Monday, 24 August 2020

Mga Uri ng Galit

 

Mga Uri ng Galit

Rev.Vicente E. Cervantes Jr.

Efeso 4:26

26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.

Introduction:

·         Ang galit ay isang malakas na emosyon. Maaari  magamit ito upang maging  produktibo o pwede ring magamit ito bilang mapanirang kapamaraanan.

·         Kapag galit ka kong minsan hindi mo mapigil ang bugso ng iyong damdamin kaya nagiging masyadong emosyonal ka na at tila parang hindi na ikaw yan..parang maynagbago sa iyong katauhan hangang sa umabot sa pisikal na pananakit ..tumaas ang iyong adrenaline at nag ala hercules ka na o incrideble hulk..

·         Ang pagkagalit ay may dahilan o may pinaghugutan..ugatin natin sa pamamagitan ng isang halimbawa:

 

Halimbawa..

 

Pag-uwi ng  asawang lalaki galing sa trabaho mainit ang ulo ibinunton ang galit  kay misis.. bakit kaya ? kasi kinagalitan ng kaniyang Boss. Dahil sa hindi niya kayang pagsalitaan ang kaniyang Boss ang kaniyang asawang babae ang pinagbuntunan ng galit. Ito namang si asawang babae hindi niya kayang pagsalitaan ang kaniyang asawang lalaki kaya ibinunton ang galit sa anak...ito namang si anak hindi niya kayang pagsalitaan ang kaniyang nanay kaya ibinunton naman ang galit sa alagang pusa ito namang si pusa hindi niya kaya iyong anak kaya ibinunton naman ang galit kay daga hindi kaya ni daga si pusa buti nalang nakakita siya ng kublihan hindi siya napatay ni pusa kaya ng makita niya ang ang mga damit na nakakalat sa sahig dito niya ibinunton ang kaniyang galit ..kaya walang katapusan ang dulot nito sa buhay..

 

Masama ba ang magalit?

Makakabuti ba sa iyo ang magalit?

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa galit?

·         Sa aking pagtuklas at pag-aaral hingil dito nakakita ako ng dalawang uri ng galit:

 

1.      makasalanang galit

2.      at matuwid na galit

1. MAKASALANANG GALIT

Mateo 5:21-22

21 “Narinig ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno, ‘Huwag kang papatay; ang sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman.’ 22 Ngunit sinasabi ko naman sa inyo, ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, ang humahamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid, ‘Ulol ka!’ ay manganganib na maparusahan sa apoy ng impiyerno.

• Kung nagagalit ka sa iyong kapatid mapapasailalim ka sa paghuhusga.

·         Sa madaling salita sinabi ni Jesus, "Kung nagagalit ka sa iyong kapatid nang walang dahilan ito ay kasalanan ."

·         Ang ating galit ay kasalanan kung ito ay nakatuon sa tao..

·         Si Jesus ay hindi kailanman nagagalit sa sinumang tao ngunit nagagalit siya sa kasalanan na patuloy na ginagawa ng mga tao.

·         Kapag ang isang tao ay nagkamali laban sa atin dapat nating mahalin ang tao iyon, ngunit kinakailangan kang mapoot  sa kasalanan na ginagawa niya...ang ibig lang sabihin ay huwag mong gayahin ang kaniyang ginagawa kundi tulungan mo siyang makaahon mula sa kumunoy na kaniyang kinasadlakan.. .

·         ang makasalanang galit ay nagmumula sa makasariling motibo. Ito ay palaging nakadirekta patungo sa isang tao, grupo o komunidad.

 

Uri ng Makasalanang galit.

a. Sumasabog na Galit

·         Sa madaling salita ay tinatawag itong biglaang pagsabog ng galit. Naranasan nating lahat iyon. Ang ganitong mga tao ay tinatawag na mga taong mainitin ang ulo.

 

Mga Kawikaan 19:19

19 Di dapat pansinin ang taong mainit ang ulo,mapayuhan mo mang minsan, patuloy ding manggugulo.

 

·         Sinasabi ng Bibliya na ang isang taong mainit ang ulo ay dapat magbayad ng parusa sa pagkawasak na nilikha niya.

