AKLAT: Paano Magpatawad
MAY AKDA: Ptr Boyet Cervantes
UNANG BAHAGI: Pagbubukas ng Isipan
IKATLONG ARALIN: Paano kung hindi
nagsabi ng Sorry?
PANGUNAHING TALATA: Marcos 11:25
25 Kapag kayo'y tumayo upang
manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga
kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit.
PANIMULA:
Matapos nating malaman ang
pangunahing katotohanan na dapat Tayong magpatawad sa mga nagkasala sa atin.
Kailangan din nating maintindihan ang
patungkol sa katanungan na paano kung hindi naman humingi ng paumanhin
patatawarin ko ba?
Ito ay isang mahirap na katanungan
para sa marami
kasi
nga para sa kanila mahirap gawin sa kadahilanang Dehado sila.
Para sa dagdag kalinawang
pangkaisipan,Tignan natin ang masasabi ng Banal na Kasulatan Hingil dito:
I- SINASABI NG BIBLIA NA DAPAT NATING
PATAWARIN ANG SINUMANG NAGKASALA SA ATIN NAGSISISI MAN SIYA SA KASALANANG
NAGAWA O HINDI
Pagmabilis ang utak kaysa puso
maaaring sabihin niyo Pastor sabi sa biblia patawarin kung hihingi ng
tawad...tama po kayo kung hindi magiging balansyado ang paghahanap natin ng mga
ebedensiya na ukol dito na akma mismo sa Sinalita ni Hesus at ng mga Apostol.
kayat dapat na Tignan natin ito sa isang
balansiyadong pagtanaw ayon sa sinasabi
Salita ng Diyos.
The Gospel of Mark records Jesus’
words:
Marcos 11:25
25 Kapag kayo'y tumayo upang
manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga
kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit.
Ang Utos na ito ay hindi tinuran na
ang ibang tao ay dapat mag sorry muna sa ginawa sayo, bago ka mag-gawad ng
kapatawaran sa kanila
Isa sa katibayan na si Jesus Mismo
ang humingi ng kapatawaran para sa kasalanan ng mga nagpako At nagpapako sa
kanya…at ang mga iyon ay malinaw na hindi nagsisi sa kanilang nagawa o ginawa
kinutya pa nga siya at pinagtawanan ngunit ano ang naging reaksiyon ni Hesus sa
kanilang ginawa? Panalangin ng paghingi ng kapatawaran at nasambit niya ang
katagang
Lucas 23:34
34 Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila
sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”
Bakit niya nasambit ang mga katagang
iyon ?
Kasi nga inilagay siya sa kahihiyan
ng mga ito...ibinilad siya sa kahihiyan.
ang ginawa ng mga sundalong
Romano,Nagpalabunutan sila upang paghati-hatian
ang kasuotan niya.
Malinaw na hinubaran siya wala siyang
anumang saplot sa katawan ng siya’y nakapako sa cross
Sa kabilang banda, ang Ebanghelyo ni
Lucas ay para bang tila iba ang ipininapahiwatig patungkol naman sa paksang ito
ang ebedensiya ay ayon din naman sa sinabi mismo ng Panginoong Jesus:
Lucas 17:3-4
3 Kaya't mag-ingat kayo! “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, patawarin mo. 4 Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo siyang patawarin.”
Sa talatang ito ay malinaw na
makikita natin na ito ay tumutukoy sa mga nagsisisi o humihingi ng paumanhin o
tawad at sinasangayunan naman ito ng ibang mga talata sa Biblia:
Mateo 18:15-18
15 “Kung magkasala [sa iyo] ang
kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang
kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo na ang inyong pagsasamahan
bilang magkapatid. 16 Ngunit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng
isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng
dalawa o tatlong saksi. 17 Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa
iglesya ang nangyari. At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesya, ituring mo
siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis.”
18 “Tandaan ninyo: anumang ipagbawal
ninyo dito sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot ninyo dito sa lupa
ay ipahihintulot sa langit.
Ang
banal na kasulatang ito ay maaaring mukhang akma sa katotohanan na hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang hindi
nagsisi sa kaniyang ginawa
Pero Parang may kunting contradiction ata mukhang nakakahilo lang
naman kayat mainam na bigyan na natin ng solusyon…
II- BIGYAN NATIN NG TUGON ANG TILA
MAHIRAP UNAWAIN, KUNG ANG PATATAWARIN LAMANG BA ANG NAGSISISI AT ANG HINDI
MARUNONG MAG SORRY AY HINDI?
Upang lumiwanag ang nakitang
pagkakasalungatan at upang maunawaan kung ano ang mga Responsabilidad natin sa
mga nakagawa ng pagkakasala sa atin halinat simulan nating tuklasin ito.
At dapat din nating maunawaan na ang kapatawaran ay may dalawang aspeto, ang isa ay pang-kaisipan at ang pangalawa ay pang pisikal - ang "puso" at ang "kamay " – na kalakip ang ating pag-uugali at maging ang ating Pag-gawa.
Sa bawat sitwasyon kailangan nating
magpatawad na nanggagaling sa kaibuturan ng ating Puso , ngunit ang
nakalulungkot na katotohanan,sa kabilang banda hindi natin nagagawang
ipagpatuloy ito ,
Bunsod ng pagpapakita natin ng maling pagkilos at
pananalita doon sa taong umasang nakatangap na ng iyong pagpapatawad ngunit
ayaw mo paring tantanan ng paninisi at pagpapaalala sa kanya sa maling nagawa
…sa madaling Salita parang wala ding nangyaring pagpapatawad kasi nga binabalik-balikan
mo pa ang nakaraan..
