Tuesday, 26 May 2020

Ang Pinagpala: Part II

Introduction

Ginamit ni Jesus ang salitang mapalad o pinagpala  upang ipaliwanag sa Kanyang mga tagasunod ang landas tungo sa kaligayahan.

 Gayunpaman, ang turong ito ay hindi tinanggap iba dahil mayroon silang ibang paniniwala hingil sa pagpapala at kaligayahan..

Si Friedrich Nietzsche, ang pilosopong Aleman ay ay tinawag itong "isang nakamamatay na sakit.

Ang punto ni Jesus ay kailangan nating baguhin ang ating pokus mula sa pananaw ng mundo ng kaligayahan tungo sa pananaw ng Diyos, upang matagpuan ang anumang kaligayahan sa buhay na ito at ang mga hamon na dumarating sa buhay  ang paraan upang magawa ito.

Sa aking nakaraang Pagtuturo  ay tinalakay natin  ang unang apat sa mga ito.
Ngayong umaga  tatalakayin natin ang natitira pa.  

1. Alamin ang  mga Taong nangangailangan..

Mateo 5:7
7 “Pinagpala ang mga mahabagin,sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.

A.ito’y Nangangahulugan ng pagiging mahabagin at pagpapatawad sa mga hindi karapat-dapat tulad 
ng ginawa ng Diyos

 Roma 5:8
8 Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.

B. Itinuro ni Jesus ang kahabagan ay hindi isang damdamin lamang sa kaibuturan ng puso, kundi isang kagawian na dapat isapamuhay at bigyan ng malalim na pagpapahalaga ng mga Kristiyano.

Mateo 5:38-40
38 “Narinig ninyong sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ 39 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong gumanti sa masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa. 40 Kung isakdal ka ninuman upang makuha ang iyong damit, ibigay mo ito sa kanya pati ang iyong balabal.

 Matthew 18:21-35
C. Hindi tayo pinahintulutan ng Diyos na husgahan ang iba, dahil tayo din ay naligtas dahil sa kaniyang kagandahang loob sa kaniyang awa..

Mateo 18:21-35 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Ang Talinghaga tungkol sa Lingkod na Di Marunong Magpatawad

21 Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?”

22 Sinagot siya ni Jesus, “Hindi pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.[a] 23 Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. 24 Nang simulan niyang magkwenta, dinala sa kanya ang isang lingkod na may utang na milyun-milyong piso.[b] 25 Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad. 26 Lumuhod ang lingkod sa harapan ng hari at nagmakaawa, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ 27 Naawa sa kanya ang hari kaya't pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya.

28 “Ngunit pagkaalis roon ay nakita niya ang isa niyang kapwa lingkod na may utang sa kanya na ilang daang piso.[c] Sinakal niya ito, sabay sabi, ‘Magbayad ka ng utang mo!’ 29 Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ 30 Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ito'y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad.

31 “Sumama ang loob ng ibang mga lingkod ng hari sa pangyayaring iyon, kaya't pumunta sila sa hari at nagsumbong. 32 Ipinatawag ng hari ang lingkod na iyon. ‘Napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. 33 Naawa ako sa iyo. Hindi ba't dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?’ 34 At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran nang buo ang kanyang utang. 35 Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo taos pusong patatawarin ang inyong kapatid.”

Implications:

Pagpapalain tayo ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang awa kung susundin natin ang kanyang kalooban. Ang Kanyang kalooban ay ang magpatawad tayo at magpakita ng kahabagan sa mga taong nakapanakit sa atin

2. Panatilihin ang pagkakaroon ng isang busilak na Puso

Mateo 5:8
8 “Pinagpala ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.
A.ang  tinutukoy ni Jesus ay hindi lamang iyong nagsasabing maypaniniwala sila sa Diyos, kundi iyong mga sumasamba sa kanya nang may katapatan at katotohanan,

 Juan 1:47
47 Nang malapit na si Nathanael ay sinabi ni Jesus, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita. Wala siyang anumang pagkukunwari.”
B. Hindi kinakailangang mamatay ka muna physically bago mo maranasan ang kalapitan ng Diyos,Sinasabi ni Jesus na ang kadalisayan ng puso ang maglalapit sayo sa Diyos.

