Friday, 15 May 2020


ANG KAHANGA-HANGANG KAHABAGAN NG DIYOS (Part 1)

Ang BIYAYA O kahabagan  ang isa sa mahalagang Doktrina ng pananmpalatayang Kristiyano.
Ito ang Pundasyon ng Kristiyanismo .

Mahalagang maintindihan po natin itong maiigi at palawakin ang kaalaman sa Doktrina dahil walang kristiyanismo kong wala ito.

Ang BIYAYA ay pangunahing pangangailangan.

The New Dictionary of Pastoral Studies’ defines the grace as “The forgiving love and generosity of God.”

Noong taong 1976, nang ang pangulo ng Ceylon ay si Mr. William Gopallawa
Iyon pong isang bilango na isasalang na sa kinabukasan sa parusang kamatayan na nagngangalang Sumanapala ay winakwak niya ang kaniyang tiyan noong kinagabihan ..
Iyong mga maykapangyarihan sa kulungan ay isinugod siya sa malapit na pagamutan .
At kinabukasan ay dinala muli siya sa kulungan upang isagawa na ang nasabing parusang kamatayan na igagawad sa kaniya.
Ngunit ng malaman ng Presidente na si Mr Gopallawa ang kaniyang ginawa. nagutos ang pangulo na iusog ang paggawad ng parusang kamatayan sa taong ito dahil sa nakaramdam siya ng habag
Lumipas ang ilang araw nag labas ng panibagong utos ang pangulo na siya ay palayain ng lubusan..

Hindi binigyang linaw kong bakit nagawang palayaing lubusan ng Pangulo si Sumanapala sa kasalanang nagawa ..ngunit ibinahagi ko lamang po ito sapagkat sa kwentong ito ay muling napaalala sa akin iyong kahanga-hangang kahabagan ng Diyos.  

Sinasabi ng banal na kasulatan na tayong lahat ay makasalanan na karapat-dapat sa parusang igagawad ng Diyos dahil sa ating pagsuway..

Roma 3:23
23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Dios.
Ano ang maipagmamalaki ng tao pwede ba tayong magmalinis? Ang sabi dito lahat tayo nagkasala..

Mangangaral 7:20
20 Wala ni isang tao rito sa mundo ang laging gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.
Hnilinaw po sa talata na walang isa man sa mundo na hindi nagkakasala.

Roma 6:23
23 Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Sino daw po si Cristo ? malinaw po diyan na siya ay Panginoon natin. Kapag di mo kinikilala si Cristo bilang iyong panginoon malinaw na wala kang buhay na walang hangan..sa madaling salita di ka pa ligtas kahit na naglalakihan pa ang mga gusali ng simbahang dinadaluhan mo hindi ka pa rin ligtas kasi ang kaligtasan ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng pakikiisa kay Cristo..siya ang maging panginoon mo.ayon po yan mismo sa talata.

Gawa 4:12
12 Walang sinuman sa mundong ito ang makapagliligtas sa atin kundi si Jesus lang.”
Eih kahit ang relihiyon natin hindi pala tayo kayang iligtas tanging si Jesus lamang ang makapagliligtas sa atin..

Juan 14:6
6 Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.

Juan 1:12
12 Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Dios.

Juan 3:16
16 “Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Kapag siya’y ginawa mong panginoon siya ang susundin mo kasi para sa iyo siya ang tunay na sugo ng Diyos at hindi kong sinumang tao na pinapalagay ng mundo ayon din naman sa ipinapahayag ng mga  tigapagturo na nagmula lamang sa kanilang kuro-kuro at ang hangad ay paniwalain ang mga tao gayong ayaw naman nilang ang mga tao ay magbasa ng Biblia ang gusto nila sila lang ang pakingan at ang mga tao’y walang kalayaang tumuklas ng katotohanan. Kaya’t ang sinasabi nila ay tago sa mga tigapakinig..kayat kahit anong sabihin nila ay pinaniniwalaang tama ng kapulungan..pero ang katotohanan hindi naman naayon sa sinasabi mismo ng kasulatan ang kanilang sinasabi..sapagkat ang tinutukoy ng kasulatan na sugo sa mundo ay si Cristo at hindi kong sino mang tao na ngayon lang lumitaw sa mundo.
Kaya kong ayaw maparusahan  dapat magisip na habng may pagkakataon pa.

Efeso 2:3
3 Dati, namuhay din tayong katulad nila. Namuhay tayo ayon sa pagnanasa ng laman at sinunod natin ang masasamang hilig ng katawan at pag-iisip. Sa kalagayan nating iyon, kasama rin sana nila tayo na nararapat parusahan ng Dios.

