Thursday, 21 May 2020


ASIN NG SANLIBUTAN ,LIWANAG NG SANLIBUTAN,AT ANG LUNGSOD SA  ISANG BUNDOK

Introduction
Ngayong umaga gusto ko pong tignan natin ang isa pa sa pinakamagandang bahagi na natala sa kasulatan ayon sa aklat ni Mateo 5:13-16
Mateo 5:13-16
13 “Kayong mga tagasunod ko ang nagsisilbing asin sa mundo. Ngunit kung mag-iba ang lasa ng asin, wala nang magagawa para ibalik ang lasa nito. Wala na itong pakinabang kaya itinatapon na lang at tinatapak-tapakan ng mga tao.14 “Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo. At ito ay makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago. 15 Walang taong nagsindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan upang magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay. 16 Ganoon din ang dapat ninyong gawin. Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.”

Sa tingin po ng iba ito ay napakadaling unawaing talata sa biblia ,pero hindi po ganun ang aking nakita..

Ito po ay isang malalim na aral na kinakailangang pagbuhusan ko na puspusang pag-aaral upang maibigay ito sa inyo ng mainam..

Kinailangan ko talaga ang gabay ng Espiritu Santo upang maibahagi ito ng may malawak na pagtanaw at hindi sa  simpleng pagkaunawa lamang.

Kinakailangan ng mahabang preparasyon at pag-aaral sapagkat ayaw kong masayang ang panahon ninyo sa pakikinig ng walang bagong natutunan kundi paulit-ulit lamang.

Unahin po nating tignan iyong :

1.ASIN NG SANLIBUTAN  

 Sa akin pong pag-aaral ay aking nakita na hindi lamang sa Bibliya makikita ang paggamit ng Pariralang  ito kundi pangkaraniwang ginagamit din pala ito ng mga tao sa gitnang silangan
at Ayon po sa Meriam-Webster Dictionary  it’s a phrase used to refer to people of good character.
Sa wikang tagalog po . Ang pariralang ito ay tumutukoy sa mga taong mayroong mabuti o maayos na katangian,..

Ngunit bakit nga ba sinabi ni Jesus na tayo ay Asin at Ilaw ng Mundo?

Ang Asin ay may kakaiba at natatanging Tambalan o timplada ng kemikal,wala siyang kapara ..o walang maihahambing sa kaniya sa madaling salita wala siyang katulad..

Nais ipakita ng Panginoon dito na dapat maging kakaiba ka.!

Ngunit ang tanong naman papaano ka magiging kakaiba sa mundong iyong ginagalawan sa kasalukuyan?

Balikan natin ang orihinal na lengguwahe na kong saan naisulat ang bagong tipan. Upang mahanap natin ang kasagutan.

The Greek word for salt is ‘halas’ which means prudent.
Ano ba ang Prudent sa salin sa wikang pambansa natin..( maalam,maingat,mahinahon,may isip,masinop,mapaghanda,may bait,may hunos dili) yon pala mga kapatid..

Colosas 4:6
6 Kung nakikipag-usap kayo sa kanila, gumamit kayo ng mga kawili-wiling salita para makinig sila sa inyo, at dapat alam nʼyo kung paano sumagot sa tanong ng bawat isa.
Yong ginamit ni Pablo na wikang Griego ay parehas sa ginamit ni Mateo .

Ang pagiging mahinahon ang siyang basihan sa katangian ng disepulo ni Cristo at nakikita ito sa pamamgitan ng uri ng pananalita.

Ang asin po ay hindi basta basta nawawala ang kaniyang kabuluhan dahil mayroon po siyang taglay na natatanging Tambalan o timplada ng kemikal at ito’y napakatatag.

Kong ganun nga po ang kaniyang kalidad ..bakit po sinabi sa aklat ng Mateo :

Mateo 5:13

13 “Kayong mga tagasunod ko ang nagsisilbing asin sa mundo. Ngunit kung mag-iba ang lasa ng asin, wala nang magagawa para ibalik ang lasa nito. Wala na itong pakinabang kaya itinatapon na lang at tinatapak-tapakan ng mga tao.

