maaring magbago kung kaya nga madalas na  taliwas ang ginagawa kaysa sa sinasalita.

Ngunit sa bandang huli mapag-uunawa  niya rin na mas higit na kailangan ang buong pagtitiwala sa Diyos para mapagtibay ang pangako o salitang binitiwan na Mahal mo nga ang Diyos..kasi mahirap iyan gawin sa pamamagitan lamang ng salita kung wala naming kalakip na pag-gawa.

Ang simpleng paghahalintulad nito kapag nasaktan ka ng iba para ka na ding tumangap ng hiwa sa iyong katawan..sa tuwing masasaling ito mararamdaman mo ang hapdi.

Ang pagpapatawad sa tao ay kumikilos o Gumagawa tulad ng pagtatahi upang ang sugat at lubusang magsara..may peklat man ngunit sa tuwing nakikita mo ito di ka na masasaktan pa ,kahit hawakan mo  o hawakan man ng iba  wala ka ng mararamdaman pang anumang sakit…kasi na lubos na ang iyong Pagpapatawad.

Sa madaling Salita Nagsara na ang  ating sugat, Ngunit ang Espiritwal at Emosyonal na pag-galing, tulad din ng pisikal na pag-galing, ay nangangailangan pa rin ng Panahon …nasayo na ang pagpapasya kung nais mong bumilis o bumagal ang Iyong Pag-galing..

Kahit na lubos pa nating naiintindihan ang pagkakaiba sa pagitan ng pagbibigay ng kapatawaran at pagtitiwala, ay marapat  din na laging pakatandaan na ang pagpapahintulot na makapagllaan ng Oras sa pagsasaayos ay tumagal pa ng ilang Panahon..

Kasi po pagka ganun nangangahulugang din ito ng Pagpayag mo na ,manatili kang maawa sa iyong Sarili,at pinapayagan mo ding maghari at makapanatiling makapangulo ang sama ng loob,galit na kalaunan mas magiging malala pa kaysa dati.

Para inanyayahan mo ang Infection na hawakan ang iyong sugat at hindi gumaling pa at maaari mong ikamatay.

Ang pagpayag sa ating Sarili na magbalik ng tiwala ay naka base sa ating Kumpleto at hindi na hahadlanagn nan a pagbibigay ng lubos na pagpapatawad sa nagkasala sa atin… yan lang ang tanging paraan  na magagawa natin ito,at lubusan na tayong gumaling..

Dapat palagi tayong maging bukasat hayaan na ang pagtitiwala ay mabuo muli hangang possible pa itong mangyari.

Ang pagpapatawad ay pag-aari nating lahat na pinahintulutan  nating ibigay sa iba. Ngunit ang pagtitiwala ay hindi pag-aari, ito ay isang proseso na pinapayagan natin upang paunlarin tayo nito sa lahat ng aspeto ng buhay natin sa sandaling ang ating pagpapatawad ay nagawa nating igawad sa iba at hayaang maibalik at mabuo muli ang pagtitiwala na nawala . at ang magiging resulta nito pamilyang mas masaya pa kaysa dati..dahil hinayaan niyong buklurin kayong muli sa diwa ng pagibig ng may kapal

Bukas nasa Ikalawang Bahagi na po tayo ng aklat na aking isinulat , sinisimulan nating tingnan ang ilang mahahalagang aspeto ng aktwal na pagkilos ng pagpapatawad.

No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...