Thursday, 1 July 2021



Aklat:Paano Magpatawad ?
May Akda: Ptr Boyet Cervantes
Unang Bahagi: Pagbubukas ng Isipan
Ikalawang Aralin: Hindi Imposible Ang Magpatawad
Pangunahing Talata: 

1 Pedro 3:8-9

8 Sa madaling salita, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbaba. 9 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.

LAYUNIN:

MATUTUNANG MAGBIGAY NG LIBRENG REGALONG ATING NAKAMTAN

PANIMULA:

Minsan hindi tayo kaagad makapagbigay ng pagpapatawad sa mga nakagawa ng matinding pagkakasala sa atin - sapagkat sa palagay natin imposible ito.

Ang Pakiramdam ng mga Taong nasugatan sa nakasugat sa kanilang damdamin ay hindi pangkaraniwan lang ang nagawang kasalanan , kundi "lubhang Napakasama" kung kaya nga di karapatdapat na  gawaran ng kapatawaran.

Karaniwan, ang pakiramdam ng mga tao ay hindi nila kaya ang magpatawad sapagkat hindi nila kayang tangapin ito kayat hirap silang mag-gawad ng pagpapatawad,nawa’y ang Aralin na ito ay makatulong sa atin upang magawa na nating magpatawad sa mga nagkasala sa atin.


1. Imposible bang Magpatawad?

Ito ay isang kamangha-manghang katotohanan na ang anumang bagay at sinuman ay maaaring mapatawad kung handa Tayong  magpatawad.

Hindi nangangahulugan iyon na ang katarungan ay hindi dapat mailapat, o ang mga tao na nagkasala ay hindi dapat parusahan.

Sa mata ng lipunan ang parusa ay nararapat.

Ngunit Ang dapat nating laging tandaan ay sa paningin ng Diyos tayong lahat ay nagkasala (Roma 3:23), at sa huli lahat ng kasalanan natin ay karapat-dapat na hatulan ng  kamatayan (Roma 6:23).

Ngunit pakatandaan po natin na hindi mahalaga kung ang kasalanan ng iba ay "mas masahol pa" kaysa sa atin - dahil kung pagiisipan mo lang ng mabuti ang parusa na ipinataw sa Anak ng Diyos Ay narapat sana sa atin ngunit inako  niya ng di na tayo mahirapan pa siya na ang gumawa ng paraan..kung kaya nga ang tiniis niyang hirap alang alang sa ating ikaliligtas ay katumbas ng parusa para sa pinakamasamang Taong makasalanan (Roma 5: 8).

sabi ni:

C. S. Lewis

“To be a Christian means to forgive the inexcusable, because God has forgiven the inexcusable in you.”

“Ang pagiging Kristiyano ay nangangahulugan nang pagpapatawad sa mga hindi karapat-dapat patawarin  ,Dahil Pinatawad tayo ng Diyos kahit hindi naman tayo karapat-dapat patawarin”

Bilang Kristiyano palagi nating tanungin ang ating Sarili :

Yung bang taong nakapanakit o nagkasala sa atin ay may nagawa bang mas higit pa sa ginawa natin sa Anak ng Diyos na si Hesus?

 Ang marahil na maitutugon natin ay wala.

kung kaya nga ang kawalan ng pagnanais na patawarin ang mga Taong nakagawa ng pagkakasala laban sa atin ay nakaugat sa kakulangan ng pag-unawa patungkol sa ating sariling kasalanan o kawalan ng kamalayan sa kung ano nakapaloob sa kapatawaran ng ating mga kasalanan at itoy malinaw na nasasaad sa banal na kasulatan at itinuro mismo ng Panginoong Hesus sa kanyang mga alagad...

Ang Biblia ay hindi malinaw na bumangit ng "Hindi mapapatawad na kasalanan,"dahil siya lang ang may karapatan mag pasya hingil dito.

Maaring sabihin niyo sa akin Pastor mayron sa biblia yong pamumusong sa banal na Espiritu.

Ang “pamumusong laban sa Espiritu” sa Bagong Tipan ay nabanggit sa aklat ng Marcos 3:22-30 at sa Mateo 12:22-32.

Ang salitang pamumusong ay maaaring ilarawan bilang “pagpapakita ng kawalan ng paggalang.”

Mailalapat ang naturang kasalanan sa mga kasalanang gaya ng pagmura sa Diyos, at pagbibintang sa Diyos sa paggawa ng isang bagay na hindi naman Niya ginawa.

Ito rin ay pagbibintang sa sa Diyos sa paggawa ng isang makasalanang gawain, o hindi pagkilala na Siya ang pinagmumulan ng mga magagandang bagay na dapat sana'y ipinagpapasalamat natin sa Kanya.

Gayunman, ang tinatawag na “pamumusong sa Banal na Espiritu” ay partikular na tinalakay sa aklat ng Mateo.

