Thursday, 8 July 2021


         

Aklat: Paano Magpatawad?

May Akda: Pastor Boyet Cervantes

Ikatlong Kabanata: Pag-abot ng Kamay (Pagsasagawa ng Pagpapatawad)

Mga Nilalaman:

9. Ang Ikalawang Hakbang ng Pagpapatawad

10. Aktibo at Maluwag sa loob na Pagpapatawad

11. Anong Kahulugan ng Pagpapatawad at Paglimot

12. Apat na Pagsubok ng Pagpapatawad

Ika-Pitong Aralin:  Ang Ikalawang Hakbang ng Pagpapatawad

Pangunahing Talata: 2 Corinto 2:5-8

Patawarin ang Nagkasala

5 Kung may nagdulot ng kalungkutan kaninuman, hindi ito sa akin idinulot; hindi sa pinalalaki ko ang bagay na ito, pero ang totoo, kayong lahat ang dinulutan niya ng kalungkutan. 6 Sapat na ang parusang iginawad sa kanya ng nakararami sa inyo. 7 Dapat na ninyo siyang patawarin at aliwin upang hindi naman siya tuluyang masiraan ng loob dahil sa matinding lungkot. 8 Kaya nakikiusap akong ipadama ninyo sa kanya na siya'y mahal pa rin ninyo.

Panimula:

Kapag naabot na natin ang puntong nais na nating magpatawad sa taong nakagawa sa atin ng pagkakamali o Pagkakasala , maaari nating simulan ang Paghakbang Pasulong..

Ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang upang ipaalala sa ating sarili ang payong ibinigay ni apostol Pablo sa mga Kristiyano sa Corinto.

Maliwanag na Meyembro ng simbahan  sa Corinto ang isang indibidwal na tinutukoy na naging sanhi ng  problema para sa ilang mga kapatid sa lungsod na iyon.

 Hindi natin alam kung ano talaga ang mga problema , ngunit alam natin na sa sandaling ang mga alitan ay naayos magiging maayos din ang takbo ng Gawain sa loob ng Simbahan.

Kaya pinaalalahanan ni Paul ang iba pang mga mananampalataya patungkol sa  dapat at tamang gawin sapagkat marami sa tiga-corinto ang hindi pumapansin sa kahalagahan ng Pagpapatawad.

Kapag pinatawad natin ang isang tao na may ginawa laban sa atin, madalas tayong  tumatalon mula sa kilos ng pagpapatawad sa pamamgitan lamang ng ating sariling isip hanggang sa subukang "Kalimutan" nalang ang mga pangyayari ..

Ngunit ang pagtalon na ito ay malinaw na di pagpansin sa isang bahagi ng proseso hingil sa  pagpapatawad na binigyang diin ni Apostol Paul.

2 Corinto 2:5-8

Patawarin ang Nagkasala

5 Kung may nagdulot ng kalungkutan kaninuman, hindi ito sa akin idinulot; hindi sa pinalalaki ko ang bagay na ito, pero ang totoo, kayong lahat ang dinulutan niya ng kalungkutan. 6 Sapat na ang parusang iginawad sa kanya ng nakararami sa inyo. 7 Dapat na ninyo siyang patawarin at aliwin upang hindi naman siya tuluyang masiraan ng loob dahil sa matinding lungkot. 8 Kaya nakikiusap akong ipadama ninyo sa kanya na siya'y mahal pa rin ninyo.

Pansinin natin ang sinabi ni Pablo .

ang payo niya na patawarin na ang taong nagkasala…at hindi lang patawarin kundi Aliwin hindi sinabing husgahan kundi aliwin ..! Upang hindi siya mapuno ng labis na kalungkutan. "

Malinaw na ipinahiwatig nito na ang indibidwal na nakakitaan natin ng labis na pagsisisi sa kasalanang nagawa ay mapuno ng kaaliwan at hindi ng kalungkutan dahil sa di natin pagpapatawad,kung kaya nga kaniyang ipinayong tangapin muli ito at lubosang ipakita sa pamamagitan ng gawa na silay pinatawad na ang sabi doon ni Pablo Aliwin sila .

Naalala kung muli si Jose sa talatang ito hindi niya lang pinatawad ang kaniyang kapatid kundi inaliw din sila.

kayo ganun nalang ang pakiusap  ni Apostol Pablo sa mga taga-Corinto na: " Kaya nakikiusap akong ipadama ninyo sa kanya na siya'y mahal pa rin ninyo.ibig sabihin lang  muling Ipadama ang inyong pag-ibig para sa kaniya "

1.  Muling pagpapatunay ng Pagpapanumbalik 

Ang pagpapatawad sa isang tao bagamat lubha kang nasaktan ay maaaring maging mahirap sa bahagi mo, dahil pwede itong magdulot  lamang nang taos-pusong pagpapatawad sa pamamagitan lamang ng  ating puso't isipan.

Ngunit ipinakita ni Paul na dapat nating labanan ang tukso na layuan sila o lumayo nalang sa mga taong pinatawad mo.

Ang mga salita ni Paul sa mga taga-Corinto ay ipinapakita na kung ang tao ay magpakita ng totoong kalungkutan para sa kung ano ang nagawa nila sa atin,  responsibilidad naman natin na  tulungan na muling maitaguyod ang ating maayos na relasyon sa kanila.

2.  Muling Pagpapatunay ng Pagtangap 

Ang tunay na  pagtanggap ay pag-aalis ng sakit,hapdi ,kalungkutan at bagabag sa parehong kalagayan..dahil parehas lamang kayong biktima

Biktima ka niya,Biktima din Siya ni Satanas kaya ang kinakailangan Awa,Habag,at kaaliwan.

Kapwa sa nasaktan at maging sa nakasakit..ito’y totally Paglimot at pagtitiwala sa Diyos na kayang ibalik ng Diyos sa maayos ang mga nasirang Relasyon.

Mateo 6:16

Katuruan tungkol sa Pag-aayuno

16 “Kapag kayo'y nag-aayuno, huwag kayong magmukhang malungkot tulad ng mga mapagkunwari. Hindi sila nag-aayos ng sarili upang mapansin ng mga tao na sila'y nag-aayuno. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.

Ang sinabi ni Hesus tungkol sa pag-aayuno - na hindi tayo dapat "magmukhang Malungkot sa pag-aayuno ”(Mateo 6:16) ay maaari ring tumukoy sa uri ng ating  pag-gawad ng pagpapatawad o kapatawaran sa iba.

Mateo 6:17

17 Sa halip, kapag nag-aayuno ka, maghilamos ka, lagyan mo ng langis at ayusin mo ang iyong buhok

Ang kailangang Makita ay ang kagalakan  sa halip na  pagluluksa! Upang maipakita natin sa taong nagkasala sa atin na sila nga ay ating  totoong pinatawad at tinanggap.

Iyon ang dahilan kung bakit sinabi sa atin ni Paul sa Vs 7-8 na :

7 Dapat na ninyo siyang patawarin at aliwin upang hindi naman siya tuluyang masiraan ng loob dahil sa matinding lungkot. 8 Kaya nakikiusap akong ipadama ninyo sa kanya na siya'y mahal pa rin ninyo.

