Aklat: Paano
Magpatawad?
May Akda: Ptr Boyet
Cervantes
Ikalawang Kabanata:
Pagbubukas ng Puso (Piliing Magpatawad)
Ikalimang Aralin: Pagpapatawad
na "Mula sa Puso"
Pangunahing
Talata:Mateo 18:21-35
Nilalaman Ikalawang
Kabanata:
5. Pagpapatawad na
"Mula sa Puso"
6. Paumanhin,
Paumanhin!
7. Nakuha Mo ba ang
Mensahe?
8. Ang Pagpapatawad ay Higit pa sa isang Pakiramdam
Mateo 18:21-35
Ang Talinghaga tungkol sa Lingkod na Di Marunong Magpatawad
21 Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?”22 Sinagot siya ni Jesus, “Hindi pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.[d] 23 Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. 24 Nang simulan niyang magkwenta, dinala sa kanya ang isang lingkod na may utang na milyun-milyong piso.[e] 25 Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad. 26 Lumuhod ang lingkod sa harapan ng hari at nagmakaawa, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ 27 Naawa sa kanya ang hari kaya't pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya.28 “Ngunit pagkaalis roon ay nakita niya ang isa niyang kapwa lingkod na may utang sa kanya na ilang daang piso.[f] Sinakal niya ito, sabay sabi, ‘Magbayad ka ng utang mo!’ 29 Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ 30 Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ito'y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad.31 “Sumama ang loob ng ibang mga lingkod ng hari sa pangyayaring iyon, kaya't pumunta sila sa hari at nagsumbong. 32 Ipinatawag ng hari ang lingkod na iyon. ‘Napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. 33 Naawa ako sa iyo. Hindi ba't dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?’ 34 At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran nang buo ang kanyang utang. 35 Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo taos pusong patatawarin ang inyong kapatid.”
Kadalasan hindi natin nagagawaran ng maayos na kapatawaran ang nagkasala sa atin dahil hindi natin ganap na nauunawaan ang konsepto ng kapatawaran at maging ang kahalagahan nito, at kung sakaling naunawaan natin ito, hindi pa rin sapat ang pagkaunawa sa pamamagitan ng intelektwal na kaalaman para masabi mong nakapagpatawad ka na.
Kung dahil sa pagkaunawa sa kapatawaran ay naging handa na tayo upang igawad ito sa nagkasala sa atin , ay dapat na tahakin Natin ito mula sa isip tungo sa “Puso”- mula sa simpleng pagtanggap ng ideya ng pagpapatawad at pagyakap dito . (Pagsasabuhay)
Dapat lagpas pa sa pag-unawa patungkol sa kapatawaran upang masilayan ang tunay na kahulugan ng pagkakaroon ng kasanayan o pag-uugaling taos pusong pagpapatawad o Mapagpatawad .
Mateo 18:35
35 Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo taos pusong patatawarin ang inyong kapatid.”
Ang Greek expression na "mula sa puso" na ginamit sa talatang ito at iba pa tignan din natin ang (1 Pedro 1:22)
1 Pedro 1:22
22 Ngayon nalinis na ninyo ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng inyong pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pagmamahal sa mga kapatid. Kaya, maalab at taos-puso kayong magmahalan.
ito ay nangangahulugang din sa Ingles na : to truly and deeply forgive
Ngunit paano natin malalaman kung ang Pagpapatawad natin ay nagmumula nga sa kaibuturan ng ating Puso. ?
Ang sagot ay simple lang .
Binanggit ni Jesus ang Pagpapatawad “na nagbubuhat sa Puso” sa pagtatapos ng kanyang talinghaga Patungkol sa Lingkod na hindi marunong magpasalamat.
Isang lingkod na nakatangap ng pagpapatawad mula sa Hari ngunit hindi naman nagawang magpatawad sa iba,
kaya nga ang ipinupunto niya sa talinghagang iyon ,kailangan tayong magpatawad kasi pinatawad din naman tayo ng Hari..at ang ating Hari ay walang iba kundi si Hesu-Kristo.
Naglalaman ang Banal na Kasulatan ng maraming mga talata na nagpapakita ng Katibayan at kaparaan kung paano at saan tayo Pinatawad ng Diyos .
tingnan natin ang tatlong mga halimbawa na makikita natin sa mga sulat ng mga Propeta sa Lumang Tipan.
