Bakit kinakailangan tayong lubusang lumayo sa paginom ng
alak..?
Introduction
Ang tinatayuang pundasyon ng ating samahan hingil dito ay
hango sa pundasyong tinatayuan ng Assemblies of God na kong saan doon tayo
nangaling..
Ang tawag po dito ay total abstinence or “teetotalism” when
it comes to the use of alcoholic beverages.
Sa panahon natin ngayon na sobrang niyayakap na ng mga tao
maging ng mga kristiyano ang kalayaan paano natin ma idedepensa ang ating
pinaniniwalaan..?
Marami sa ngayon ang naghahanap ng lusot para maipagpatuloy
ang pagkalulong sa paginom ng alak..
Halimbawa nito yong kasalan sa Cana..yong unang himalang
ginawa ni Jesus..
Abay kapag binasa mong maiigi iyon wala si Jesus sa umpokan
ng mga nagiinuman nasa sulok sila kasama ang kaniyang mga alagad..
Sa hiling ng kaniyang ina
lumikha siya ngunit kakaibang alak ang kaniyang nilikha..
Medyo inis nga si Jesus doon sa pagsagot niya kay mary
ngunit ayaw niyang mapahiya si mary kaya sinunod niya ito..ngunit hindi siya
tumikim o uminom man lang ng alak ..malinaw po iyon..
Kaya mahina pong basihan iyan para sa katuwiran
Read
Mga Kawikaan 23:29-35
29 Sino ang may kalungkutan at may malaking panghihinayang?
Sino ang may kaaway at kabalisahan? Sino ang nasusugatan nang di nalalaman? At
sino ang may matang pinamumulahan?
30 Sino pa kundi ang sugapa sa alak, at ang nagpapakalango
sa masarap na inumin.
31 Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito'y
katakam-takam,
32 sapagkat kinaumagahan ay daig mo pa ang tinuklaw ng ahas
na makamandag.
33 Kung anu-ano ang iyong sasabihin, at hindi ka
makapag-isip nang mabuti.
34 Ang makakatulad mo'y nasa gitna ng dagat at hinahampas ng
malalaking alon. Pasuray-suray kang maglalakad
35 at sasabihin mo, “Ano sa akin kung ako'y mahandusay?
Mabulagta man ako, ayos lang iyan! Pagbangon ko, iinom muli ako.”
Efeso 5:18
18 Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan
ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu.
1.
ANG PANGANGAILANGAN PARA SA MENSAHE NA ITO
·
Sa palagay ninyo Ito ba ay mahalagang
pag-usapan?
Kinuha ko po ang isang article mula
sa Patrol.ph ABS-CBN News
Sa isang interview Sabi po ni rehabilitation counselor na si Envic Zamora
Mula sa pagdiriwang ng mga okasyon hanggang sa pagiging pantanggal ng
pagod at stress, may iba-ibang dahilan ang bawat tao sa pag-inom ng alak.
Pero nagbabala ang eksperto
hinggil sa labis na pag-inom at pagdepende sa alcohol, na hindi umano
nakabubuti para sa katawan.
"They drink because they have problems, to get away from the issue,
problems at work. The problem is they abuse it," yon po ang sabi niya.
Alcoholic o alcohol-dependent ang tawag sa taong bisyo ang alak.
"[Kapag] siya na 'yong gumagawa ng occasion para makainom, may
problema na, kasi gusto niyang uminom every week," ani Zamora.
Ayon kay Zamora, ilan sa mga sintomas ng pagiging alcoholic ay ang
pagiging bugnutin, namamawis o nanginginig kapag hindi nakatitikim ng alak.
"Marami kasing alcoholic, ang tingin nila leisure lang 'yong alak so
hindi nila matanggap na may problema. So here, pinapaintindi namin sa kanila na
once hinahanap na ng katawan mo, there's a problem."
Mahalaga raw para sa mga alcoholic na magkaroon ng suporta mula sa
kaniyang mga kaanak at malapit na kakilala.
Dagdag ng eksperto, mas maganda kung maaga pa lang ay maagapan na ang
pagiging lulong sa alak sa pamamagitan ng pagdisiplina sa sarili.
"Sa iba kasi mas magandang napipigil na siya habang kaya pa, habang
wala pang lumalabas na sakit o diperensiya 'yong katawan mo," ani Zamora.
·
Malinaw po na nakakasira sa ating lipunan,sa
pamilya,at sa iyong katawan ang pag-gamit o pag-inom ng Alak
Ayon sa isang artikulo na aking nabasa sa bandera.inquirer.net
MAHIGIT sa 10,000 aksidente sa kalsada kada
taon ang iniuugnay sa pag-inom ng alak, bukod pa sa 40 sakit ang iniuugnay sa
alcoholism. “Alcoholism is linked with about 40 main diseases, including liver
cirrhosis, cancer, pancreatic disease, hypertensive disease, tuberculosis,
diabetes, and mental diseases.” Ayon sa datos ng World Health Organization noong
2016, 4,431 sa bawat 100,000 Filipino ang namamatay sa liver cirrhosis; 16,418
sa hypertensive diseases at 8,526 sa tuberculosis. bandera.inquirer.net
·
Ang Alcohol abuse and alcoholism within a family
is a problem that can destroy a marriage ..