Sinadya  ni Paul na bigkasin sa kanila ang mahalagang prinsipyong ito upang magkaroon sila ng ganap na kalayaan mula sa pagkaalipin ng galit,poot,hinanakit at alitan sa isat-isa at muling maipadama ang pag-ibig ng Diyos sa bawat isa.

2 Corinto 2:9

9 Ang isa pang dahilan ng pagsulat ko sa inyo noon ay upang subukin kayo at alamin kung sinusunod ninyo ang lahat ng ipinangaral ko sa inyo.

Dito ipinakita niya Ang pagbubukas ng kanilang kamalayan sa sariling pangangailangan nila ng kapatawaran at  pagtangap ng Diyos

1 Timoteo 1:15-16

15 Totoo ang pahayag na ito at dapat paniwalaan ng lahat: Si Cristo Jesus ay dumating sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. At ako ang pinakamasama sa kanila. 16 Ngunit akong pinakamasama ay kinahabagan, upang ipakita ni Cristo Jesus sa pamamagitan ko, ang kanyang lubos na pagtitiyaga, at upang ito'y maging halimbawa sa mga sasampalataya at bibigyan ng buhay na walang hanggan.

Makukumpleto lamang ang pagpapatawad kapag nagawa nating tangapin muli ang mga taong nagkasala laban sa atin sa anumang kaparaanang maisasagawa natin ito..

Ang pagtanggap na iyon naman ang gumagawa ng huling hakbang tungo sa ganap  paglimot at dahil doon mas madali para sa ating  malagpasan ang anumang Pinagdaang Problema.

Wednesday, 7 July 2021



         

Aklat: Paano Magpatawad?

May Akda: Ptr Boyet Cervantes

Ikalawang Kabanata: Pagbubukas ng Puso (Piliing Magpatawad)

Ika-Anim na  Aralin: Ang Pagpapatawad ay Higit pa sa  Pakiramdam

Pangunahing Talata: Mga Awit 25:11/ Isaias 55:7

 Mga Awit 25:11

11 Ang iyong pangako, Yahweh, sana'y tuparin, ang marami kong sala'y iyong patawarin.

Nabasa natin sa talatang ito na hiniling ni David sa Panginoon na patawarin siya.

Pinagtapat niya na malaki ang kanyang pagkakasala.

Humihingi siya ng kapatawaran alang-alang sa pangalan ng Panginoon; iyon ay, upang ang awa at pag-ibig ng Panginoon ay maipakita.

Alam niya ang bigat ng kanyang pagkakasala Ay hindi ordenaryo lamang sinabi niya iyon sa harapan ng Diyos...

Kaya sa madaling salita inamin niya ito,kaya Siya ay kinilala ng Diyos na malapit sa puso niya dahil sa katangian niyang iyon

Alam din niya na ang Panginoon ay maawain at nalulugod sa matatag na pag-ibig (Mikas 7:18).

Mikas 7:18

18 Wala nang ibang diyos na tulad mo, O Yahweh. Pinapatawad mo ang mga kasalanan ng mga nakaligtas sa bayan mong pinili. Hindi nananatili ang iyong galit magpakailanman. Sa halip ay ipinadarama mo sa kanila ang tapat mong pag-ibig.

Itinuring ni apostol Paul na siya ang pinaka makasalanan sa lahat , ngunit nagpatotoo siya na tumanggap siya ng awa sa Panginoon.

Sumulat siya sa 1 Timoteo 1:16:

1 Timoteo 1:16

16 Ngunit akong pinakamasama ay kinahabagan, upang ipakita ni Cristo Jesus sa pamamagitan ko, ang kanyang lubos na pagtitiyaga, at upang ito'y maging halimbawa sa mga sasampalataya at bibigyan ng buhay na walang hanggan.

Hindi natin dapat maliitin ang ating kasalanan.

At mas lalong huwag baliwalain ang hangarin ng Diyos na Ikaw ay patawarin ,

Ang Unang Juan 1: 9 ay nagsasaad:

"Kung ikumpisal natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at makatarungan na patawarin tayo sa ating mga kasalanan at linisin tayo mula sa lahat ng kalikuan."

Ang sekreto para matamo ito ay makikita natin sa:

Isaias 55:7

7 Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama,at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko.Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran.

Panimula:

Ang pagpapatawad ay dapat  na nakasentro sa puso at isipan - dapat ay parehong may  hangaring magpatawad - ngunit dapat Tandaan natin na hindi ito isang damdamin.

Ang Pagpapatawad ay isang pagpili .

pinili natin ang magpatawad kung kaya nga hindi ito isang damdamin..

Mahalaga pong makita natin ang  pagkakaiba itong dahil ang bawat  indibidwal na kinakakitaan natin ng taos-pusong pagnanais na makapagpatawad ngunit kung minsan ay kinakapos din sa pagsusumikap,

 Dahil tanging pakiramdam lamang ang umiiral sa pagnanasang magpatawad, ngunit hindi palaging nailalapat ito.

Kung kayat ang Resulta nito ay parang daloy ng  kuryenteng kapag naputol dagliang napapatid.

1. Ang Aktibong Pagpapatawad ay may kalakip na pagkilos.

Sa Lumang Tipan, May ginagamit na dalawang salitang Hebreo para sa konsepto ng "kapatawaran" - salah at nasah.

   Ang unang salitang salah, ay nagpapakita ng kapatawaran ng Diyos (Mga Awit 25:11, Isaias 55: 7, atbp.) .

Mga Awit 25:11

11 Ang iyong pangako, Yahweh, sana'y tuparin, ang marami kong sala'y iyong patawarin.

Isaias 55:7

7 Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama,at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko.Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran.

   Ngunit ito ay malinaw na ginagamit lamang ng Diyos sa pag-gawad niya ng kapatawaran sa atin at hindi ito ginagamit sa pagpapatawad natin sa mga nagkasala sa atin..

   Ang Pangalawang Salita na nasah, sa kabilang banda ,ay ginagamit sa pag-gawad ng mga Tao ng pagpapatawad sa kapwa nila Tao..(Genesis 32:20, etc.).

Genesis 32:20

20 Ipinasabi rin niya sa mga ito na siya'y kasunod nila. Inisip ni Jacob na sa ganitong paraa'y patatawarin siya ni Esau, kung sila'y magtagpo, dahil sa mga regalong padala niya.

Kapag tiningnan natin ang salitang ito malalaman natin na ito ay isang ganap na aktibo.

Ang pangunahing kahulugan nito ay ang buhatin o dalhin ang pasanin , at kapag ginamit ito upang bigyang kahulugan ang "kapatawaran" nangangahulugan ito ng pag-buhat ng pasanin upang mawala iyong pagkakasala o maling gawain ng iyong kapwa at hangad mo nga na siya ay lubusan ng  mapabuti.