Sa  mga sinaunang araw hindi katulad ngayon ..ang mga asin ay hindi inaani sa pamamagitan vaporization o sa tagalog singaw. Kundi ang asin ay inaani sa pamamgitan ng mas hindi gaanong maaasahang mga pamamaraan . kaya ang uri ng pamamraang ito ay madumi kong minsan kaya itinatapon nalang sa daan at tinatapaktapakan ng mga tao.

Kaya ang ibig sabihin ni Jesus malaya kang mamili ano Gusto mo mamuhay ka ng maingat o walang pagiingat..

Paano natin pipiliin ang pagiging maingat..?

Mateo 12:34
34 Mga lahi kayo ng ahas! Paano kayo makakapagsalita ng mabuti gayong masasama kayo? Sapagkat kung ano ang laman ng puso ng isang tao, ito ang lumalabas sa kanyang bibig.
Tayo din po ay binalaan na bantayan ang ating mga puso..

Kawikaan 4:23
23 Higit sa lahat, ingatan mo ang iyong isipan, sapagkat kung ano ang iyong iniisip iyon din ang magiging buhay mo.

Kong gusto mo na maging maingat na Kristiyano kinakailngan kang magsimula sa pamamagitan ng pagpapalit ng puso..mag pa opera ka kay Lord ..

At pagnapalitan na niya ang puso mo ito na ang magiging katangian mo..bago na
Magiging maalam,maingat,mahinahon,may isip,masinop,mapaghanda,may bait,may hunos dili
Kaya ang buhay mo ay mapupuno ng sigla,galak,kapayapaan Amen.

2. LIWANAG NG SANLIBUTAN

Ngayon lumipat tayo mula sa talinghaga ng Asin tungo sa ilaw ng sanlibutan..
Ang ebanhelyo ni Juan ay nagsabi na si Jesus ay Ilaw ng Sanlibutan.

Juan 1:9
9 Ang tunay na ilaw na nagbibigay-liwanag sa lahat ng tao ay dumating na sa mundo.

Kong si Jesus ang ilaw ng sanlibutan bakit tayo tinawag ni Jesus na ilaw ng sanlibutan?

Mayroon po akong ibibigay sa inyo na tatlong kadahilanan.:

1.       Ang sinasabi ni Jesus ang ating mga kasanayan o uri ng pamumuhay ay katibayan ,pagpapakita,tanda,katunayan,patotoo,pagpapakilala,paghahayag,patunay,pagpapahalata ng kaniyang liwanag sa pamamagitan natin..

Ang wikang Griego na ‘phos’ ang siyang  ginamit ni Mateo patungkol sa ilaw at ang ipinampalit na kahulugan ay katibayan o patunay

Mas lalong binigyang linaw po ito ng Amplified Version of the Bible.. ang sabi doon “You are the light of Christ to the world.”

Hindi sinasabi ni Jesus na tayo mismo ang ilaw kundi tayo ang katibayan o patunay ng kaniyang ilaw o liwanag sa sanlibutan..

2.       Binibigyan tayo muli ni Jesus ng kalayaang mamili kong nais nating maging katibayan o patunay ng kaniyang liwanag sa sanlibutan o mamuhay sa kadiliman


Sabi ng  Meriam-Webster Dictionary dark as the absence of light.

Pababawin natin sa simpleng salita  “madilim kasi walang ilaw..

Ang liwanag po ay wala kapag ang ating kinasanayang gawin ay kontra sa nais o kalooban ng Diyos ang resulta kadiliman..dahil pinahintulutan mong pasukin ka ng kadiliman..

Juan 12:35
35 Sumagot si Jesus, “Maikling panahon na lang ninyong makakasama ang ilaw. Kaya mamuhay kayo sa liwanag ng ilaw na ito habang narito pa, para hindi kayo abutan ng dilim. Sapagkat hindi alam ng naglalakad sa dilim kung saan siya papunta.

3.       Tinawag muli tayo ni Jesus sa pangalawang pagkakataon na maging kakaiba.
Yong una ng sabihin niya na tayo ay maging asin ng sanlibutan at ang pangalawa ay ang maging ilaw.

Ang gusto niyang ipakita sa atin dito iyong pagkakaiba ng kaniyang mga disepulo sa mga di mananampalataya

Kaya pagnakita tayo ng mga di mananampalataya sila ay kombinsido na sila ay iginugupo ng kadiliman.