 Santiago 4:8
8 Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo. Hugasan ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan! Linisin ninyo ang inyong puso, kayong pabagu-bago ang isip.

C. Ang ganitong kadalisayan ay hindi nagmula sa pagiging perpekto ng ating kalooban, ngunit mula sa pagtanggap ng biyaya ng Diyos

Isaias 6:7
7 Idinampi niya ang baga sa aking mga labi, at sinabi: “Ngayong naidampi na ito sa iyong mga labi, pinatawad ka na at nilinis na ang iyong mga kasalanan.”

Implications:
Ang relihiyon at panlabas na mga ritwal ay hindi makakonekta sa atin sa Diyos sapagkat tinitingnan niya ang puso.

3. Itaguyod ang Kapayapaan at Pagkakasundo

Mateo 5:9
9 “Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan,sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.
A. Ibinigay ni Jesus ang Kanyang buhay upang gumawa ng kapayapaan sa pagitan ng Diyos at ng mga makasalanan. Nagiging tagapamayapa tayo kapag dala natin ang mensahe na iyon sa iba

Isaias 52:7
7 O kay gandang pagmasdan sa mga kabundukan,ang sugong dumarating upang ipahayag ang kapayapaan at nagdadala ng Magandang Balita Ipahahayag niya ang tagumpay at sasabihin:“Zion, ang Diyos mo ay naghahari!”

B. Sinabi ni apostol Pablo na ibinigay sa atin ng Diyos ang dakilang ministeryo ng pagkakasundo
2 Corinto 5:18
18 Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng ito. Sa pamamagitan ni Cristo, ibinilang niya kaming mga kaibigan at hindi na kaaway, at pinagkatiwalaan niya kami upang maglingkod nang sa gayon ang mga tao ay maging kaibigan rin niya.

C. Sinabi rin ni Paul na kami ay mga embahador ni Cristo ay inaanyayahan ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan natin

2 Corinto 5:20
20 Kaya nga, kami'y mga sugo ni Cristo; ang Diyos mismo ang nakikiusap sa inyo sa pamamagitan namin. Kami'y nakikiusap sa inyo alang-alang kay Cristo: makipagkasundo kayo sa Diyos.

Implications:
Bilang mga anak ng Diyos ay ipinangangaral natin ang ebanghelyo dahil ito ang katangian ng ating ama sa langit ang ang dakilang tagapamayapa

4. Tignan sa positibong pananaw ang Pag-uusig na nararanasan dahil sa pagsunod kay Kristo....

Mateo 5:11-12
11 “Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan][a] nang dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Alalahanin ninyong inusig din ang mga propetang nauna sa inyo.”
A.      Sinasabi ni Jesus na ang mga hindi matuwid ay uusigin tayo ,paparatangan tayo ng mga masasakit na salita dahil sa ating pagiging matuwid..

2 Timoteo 3:12
12 Gayundin naman, ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng mga pag-uusig,

B. Tinawag tayo upang itaguyod ang kapayapaan sa isang mundo na nagmamahal sa poot at karahasan. Hindi kataka-taka na uusigin tayo,

 Juan 15:19
19 Kung kayo'y taga-sanlibutan, kayo'y mamahalin nito bilang kanya. Ngunit hindi kayo taga-sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula rito, kaya napopoot sa inyo ang sanlibutan.


C. Maaari tayong magalak kahit na tayo ay nakakaranas ng matinding kirot sapagkat si Cristo ay makakasama natin sa lahat ng oras,

Implications:


ang pag-uusig ay hindi maiwasan. Ngunit ang kabiguang ito ay nagsasabing ang ating kasalukuyang pagdurusa ay hindi maitutumbas sa kaluwalhatian na ipinahayag sa atin.
Conclusion
Sinabi ni Burton Hills, "Ang kaligayahan ay hindi isang patutunguhan. kundi  isang paraan ng pamumuhay. " Sinasabi ng Bibliya na ang pagiging mapalad o pinagpala  ay siyang  paraan ng maayos na pamumuhay

No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...