Halimbaw nito:

sa aklat ng Genesis nang patawarin ni Jose ang kanyang mga kapatid sa nagawa nila sa kanya na pagmamaltrato , patalinghaga niyang binuhat ang kanilang mga ginawa inalis ang bigat nito sa kanilang likuran at kanya itong pinasan sa kanyang balikat.

si Jose ay hindi lamang nagparamdam ng kaniyang kabaitan sa kanyang mga kapatid; kundi ipinakita din niya ang kanyang aktibong pagpapahayag ng pag-gawa sa pamamagitan ng "paglalaan” sa kanila ng tulong at pagkalinga.

sinabi sa atin na nangako siyang maglalaan para sa kanila at "inaliw niya sila at mabait na nagsalita sa kanila"

Natamo ng kanyang mga kapatid mula sa kanya ang maamong uri ng pagpapatawad at hindi mapasok na uri ng pagpapatawad .

Tayo po kaya asan tayo doon nasa maamo po ba o mapusok?

Genesis 50:21

21 Kaya, huwag na kayong mag-alala. Ako ang bahala sa inyo at sa inyong mga anak.” Napanatag ang kanilang kalooban sa mga sinabing ito ni Jose.

   Ang aktibong Pagpapatawad ay nagpapakita hindi lamang ng panloob na pag-iisip ,kundi panlabas na Pagkilos.

2. Ang Aktibong kalikasan ng Pagpapatawad sa Bagong Tipan.

Kapag bumaling tayo sa Bagong Tipan, mahahanap natin ang parehong aktibong likas na katangian ng pagpapatawad o kapatawaran.

Bagaman maraming mga salitang Griyego na ginamit sa konsepto, ang pinakamahalaga at madalas na matatagpuan ay ang pandiwa na aphiēmi.

Ang salitang ito ay may malawak na hanay ng kahulugan - maaari itong magbigay kahulugan na "patawarin" o "isulat" ang isang utang, upang payagan ang isang aksyon na maganap, umalis, kumalas, magpadala, umalis at iwanan o kahit na hiwalayan ang isang tao.

Iba't ibang  mukha ang  maaaring maging kahulugan nito, lahat sila ay mga aktibong ekspresyon at malinaw na nagpapakita  ng isang Pagkilos  sa halip na isang pakiramdam lamang.

Dapat nating alalahanin ito kapag binasa natin, halimbawa, ang mga salitang sinabi ni Jesus sa kanyang mga tagasunod kung paano dapat na manalangin:

Mateo 6:12-15

12  at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.13 At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama! [Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen.]14 “Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit.15 Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”

Sa bawat kaso, ang parehong salitang Griyego na (isang uri ng aphiēmi) ay ginagamit sa pamamgitan ng ating pagpapatawad sa iba dahil alam natin na pinatawad tayo ng Diyos dahil dito.

Alam nating lahat na kapag humingi tayo ng kapatawaran sa Diyos hindi lamang tayo tumitingin sa kanya upang mabura ang ating pagkakamali o kasalanan at mag-isip muli nang mga mabubuti patungkol sa atin, kundi  upang maipahayag din ang kapatawaran na iyon sa pamamagitan ng patuloy na pagkilos niya sa atin at mga paglalaan niya sa atin ng mga pagpapala araw-araw.

Ibang klase talaga si Lord kung magpatawad hindi ka lang niya pinatawad pinagpala pa.

Wala talaga siyang katulad ..ngunit pwede natin siyang sundan pagdating sa pag-gawad ng ating kapatawaran sa mga nagkasala sa atin.

Kung sinabi lamang ng Diyos na "pinatawad ka," ngunit hindi kumilos sa isang mapagpatawad na Kaparaan sa atin, mararamdaman nating lahat na hindi pa tayo nakatangap ng kaniyang lubusang pagpapatawad 

Kaya sa pagpapatawad dapat na maramdaman ito ng Taong pinatawad.

Ang Diyos pinatawad na tayo pinagpala pa.

Pinapaalalahanan tayo ni Jesus na ang pagpapatawad ng Diyos sa atin ay magiging aktibo kung ganun din ang gagawin nating pagpapatawad sa iba.

 

Kaya't kapwa ang pangunahing mga salitang Hebrew at Greek na nauugnay sa pagpapatawad sa Bibliya ay nangangailangan ng aksyon, hindi lamang pakiramdam, sa kanilang pangunahing kahulugan.

 

Ang mga salitang ito ay binibigyang diin ang isang mahalagang katotohanan na dapat nating laging tandaan:

 

ang emosyonal na damdamin ay maaaring maiugnay sa kapatawaran, ngunit Sa likod nito hindi naman nila pinatawad ang kanilang mga sarili.

 

Ang totoo at ganap na pagpapatawad ay nangangailangan na gumawa tayo ng isang bagay na lubusang makapagbibigay sa atin ng kalayaan mula sa hinagpis tungo sa matiwasay na pakiramdam sa pakikitungo sa kapwa at lubusang ding paglimot sa nakaraan at maging handang yakapin ang kasalukuyan at panghinaharap...at ito’y katumbas ng pagpapalaya sa isang bilango at iyong natuklasan na ang bilangong iyon ay ikaw.

 

Kapag naintindihan natin ito, magagawa nating makausad nang lampas sa pagpapasya lamang na patawarin ang isang tao dahil  sa maling nagawa niya sa iyo.

 

At maging handang tunguhin ang susunod na pinaka mahalagang bahagi at ito’y ang piliin na tayo’y makapag-gawad ng lubusang pagpapatawad sa kapwa at sa ating Sarili..

Tuesday, 6 July 2021


 

        

Aklat: Paano Magpatawad?

May Akda: Ptr Boyet Cervantes

Ikalawang Kabanata: Pagbubukas ng Puso (Piliing Magpatawad)

Ika-Anim na  Aralin: Nakuha Mo ba ang Mensahe?

Pangunahing Talata: Juan 10:27/ Roma 10:17

Nilalaman Ikalawang Kabanata:

5. Pagpapatawad na "Mula sa Puso"

6. Nakuha Mo ba ang Mensahe?

7. Ang Pagpapatawad ay Higit pa sa isang Pakiramdam

Panimula:

Ang konsepto ng pakikinig ng mensahe na ipinadala ng Diyos sa mundo ay ang pangunahing aspeto ng Kristiyanismo, ngunit ang ating responsibilidad na makinig ay hindi lamang limitado sa pagdinig sa kung ano ang sinasabi ng Diyos.

Juan 10:27

27 Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin.

Roma 10:17

17 Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.

Minsan, ang responsibilidad natin ay ang pakingan ang isat-isa , at iyon ay totoong malinaw na magagamit natin sa panahon na kailangan nating umunawa at magpatawad sa ating kapwa.

 Marami sa atin, ay maaaring magkamali ng pakiramdam o Paghatol sa  isang kaibigan, kapareha, katrabaho o sinumang iba pa na tila hindi kakikitaan ng pighati o kahit humingi man lang ng kapatawaran.dahil sa ating palagay hindi nila nagawa ito   sa paraang inaasahan.

Sa katunayan, ang ating ideya kung ano ang kalidad o kwalipikasyon upang makapag-gawad ng kapatawaran sa kapwa ay siyang nagiging dahilan o hadlang sa pagkilos upang malubos sana ang ganap na pagpapatawad.