Tignan natin Kung anong ugaling mayroon ang Diyos pagdating sa Pagpapatawad.
1. Ang Aklat ni Mikas
Ito’ ay naglalaman ng ilang mga kamangha-manghang salita na nagsisiwalat ng Paguugaling mayroon ang Diyos Pagdating sa Pagpapatawad :
Mikas 7:18
18 Wala nang ibang diyos na tulad mo, O Yahweh. Pinapatawad mo ang mga kasalanan ng mga nakaligtas sa bayan mong pinili. Hindi nananatili ang iyong galit magpakailanman. Sa halip ay ipinadarama mo sa kanila ang tapat mong pag-ibig.
Ito Ay malinaw na nagpapakita ng kabaligtaran ng pag-aatubili sa dagliang pagawad ng kapatawaran.
Nasisiyahan Tayong gumawa ng isang bagay na kinagigiliwan nating gawin, Maituturing na Makatao ..
Ngunit dapat na huwag tignan ito na kasiya-siya o katuwaan lamang,kundi ito mismo ang ugaling dapat nating taglayin Kung pahihintulutan natin na ito ay maganap at Maging kasanayan na natin sa buhay at ito’y ang ugaling mapagpatawad sa mga nagkasala sa atin.
at dahil diyan mas gugustuhin na nating makapagpatawad na nagmumula sa ating puso.
2. Ang Aklat ni Isaias
Tinutulungan tayo ni propetang Isaias na palawakin ang pag-kaunawa hingil sa Pagpapatawad ng Diyos:
Isaias 55:7
7 Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama,at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko.Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran.
Ang ibang mga salin ay nagpapahiwatig na ang ginamit na salita ni Isaias patungkol sa Pagpapatawad ng Diyos ay "malaya," "bukas-palad," "mayaman," at "Masagana."
Ito ay malinaw na kabaligtaran ng pagpapatawad na may limitasyon sa anumang paraan.
3. Ang Aklat ni Oseas
Ang isa pang propeta, si Oseas, ay nagtala ng isang panalangin na iniutos ng Diyos Na dapat gawin ng mga Sinaunang mga Israelita bilang tanda ng pagkilala sa kapatawarang iginawad ng Diyos sa kanila. :
Hosea 14:2
2 Dalhin ninyo ang inyong kahilingan,lumapit kayo kay Yahweh; sabihin ninyo sa kanya, “Patawarin po ninyo kami. Kami'y iyong kahabagan, kami'y iyong tanggapin. Maghahandog kami sa iyo ng pagpupuri.
inaanyayahan tayo ng Diyos na tumanggap ng kanyang kabaitan pagpapatawad at ito’y malinaw na kabaligtaran ng isang mapusok na uri ng pagpapatawad.
May Makatao ding uri ng pagpapatawad ngunit hindi naman nagbubuhat sa puso kung kaya hindi rin maganda ang kinalabasan.
Ipinapakita sa atin ni Oseas na hindi ganun klaseng pagpapatawad ang ginawa ng Diyos kundi isang maamung uri ng pagpapatawad..yun din ang marapat nating gawin ang magpatawad ng nagmumula sa ating Puso.
Ang tatlong mga sipi
na ito ay simula lamang upang sakupin ang maraming kapamaraanan na kung saan
Ang Diyos ay
nagpapahayag ng kanyang kapatawaran, at maaari itong magawa para sa isang
malawak at
Kapakipakinabang na pagtuklas o pag-aaral upang tingnan ang iba pang mga halimbawang matatagpuan sa Banal na kasulatan.
Kahit na walang malalim na pag-aaral sa mga nasabing talata, ang prinsepyo nito ay dapat na isaisip ..
Ang tatlong mga halimbawang ibinigay sa atin ayon sa talata sa gawing itaas ay gumagawa ng punto.
1. Hindi lang Kasiyahan ng Diyos ang magpatawad kundi ito ay katibayan din kung anong uri ng paguugaling mayroon Siya.
2..Siya ay nagpapatawad nang sagana at mapagbigay.
3. Walang limitasyon ang kaniyang pagpapatawad sa atin
Ang mga katangiang ito, at marami pa, ang nagpapakita sa atin kung ano ang ibig sabihin ng "magpatawad na nagmumula sa puso."
Kaya Inaasahan ng Diyos na masusundan natin kung ano ang kanyang sinimulan...
Mateo 18:35
No comments:
Post a Comment