·         Ang nasabing mga tao ay naninira ng mga materyal na bagay dahil sa kanilang galit.

·         At hindi lang iyon kundi Sinisira pa nila ang pagkakaibigan at relasyon.

 

A quick-tempered man does foolish things, and a crafty man is hated. We tend to do foolish things in our temper when we tend to become explosive. This anger is sinful.

Mga Kawikaan 14:17

17 Ang taong mainit ang ulo ay nakagagawa ng di marapat, ngunit ang mahinahon ay lagi nang nag-iingat.

·         May posibilidad na makagawa ka ng di nararapat sanhi ng iyong galit ..kapag ito’y sumabog ito ay mauuwi sa makasalanang galit..

b. Mapaghiganting Galit.

·         Kapag nasaktan tayo ng isang tao ang binhi ng galit ay nahasik. Kapag lumalaki ang galit sa atin nagiging mapaghiganti tayo.

·         Ang ganitong mga tao ay madalas na naghihintay nang isang pagkakataon upang makapaghigante sa ibang tao.

·         Hangat hindi siya nakapaghihiganti ang kaniyang galit ay hindi bumababa..

·         Kadalasan ang paghihiganti na ito ay humahantong sa pagpatay, pakikipaglaban atbp.

Roma 12:17-21

17 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman. 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.”[a] 21 Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.

·         Sabi ng Biblia ang Diyos ang maghihiganti para sa atin..kaya ipagkatiwala lamang natin ito sa Diyos..ang mapaghiganting galit ay isang kasalanan..

c. Sutil na galit.

·         Ito ang galit na nananatili kahit na lumipas pa ang maraming taon.

·         Ang ganitong mga tao ay hindi bukas at hindi kailanman nagsasalita kundi kinikimkim lamang ang kanilang galit sa kapwa..talikuran kong tumira..

·         Dinadala nila ang kanilang galit at kapaitan sa kaibuturan ng kanilang puso.

·         Nagsisimula silang kumilos nang kakaiba at marahas kong mangusap.

·         Ang ganitong paghihimagsik ay makikita sa mga mag-asawa o magkakaibigan.

Illustration:

Minsan isang araw umuwi ang asawang lalaki galing sa trabaho. Nagkaroon ng maraming gusot sa kaniyang trabaho  . ngunit ang kaniyang asawang babae ay pumasok bigla sa eksena nakipagusap at sinimulang makipagtalo dahil sa ilang mga isyu patungkol sa pamilya. Sa halip na tapusin ang argumento at magpatuloy sa buhay, sila ay nagpasyang matulog nalang. Ang asawang babae ay nakaharap sa silangan at ang asawang lalaki naman  ay nakaharap sa kanluran. May malaking puwang sa pagitan nila. Literal nilang tinawag ang diyablo na matulog sa pagitan nila. Parehong matigas ang ulo at walang gustong magpakumbaba..hangang isang araw na gising nalang silang wala na silang parehas katabi dahil ang isa nasa kwarto ang isa naman nasa sala..hangang sa dumating ang pagkakataon na sila’y  nagpasyang maghiwalay..ngunit ang nakalulungkot na tagpo sa bahaging ito  ang mga anak ang siyang nagdusa bunga ng katigasan ng ulo nilang dalawa ...iyan ang pangit na kawakasan ng kwento....ikaw kamusta ka papayag ka ba na mangyari ito sa iyong pamilya..? nasa iyo ang kasagutan..!

·         Kailangang baguhin ang ganitong pag-uugali .karamihan sa mga mag-asawa nakatulog na buong magdamag pagkagising magtatalo nanaman..

·         Tignan natin ang payo ng Biblia hingil dito:

Efeso 4:26

26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.

• Ayaw ng Diyos na kumilos tayo ng may katigasan ang ulo at pag-uugali kapag tayo’y nagagalit .

·         Nais niyang pag-usapan natin nang maayos  at tapusin ito bago mag gabi.

·          Tandaan na ang katigasan ng ulo ay kasalanan.