Kung higit na nararamdaman natin na tayo ay nakagawa ng mali o pagkakamali Malaki ang maitutulong nito upang Makita natin ng  malinaw kung gaano kahirap ang kalagayan ng mga taong lumalapit sayo at humihingi  kapatawaran..hindi mo maiisip ang para sa iyong sariling kapakanan kundi ang kapakanan ng mga taong nagkasala sayo dahil alam mo naman sa sarili mo na mahirap iyon dahil  nakagagawa ka din naman ng kamalian.

1. Mga Di-Ganap na Mensahe

Matapos na siya ay ibenta sa pagkaalipin sa Ehipto ng kanyang mga kapatid, nakuha niya ang isang mataas na posisyon doon,

 kalaunan si Jose ay nakatanggap ng isang mensahe mula sa kanyang mga kapatid na ibinigay sa kanila ng kanilang ama:

Genesis 50:17

17 ‘Nakikiusap ako na patawarin mo na ang iyong mga kapatid sa ginawa nila sa iyo.’ Kaya naman ngayon, nagsusumamo kami sa iyo na patawarin mo kaming mga lingkod ng Diyos ng iyong ama.” Napaiyak si Jose nang marinig ito.

Ang tugon ni Jose sa kalungkutan ng kanyang mga kapatid ay huwaran – hindi sa salita lamang pinatawad ang mga ito, ngunit ipinakita din sa pamamagitan ng kanyang mga aksyon na ang kanyang pag-gawad ng pagpapatawad ay taos-puso

Genesis 50:21

21 Kaya, huwag na kayong mag-alala. Ako ang bahala sa inyo at sa inyong mga anak.” Napanatag ang kanilang kalooban sa mga sinabing ito ni Jose.

Ngunit isipin natin ang tungkol sa mensahe na narinig ni Jose at kung paano siya tumugon.

Kung tayo si Jose maaaring ang sasabihin natin: kayo ang nagkasala sa akin hindi an gating Ama..kayo dapat ang magsabi nito! Kayo dapat ang mismong direktang magsabi niyan huwag niyo ng gagamitin pa ang Pangalan ng ating Ama..maaring iyon ang mabigkas natin sa tindi ng galit natin sa kanila.

Sa madaling salita, kung titingnan natin nang mabuti, ang mensahe na narinig ni Jose

mula sa kanyang mga kapatid ay malayo sa perpekto pagdadala ng Mensahe , ngunit narinig ni Jose ang

mensahe at pinatawad sila.

Kung minsan kailangan natin itong gawin din, nang walang anumang kaisipang maaring komontra sa mensahe .

Kung hindi may panganib hindi natin lubos na makukuha ang tunay na nilalaman ng Mensahe na hinahanap natin o nais nating marinig, dahil ang pagkagalit ng tao at pagkabigo ang siyang nagdadala sa kanya upang di marinig ang nilalaman ng mensahe

2. Matutunang Makinig sa Ganap na Mensahe

Kung Minsan kinakailangan ng maingat na pakikinig at paghuhukay ng mas malalim sa mga senyas na ipinapadala ng mga tao upang marinig ang mensahe

mahalagang pong Makita natin at madama  na  may isang taong sumusubok na ayusin ang problema  kung kaya mahalaga ang pakikinig.

Sa huli, ang kapatawaran ay bahagi ng pagmamahal kung saan tinawag tayo sa buhay na ito.

Tulad ng isinulat ni apostol Juan:

1 Juan 3:11

11 Ito ang mensaheng narinig na ninyo sa simula pa: magmahalan tayo.

Monday, 5 July 2021



   

Aklat: Paano Magpatawad?

May Akda: Ptr Boyet Cervantes

Ikalawang Kabanata: Pagbubukas ng Puso (Piliing Magpatawad)

Ikalimang Aralin: Pagpapatawad na "Mula sa Puso"

Pangunahing Talata:Mateo 18:21-35

Nilalaman Ikalawang Kabanata:

5. Pagpapatawad na "Mula sa Puso"

6. Paumanhin, Paumanhin!

7. Nakuha Mo ba ang Mensahe?

8. Ang Pagpapatawad ay Higit pa sa isang Pakiramdam

Mateo 18:21-35

Ang Talinghaga tungkol sa Lingkod na Di Marunong Magpatawad

21 Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?”22 Sinagot siya ni Jesus, “Hindi pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.[d] 23 Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. 24 Nang simulan niyang magkwenta, dinala sa kanya ang isang lingkod na may utang na milyun-milyong piso.[e] 25 Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad. 26 Lumuhod ang lingkod sa harapan ng hari at nagmakaawa, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ 27 Naawa sa kanya ang hari kaya't pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya.28 “Ngunit pagkaalis roon ay nakita niya ang isa niyang kapwa lingkod na may utang sa kanya na ilang daang piso.[f] Sinakal niya ito, sabay sabi, ‘Magbayad ka ng utang mo!’ 29 Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ 30 Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ito'y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad.31 “Sumama ang loob ng ibang mga lingkod ng hari sa pangyayaring iyon, kaya't pumunta sila sa hari at nagsumbong. 32 Ipinatawag ng hari ang lingkod na iyon. ‘Napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. 33 Naawa ako sa iyo. Hindi ba't dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?’ 34 At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran nang buo ang kanyang utang. 35 Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo taos pusong patatawarin ang inyong kapatid.”

 Panimula:

Kadalasan  hindi natin nagagawaran ng maayos na kapatawaran ang nagkasala sa atin dahil hindi natin ganap na nauunawaan ang konsepto ng kapatawaran at maging ang kahalagahan nito, at kung sakaling naunawaan natin ito, hindi pa rin sapat ang pagkaunawa sa pamamagitan ng intelektwal na kaalaman para masabi mong nakapagpatawad ka na.

Kung dahil sa pagkaunawa  sa kapatawaran ay naging handa na tayo upang igawad ito sa nagkasala sa atin , ay dapat na tahakin Natin ito mula sa isip tungo sa “Puso”- mula sa simpleng pagtanggap ng ideya ng pagpapatawad at pagyakap dito . (Pagsasabuhay)

Dapat lagpas pa sa pag-unawa patungkol sa kapatawaran upang masilayan ang tunay na kahulugan ng pagkakaroon ng  kasanayan o pag-uugaling taos pusong pagpapatawad o Mapagpatawad .

Mateo 18:35

35 Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo taos pusong patatawarin ang inyong kapatid.”

Ang Greek expression na "mula sa puso" na ginamit sa talatang ito at iba pa tignan din natin ang (1 Pedro 1:22)

1 Pedro 1:22

22 Ngayon nalinis na ninyo ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng inyong pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pagmamahal sa mga kapatid. Kaya, maalab at taos-puso kayong magmahalan.

ito ay nangangahulugang din sa Ingles na : to truly and deeply forgive

Ngunit paano natin malalaman kung ang Pagpapatawad natin ay nagmumula nga sa kaibuturan ng ating Puso. ?

Ang sagot ay simple lang .

Binanggit ni Jesus ang Pagpapatawad  “na nagbubuhat sa Puso”   sa pagtatapos ng kanyang talinghaga Patungkol sa Lingkod na hindi marunong magpasalamat.

