Tuesday, 26 May 2020


Ang mga Pinagpala: Part I

Introduction
Hindi mabilang na pananaliksik ang napatunayan na ang kaligayahan ay ang pinakamalaking layunin ng bawat tao sa buhay.

Mateo 5:3-12 ; Lucas 6:20-22

Ginamit ni Jesus  Ang mga Pinagpala upang ipaliwanag sa Kanyang mga tagasunod ang totoong landas tungo sa kaligayahan.

Sa aral na tatalakayin natin  ngayon, pag-isipan natin kung paano yayakapin ang mga alituntuning ito?

1. Sadyaing aminin ang iyong pangangailangan  sa Diyos

Mateo 5:3
3 “Pinagpala ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.

A.      Ang maging mahirap sa espiritu ay hindi nangangahulugang kahirapan sa pananalapi. Kundi ang  pag-amin nang iyong pangangailangan  sa Diyos

Isaias 64:6
6 Lahat tayo'y naging marumi sa harapan ng Diyos;ang mabubuting gawa nati'y maruruming basahan ang katulad.Nalanta na tayong lahat gaya ng mga dahon; tinatangay tayo ng malakas na hangin ng ating kasamaan.

B.      Lahat tayo ay isinilang sa ganitong estado ng espirituwal na kahirapan.

Ang ipinanganak ka mula sa mayaman angkan o mahirap  na angkan ay walang pinagkaiba.


C.      Ang puntos na ito ay nagtuturo ng dalawang uri ng tao.
Ang mga taong labis na nakikita sa kanilang sarili ang pagmamalaki dahil sa kanilang pananalapi na hayagan naman na nagpapakita  nang  kahirapang espirituwal
at ang pangalawa ay yaong mapagpakumbabang umamin na kailangan niya ang Diyos,

Lucas 18:9-14
Ang Talinghaga ng Pariseo at ng Maniningil ng Buwis
9 Sinabi rin niya ang talinghagang ito sa mga taong matuwid ang tingin sa sarili at hinahamak naman ang iba. 10 “May dalawang lalaking pumasok sa Templo upang manalangin, ang isa ay Pariseo at ang isa ay maniningil ng buwis. 11 Tumayo ang Pariseo at nanalangin nang ganito: ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat hindi ako katulad ng iba na mga magnanakaw, mandaraya, mangangalunya, o kaya'y katulad ng maniningil ng buwis na ito. 12 Dalawang beses akong nag-aayuno sa isang linggo at nagbibigay rin ako ng ikasampung bahagi mula sa lahat ng aking kinikita.’ 13 Samantala, ang maniningil ng buwis nama'y nakatayo sa malayo at di man lamang makatingin sa langit. Dinadagukan niya ang kanyang dibdib at sinasabi, ‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!’ 14 Sinasabi ko sa inyo, ang lalaking ito'y umuwing matuwid sa harapan ng Diyos, at hindi ang Pariseo. Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakababa ay itataas.”


Implications:
Sinabi ni Jesus na mas kinalugdan ng Diyos ang  maniningil ng buwis kaysa sa Fariseo.
Gayundin, ang kaligtasan ay kabilang sa mga taong umamin na sila ay makasalanan, (ang Kaharian ng Langit ay nangangahulugang kaligtasan).

2. Maging isang taong basag sa harap ng Diyos

Mateo 5:4
4 “Pinagpala ang mga nagdadalamhati,sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
A. Ang pinatutukuyan ng panginoong Jesus ay ang mga makadiyos na tao na hindi nagtatago ng kanilang kasalanan sa harapan ng Diyos at sa mga taong  nakapaligid sa kanila,

 Isaias 6:5
5 Sinabi ko, “Kawawa ako sapagkat ako ay isang makasalanan at mula sa isang lahing makasalanan. Mapapahamak ako sapagkat nakita ko ang Hari, si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat!”

B. Ang kaginhawaan na binanggit dito ay ang kahabagan ng Diyos. Binibigyan niya ng kahabagan 
ang lahat nang umaamin at handang talikuran ang kanilang mga pagsalangsang,

Mga Kawikaan 28:13
13 Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti,ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.

C. ang pinagpala at kahabag-habag ay tumutukoy sa dalawang uri ng  tao Ang mga umamin sa mga nagawang pagkakasala at ang ayaw umamin,,

Lucas 23:39-43
39 Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.”
40 Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya!
 41 Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama.”
42 At sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.”
43 Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”

Implications:

ang magnanakaw ay nakakuha ng higit pa kaysa sa kanyang paghingi.
Siya ay nasa matinding sakit ngunit ang kanyang kamatayan ay tiyak na mas komportable kaysa sa buhay dahil alam niya na siya ay pupunta sa  paraiso,at  hindi impiyerno.
Tulad ng magnanakaw na ito kailangan din nating kilalanin ang ating kahabag-habag na kalagayan at tiyak na  pupunasan ni Kristo ang ating mga luha.

3. Isuko ang iyong pakikipagsapalaran para sa personal na  Karapatan

Mateo 5:5
5 “Pinagpala ang mga mapagpakumbaba,sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

A. Ang maamo ay makakaranas ng hapdi ng sugat bunga ng kababaang-loob silay nagdurusa hindi dahil sila ay mahina kundi dahil sila ay mapagpakumbaba,

Isaias 53:7
7 “Siya ay binugbog at pinahirapan, ngunit hindi kumibo kahit isang salita;tulad ay tupang nakatakdang patayin,parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan,at hindi umiimik kahit kaunti man.

B. Kilala sila dahil sa haba ng kanilang pagtitiis o pasensiya na maliwanag na nakikita sa kanilang paglilingkod sa Diyos at sa tao,

 Filipos 2:5-8
5 Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.
6 Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos,hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
7 Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin.
Ipinanganak siya bilang tao.At nang siya'y maging tao,
8 nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.

C. magtiyaga silang Naghihintay  sa Panginoon kayat silay paparangalan sila ng Panginoon sa takdang oras o panahon

Implications:

ang isang tao ay hindi maaaring maging maamo kong nananatili siya sa katangian bilang makasarili ..dapat niya munang hubarin ang dating katangiaan niya.

4. Maintain a hunger and thirst for God4. Panatilihin ang pagkagutom at pagkauhaw sa Diyos

Mateo 5:6
6 “Pinagpala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat sila'y bibigyang kasiyahan ng Diyos.

A.      Ang pinagpala ay nangangahulugan ng pagsisikap na maipagpatuloy ang maayos na ugnayan sa Diyos at kapawa tao.

Mateo 22:37-38
37 Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo.
38 Ito ang pinakamahalagang utos.

Filipos 2:4
4 Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.


C. Ang relihiyon ay isang direktang resulta ng paghahangad ng tao ng tamang ugnayan. Ngunit sinasabi ng Bibliya na si Jesus lamang ang makakapagbigay ng kasiyahan at pagkauhaw sa katuwiran

Juan 4:13-14
13 Sumagot si Jesus, “Ang bawat uminom ng tubig na ito'y muling mauuhaw,
14 ngunit ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay ko ay magiging batis sa loob niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.

Implications:
Tiniyak ni Hesus sa babaeng Samaritan ang dalawang bagay. Ang sinumang uminom ng tubig na ibinigay ni Jesus sa kanya ay hindi na muling mauhaw. Nangangahulugan ito ng pagpapanumbalik ng kanyang kaugnayan sa Diyos at sa tao. Ang tubig na ito ay magiging isang bukal ng tubig din. Nangangahulugan ito ng walang hanggang kalikasan ng ugnayan ng Diyos at sa tao.

No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...