Tanong:

Ngayon, maaari bang magalit ang isang Kristiyano?

Sagot:

Siyempre oo, ang galit ay isang likas na emosyon. Pag-aralan natin ang pangalawang uri ng galit.

2. MATUWID NA GALIT

·         Ang galit ay hindi palaging masama at ang Bibliya ay nagpapakita ng maraming mga halimbawa ng galit

Mga Awit 7:11

11 Ang Diyos ay isang hukom na makatarungan, at nagpaparusa sa masama sa bawat araw.

 

·         Ang 'galit ng Diyos' o sa madaling salita ay nagagalit ang Diyos. Ay Matatawag natin itong matuwid na galit.

·         Si Jesus ay nagalit

 

Marcos 3:1-6

3 Muling pumasok si Jesus sa sinagoga. Naratnan niya roon ang isang lalaking paralisado ang isang kamay. 2 Pinagmasdan ng ilang taong naroroon kung pagagalingin ni Jesus ang lalaking iyon sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya. 3 Tinawag ni Jesus ang lalaking paralisado ang kamay, “Halika rito!” 4 Pagkatapos, tinanong naman niya ang mga tao, “Alin ba ang naaayon sa Kautusan, ang gumawa ng mabuti, o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Ang magligtas ng buhay, o ang pumatay?”Ngunit hindi sila sumagot. 5 Tiningnan ni Jesus ang mga taong nakapaligid sa kanya. Nagalit siya at nalungkot dahil sa katigasan ng kanilang mga puso. Pagkatapos, sinabi niya sa maysakit, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat naman ng lalaki ang kanyang kamay at ito'y gumaling. 6 Umalis ang mga Pariseo at agad nakipagsabwatan sa mga tagasunod ni Herodes upang maipapatay si Jesus.

 

·         Nagalit siya sa mga pharisees dahil sa kanilang makasariling motibo.

·         Nagalit si Jesus nang makita niya ang bahay ng Panginoon ay naging lungga ng mga magnanakaw.

·         Nagalit si Jesus sa mga tamang bagay.

·         Ang kanyang galit ay hindi nakadirekta sa isang tao ni ito ay makasarili sa kalikasan.

·         Itinuro ni Jesus ang kanyang galit sa tamang bagay.

·         Hindi nagalit si Jesus dahil na-target o inatake siya.

·         Nagalit si Jesus nang tanggihan ang hustisya.

·         Kailangan din nating gamitin ang ating galit sa mga tamang bagay.

·         Gaano kahusay kung gagamitin natin ang ating galit laban sa diyablo at mga pwersa nito para sa paghawak sa mga tao sa ilalim ng kanyang kawalan ng katarungan sa lipunan, laban sa katiwalian at iba pa.

·         Ang ating galit sa diyablo at ang pagdarasal kasama ang sigasig ay maaaring mailigtas ang marami mula sa mga patibong at nagliliyab na palaso ni Satanas.

·         Tandaan natin na na ituro na ang ating galit ay dapat nating gamitin sa isang matuwid na paraan.

 

Conclusion:

Paano mo haharapin ang iyong galit?

 Kinokontrol ka ba ng iyong galit o kinokontrol mo ba ang iyong galit?

 Kung ang galit ang komokontrol sa iyo maaari kang maging makasalanan.

Magagawa mong gawin ang mga bagay na hindi mo nais na gawin.

Kung kinokontrol mo ang iyong galit maaari itong maging produktibo, maaari mong gamitin ang iyong galit upang labanan ang diyablo.

Nagdurusa ka ba dahil sa resulta ng iyong biglaang galit? Sumabog at di napigilang galit? Paghihiganti na galit o sa biglaan o sumasabog na galit, paghihiganti ng galit, o sutil na galit?

Unawain mo na silang lahat ay makasalanang ayon sa kanilang kalikasan.

Sinasabi ng bibliya sa Mga Taga-Efeso 4:26 26 ″

26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.

·         Hilingin sa Diyos na tulungan ka, at dadalhin ka niya sa ganap na paglaya.

No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...