 Daniel 12:2
2 Bubuhayin ang marami sa mga namatay na. Ang iba sa kanila ay tatanggap ng buhay na walang hanggan, pero ang iba ay isusumpa at ilalagay sa kahihiyang walang hanggan.

Mateo 25:46
46 Itataboy ko ang mga taong ito sa walang hanggang kaparusahan, ngunit bibigyan ko ang mga matuwid ng buhay na walang hanggan.”

Pahayag 21:8
8 Pero nakakatakot ang sasapitin ng mga duwag, mga ayaw sumampalataya sa akin, marurumi ang gawain, mga mamamatay-tao, mga imoral, mga mangkukulam, mga sumasamba sa mga dios-diosan, at lahat ng sinungaling. Itatapon sila sa nagliliyab na lawang apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.”
Ng isulat ni Pablo na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan ,ang tinutukoy po niya ay iyong ikalawang kamatayan, Itatapon sila sa nagliliyab na lawang apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.”yon po ang tinutukoy niya.

Marcos 9:48
48 Ang mga uod doon ay hindi namamatay, at ang apoy ay hindi rin namamatay.

Efeso 1:7-8
7-8 Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Dios. Binigyan niya tayo ng karunungan at pang-unawa

Magpasalamat tayo sapagkat ang galit ng Diyos ay napawi dahil si Cristo na walang kasalanan ay naging makasalanan para sa atin at binata niya ito hangang doon sa kamatayan sa Cross.
Ang tawag Diyan kahanga-hangang biyaya ! dahil isinugo niya si Jesus-Cristo para mamatay doon sa Cross ,para sa atin ,kahit na hindi tayo karapat-dapat iligtas iniligtas niya tayo
Iyan ang tunay na sugo ng Diyos kahit buhay niya inialay niya hangang kamatayan doon sa Cross para lamang tayo ay mailigtas..

1 Juan 4:9
9 Ipinakita ng Dios ang kanyang pag-ibig sa atin nang isinugo niya ang kanyang kaisa-isang anak dito sa mundo, upang sa pamamagitan niya ay magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan.
Sino po ang sinasabing isinugo? di malinaw po na si Cristo..!bugtong ang binangit..

Roma 5:8
8 Pero ipinakita ng Dios sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin.

2 Corinto 5:21
21 Kailanmaʼy hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, itinuring siyang makasalanan para sa pamamagitan niyaʼy maituring tayong matuwid ng Dios.

MAYROON PONG TATLONG PREBELIHIYO NA PWEDE NATING IKAGALAK:

1.       Mayroon tayong buhay na walang hangan. Mabubuhay tayo sa pamamagitan niya.
2.       Hindi na tayo kabilang sa mga anak na parurusahan kundi mamahalin..
3.       Tayo ay pinawalang sala sa harap ng Diyos.

Ang kahabagan ay kaloob ng Diyos sa sangkatauhan.
Ito’y libreng kaloob walang bayad sa sinumang nagnanais nito.
Ang sinumang tatangap sa libreng kaloob ay magkakaroon ng buhay na walang hangan..ngunit ang kabaliktaran nito ay totoo din ang walang hangang kaparusahan sa mga ayaw tumalima o sumunod sa kaniya dahil ang galit ng Diyos ay nanatili sa kanila.

Juan 3:36
36 Ang sumasampalataya sa Anak ng Dios ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa kanya ay hindi magkakaroon ng buhay na walang hanggan kundi mananatili sa kanya ang galit ng Dios.”

SUSI SA KAHABAGAN NG DIYOS

Ang pagsisisi po ang susi sa kahabagan ng Diyos.
Ang pagsisisi ay pagsasabi ng ating mga nagawang kasalanan sa kaniya at pagtalikod sa mga masasamang gawain tungo sa kabutihan..

Hindi natin matatangap ang kahabagan ng Diyos kong hindi tayo magsisisi at magpapahayag ..

Kawikaan 28:13
13 Hindi ka uunlad kung hindi mo ipapahayag ang iyong mga kasalanan, ngunit kung ipapahayag mo ito at tatalikdan, kahahabagan ka ng Dios.

