Aklat: Paano Magpatawad?
May Akda: Ptr Boyet Cervantes
Ikalawang Kabanata: Pagbubukas ng Puso (Piliing Magpatawad)
Ika-Anim na Aralin:
Ang Pagpapatawad ay Higit pa sa Pakiramdam
Pangunahing Talata: Mga Awit 25:11/ Isaias 55:7
11 Ang iyong pangako, Yahweh, sana'y tuparin, ang marami kong sala'y iyong patawarin.
Nabasa natin sa talatang ito na hiniling ni David sa Panginoon na patawarin siya.
Pinagtapat niya na malaki ang kanyang pagkakasala.
Humihingi siya ng kapatawaran alang-alang sa pangalan ng Panginoon; iyon ay, upang ang awa at pag-ibig ng Panginoon ay maipakita.
Alam niya ang bigat ng kanyang pagkakasala Ay hindi ordenaryo lamang sinabi niya iyon sa harapan ng Diyos...
Kaya sa madaling salita inamin niya ito,kaya Siya ay kinilala ng Diyos na malapit sa puso niya dahil sa katangian niyang iyon
Alam din niya na ang Panginoon ay maawain at nalulugod sa matatag na pag-ibig (Mikas 7:18).
Mikas 7:18
18 Wala nang ibang diyos na tulad mo, O Yahweh. Pinapatawad mo ang mga kasalanan ng mga nakaligtas sa bayan mong pinili. Hindi nananatili ang iyong galit magpakailanman. Sa halip ay ipinadarama mo sa kanila ang tapat mong pag-ibig.
Itinuring ni apostol Paul na siya ang pinaka makasalanan sa lahat , ngunit nagpatotoo siya na tumanggap siya ng awa sa Panginoon.
Sumulat siya sa 1 Timoteo 1:16:
1 Timoteo 1:16
16 Ngunit akong pinakamasama ay kinahabagan, upang ipakita ni Cristo Jesus sa pamamagitan ko, ang kanyang lubos na pagtitiyaga, at upang ito'y maging halimbawa sa mga sasampalataya at bibigyan ng buhay na walang hanggan.
Hindi natin dapat maliitin ang ating kasalanan.
At mas lalong huwag baliwalain ang hangarin ng Diyos na Ikaw ay patawarin ,
Ang Unang Juan 1: 9 ay nagsasaad:
"Kung ikumpisal natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at makatarungan na patawarin tayo sa ating mga kasalanan at linisin tayo mula sa lahat ng kalikuan."
Ang sekreto para matamo ito ay makikita natin sa:
Isaias 55:7
7 Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama,at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko.Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran.
Panimula:
Ang pagpapatawad ay dapat na nakasentro sa puso at isipan - dapat ay parehong may hangaring magpatawad - ngunit dapat Tandaan natin na hindi ito isang damdamin.
Ang Pagpapatawad ay isang pagpili .
pinili natin ang magpatawad kung kaya nga hindi ito isang damdamin..
Mahalaga pong makita natin ang pagkakaiba itong dahil ang bawat indibidwal na kinakakitaan natin ng
taos-pusong pagnanais na makapagpatawad ngunit kung minsan ay kinakapos din sa
pagsusumikap,
Dahil tanging pakiramdam lamang ang umiiral sa pagnanasang magpatawad, ngunit hindi palaging nailalapat ito.
Kung kayat ang Resulta nito ay parang daloy ng kuryenteng kapag naputol dagliang napapatid.
1. Ang Aktibong Pagpapatawad ay may kalakip na pagkilos.
Sa Lumang Tipan, May ginagamit na dalawang salitang Hebreo para sa konsepto ng "kapatawaran" - salah at nasah.
• Ang unang salitang salah, ay nagpapakita ng kapatawaran ng Diyos (Mga Awit 25:11, Isaias 55: 7, atbp.) .
Mga Awit 25:11
11 Ang iyong pangako, Yahweh, sana'y tuparin, ang marami kong sala'y iyong patawarin.
Isaias 55:7
7 Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama,at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko.Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran.
• Ngunit ito ay malinaw na ginagamit lamang ng Diyos sa pag-gawad niya ng kapatawaran sa atin at hindi ito ginagamit sa pagpapatawad natin sa mga nagkasala sa atin..
• Ang Pangalawang Salita na nasah, sa kabilang banda ,ay ginagamit sa pag-gawad ng mga Tao ng pagpapatawad sa kapwa nila Tao..(Genesis 32:20, etc.).
Genesis 32:20
20 Ipinasabi rin niya sa mga ito na siya'y kasunod nila. Inisip ni Jacob na sa ganitong paraa'y patatawarin siya ni Esau, kung sila'y magtagpo, dahil sa mga regalong padala niya.
Kapag tiningnan natin ang salitang ito malalaman natin na ito ay isang ganap na aktibo.
Ang pangunahing kahulugan nito ay ang buhatin o dalhin ang pasanin , at kapag ginamit ito upang bigyang kahulugan ang "kapatawaran" nangangahulugan ito ng pag-buhat ng pasanin upang mawala iyong pagkakasala o maling gawain ng iyong kapwa at hangad mo nga na siya ay lubusan ng mapabuti.