Ang mga salita ni Hesus sa ayon sa
Marcos 11 at ang kanyang mga salita sa krus ay kumakatawan sa mahalagang unang
bahagi ng kapatawaran – at ito’y may kinalaman sa ating Pag-uugali.
Karamihan sa mga tao ,kapag may nakagawa
sa kanila ng Pagkakasala hindi nila magawang ipanalangin ang taong iyon .
Ngunit pakatandaan natin at
isapamuhay ang halimbawang ipinakita ni
Hesus noong siya’y nakapako sa krus.
anong ugaling mayroon Ba si Hesus? ,
malinaw po na siya ay mapagpatawad
kahit na hindi Humingi ng tawad ang mga salarin sa kanya nagawa pa niyang
ipanalangin sila na Ama patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang
kanilang ginagawa,
Sa kabilang banda, inilarawan ni
Hesus ang sitwasyon sa Lukas 17 na ito ay patungkol sa dapat nating gawin tungo
sa Pagpapatawad sa mga nagkasala laban sa atin.
Partikular na sinasabi sa atin ng Mateo 18 na kung ang isang tao ay hindi nagpapakita ng anumang senyales na siya ay nagsisisi ay marapat na ang gawin mo ay puntahan mo siya at kausapin upang maayos ang sigalot sa pagitan ninyong dalawa ...dahil hindi magandang tignan na ang kristiyano sa kapwa kristiyano ay manatili sa di pagkakasundo magaan man o mabigat ang naging kasalanan sayo magpatawad ka at intentional na gumawa ng daan tungo sa ipagkakasundo.
Kapag naintindihan na natin ang
dalawang bahagi ng kapatawaran, makikita natin na walang totoong kontradiksyon
sa pagitan ng mga pahayag ni Hesus.
Sa isang bahagi dapat lagi tayong magkaroon ng isang mapagpatawad na pag-uugali – kahit humihingi man o hindi ng paumanhin ang taong nagkasala laban sa atin.
Marcos 11:25
25 Kapag kayo'y tumayo upang
manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga
kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit.
Lucas 17:3-4
3 Kaya't mag-ingat kayo! “Kung
magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi,
patawarin mo. 4 Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong
ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo siyang
patawarin.”
Mateo 18:15-17
15 “Kung magkasala ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin
nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik
mo na ang inyong pagsasamahan bilang magkapatid. 16 Ngunit kung ayaw niyang
makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng
pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. 17 Kung ayaw
niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesya ang nangyari. At kung ayaw pa
rin niyang makinig sa iglesya, ituring mo siyang parang Hentil o isang
maniningil ng buwis.”
kung ang isang babaeng Kristiyano ay
nasaktan at inabuso ng asawa, o maging
ang kanyang mga anak ay sinaktan din,
malinaw sa Kasulatan na dapat niya itong patawarin
. Ngunit hindi niya kailangan ilagay
ang kanyang sarili at kaniyang mga anak sa panganib sa pamamagitan ng pag-arte
na parang wala lang nangyari at nanatili pa rin sa ganuung sitwasyon.
Mga Kawikaan 22:3
3 Kung may dumarating na panganib,
ang matalino'y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y
napapahamak.
Sa Biblia at may talaan ng ilang
halimbawa ng prinsipyong ito na naisagawa
Nalaman natin na bagaman malinaw na
pinatawad ni David Si Haring Saul sa pagtatangkang pagpatay sa kanya ayon sa (2 Samuel 1: 17-27), gayunpaman siya
ay hindi na bumalik sa normal na
pakikipag-ugnayan kay Saul dahil alam
niya na hinahangad pa rin ni Saul ang
kanyang kamatayan (1 Samuel 20-23).
Both wisdom and the Scriptures show
that we should be equally careful.
Dapat nating laging tandaan na ang
Diyos ay may kapangyarihan at karunungan na malaman kung ang isang tao ay tunay
na nagsisisi o hindi.
Hindi natin mabasa ang isipan ng iba at hindi natin maaaring hatulan ang motibo ng isang tao sa paraang kaya ng Diyos.
Maaaring sabihin ng mga tao ang
"Paumanhin" ngunit hindi naman bokal sa kalooban Ang iba naman talagang taos-puso na humihingi
ng paumanhin.
Tiyak na hindi natin palaging
makikilala ang ugali ng iba .
Ngunit dapat magpatawad tayo mula sa
kaibuturan ng ating mga puso at isip tulad ng malinaw na tagubilin sa atin ng
Diyos – dahil alam naman natin na sa
huli Hahatulan ng Diyos ayon sa mga nakalap na ebedensiya kung ikaw o Siya ay nagsisi o hindi.
Ang maintindihan ang prensepyong ito
ay siyang dakilang Maituturing na pinakamahalaga sa ating buhay.
Dahil ito ang susi sa iyong paglaya
mula sa kulungan ng di pagpapatawad..
Alam natin na bahagi ng
pagpapatawad sa iba ay ang walang
pasubaling pagpapatawad na nagmumula sa kaibuturan ng ating puso, ay
makatutulong sa atin upang matupad ang
kalooban ng Diyos para sa ating buhay ..
No comments:
Post a Comment