Friday, 15 May 2020


ANG KAHANGA-HANGANG KAHABAGAN NG DIYOS (part-2)

Ang antinomianismo ay nagmula sa Greek na ang kahulugan ay walang batas.
Ang paniniwala na  ang moral law ay wala ng kabuluhan ngayon at hindi na tayo inuubliga pang sundin ito  dahil tayo ay nassasakop na ng gospel dispensation of grace, at ayon dito ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya.

Kaya nga ang paniniwalang ito ng mga antinomianismo ay direktang sumasalangsang sa biblical doctrine of grace.

At ito nga po ay mahigpit na tinutulan ng ilan sa mga most notable Theologians in church history.

The Christian is required to obey the moral law, not in order to be accepted by God but in order to continue in His grace. (John Wesley)

God promises grace and every blessing to all who keep His commandments and Christians should therefore love Him, trust Him, and cheerfully do what He has commanded. (Martin Luther)

Kapag inalis mo at binaliwala ang utos ng Diyos ,hindi mo matatangap ang kaniyang salita ng kahabagan.

Paano ka magkakaruon ng pag-asa na makasalo sa kaniyang hapag kong sa isang pagkakataon sa buhay mo tinakbuhan mo siya o tinakasan mo siya.?

Ang taong sumusuway ay hindi naniniwala,dahil ang tanging sumusunod lamang ang naniniwala.

TIGNAN PO NATIN NGAYON ANG MAKABIBLIYANG PANANAW PATUNGKOL SA BIYAYA AT BATAS.

Hindi inalis ni Cristo ang batas .kundi tnupad niya ito

Mateo 5:17
17 “Huwag ninyong isipin na naparito ako upang ipawalang-saysay ang Kautusan ni Moises at ang isinulat ng mga propeta. Naparito ako upang tuparin ang mga ito.

1.       ANG KAHABAGAN AY HINDI PROPORSIYONAL SA KASALANAN

Ang kadalasang pagkakamali sa pagbibigay ng interpretasyon sa

Roma 5:20-21
20 Ibinigay ng Dios ang Kautusan para ipakita sa mga tao na marami ang kanilang pagsuway, at nadadagdagan pa nga dahil sa Kautusan. Pero kung nadadagdagan ang pagsuway, higit na nadadagdagan ang biyaya ng Dios. 21 Kaya kung paanong naghari ang kasalanan at nagdulot ng kamatayan, ganoon din naman, naghahari ang biyaya ng Dios at nagdudulot ng buhay na walang hanggan. At dahil sa ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo, itinuring tayong matuwid ng Dios.

Romans 5:20-21 sinbasabi ba na ang biyaya ay kasukat ng  kasalanan?

Ang katotohanan ang biyaya at kasalanan ay hindi pwedeng magabot hindi pwedeng magsama.
Dahil habang nararanasan ng tao ang kahabagan ng Diyos ,hindi na niya nanaisin  pang magkasala..dahil ang biyaya ng Diyos ang siyang nagpapalakas sa kaniya upang mumuhay ng naayon sa kaniyang kalooban o sa nais ng Diyos at hindi sa nais niya,

Hindi ka dadalhin ng biyaya para magpatuloy doon sa bagay na kong saan doon ka niya iniligtas.

Ang totoong biyaya ay hindi ka dadalhin nito sa kalagayan ng pagsuway upang pagsamantalahan siya o yurakan siya.

Roma 6:1-2
6 Ano ngayon ang masasabi natin? Magpapatuloy ba tayo sa kasalanan para lalong madagdagan ang biyaya ng Dios sa atin? 2 Aba, hindi maaari! Hindi maaari na magpatuloy pa tayo sa pagkakasala dahil ang kasalanan ay wala ng kapangyarihan sa atin.

2.       ANG BIYAYA AY HINDI LISENSIYA PARA SA PAGLABAG...
Ang biyaya ay ibinigay upang sa gayon ang makasalanan ay magsisi at makapanumbalik sa Diyos.

Ang tunay na pagsisisi  ay nangangahulugang pagpapahayag ng iyong nagawang kasalanan at pagtalikod na ng lubusan..

Hindi pwedeng magpatuloy sa paggawa ng kasalanan sa ngalan ng biyaya.

Judas 4-5
4 Sumulat ako sa inyo dahil hindi ninyo namalayan na napasok kayo ng ilang mga tao na pinipilit baguhin ang mga aral tungkol sa biyaya ng Dios upang makagawa ng kalaswaan. Tinalikuran nila ang ating Panginoong Jesu-Cristo na nagmamay-ari ng ating buhay. Silaʼy mga taong walang Dios na noon pa man ay nakatakda nang parusahan ayon sa Kasulatan.
5 Kahit alam nʼyo na, gusto ko pa ring ipaalala sa inyo na kahit iniligtas ng Panginoon ang mga Israelita sa pagkaalipin sa Egipto, sa bandang huli ay pinatay niya ang ilan sa kanila dahil hindi sila sumampalataya sa kanya.

Kinakailangan makalikha tayo ng bunga ng biyaya . yan ang tuntunin ng  biyaya na hindi dapat nating kaligtaan.

Juan 15:1-2
15 Sinabi pa ni Jesus, “Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga. 2 Pinuputol niya ang aking mga sangang hindi namumunga, at nililinis niya ang bawat sangang namumunga para lalo pang mamunga.

ANG KAHALAGAHAN NG BATAS NA MORAL.

Mayroong pong malalim na relasyon sa pagitan ng Batas at Ebanghelyo.
Dahil hindi matutupad ang batas kong wala ang Ebanghelyo.,ang Ebanghelyo kailanman ay di maipangangaral kong di titignan ang batas .liban sa batas ang Ebanghelyo ay walang kabuluhan
Ang batas ang nagtutulak sa makasalanan tungo sa kahanga-hangang biyaya o kahabagan ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo dahil nalantad ang katotohanan patungkol sa kasalanan

Galacia 3:24
24 Ang Kautusan ay naging tagapag-alaga natin hanggang sa dumating si Cristo, para sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya ay maituring tayong matuwid.

Galacia 2:16
16 Ngunit alam namin na ang tao ay itinuturing na matuwid ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan. Kaya nga kaming mga Judio ay sumampalataya rin kay Cristo Jesus para maituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi dahil sa pagsunod sa Kautusan. Sapagkat walang sinumang maituturing na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan.

May mga uri po ng kautusan ayon sa lumang tipan: kautusang pangseremonya, kautusang moral, at panghudikatura/kautusang sibil
Yon pong moral law at civil law ay hindi inalis ng Diyos ang inalis niya iyong ceremonial law

Salmo 119:105
105 Ang salita nʼyo ay katulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa aking dadaanan.

Ang ibang relihiyon ay nagtuturo na makaktangap tayo ng biyaya kong gagawa tayo ng mabuti.
Ang sangkakristiyanuhan ay nagtuturo na ang Diyos ay nagbigay biyaya upang sa ganun makagawa tayo ng mabuti

Huwag nating kalimutan na ang biyaya ay libreng ipinagkaloob ngunit hindi po ito nasa kateguryang mababa ang kalidada kundi sobrang napakahalaga sa Doktrinang Kristiyano

Isinakripisyo ng Diyos ang kaniyang kaisa-isang anak .sikapin nating mamuhay para sa kaniya.


No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...