Halimbaw nito:
sa aklat ng Genesis nang patawarin ni Jose ang kanyang mga kapatid sa nagawa nila sa kanya na pagmamaltrato , patalinghaga niyang binuhat ang kanilang mga ginawa inalis ang bigat nito sa kanilang likuran at kanya itong pinasan sa kanyang balikat.
si Jose ay hindi lamang nagparamdam ng kaniyang kabaitan sa kanyang mga kapatid; kundi ipinakita din niya ang kanyang aktibong pagpapahayag ng pag-gawa sa pamamagitan ng "paglalaan” sa kanila ng tulong at pagkalinga.
sinabi sa atin na nangako siyang maglalaan para sa kanila at "inaliw niya sila at mabait na nagsalita sa kanila"
Natamo ng kanyang mga kapatid mula sa kanya ang maamong uri ng pagpapatawad at hindi mapasok na uri ng pagpapatawad .
Tayo po kaya asan tayo doon nasa maamo po ba o mapusok?
Genesis 50:21
21 Kaya, huwag na kayong mag-alala. Ako ang bahala sa inyo at sa inyong mga anak.” Napanatag ang kanilang kalooban sa mga sinabing ito ni Jose.
• Ang aktibong Pagpapatawad ay nagpapakita hindi lamang ng panloob na pag-iisip ,kundi panlabas na Pagkilos.
2. Ang Aktibong kalikasan ng Pagpapatawad sa Bagong Tipan.
Kapag bumaling tayo sa Bagong Tipan, mahahanap natin ang parehong aktibong likas na katangian ng pagpapatawad o kapatawaran.
Bagaman maraming mga salitang Griyego na ginamit sa konsepto, ang pinakamahalaga at madalas na matatagpuan ay ang pandiwa na aphiēmi.
Ang salitang ito ay may malawak na hanay ng kahulugan - maaari itong magbigay kahulugan na "patawarin" o "isulat" ang isang utang, upang payagan ang isang aksyon na maganap, umalis, kumalas, magpadala, umalis at iwanan o kahit na hiwalayan ang isang tao.
Iba't ibang mukha ang maaaring maging kahulugan nito, lahat sila ay mga aktibong ekspresyon at malinaw na nagpapakita ng isang Pagkilos sa halip na isang pakiramdam lamang.
Dapat nating alalahanin ito kapag binasa natin, halimbawa, ang mga salitang sinabi ni Jesus sa kanyang mga tagasunod kung paano dapat na manalangin:
Mateo 6:12-15
12 at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.13 At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama! [Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen.]14 “Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit.15 Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”
Sa bawat kaso, ang parehong salitang Griyego na (isang uri ng aphiēmi) ay ginagamit sa pamamgitan ng ating pagpapatawad sa iba dahil alam natin na pinatawad tayo ng Diyos dahil dito.
Alam nating lahat na kapag humingi tayo ng kapatawaran sa Diyos hindi lamang tayo tumitingin sa kanya upang mabura ang ating pagkakamali o kasalanan at mag-isip muli nang mga mabubuti patungkol sa atin, kundi upang maipahayag din ang kapatawaran na iyon sa pamamagitan ng patuloy na pagkilos niya sa atin at mga paglalaan niya sa atin ng mga pagpapala araw-araw.
Ibang klase talaga si Lord kung magpatawad hindi ka lang niya pinatawad pinagpala pa.
Wala talaga siyang katulad ..ngunit pwede natin siyang sundan pagdating sa pag-gawad ng ating kapatawaran sa mga nagkasala sa atin.
Kung sinabi lamang ng Diyos na "pinatawad ka," ngunit hindi kumilos sa isang mapagpatawad na Kaparaan sa atin, mararamdaman nating lahat na hindi pa tayo nakatangap ng kaniyang lubusang pagpapatawad
Kaya sa pagpapatawad dapat na maramdaman ito ng Taong pinatawad.
Ang Diyos pinatawad na tayo pinagpala pa.
Pinapaalalahanan tayo ni Jesus na ang pagpapatawad ng Diyos
sa atin ay magiging aktibo kung ganun din ang gagawin nating pagpapatawad sa
iba.
Kaya't kapwa ang pangunahing mga salitang Hebrew at Greek na
nauugnay sa pagpapatawad sa Bibliya ay nangangailangan ng aksyon, hindi lamang
pakiramdam, sa kanilang pangunahing kahulugan.
Ang mga salitang ito ay binibigyang diin ang isang
mahalagang katotohanan na dapat nating laging tandaan:
ang emosyonal na damdamin ay maaaring maiugnay sa
kapatawaran, ngunit Sa likod nito hindi naman nila pinatawad ang kanilang mga
sarili.
Ang totoo at ganap na pagpapatawad ay nangangailangan na
gumawa tayo ng isang bagay na lubusang makapagbibigay sa atin ng kalayaan mula
sa hinagpis tungo sa matiwasay na pakiramdam sa pakikitungo sa kapwa at
lubusang ding paglimot sa nakaraan at maging handang yakapin ang kasalukuyan at
panghinaharap...at ito’y katumbas ng pagpapalaya sa isang bilango at iyong
natuklasan na ang bilangong iyon ay ikaw.
Kapag naintindihan natin ito, magagawa nating makausad nang
lampas sa pagpapasya lamang na patawarin ang isang tao dahil sa maling nagawa niya sa iyo.
At maging handang tunguhin ang susunod na pinaka mahalagang
bahagi at ito’y ang piliin na tayo’y makapag-gawad ng lubusang pagpapatawad sa
kapwa at sa ating Sarili..
No comments:
Post a Comment