Wednesday, 26 August 2020

ANG KAPANGYARIHAN NG PAGPAPAKUMBABA (Part-1)


 

ANG KAPANGYARIHAN NG PAGPAPAKUMBABA (Part-1)

Rev:Vicente E. Cervantes Jr

 

INTRODUCTION:

• Ano ang nakikita ng mga tao  sa iyo ? ano ang nakikita ng iyong sariling pamilya at lipunan? Ikaw bay palakaibigan,maibigin,o mainisin laging nakikipagtalo?kilala ka sa mga maling gawain..

• Gumagana ang Mundo ayon sa prinsipyo ng galit, poot, kasakiman, pagmamalaki atbp.

• Hindi ito ang paraan o prinsipyo na dapat nating tahakin..

• Nang nilikha tayo ng Diyos  binigyan  niya tayo ng kanyang kagandahang loob 'pag-ibig' upang maging akma at maayos ang ating mga  relasyon sa isat-isa o sa kapwa.

Nais ko pong pagusapan natin ngayong umaga ang isa sa aspeto ng Pag-ibig :

1 Corinto 13:4

4 Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man,

• Ang salitang "ipinagmamalaki" ay nangangahulugang "magyabang, magpakita, mag-parada ng sarili.

Mga Kawikaan 27:2

2 Hayaan mong iba ang sa iyo'y pumuri at ang sariling bangko'y huwag mong buhatin.

Illustration:

Si Muhammad Ali, ang dakilang boxer ay hindi kailanman kilala sa pagiging isang mabuting tao. Kapag nga siya sumasakay sa eroplano ang madalas niyang sinabi, "Ako ang pinakadakila." Minsan narinig ito ng safety officer kong kayat siya’y nilapitan nito at pinagsabihan dahil nga sa napansin niya na  wala siyang seatbelt. Sinabi niya sa kanya, "Mr. Ali, kailangan mong isuot ang seatbelt " Sumagot si Ali, "Hindi kailangan ni Superman ng seatbelt." Sumagot ang safety officer "Hindi rin kailangan ni  Superman ang eroplano."

• Ang isang mapagmahal na tao ay hindi nagyayabang sa kanyang sarili; gayon pa man, minsan sa aminin natin at hindi nagagawa natin ito.

 Ipinagmamalaki natin ang ating mga nagawa, ang ating mga pag-aari o ari-arian, ating kakayahan, at syempre ang ating mga anak.

• Halos lahat tayo ay nakikibaka sa kasalanan na ito.

• Kapag binasa natin ang parehong OT at ang NT, makikita natin  ang maraming magkakaibang mga katalogo ng kasalanan, ngunit ang kasalanan ng pagmamataas ay number one sa listahan..

• Ang mga Kawikaan ay naglista ng pitong bagay na kinamumuhian ng Diyos.

Mga Kawikaan 6:16-17

16 Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay,mga bagay na kanyang kinasusuklaman:

17 kapalaluan, kasinungalingan,at mga pumapatay sa walang kasalanan,

18 pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan,mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan,

19 saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin,pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin.

 

Santiago 4:6

6 Ngunit ang Diyos ay nagbibigay ng higit pang pagpapala. Kaya't sinasabi ng kasulatan, “Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.”

• Madalas nating pinagtutuunan ng pansin ang malalaking kasalanan tulad ng pangangalunya, pagkagumon, pagsamba sa idolo atbp.

• Alam mo ba na ang pagmamataas ay isang kasalanan na kapantay niyan..ito’y  malubha din ngunit  nakatago at pinipigilan nito ang ating relasyon sa Diyos at sa kapwa natin tao.

• Nakalulungkot lang isipin na ang pagmamalaki ay hindi masayadong napapansin ng mga Kristiyano at hindi rin nakikita na labis na palang nakakaapekto ito sa relasyon.

MGA PROBLEMANG NALIKHA NG PAGMAMATAAS

a. Mapang-husga

• Ang mga taong mayabang ay karaniwang nahuhulog sa panghuhusga.

 Ang mga taong mapagmataas ang laging nais ay ang masunod sila at kapag nasaktan isisisi ito sa iba..at nagiging mapanghusga.

• Hindi nila namamalayan na ang uri ng salitang ginagamit ay sumisira na ng relasyon  sa pamilya, trabaho o sa lipunan.

Mateo 7:1

7 “Huwag kayong humatol, nang kayo'y di hatulan.

Mateo 7:5

5 Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.

• Ang ganitong mga tao ang pakiramdam nila  alam na nila ang lahat, at sa palagay nila hindi na sila nagkakamali.

• Hindi sila kailanman nagkakamali, kaya sila ay may ugaling mapanghusga.

• Hindi  talaga sila marunong makinig dahil para sa kanila alam na nila ang lahat ng mga sagot.

b. Ang pagmamataas ay naghihimok ng mga argumento.

Mga Kawikaan 13:10

10 Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan,ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan.

Roma 12:16

16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha.[a] Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong.

• Ang mga mapagmataas na tao ay hindi marunong makibagay o makisama sa iba lalot higit sa mga taong mababa ang kalagayan o posisyon kaysa kaniya..

 

d. Pinipigil ng pagmamataas ang pagkakasundo.

• Kapag parehas na mapagmataas hindi kailanman magkakasundo..

• Walang gustong magbigay

Illustration:

Cliff Barrows says that there are 12 words that are absolutely essential for a good marriage. Here they are: I was wrong, I am sorry, Please forgive me, I love you. Any relationship he says has to have those 12 words in it or it simply won’t work.

 

• Kapag may asawa kang lalaki na nagmamalaki na hindi niya kailanman sasabihin na siya’y mali ,at mayroon ka namang sawang babae na nagmamalaki na kailanman hindi niya sasabihin ang salitang patawad patawarin mo na ako at mayroon kang mga anak na gayon din kung gayon mayroon kang isang pamilya na kung saan walang nagsasabi, "Mahal kita" sa bawat isa. At ang relasyon na iyon ay hindi maaaring gumana.

 

• Ang isang taong mapagmataas ay umiiwas na  makipagtagpo sa mga tao dahil ayaw nilang makipagkasundo.

• Iniiwasan nila ang mga pampublikong pagtitipon tulad ng mga kasalan, pagpupulong, minsan sa simbahan dahil nagkakaroon sila ng sama ng loob.

• Matapos ang ilang oras nakalimutan nila kung ano ang mga pangyayari ngunit naalala nila palagi ang ang sakit na dulot ng kanilang Ego o Pride.

Illustration: ang magkapatid at ang panday

 

Mga Kawikaan 28:13

13 Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.

 

No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...