Mga Halimbawa:
Sa lumang Tipan
1. Iyong mga tao sa Nineveh:
Jonas 3:1-10
3 Muling nagsalita ang Panginoon kay Jonas. 2 Sinabi niya, “Pumunta ka agad sa Nineve, ang malaking lungsod, at sabihin mo sa mga taga-roon ang ipinapasabi ko sa iyo.” 3 Pumunta agad si Jonas sa Nineve ayon sa sinabi ng Panginoon. Malaking lungsod ang Nineve; aabutin ng tatlong araw kung ito ay lalakarin.4 Pumasok si Jonas sa Nineve. Pagkatapos ng maghapong paglalakad, sinabi niya sa mga taga-roon, “May 40 araw na lamang ang natitira at wawasakin na ang Nineve.”5 Naniwala ang mga taga-roon sa pahayag na ito mula sa Dios. Kaya lahat sila, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakaaba ay nagsuot ng damit na panluksa[a] at nag-ayuno upang ipakita ang kanilang pagsisisi. 6 Sapagkat nang mapakinggan ng hari ang mensahe ni Jonas, tumayo siya mula sa kanyang trono, inalis ang kanyang balabal, nagsuot ng damit na panluksa at naupo sa lupa upang ipakita ang kanyang pagsisisi. 7 At nagpalabas siya ng isang proklamasyon sa Nineve na nagsasabi, “Ayon sa utos ng hari at ng kanyang mga pinuno, walang sinumang kakain at iinom, kahit ang inyong mga baka, tupa o kambing. 8 Magsuot kayong lahat ng damit na panluksa pati na ang inyong mga hayop, at taimtim na manalangin sa Dios. Talikdan ninyo ang masamang pamumuhay at pagmamalupit. 9 Baka sakaling magbago ang isip ng Dios at mawala ang kanyang galit sa atin at hindi na niya tayo lipulin.”10 Nakita ng Dios ang kanilang ginawa, kung paano nila tinalikuran ang kanilang masamang pamumuhay. Kaya nagbago ang kanyang isip, at hindi na niya nilipol ang mga taga-Nineve gaya ng kanyang sinabi noon.

2. IYONG PROPESIYA NI JOEL:
Joel 2:12-14
12 Sinabi ng Panginoon na ito na ang panahon para magbalik-loob kayo sa kanya nang buong puso, na nag-aayuno, nananangis at nagdadalamhati. 13 Magsisi kayo nang buong puso at hindi pakitang-tao lamang sa pamamagitan ng pagpunit ng inyong mga damit. Magbalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Dios, dahil mahabagin siya at maalalahanin. Mapagmahal siya at hindi madaling magalit. Handa siyang magbago ng isip upang hindi na magpadala ng parusa. 14 Baka sakaling magbago ang isip ng Panginoon na inyong Dios at pagpalain kayo ng masaganang ani, para makapaghandog kayo sa kanya ng mga butil at inumin.

Sa bagong Tipan

1. Zacchaeus:

Lucas 19:8-9
8 Sa loob ng bahay niya ay tumayo si Zaqueo at sinabi, “Panginoon, ibibigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng kayamanan ko. At kung may nadaya akong sinuman, babayaran ko ng apat na beses ang kinuha ko sa kanya.” 9 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Dumating na ngayon ang kaligtasan sa sambahayang ito, dahil siya ay mula rin sa lahi ni Abraham.

2. Pusakal na makasalan na nakasama ni Jesus sa Cross:
Lucas 23:39-43
39 Ininsulto rin si Jesus ng isa sa mga kriminal sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang sarili mo, pati na kami!” 40 Pero sinaway siya ng isa pang kriminal na nakapako, “Hindi ka ba natatakot sa Dios? Ikaw man ay pinaparusahan din ng kamatayan. 41 Dapat lang na parusahan tayo ng kamatayan dahil sa mga ginawa nating kasalanan, pero ang taong itoʼy walang ginawang masama!” 42 Pagkatapos ay sinabi niya, “Jesus, alalahanin nʼyo ako kapag naghahari na kayo.” 43 Sumagot si Jesus, “Sasabihin ko sa iyo ang totoo, ngayon din ay makakasama kita sa Paraiso.”
Ang kahabagan ay natangap sa pamamgitan ng pananmpalataya .at hindi sa pamamagitan ng mga gawa .ngunit may mga kailangang gawin ayon sa pananmpalataya dahil ang sabi ni Santiago ang pananmpalatayang walang kalakip na gawa ay patay..

Ito ang dapat mong gawin:
1.       Aminin mo na ikay makasalanan:

Roma 3:23
23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Dios.
2.       Maniwala ka kay Jesu-Kristo : “For everyone who calls on the name of the Lord will be saved.” Roma 10:13
13 Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon.

3.       Ipahayag mo ang iyong pananmpalataya sa kaniya sa Publiko.:
Mateo 10:32
32 “Ang sinumang kumikilala sa akin bilang Panginoon sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko rin sa harap ng aking Amang nasa langit.


No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...