Sa Mateo 12:31-32, matapos masaksihan ng mga Pariseo ang mga himalang ginagawa ni Hesus sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, sinabi nila na sinasapian ni “Beelzebub” ang Panginoong Hesu Kristo” (Mateo 12: 24).

Sa aklat ng Marcos 3:30 partikular na tinukoy ni Hesus kung ano ang tawag sa kanilang ginawa at sinabi Niya na ang kasalanang iyon ay “pamumusong sa Banal na Espiritu.”

Pero wala pong nabangit na iba pang kasalanan sa kapwa natin Tao na hindi mapapatawad...kundi ang direktang kasalanan ukol sa banal na Espiritu..

Ang pamumusong ay tumutukoy sa pag-akusa ng isang tao na si Hesu Kristo ay sinasapian ng demonyo sa halip na puspos ng Banal na Espiritu, at ito ay isang kasalanang hindi mapapatawad.

dapat nating isaisip na mayroong hindi mapapatawad na uri ng pamumuhay at ito ay ang katayuan ng patuloy na hindi pananampalataya sa Diyos.

Walang kapatawaran para sa taong namatay na hindi na nanampalataya.

Ang patuloy na pagbabalewala sa kumbiksyon ng Banal na Espiritu ay isang kasalanang hindi mapapatawad. Alalahanin ang sinasabi sa aklat ng 

Juan 3:16

“Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob Niya ang Kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Ang tanging kasalanan sa ngayon na hindi mapapatawad ay ang “hindi pagsampalataya kay Hesus.”

Our responsibility is always to forgive – without exception.

Mahirap po ito, Ngunit ang Biblia ay walang pag-aalinlangan nagsalita Patungkol sa usaping ito.

Maraming tao ang nakaranas na magdusa ng labis mula sa kamay ng malulupit na tao ngunit nagawang magpatawad sa mga taong nakagawa sa kanila ng kalupitan sadyang kamangha-mangha ang kanilang ginawa lagpas sa abot ng ating kaisipan.

Ilustrasyon:

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig Holocaust survivor Corrie ten Boom's ay nakaranas ng kaniyang personal na pag-gawad ng  kapatawaran sa mga nagkasala laban sa kanya .

iyan ay isa sa halimbawang pinag-usapan natin sa Araling Una,at iyan din ay nagturo sa atin na possible palang mag-gawad ng pagpapatawad sa mga nagkasala laban sa atin.

In 2014, New York Times photographer Peter Hiogo went to Rwanda para maglikom ng photographic evidence patungkol sa pagpapatawad na nangyari sa pagitan ng magkaibang kulturang naglalaban at ito ay ang mga Hutu and Tutsi peoples — at ito ay lumikha ng pagkitil ng may isang milyong buhay noong 1994

At natuklasan ni Hiogo ang isang kamangha-manghang katibayan ng pagkakasundo ng dalawang magkalaban ang akala nila hindi sila makakapagpatawad pero nagawa nila.

One such person is Immaculee Ilibagiza, isang  Tutsi woman na kung saan ay nagtago kasama ang pito pang kababaihan sa maliit na kwarto ng isang  Hutu pastor habang nagaganap ang pagpatay sa buo niyang angkan..

Sinabihan si Ilibagiza pagkatapos na maubos na mapatay ang kaniyang angkan na ang pumatay sa kaniyang pamilya ay nakakulong na at hinihiling na siya’y makipagkita sa nakagawa sa kanyang Pamilya ng isang karumal-dumal na Krimen.

Sa una Maunawaan naman natin ang laman ng kaniyang kaisipan , sa simula ay naniniwala Siya na hindi niya mapapatawad ang taong ito, but she was convicted by Jesus’ command to forgive and his words in the Lord’s Prayer where we request to be forgiven – as we forgive others:

Ang Sabi niya naaalala ko ng kausapin ko ang Diyos “Hindi ko po kayang magpatawad;Anong pong gagawin ko ngayon?” 

ang sagot niya “Manalangin ka ng nagbubuhat sa kaibuturan ng iyong Puso ,ang ibig sabihin ilabas mo kung ano ang Nais sabihin ng iyong Puso” at ganun nga akong nagsimulang manalangin..ang dekta sa akin na dapat maging laman ng Panalangin ko ay ang magpatawad ang laman naman ng isipan ko ay kontra sa nilalaman ng Puso ko at ayaw kong sambitin ang katagang magpatawad sa nagkasala sa akin,kaya ang sabi ko hindi ,!

tatangalin ko yan sa laman ng panalangin ko.

ngunit pagkatapos noon aking napagtanto na si Hesus ang siyang nagbigay ng panalangin na iyon,Siya ay Diyos at Ako ay Tao.

Nakakagawa din  ako ng Pagkakamali ngunit Siya hindi.at dahil doon ako”y lumuhod at nagmakaawa sa Diyos at sinabi na ako’y kaniyang tulungan,kailangan ko siya at ang sabi ko pa sa kanya alam kong hindi ka nagkakamali” at iyon ang simula ng pagpapatawad.