Ano ang gagawin nati bilang mga saksi ng kaliwanagan?
1 Juan 1:4
4 Isinusulat namin ito upang malubos ang aming kagalakan.
Tayo ay magiging katibayan  ng liwanag ng ilaw ni Jesus sapamamgitan ng ating relasyon sa kaniya.
At ito nga po ay ilang bises na binangit ni Juan :

Juan 14:23
23 Sumagot si Jesus, “Ang nagmamahal sa akin ay susunod sa aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama at mananahan kami sa kanya.

Juan 15:5
5 “Ako ang puno ng ubas, at kayo ang aking mga sanga. Ang taong nananatili sa akin at ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa akin.

1 Juan 1:3-4
3 Ipinapahayag namin sa inyo ang nakita at narinig namin upang maging kaisa namin kayo sa Ama at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. 4 Isinusulat namin ito upang malubos ang aming kagalakan.
Ang katibayan nang liwanag ni Cristo ay di sapat ,hindi ito magiging kapakipakinabang sa iba hangat hindi natin hahayang ito ay magliwanag sa pamamgitan ng ating buhay.
Dahil po diyan dumako na tayo sa pangatlong talinghaga at ito ang Lungsod sa gitna ng Bundok

4.       LUNGSOD SA GITNA NG BUNDOK

Ang sinaunang bayan ay kadalasang nakatayo sa puting Limestone o sa tagalog ay Apog.
Ito’y kumikinang kapag araw at kapag gabi naman ay nagliliwanag dahil sa mga lamparang may langis sa buong kapaligiran nito ay nagliliwanag.

Kong kaya nga ang lungsod na ito ay madaling makita ng mga manlalakbay upang doon sila mamahinga kahit na milya-milya ang layo nito...

Sa gabi doon sila matutulog at sa araw doon nila papawiin ang kanilang kauhawan at kapaguran sa paglalakbay.

Nagpalit ng pagtuon si Jesus mula sa liwanag ng lungsod tungo sa liwanag ng isang sambahayan.
Sa sinaunang gitnang silangan ang mga bahay ay mayroong maliit na ilawan na yari sa clay .

Sa kadahilanan nga na ang mga bahay ay simple lamang isang kwarto lamang kaya nga ang isang ilawan ay sapat na para maliwanagan ang buong tahanan.

Ginamit ng Diyos ang halimbawang ito sa sanlibutan upang turuan sila ng Espiritwal na aralin..
Ang pagliwanagin ang iyong ilawan ay hindi palaging mabuting karanasan,dahil ang liwanag ay hindi tangap saan ka man pumunta kasi inilalantad nito ang gawa ng kadiliman.

Efeso 5:13
13 Pero kung pagsasabihan nʼyo sila sa masasama nilang ginagawa, malalaman nilang masama nga ang kanilang mga ginagawa.

Kaya kinakailangan tayong magpasya kong nais nating pasayahin ang Diyos o ang mga tao..

Juan 12:42-43
42 Ganoon pa man, maraming pinuno ng mga Judio ang sumampalataya kay Jesus. Pero inilihim nila ang kanilang pananampalataya dahil takot silang hindi na tanggapin ng mga Pariseo sa mga sambahan. 43 Sapagkat mas ginusto pa nilang purihin sila ng tao kaysa ng Dios.

Sabi ni Jesus hayaan nating magliwanag ang ating buhay sa pamamgitan ng paggawa ng kabutihan sa kapwa.

Sa wikang Griego ‘works’ is translated as ‘ergon’. It means ‘labour’. Sa tagalog Gawa
Hangat hindi ka handang gumawa hindi ka magliliwanag sa sanlibutan.

Conclusion
Sa aking pagtatapos gusto kong ibahagi ang sa inyo ang laman ng aking kaisipan ..sa mundong ating ginagalawan tayo po ang pinaka mahalagang nilalang ..baki po ? dahil tayo po ang nagsisilbing ilaw at asin sa sanlibutan kong wala tayo magiging magulo at mawawalan ng kapayapaan ang mundo kaya sabihin mo sa katabi mo mapalad ka napasama ka sa mahalagang nilalang nabubuhay sa mundo pagpalain po tayong lahat ng ating panginoon.

No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...