Isang lingkod na nakatangap ng pagpapatawad mula sa Hari ngunit hindi naman nagawang magpatawad sa iba,

kaya nga ang ipinupunto niya sa talinghagang iyon ,kailangan tayong magpatawad kasi pinatawad din naman tayo ng Hari..at ang ating Hari ay walang iba kundi si Hesu-Kristo.

Naglalaman ang Banal na Kasulatan ng maraming mga talata na nagpapakita ng Katibayan at kaparaan kung paano at saan tayo Pinatawad ng Diyos .

tingnan natin ang tatlong mga halimbawa na makikita natin sa mga sulat ng mga Propeta sa Lumang Tipan.

Tignan natin Kung anong ugaling mayroon ang Diyos pagdating sa Pagpapatawad.

1. Ang Aklat ni Mikas

Ito’ ay naglalaman ng ilang mga kamangha-manghang salita na nagsisiwalat ng Paguugaling mayroon ang Diyos Pagdating sa Pagpapatawad :

Mikas 7:18

18 Wala nang ibang diyos na tulad mo, O Yahweh. Pinapatawad mo ang mga kasalanan ng mga nakaligtas sa bayan mong pinili. Hindi nananatili ang iyong galit magpakailanman. Sa halip ay ipinadarama mo sa kanila ang tapat mong pag-ibig.

Ito Ay malinaw na nagpapakita ng kabaligtaran ng pag-aatubili sa dagliang pagawad ng kapatawaran.

Nasisiyahan Tayong  gumawa ng isang bagay na kinagigiliwan nating gawin, Maituturing na Makatao ..

 Ngunit dapat na huwag tignan ito na kasiya-siya o katuwaan lamang,kundi ito mismo ang ugaling dapat nating taglayin  Kung pahihintulutan natin na ito ay maganap at Maging kasanayan na natin sa buhay at ito’y ang ugaling mapagpatawad sa mga nagkasala sa atin.

at dahil diyan mas gugustuhin  na nating makapagpatawad na nagmumula sa ating puso.

2. Ang Aklat ni Isaias

Tinutulungan tayo ni propetang  Isaias na palawakin ang pag-kaunawa hingil sa Pagpapatawad ng Diyos:

Isaias 55:7

7 Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama,at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko.Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran.

Ang ibang mga salin ay nagpapahiwatig na ang ginamit na salita ni Isaias patungkol  sa Pagpapatawad ng Diyos ay  "malaya," "bukas-palad," "mayaman," at "Masagana."

 Ito ay malinaw na kabaligtaran ng pagpapatawad na may limitasyon  sa anumang paraan.

3. Ang Aklat ni Oseas

Ang isa pang propeta, si Oseas, ay nagtala ng isang panalangin na iniutos ng Diyos Na dapat gawin ng mga Sinaunang mga Israelita bilang tanda ng pagkilala sa kapatawarang iginawad ng Diyos sa kanila. :

Hosea 14:2

2 Dalhin ninyo ang inyong kahilingan,lumapit kayo kay Yahweh; sabihin ninyo sa kanya, “Patawarin po ninyo kami. Kami'y iyong kahabagan, kami'y iyong tanggapin.  Maghahandog kami sa iyo ng pagpupuri.

inaanyayahan tayo ng Diyos na tumanggap ng kanyang kabaitan pagpapatawad at ito’y malinaw na kabaligtaran ng isang mapusok na uri ng pagpapatawad.

May Makatao ding uri ng pagpapatawad ngunit hindi naman nagbubuhat sa puso kung kaya hindi rin maganda ang kinalabasan.

Ipinapakita sa atin ni Oseas na hindi ganun klaseng pagpapatawad ang ginawa ng Diyos kundi isang maamung uri ng pagpapatawad..yun din ang marapat nating gawin ang magpatawad ng nagmumula sa ating Puso.

Ang tatlong mga sipi na ito ay simula lamang upang sakupin ang maraming kapamaraanan na kung saan

Ang Diyos ay nagpapahayag ng kanyang kapatawaran, at maaari itong magawa para sa isang malawak at

Kapakipakinabang na pagtuklas o pag-aaral upang tingnan ang iba pang mga halimbawang matatagpuan sa Banal na kasulatan.

Kahit na walang malalim na pag-aaral sa mga nasabing talata, ang prinsepyo nito ay dapat na isaisip ..

Ang tatlong mga halimbawang ibinigay sa atin ayon sa talata sa gawing itaas ay gumagawa ng punto.

1. Hindi lang Kasiyahan ng Diyos ang magpatawad kundi ito ay katibayan din kung anong uri ng paguugaling mayroon Siya.

2..Siya ay nagpapatawad nang sagana at mapagbigay.

3. Walang limitasyon ang kaniyang pagpapatawad sa atin

Ang mga  katangiang ito, at marami pa, ang nagpapakita sa atin  kung ano ang ibig sabihin ng "magpatawad na nagmumula sa puso."

Kaya Inaasahan ng Diyos na masusundan natin kung ano ang kanyang sinimulan...

Mateo 18:35

Sunday, 4 July 2021


         

 Aklat: Paano Magpatawad ?

May Akda: Ptr Boyet Cervantes

Unang Kabanata: Pagbubukas ng Isipan

Ikalawang Pag-aaral : Nagugulumihanan ka  bang Magpatawad?

Pangunahing Talata: Mateo 18:21

21 Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?”

Panimula:

Ang isang pangwakas na aspeto ng pagpapatawad na dapat nating isaalang-alang bago natin simulang tingnan ang "kung paano magpatawad" ay kung ano ang pagkakaiba sa pagitan ng kapatawaran at pagtitiwala

Madami ang nakakaunawa  at nagsasabi na nalalaman nila ang  pagkakaiba sa pagitan ng dalawang salitang ito  at hindi lamang iyon kundi maging ang konseptong  kinakatawan nito, ngunit tandaan natin na madaling salitain kung wala pa sa sitwasyon pero kapag nadoon na sadyang nakaklito talaga.

Minsan ramdam ng mga tao na ang pagtitiwala ay bahagi ng kapatawaran at dapat silang magtiwala sa mga pinatawad nila.

Minsan naman ramdam ng mga tao na sila’y nakapagpatawad na ngunit hindi nila kailanman kailangang mag-gawad muli ng Pagtitiwala sa taong nagkasala sa kanila..

Tandaan po natin na ito ay kapwa mali.

Palagi Tayong dapat mag-gawad ng kapatawaran,  ngunit hindi natin kailangang magtiwala sa mga nakapanakit na sa atin hangang hindi natin sila nakakakitaan ng tunay na senyales ng lubusang Pagbabago at Paghingi ng tunay na paumanhin o  kapatawaran sa nagawang kasalanan sa atin..

 Sa kabilang banda naman, sa sandaling nakapagpatawad tayo dapat tayong magsikap na payagan ang pagtitiwala na mabuo ,umusbong at lumagong muli hangga't maaari upang ang kapanatagan ng kalooban at kapayapaan ng kaisipan ay muli mong maranasan.

I- ANG KAIBAHAN SA PAGITAN NG KASINUNGALINGAN  AT KATOTOHANAN

Ang pagkakaiba sa dalawang ito ay nakasalalay sa katotohanang ang pagpapatawad sa sinumang nagkamali o nagkasala sa atin ay ating responsibilidad; Ngunit ang muling pagtatag ng tiwala ay madalas na ito’y responsibilidad na ng taong nagkamali laban sa atin.

