Tuesday, 6 July 2021


 

        

Aklat: Paano Magpatawad?

May Akda: Ptr Boyet Cervantes

Ikalawang Kabanata: Pagbubukas ng Puso (Piliing Magpatawad)

Ika-Anim na  Aralin: Nakuha Mo ba ang Mensahe?

Pangunahing Talata: Juan 10:27/ Roma 10:17

Nilalaman Ikalawang Kabanata:

5. Pagpapatawad na "Mula sa Puso"

6. Nakuha Mo ba ang Mensahe?

7. Ang Pagpapatawad ay Higit pa sa isang Pakiramdam

Panimula:

Ang konsepto ng pakikinig ng mensahe na ipinadala ng Diyos sa mundo ay ang pangunahing aspeto ng Kristiyanismo, ngunit ang ating responsibilidad na makinig ay hindi lamang limitado sa pagdinig sa kung ano ang sinasabi ng Diyos.

Juan 10:27

27 Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin.

Roma 10:17

17 Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.

Minsan, ang responsibilidad natin ay ang pakingan ang isat-isa , at iyon ay totoong malinaw na magagamit natin sa panahon na kailangan nating umunawa at magpatawad sa ating kapwa.

 Marami sa atin, ay maaaring magkamali ng pakiramdam o Paghatol sa  isang kaibigan, kapareha, katrabaho o sinumang iba pa na tila hindi kakikitaan ng pighati o kahit humingi man lang ng kapatawaran.dahil sa ating palagay hindi nila nagawa ito   sa paraang inaasahan.

Sa katunayan, ang ating ideya kung ano ang kalidad o kwalipikasyon upang makapag-gawad ng kapatawaran sa kapwa ay siyang nagiging dahilan o hadlang sa pagkilos upang malubos sana ang ganap na pagpapatawad.

Kung higit na nararamdaman natin na tayo ay nakagawa ng mali o pagkakamali Malaki ang maitutulong nito upang Makita natin ng  malinaw kung gaano kahirap ang kalagayan ng mga taong lumalapit sayo at humihingi  kapatawaran..hindi mo maiisip ang para sa iyong sariling kapakanan kundi ang kapakanan ng mga taong nagkasala sayo dahil alam mo naman sa sarili mo na mahirap iyon dahil  nakagagawa ka din naman ng kamalian.

1. Mga Di-Ganap na Mensahe

Matapos na siya ay ibenta sa pagkaalipin sa Ehipto ng kanyang mga kapatid, nakuha niya ang isang mataas na posisyon doon,

 kalaunan si Jose ay nakatanggap ng isang mensahe mula sa kanyang mga kapatid na ibinigay sa kanila ng kanilang ama:

Genesis 50:17

17 ‘Nakikiusap ako na patawarin mo na ang iyong mga kapatid sa ginawa nila sa iyo.’ Kaya naman ngayon, nagsusumamo kami sa iyo na patawarin mo kaming mga lingkod ng Diyos ng iyong ama.” Napaiyak si Jose nang marinig ito.

Ang tugon ni Jose sa kalungkutan ng kanyang mga kapatid ay huwaran – hindi sa salita lamang pinatawad ang mga ito, ngunit ipinakita din sa pamamagitan ng kanyang mga aksyon na ang kanyang pag-gawad ng pagpapatawad ay taos-puso

Genesis 50:21

21 Kaya, huwag na kayong mag-alala. Ako ang bahala sa inyo at sa inyong mga anak.” Napanatag ang kanilang kalooban sa mga sinabing ito ni Jose.

Ngunit isipin natin ang tungkol sa mensahe na narinig ni Jose at kung paano siya tumugon.

Kung tayo si Jose maaaring ang sasabihin natin: kayo ang nagkasala sa akin hindi an gating Ama..kayo dapat ang magsabi nito! Kayo dapat ang mismong direktang magsabi niyan huwag niyo ng gagamitin pa ang Pangalan ng ating Ama..maaring iyon ang mabigkas natin sa tindi ng galit natin sa kanila.

Sa madaling salita, kung titingnan natin nang mabuti, ang mensahe na narinig ni Jose

mula sa kanyang mga kapatid ay malayo sa perpekto pagdadala ng Mensahe , ngunit narinig ni Jose ang

mensahe at pinatawad sila.

Kung minsan kailangan natin itong gawin din, nang walang anumang kaisipang maaring komontra sa mensahe .

Kung hindi may panganib hindi natin lubos na makukuha ang tunay na nilalaman ng Mensahe na hinahanap natin o nais nating marinig, dahil ang pagkagalit ng tao at pagkabigo ang siyang nagdadala sa kanya upang di marinig ang nilalaman ng mensahe

2. Matutunang Makinig sa Ganap na Mensahe

Kung Minsan kinakailangan ng maingat na pakikinig at paghuhukay ng mas malalim sa mga senyas na ipinapadala ng mga tao upang marinig ang mensahe

mahalagang pong Makita natin at madama  na  may isang taong sumusubok na ayusin ang problema  kung kaya mahalaga ang pakikinig.

Sa huli, ang kapatawaran ay bahagi ng pagmamahal kung saan tinawag tayo sa buhay na ito.

Tulad ng isinulat ni apostol Juan:

1 Juan 3:11

11 Ito ang mensaheng narinig na ninyo sa simula pa: magmahalan tayo.

No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...