Nagkaroon ng isang sandali ng pag-unawa dumating iyon tulad ng isang liwanag ng isang Flashlight... bigla kong naisip ang tungkol kay Hesus habang siya ay nakapako sa krus at kanyang sinabi ang katagang “Ama Patawarin mo sila, Sapagkat hindi nila nalalman ang kanilang ginagawa  " Natutukso pa rin ako magalit dahil sa ginawa nila... Ngunit kapag nararamdaman ko ang galit na pwedeng mag-alis ng aking kapayapaan, nakikiusap ako sa Diyos na tulungan ako.

Kung kaya nga alam ko na ngayon na Posible talaga ang magpatawad

2. Hindi Mo ba kayang Magpatawad?

Like Immaculee Ilibagiza,maraming tao ang hindi naggagawad ng kapatawaran dahil ang pakiramdam nila hindi nila  trabaho iyon - kaya sa loob ng maraming Taon hindi nila nagawa iyon ..

Pero ang katotohanan kaya nating malagpasan iyon at magawang makapagpatawad...Dahil hindi inaasahan ng Diyos ang hindi natin kayang gawin...ibig sabihin makakaya natin kung gugustuhin natin dahil hihilingin natin sa Diyos na tulungan tayong magawa Ito.

Marcos 9:24

24 Agad namang sumagot ang ama ng bata, “Naniniwala po ako! Tulungan po ninyo akong madagdagan pa ang aking pananampalataya.”

Ang tumangi o magpaliban sa pagpapatawad ay kapwa pagkakamali,hangat tumatagal ang paggawad ng pagpapatawad mas lalong hindi mo na magagawa pang magpatawad.

Titignan natin mamaya kung paano minsan nahihirapan tayong kalimutan ang mga pangit na bagay na nagawa sa atin ng ating kapwa o sa isa sa ating pamilya.

Ngunit ang Diyos ang gumagawa ng daan sa ganyang sitwasyon kung nanaisin nating magpatawad sa nagkasala o nakagawa ng hindi maganda sa atin

Si apostol Pablo ay aminado na madami siyang pinahirapang mga kristiyano o pinatay na kristiyano nong hindi pa siya kumikilala kay Kristo

Mga Gawa 8:3

3 Samantala, sinikap ni Saulo na wasakin ang iglesya; pinasok niya ang mga bahay-bahay at kanyang kinaladkad at ibinilanggo ang mga sumasampalataya, maging lalaki o babae.

Tandaan natin kayang baguhin ng Diyos ang sinuman . kaya bigyan natin ng panibagong pagkakataon na makapagbagong buhay Siya,katulad natin na binago ng Panginoong Hesus..

Ngunit paano Siya makapagbabago kung hindi mo nga binigyan ng pangalawang pagkakataon...sinumpa mo na at hinatulan

Ang pakiramdam na hindi makapagpatawad ay nagaalis sa atin ng pagkakataong mapatawad din ng Diyos sa ating mga kasalanan

Huwag po tayong tumayong hukom para sa ating kapakanan dahil ang Diyos ang Siyang Hukom natin.

2 Corinto 5:10

10 Sapagkat lahat tayo'y haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo'y nabubuhay pa sa katawang ito.

Wala tayong mababasa sa biblia na nagsasabing hindi natin kayang sundin ang utos na dapat tayong magpatawad ...magagawa nating palaging magpatawad kung gugustuhin mo at hilingin sa Diyos na ikaw ay makapagpatawad.

Pag hindi mo nagawa hindi mo namalayan na nagpaparusa ka na pala sa isang makasalanan,samantalang ang Diyos ay nagawang patawarin ka makasalanan ka din naman hindi ka lang pinatawad pinagpala...tumanaw ka ng utang na loob sa Diyos sa pamamagitan ng pag-gawad ng pagpapatawad sa mga nagkasala sa iyo.

1 Pedro 3:8-9

8 Sa madaling salita, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbaba. 9 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.

 

Pagtatapos:

* hayaan natin na mapagpala ang iba dahil sa ating pagpapatawad 

Roma 4:7-8

7 “Pinagpala ang mga taong pinatawad na ang pagsuway, at ang mga taong pinawi na ang mga kasalanan.8 Pinagpala ang taong hindi na pagbabayarin ng Panginoon sa kanyang mga kasalanan.”

Higit na pinagpala ang nagbibigay kaysa sa tumatangap

Mga Gawa 20:35

35 Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagtatrabaho ay dapat ninyong tulungan ang mahihina. Alalahanin natin ang mga salita ng Panginoong Jesus, ‘Higit na pinagpala ang nagbibigay kaysa tumatanggap.’”

kaya natin laging nating magbigay ng kapatawaran, tulad ng laging hinihiling natin sa Diyos na tayo ay gawaran din ng pagpapatawad .

No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...