Sa totoong buhay, paulit-ulit  tayong nasasaktan at sinaaktan  ng kapwa natin  tao – at ang katotohanang iyon ang naging batayan ng tanong ni Pedro kay Jesus:

Mateo 18:21

21 Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?”

Ang problema ay bilang tao ,minsan nakagagawa muli ng pagkakamali ,kung kaya’t bilang tao din tila napakahirap na para sa atin ang magpatawad pang muli.

Kung kaya nga parang nagpayo pa si Pedro dito, bagamat idinaan niya sa pagtatanong na kung pwede eh pitong beses lang ..kasi para sa kanya mababang numero lang iyon at kayang-kaya pang pagbigyan.

Ngunit ano ang Sagot ng Panginoon?

Ang sagot ni Jesus, syempre, ay hindi tayo dapat maglagay ng limitasyon ng Pagpapatawad sa mga taong nagkamali o nagkasala sa atin

Mateo 18:22

22 Sinagot siya ni Jesus, “Hindi pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.

Gaano po natin naiintindihan iyong pitumpung ulit na pito?

Tila sinabi niya sa kanyang sagot na bakit ka mananatili sa hangang pito lang kung pwede naman palang di masaktan kasi naging ugali mo na o kinasanayan mo na ang magpatawad ng walang limitasyon.

Iyon ang nais niyang tukuyin sa atin .

Hindi naman iyan naka akma sa Pagtitiwala sa mga taong delikadong makasama katulad ng pisikal na pananakit baka  ikamatay mo na ng walang kalalaban-laban..

Kaya ang payo ng banal na kasulatan:

Mga Kawikaan 22:3

3 Kung may dumarating na panganib, ang matalino'y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.

Mga Kawikaan 27:12

12 Alam ng matalino kung may panganib at siya'y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.

Kung mapapnsin po natin dalawang beses binangit dahil pinatutunayan na ito ay mahalaga..

II- ANG KAIBAHAN SA PAGITAN NG PAGPAPATAWAD AT PAGTITIWALA

Ang hindi pag-unawa sa mga pangunahing katotohanan na ito ang siyang  humahadlang sa pagpapanumbalik ng mga nasirang relasyon at ito’y mas lalo pang nagdudulot ng mas malalang sakit sa damdamin at lubusang lang silang mahihirapan kapag ganito ang kanilang ginawa.

Sa aklat na isinulat ni Pastor Rick Waren   kaniyang sinabiTHE PURPOSE DRIVEN LIFE ,:

 “Many people are reluctant to show mercy because they don't understand the difference between trust and forgiveness. Forgiveness is letting go of the past. Trust has to do with future behavior.”

  “Maraming tao ang nag-aatubili na magpakita ng awa dahil hindi nila naiintindihan ang pagkakaiba sa pagitan ng tiwala at kapatawaran. Ang pagpapatawad ay pagpapaalam sa nakaraan. At May kinalaman naman ang tiwala sa pag-uugali sa hinaharap. "

Tiyak na wasto ang pagkasabi ni Ptr Rick  Warren hingil dito, sapagkat ang pagpapatawad ay dapat na agarang ipinagkakaloob  natin sa sinumang nakasakit sa atin , ang pagtitiwala naman ay dapat na mabuo sa paglipas ng panahon at nakasalalay ito sa pag-uugali ng Taong pinatawad mo.

Ang pagpapatawad sa iba ay dapat palaging walang pasubali, ngunit ang ating pagtitiwala sa iba ay maaari at madalas na may kondisyon na - kailangan maabot .

Tulad ng nakita natin sa huling kabanata, na ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang kailangan nating makita ang pagbabago sa ibang tao upang mapatawad natin  sila – dahil iyon ay malinaw na maling diskarte.

Dahil Dapat nating patawarin kung ang isang isang Tao man  ay nagbago o hindi.

Ngunit hindi natin sila dapat pagkatiwalaan kung Hindi mo pa sila Kinakakitaan ng Pagbabago Pagsusumikap man lang na magbago.

Ang pagtitiwala ay mabagal na Nabubuo - at ito’y mabubuo din sa paglipas ng panahon…sana buhay pa at hindi pagpantay na ang mga paa saka mo pa maisipang bigyan ng second Chance ..ano pa ang maipapakita non sayo eh patay na.pano niya patutunayan sayo na siya ay ganap na nagbago na eh sarado nga pusot isip mo.

Isipin mo nalang ang halimbawang ipinakita  ni Jesus ng tinanong niya si Pedro ng tatlong beses,

Juan 21:15-17

15 Pagkakain nila, tinanong ni Jesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?”

“Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo,” tugon niya.

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon pakainin mo ang aking mga batang tupa.” 16 Muli siyang tinanong ni Jesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?”

Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo.” Sabi ni Jesus, “Alagaan mo ang aking mga tupa.”

17 Pangatlong ulit na tinanong siya ni Jesus, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?”

Nalungkot si Pedro sapagkat tatlong beses siyang tinanong ng, “Mahal mo ba ako?”

At sumagot siya, “Panginoon, alam po ninyo ang lahat ng bagay; alam ninyong mahal ko kayo.”

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Pakainin mo ang aking mga tupa.

Juan 18:15-27

15 Sumunod kay Jesus si Simon Pedro at ang isa pang alagad. Ang alagad na ito ay kilala ng pinakapunong pari kaya't nakapasok siyang kasama ni Jesus hanggang sa patyo ng bahay ng pinakapunong pari. 16 Naiwan naman si Pedro sa labas ng pintuan, kaya lumabas ang alagad na kilala ng pinakapunong pari, kinausap ang utusang babae na nagbabantay sa pinto at pinapasok si Pedro. 17 Si Pedro'y tinanong ng babae, “Hindi ba't isa ka sa mga alagad ng taong iyan?”“Hindi,” sagot ni Pedro.18 Maginaw noon, kaya't nagsiga ng uling ang mga utusan at ang mga bantay, at nag-umpukan sila sa paligid ng apoy upang magpainit. Nakihalo sa kanila si Pedro, tumayo roon at nagpainit din.19 Tinanong si Jesus ng Pinakapunong Pari tungkol sa kanyang mga alagad at sa kanyang itinuturo. 20 Sumagot si Jesus, “Hayagan akong nagsasalita sa madla, at lagi akong nagtuturo sa mga sinagoga at sa Templo na pinagtitipunan ng mga Judio. Wala akong sinabi nang palihim. 21 Bakit ako ang tinatanong ninyo? Ang tanungin ninyo'y ang mga nakarinig sa akin; alam nila kung ano ang sinabi ko.”22 Pagkasabi nito'y sinampal siya ng isa sa mga bantay na naroroon. “Ganyan ba ang pagsagot sa pinakapunong pari?” tanong niya.23 Sumagot si Jesus, “Kung may sinabi akong masama, patunayan mo! Ngunit kung tama ang sinabi ko, bakit mo ako sinampal?”24 Matapos ito, si Jesus na nakagapos pa noon ay ipinadala ni Anas kay Caifas, ang pinakapunong pari.25 Habang nagaganap ito, si Simon Pedro ay nakatayo at nagpapainit pa rin sa tabi ng apoy. Siya'y tinanong ng mga naroon, “Hindi ba't alagad ka rin ng taong iyan?”26 Tinanong naman siya ng isa sa mga utusan ng pinakapunong pari at kamag-anak ng lalaking natagpasan niya ng tainga, “Hindi ba nakita kitang kasama ni Jesus sa halamanan?” 27 Muling ikinaila ito ni Pedro, at agad na tumilaok ang manok.