·
Ang ibig sabihin lang po ang mga tao na
manginginom ay isinusuka lamang ang budget na para sa pamilya..
·
Kaya lumilikha ito ng kaguluhan,away
pamilya,pagpapabaya ng Ama o Ina sa pangangailangan ng mga anak dahil sa
pagiging sugapa sa alak,
·
Nasisira nito ang moral ng isang tao..nagiging
dahilan ito ng mga nangyayaring krimen katulad ng patayan,pang-aabusong
Physical,Emotional,sexual sa ibang tao at maging sa sariling pamilya..
·
Yan ang dahilan kong bakit hindi natin
pinahihintulutan sa ating samahan ang pag-gamit at pag-inom ng alak..
Magbibigay
po ako ng limang epekto sa pamilya ng pag-gamit o pag-inom ng alak
1.
Maaaring magkaroon ng malalang sakit tulad ng
sakit sa atay na nagiging dahilan ng pagiging imbalido sa pamilya - Kung ang
isang ama ng tahanan o kaya’y ina ng tahanan ay pala inom ng alak, maaari
siyang magkaroon ng malalang karamdaman. Dahil dito, maaari siyang mamatay sa
malubhang sakit at maiwanan niya agad ang kaniyang pamilya.
2.
Nawawalan ng panahon sa anak at sa pamilya -
dahil sa pagkalulong sa alak, maaaring mawalan na siya ng panahon sa kaniyang
pamilya. Ang buong oras at araw niya ay nilalaan na lamang niya sa pag-iinom o
bisyo niya.
3.
Nauubos ang pang budget sa pamilya - dahil sa
pagkakalulong sa alak, maaari ring maubos ang pera na itinatabi o kinikita ng
isang ama para sa pamilya. Imbes na pangkain at pangangailangan nila ang
kaniyang bibilhin, nagiging pambili na lamang ito ng alak.
4.
Ito ay nagmimitsa o nagpapasimula ng away sa
pamilya - dahil sa sobrang kalasingan, nakakapaghamon ng away ang isang lasing
o lango sa alak. Ito rin ang nagiging dahilan kung kaya sila nag aaway sa isang
pamilya. Nagmimitsa rin ito ng mas malalang away sa kanila. O maaari rin itong
maging dahilan upang alalahanin nila kanilang mga sinaunang away pa.
5.
Pagkatanggal sa trabaho - kung ang isang ama ay
lango o lulong sa pag-inom ng alak, maaari rin siyang matanggal sa trabaho.
Imbes na siya ay papasok sa trabaho, siya ay lumiliban sapagkat siya ay lasing.
Hindi ito katanggap-tanggap na rason kung ang isang tao ay liliban sa trabaho.
2. MULA SA MAKA BIBLIYANG PANANAW.
Ang Bibliya ang nagbigay babala patungkol sa pag-inom ng
Alak..
Mga Kawikaan 20:1
20 Ang alak ay nagpapababa sa dangal ng isang tao,kaya isang
kamangmangan ang magpakalulong dito.
Isaias 5:11
11 Kawawa ang maaagang bumangon na nagmamadali upang
makipag-inuman; inaabot sila ng hatinggabi hanggang sa malasing!
Levitico 10:9
9 “Kung ikaw at ang iyong mga anak ay pupunta sa Toldang
Tipanan, huwag kayong iinom ng alak o anumang inuming nakakalasing. Mamamatay kayo
kapag ginawa ninyo iyon. Ito ay tuntunin na dapat tuparin ng lahat ng inyong
salinlahi.
·
Si Juan Bautista po ay hindi uminom ng Alak.
Lucas 1:15
15 sapagkat siya'y magiging dakila sa paningin ng Panginoon.
Hindi siya dapat uminom ng alak o anumang inuming nakakalasing. Sa sinapupunan
pa lamang ng kanyang ina ay mapupuspos na siya ng Espiritu Santo.
Efeso 5:18
18 Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan
ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu.
Mga Kawikaan 23:29-35
29 Sino ang may kalungkutan at may malaking panghihinayang?
Sino ang may kaaway at kabalisahan? Sino ang nasusugatan nang di nalalaman? At
sino ang may matang pinamumulahan?
30 Sino pa kundi ang sugapa sa alak, at ang nagpapakalango
sa masarap na inumin.
31 Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito'y
katakam-takam,
32 sapagkat kinaumagahan ay daig mo pa ang tinuklaw ng ahas
na makamandag.
33 Kung anu-ano ang iyong sasabihin, at hindi ka
makapag-isip nang mabuti.
34 Ang makakatulad mo'y nasa gitna ng dagat at hinahampas ng
malalaking alon. Pasuray-suray kang maglalakad
35 at sasabihin mo, “Ano sa akin kung ako'y mahandusay?
Mabulagta man ako, ayos lang iyan! Pagbangon ko, iinom muli ako.”
No comments:
Post a Comment