Thursday, 28 May 2020


Paano makilala ang kalooban ng Diyos? – (Unang Bahagi)

Introduction
·         Ang kasaysayan ay naglahad patungkol sa isang Obispo, na sinasabing nagpahayag na ang mabigat na paglipad ng tao ay hindi posible, sapagkat sumalungat ito sa kalooban ng Diyos.
·         Ang kanyang pangalan ay Milton Wright at siya ang ama nila Orville at Wilbur Wright.
·         Tila ang kanyang pagka-unawa sa kalooban ng Diyos ay masyadong binigyang lalim..o sineseryoso!
·         Bagaman nakakatawa, ipinapaalala sa akin ni Bishop Milton na karamihan sa atin ay gumagawa ng maling desisyon sa buhay dahil kong minsan  inaako natin ang kalooban ng Diyos ngunit  hindi naman talaga natin ganap na naiintindihan ang Kanyang kalooban.
·         Sa aking ituturo sa inyo  umaga , bibigyan ko kayo ng isang listahan na makakatulong sayo upang makilala mo ang kalooban ng Diyos, kapag sa mga sitwasyong hindi ka sigurado sa kalalabasan ng isang desisyon na kailangan mong gawin.

1. Ang kalooban ng Diyos at ang kasulatan
2 Timoteo 3:16
16 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay,
A. Ang dapat na unang itanong sa iyong sarili ay : "Aprubado  ba ito ng Diyos ayon sa Kanyang Salita?"
B. Sinasabi ng mga Taong mapagduda na ang Bibliya ay lipas na at hindi akma sa pamumuhay ng tao noong ika-21 Siglo.
C. Ang katotohanan ay hindi mo pwedeng magpasadya nang Salita ng Diyos upang umangkop lamang sa uri ng gusto mong pamumuhay. Ngunit maaari mong palaging i-upgrade ang uri ng iyong pamumuhay upang matugunan ang mga kinakailangan upang masunod mo ang  Kanyang Salita.
Kong kaya po kapag hindi sangayon ang kaniyang salita malinaw po na hindi po iyan kalooban ng Diyos much better na huwag mo ng ituloy pang gawin..
Huwag mo na ipagpilitan pang humingi ng sign kong malinaw naman na ito ay labag sa kaniyang mga salita o kasulatan..huwag mo ng ituloy pa
Dahil pagitinuloy mo yan para kang pumulot ng batong ipupukol mo sa iyong ulo..maaring ikapahamak mo pa.

2. Ang kalooban ng Diyos at ang paglilihim  
Mga Kawikaan 11:3
3 Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan,ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan.
A. Ang pangalawang tanong na itatanung sa  mo sa  iyong sarili ay: "Magagambala ba ako kung malaman ng lahat na ito ang aking pinili?"
B. May nagsabi, "Ang kalikasan mo ay ang mga ginagawa mo kapag walang nakakita sayo." Ang karapatan sa privacy ay hindi isang dahilan upang magpakasawa ka sa imoralidad.
C. Ang regular na mga pagsusuri sa kalusugan ay kapaki-pakinabang para sa pag-iwas sa mga nakamamatay na stroke. Gayundin ang pagsusuri sa mga lihim na ating ginagawa ay makakatulong sa atin upang  bantayan ang ating kalikasan .
Dahil kapag nasuri natin ito at nalaman natin na lisya ito sa kalooban ng Diyos may panahon pa para magbago ,umiwas at maging mapagbantay sa sarili
Upang sa ganun masunod natin ng hayagan ang kalooban ng Diyos para sa ating buhay.

3. Ang kalooban ng Diyos at ang Pagsisiyasat
Lucas 6:39
39 Tinanong sila ni Jesus nang patalinghaga, “Maaari kayang mag-akay ang isang bulag ng kapwa niya bulag? Pareho silang mahuhulog sa hukay kapag ginawa nila ang ganoon!
A. Ang pangatlong tanong na dapat itanong sa sarili ay ang : "Paano kung ang lahat ay sumunod sa aking halimbawa. Pagpalain ba sila? "
B. Paglalarawan:
Tinuruan ng Ina ang kaniyang anak na babae kong paano magbalik  pasalamat. Bigyan niya ito ng isang basong gatas at tinanong "Ngayon, ano ang sasabihin mo?" Ang maliit na batang babae ay nagsabing "tagay!"
C. Ang ating mga ginagawa  ay mas malakas na impluwensiya kaysa sa mga ipinapangaral natin  o itinuturo..kaya sabi ng Biblia mas malaki ang pananagutan ng mga tiga-pangaral at tiga-pagturo
Mananagot tayo sa Diyos para sa mga kaluluwa ng ating mga tagasunod
Kayat dapat na tayo’y maging maingat sa uri ng ating pamumuhay...maging sa tahanan o sa simbahan..

4. God’s will and the Spiritual Approach4. Ang kalooban ng Diyos at ang banal na  Espirituwal
Juan 19:12-16
12 Nang marinig ito ni Pilato, naghanap siya ng paraan upang palayain si Jesus. Ngunit nagsigawan ang mga Judio, “Kapag pinalaya mo ang taong iyan, hindi ka kaibigan ng Emperador! Ang sinumang nagsasabing siya'y hari ay kalaban ng Emperador.”
13 Pagkarinig ni Pilato sa mga salitang ito, inilabas niya si Jesus at siya'y umupo sa upuan ng hukom na nasa dakong tinatawag na “Plataporma,” Gabatha sa wikang Hebreo.
14 Araw noon ng Paghahanda sa Paskwa, at mag-aalas-dose na ng tanghali. Sinabi ni Pilato sa mga Judio, “Narito ang inyong hari!”
15 Sumigaw sila, “Patayin siya! Patayin! Ipako sa krus!”

“Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?” tanong naman ni Pilato. Sumagot ang mga punong pari, “Wala kaming hari kundi ang Emperador!”
16 Kaya't ibinigay sa kanila ni Pilato si Jesus upang siya'y ipako sa krus. Ipinako si Jesus sa Krus Kinuha nga nila si Jesus.
A. Ang pang-apat na tanong na dapat itanong sa sarili ay ang:sa pag-gawa ng bawat desisyon  ikaw bay pinangungunahan o pinamunuan ng Banal na Espiritu o ikay umaayon lamang sa udyok ng mga tao upang gawin ito? ..
B. Paglalarawan:
Ang isang dalaga pagniyaya ng isang lalaki na makipagtagpo sa kaniya  ang pangunahing iniisip niya ay kung gaano siya kagusto  ng lalaki pagnagkita sila at kung paano siya mapapabilib nito.. at madalas na nakakaliligtaan kong angkop o  bagay ba siya para sa kanya?
C. Ang ibig ng tao ay ang makuha ang pangarap ng iba kong kaya hindi nila nakukuha ang katuparan ng kalooban ng Diyos para sa kanila.

Conclusion
Ang pagpapasya, malaki man o maliit ay maaaring maging mahirap, lalo na kung nais mong maging tiyak na ang iyong desisyon ay nasa kalooban ng Diyos. Ang mga pamamaraang ibinahagi ko sa iyo ay hindi perpekto, ngunit tiyak na aalisin nila ang misteryo sa proseso ng pag-unawa sa kalooban ng Diyos

No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...