Bakit Tatlong beses na tinanong ni Hesus ang katagang ito na “Mahal mo ba ako?”kay Peter

Dahil malinaw po na ipinakita dito  ang aral o  ebedensya na  ang Salita o Pangako ng tao ay maaring magbago kung kaya nga madalas na  taliwas ang ginagawa kaysa sa sinasalita.

Ngunit sa bandang huli mapag-uunawa  niya rin na mas higit na kailangan ang buong pagtitiwala sa Diyos para mapagtibay ang pangako o salitang binitiwan na Mahal mo nga ang Diyos..kasi mahirap iyan gawin sa pamamagitan lamang ng salita kung wala naming kalakip na pag-gawa.

Ang simpleng paghahalintulad nito kapag nasaktan ka ng iba para ka na ding tumangap ng hiwa sa iyong katawan..sa tuwing masasaling ito mararamdaman mo ang hapdi.

Ang pagpapatawad sa tao ay kumikilos o Gumagawa tulad ng pagtatahi upang ang sugat at lubusang magsara..may peklat man ngunit sa tuwing nakikita mo ito di ka na masasaktan pa ,kahit hawakan mo  o hawakan man ng iba  wala ka ng mararamdaman pang anumang sakit…kasi na lubos na ang iyong Pagpapatawad.

Sa madaling Salita Nagsara na ang  ating sugat, Ngunit ang Espiritwal at Emosyonal na pag-galing, tulad din ng pisikal na pag-galing, ay nangangailangan pa rin ng Panahon …nasayo na ang pagpapasya kung nais mong bumilis o bumagal ang Iyong Pag-galing..

Kahit na lubos pa nating naiintindihan ang pagkakaiba sa pagitan ng pagbibigay ng kapatawaran at pagtitiwala, ay marapat  din na laging pakatandaan na ang pagpapahintulot na makapagllaan ng Oras sa pagsasaayos ay tumagal pa ng ilang Panahon..

Kasi po pagka ganun nangangahulugang din ito ng Pagpayag mo na ,manatili kang maawa sa iyong Sarili,at pinapayagan mo ding maghari at makapanatiling makapangulo ang sama ng loob,galit na kalaunan mas magiging malala pa kaysa dati.

Para inanyayahan mo ang Infection na hawakan ang iyong sugat at hindi gumaling pa at maaari mong ikamatay.

Ang pagpayag sa ating Sarili na magbalik ng tiwala ay naka base sa ating Kumpleto at hindi na hahadlanagn nan a pagbibigay ng lubos na pagpapatawad sa nagkasala sa atin… yan lang ang tanging paraan  na magagawa natin ito,at lubusan na tayong gumaling..

Dapat palagi tayong maging bukasat hayaan na ang pagtitiwala ay mabuo muli hangang possible pa itong mangyari.

Ang pagpapatawad ay pag-aari nating lahat na pinahintulutan  nating ibigay sa iba. Ngunit ang pagtitiwala ay hindi pag-aari, ito ay isang proseso na pinapayagan natin upang paunlarin tayo nito sa lahat ng aspeto ng buhay natin sa sandaling ang ating pagpapatawad ay nagawa nating igawad sa iba at hayaang maibalik at mabuo muli ang pagtitiwala na nawala . at ang magiging resulta nito pamilyang mas masaya pa kaysa dati..dahil hinayaan niyong buklurin kayong muli sa diwa ng pagibig ng may kapal

Bukas nasa Ikalawang Bahagi na po tayo ng aklat na aking isinulat , sinisimulan nating tingnan ang ilang mahahalagang aspeto ng aktwal na pagkilos ng pagpapatawad.

Saturday, 3 July 2021


     

AKLAT: Paano Magpatawad

MAY AKDA: Ptr Boyet Cervantes

UNANG BAHAGI: Pagbubukas ng Isipan

IKATLONG ARALIN: Paano kung hindi nagsabi ng Sorry?

PANGUNAHING TALATA: Marcos 11:25

25 Kapag kayo'y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit.

PANIMULA:

Matapos nating malaman ang pangunahing katotohanan na dapat Tayong magpatawad sa mga nagkasala sa atin.

Kailangan din nating maintindihan ang patungkol sa katanungan na paano kung hindi naman humingi ng paumanhin patatawarin ko ba?

Ito ay isang mahirap na katanungan para sa marami

kasi  nga para sa kanila mahirap gawin sa kadahilanang  Dehado sila.

Para sa dagdag kalinawang pangkaisipan,Tignan natin ang masasabi ng Banal na Kasulatan Hingil dito:

I- SINASABI NG BIBLIA NA DAPAT NATING PATAWARIN ANG SINUMANG NAGKASALA SA ATIN NAGSISISI MAN SIYA SA KASALANANG NAGAWA O HINDI

Pagmabilis ang utak kaysa puso maaaring sabihin niyo Pastor sabi sa biblia patawarin kung hihingi ng tawad...tama po kayo kung hindi magiging balansyado ang paghahanap natin ng mga ebedensiya na ukol dito na akma mismo sa Sinalita ni Hesus at ng mga Apostol.

 kayat dapat na Tignan natin ito sa isang balansiyadong pagtanaw  ayon sa sinasabi Salita ng Diyos.

The Gospel of Mark records Jesus’ words:

 

Marcos 11:25

25 Kapag kayo'y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit.

Ang Utos na ito ay hindi tinuran na ang ibang tao ay dapat mag sorry muna sa ginawa sayo, bago ka mag-gawad ng kapatawaran sa kanila

Isa sa katibayan na si Jesus Mismo ang humingi ng kapatawaran para sa kasalanan ng mga nagpako At nagpapako sa kanya…at ang mga iyon ay malinaw na hindi nagsisi sa kanilang nagawa o ginawa kinutya pa nga siya at pinagtawanan ngunit ano ang naging reaksiyon ni Hesus sa kanilang ginawa? Panalangin ng paghingi ng kapatawaran at nasambit niya ang katagang

Lucas 23:34

 34 Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”

Bakit niya nasambit ang mga katagang iyon ?

Kasi nga inilagay siya sa kahihiyan ng mga ito...ibinilad siya sa kahihiyan.

ang ginawa ng mga sundalong Romano,Nagpalabunutan sila  upang paghati-hatian ang kasuotan niya.

Malinaw na hinubaran siya wala siyang anumang saplot sa katawan ng siya’y nakapako sa cross

Sa kabilang banda, ang Ebanghelyo ni Lucas ay para bang tila iba ang ipininapahiwatig patungkol naman sa paksang ito ang ebedensiya ay ayon din naman sa sinabi mismo ng Panginoong Jesus:

Lucas 17:3-4

3 Kaya't mag-ingat kayo! “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, patawarin mo. 4 Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo siyang patawarin.”

Sa talatang ito ay malinaw na makikita natin na ito ay tumutukoy sa mga nagsisisi o humihingi ng paumanhin o tawad at sinasangayunan naman ito ng ibang mga talata sa Biblia:

Mateo 18:15-18

15 “Kung magkasala [sa iyo] ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo na ang inyong pagsasamahan bilang magkapatid. 16 Ngunit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. 17 Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesya ang nangyari. At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesya, ituring mo siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis.”

18 “Tandaan ninyo: anumang ipagbawal ninyo dito sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot ninyo dito sa lupa ay ipahihintulot sa langit.

Ang  banal na kasulatang ito ay maaaring mukhang akma sa katotohanan na  hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang hindi nagsisi sa kaniyang ginawa 

Pero Parang may kunting  contradiction ata mukhang nakakahilo lang naman  kayat mainam na bigyan  na natin ng solusyon…

II- BIGYAN NATIN NG TUGON ANG TILA MAHIRAP UNAWAIN, KUNG ANG PATATAWARIN LAMANG BA ANG NAGSISISI AT ANG HINDI MARUNONG MAG SORRY  AY HINDI?

Upang lumiwanag ang nakitang pagkakasalungatan at upang maunawaan kung ano ang mga Responsabilidad natin sa mga nakagawa ng pagkakasala sa atin halinat simulan nating tuklasin ito.

At dapat din nating maunawaan na ang kapatawaran ay may dalawang aspeto, ang isa ay pang-kaisipan at ang pangalawa ay  pang pisikal  - ang "puso" at ang "kamay " – na kalakip  ang ating pag-uugali at maging ang ating Pag-gawa.

Sa bawat sitwasyon kailangan nating magpatawad na nanggagaling sa kaibuturan ng ating Puso , ngunit ang nakalulungkot na katotohanan,sa kabilang banda hindi natin nagagawang ipagpatuloy ito  ,

Bunsod  ng pagpapakita natin ng maling pagkilos at pananalita doon sa taong umasang nakatangap na ng iyong pagpapatawad ngunit ayaw mo paring tantanan ng paninisi at pagpapaalala sa kanya sa maling nagawa …sa madaling Salita parang wala ding nangyaring pagpapatawad kasi nga binabalik-balikan mo pa ang nakaraan..

Ang mga salita ni Hesus sa ayon sa Marcos 11 at ang kanyang mga salita sa krus ay kumakatawan sa mahalagang unang bahagi ng kapatawaran – at ito’y may kinalaman sa ating Pag-uugali.

Karamihan sa mga tao ,kapag may nakagawa sa kanila ng Pagkakasala hindi nila magawang ipanalangin ang taong iyon .

Ngunit pakatandaan natin at isapamuhay  ang halimbawang ipinakita ni Hesus noong siya’y nakapako sa krus.

anong ugaling mayroon Ba si Hesus? ,

malinaw po na siya ay mapagpatawad kahit na hindi Humingi ng tawad ang mga salarin sa kanya nagawa pa niyang ipanalangin sila na Ama patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa,

Sa kabilang banda, inilarawan ni Hesus ang sitwasyon sa Lukas 17 na ito ay patungkol sa dapat nating gawin tungo sa Pagpapatawad sa mga nagkasala laban sa atin.

Partikular na sinasabi sa atin ng Mateo 18 na kung ang isang tao ay hindi nagpapakita ng anumang senyales na siya ay nagsisisi ay marapat na ang gawin mo ay puntahan mo siya at kausapin upang maayos ang sigalot sa pagitan ninyong dalawa ...dahil hindi magandang tignan na ang kristiyano sa kapwa kristiyano ay manatili sa di pagkakasundo magaan man o mabigat ang naging kasalanan sayo magpatawad ka at intentional na gumawa ng daan tungo sa ipagkakasundo.

Kapag naintindihan na natin ang dalawang bahagi ng kapatawaran, makikita natin na walang totoong kontradiksyon sa pagitan ng mga pahayag ni Hesus.

Sa isang bahagi dapat lagi tayong magkaroon ng isang mapagpatawad na pag-uugali – kahit humihingi man o hindi ng paumanhin ang taong nagkasala laban sa atin.

Marcos 11:25

25 Kapag kayo'y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit.

Lucas 17:3-4

3 Kaya't mag-ingat kayo! “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, patawarin mo. 4 Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo siyang patawarin.”

Mateo 18:15-17

15 “Kung magkasala  ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo na ang inyong pagsasamahan bilang magkapatid. 16 Ngunit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. 17 Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesya ang nangyari. At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesya, ituring mo siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis.”

kung ang isang babaeng Kristiyano ay nasaktan at inabuso ng asawa, o maging

ang kanyang mga anak ay sinaktan din, malinaw sa Kasulatan na dapat niya itong patawarin

. Ngunit hindi niya kailangan ilagay ang kanyang sarili at kaniyang mga anak sa panganib sa pamamagitan ng pag-arte na parang wala lang nangyari at nanatili pa rin sa ganuung sitwasyon.

 

Mga Kawikaan 22:3

3 Kung may dumarating na panganib, ang matalino'y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.

Sa Biblia at may talaan ng ilang halimbawa ng prinsipyong ito na naisagawa

Nalaman natin na bagaman malinaw na pinatawad ni David Si Haring Saul sa pagtatangkang pagpatay sa kanya  ayon sa (2 Samuel 1: 17-27), gayunpaman siya ay hindi na  bumalik sa normal na pakikipag-ugnayan kay  Saul dahil alam niya na hinahangad  pa rin ni Saul ang kanyang kamatayan (1 Samuel 20-23).

Both wisdom and the Scriptures show that we should be equally careful.

Dapat nating laging tandaan na ang Diyos ay may kapangyarihan at karunungan na malaman kung ang isang tao ay tunay na nagsisisi o hindi.

Hindi natin mabasa ang isipan ng  iba at hindi natin maaaring hatulan ang  motibo ng isang tao sa paraang kaya ng Diyos.

Maaaring sabihin ng mga tao ang "Paumanhin" ngunit hindi naman bokal sa kalooban  Ang iba naman talagang taos-puso na humihingi ng paumanhin.

Tiyak na hindi natin palaging makikilala ang ugali ng iba .

Ngunit dapat magpatawad tayo mula sa kaibuturan ng ating mga puso at isip tulad ng malinaw na tagubilin sa atin ng Diyos – dahil alam naman natin na  sa huli Hahatulan ng Diyos ayon sa mga nakalap na ebedensiya kung ikaw o Siya   ay nagsisi o hindi.

Ang maintindihan ang prensepyong ito ay siyang dakilang Maituturing na pinakamahalaga sa ating buhay.

Dahil ito ang susi sa iyong paglaya mula sa kulungan ng di pagpapatawad..

Alam natin na bahagi ng pagpapatawad  sa iba ay ang walang pasubaling pagpapatawad na nagmumula sa kaibuturan ng ating puso, ay makatutulong sa atin upang  matupad ang kalooban ng Diyos para  sa ating buhay ..

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...