Thursday, 1 July 2021



 






Aklat: Paano Magpatawad?

May Akda: Pastor Boyet Cervantes

Unang Bahagi: Pagbubukas ng Isipan

Aralin Una: Bakit Kinakailangan Tayong Magpatawad ?

Colosas 3:13

13 Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.

LAYUNIN:

MATUTUNANG MAGBIGAY NG REGALONG ATING NAKAMTAN

MGA NILALAMAN:

Sa Part-1 po natin na PAGBUBUKAS NG ISIPAN ito ang mga nilalaman niyan:

1.     Bakit kinakailangang Tayong Magpatawad?

2.     Hindi Imposible ang Magpatawad

3.     Paano kung hindi naman Humingi ng Sorry?

4.     Naguguluhan ka ba na Magtiwala sa Pagpapatawad?

PANIMULA:

What is the meaning of the word Forgiveness ?

“Forgiveness is often defined as an individual, voluntary internal process of letting go of feelings and thoughts of resentment, bitterness, anger, and the need for vengeance and retribution toward someone who we believe has wronged us, including ourselves.” (Positive Psychological.Com)

“Ang pagpapatawad ay madalas na binibigyang kahulugan na isang tao o indibidwal, na may kusang loob na handang harapin ang proseso ng pagpapaalis ng damdamin at kaisipang katulad ng sama ng loob, kapaitan, galit, at ang naising maghiganti sa isang taong pinaniniwalaan nating nagkamali sa atin, kasama na ang ating sarili.”

·        Maaaring hindi mo alam sa ngayon kung kailan kakailanganin mong Mag-Sanay sa Pagpapatawad,Ngunit kailangan mong matiyak habang maaga pa na darating ka sa puntong iyon na kinakailangan mong magpatawad sa Taong nakagawa sayo ng kamalian o Pagkakasala.

·        Marahil sa ngayon mayroon nakasakit sa iyo na hindi mo pa nagawang ganap na mapatawad, alam kung hindi madali ngunit hayaan mong turuan ka ng Diyos sa Pamamagitan ng mga Lesson na ito na ating Pag-aaralan hingil sa Pagpapatawad.

·        Ang kapatawaran ay nasa puso ng Pananampalatayang Kristiyano, kailangan mong magawang patawarin ang iba para sa iyong sariling kapakanan ..

·        Dahil sa Pagpapatawad ikaw ang higit na makatatangap ng kapakinabangan kaysa doon sa iyong Pinatawad…dahil sumunod ka sa kalooban ng Diyos ang magpatawad.

·        PAANO MAGPATAWAD? Sa Part 1 Natin.

I- BUKSAN ANG ISIPAN

(Unawain ang Pagpapatawad)

Bakit kinakailangang Tayong Magpatawad?

·        Bago natin simulan na tingnan ang "Paano" ng kapatawaran, kailangan natin magkaroon ng isang malinaw na pag-unawa sa kung "Bakit."

·        Maraming dahilan kung bakit dapat nating patawarin ang iba, at ang ilan sa pinakamahalaga ay naibuod sa mga sumusunod na puntos.

·        Para sa Kristiyano, ang unang ay dapat sapat na upang kumbinsihin tayo na dapat tayong magpatawad, ngunit dapat din nating alalahanin ang iba pang mga puntos.

Sa ngayon, narito ang siyam na dahilan na kailangan natin upang maunawaan kung bakit dapat tayong magpatawad :

1.     SINABIHAN TAYO NG DIYOS NA MAGPATAWAD

·        Ang pagpapatawad ay isa sa pinakamalinaw na doktrina ng Banal na Kasulatan

·        Ang Bagong Tipan lamang ay naglalaman na ng dose-dosenang mga talata na nagtuturo sa atin na patawarin ang Taong nakapanakit sa atin .

·        Nililinaw  ng banal na kasulatan   na hindi tayo hinihimok nito na magpatawad, sa halip inuutusan Tayong  gawin ito:

Colosas 3:13

13 Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.

·        Ang unang puntong ito ay hindi maaaring mabaliwala - hindi natin dapat kailanman kalimutan na mula sa kaibuturan ng puso natin kailangan tayong magpasya na magpatawad dahil ito ay tanda ng Pagsunod natin sa Diyos.

2.     HINDI TAYO PATATAWARIN KUNG HINDI TAYO MARUNONG MAGPATAWAD.

·        Ang puntong ito ay makatarungan. Sa katunayan, Maraming mga talata na makikita natin sa Bagong Tipan na tumatalakay ukol sa pagpapatawad sa iba:

Lucas 6:37

37 “Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan. Magpatawad kayo at kayo'y patatawarin.

Mateo 6:14

14 “Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit.

Mateo 18:21-35

21 Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?”22 Sinagot siya ni Jesus, “Hindi pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.23 Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. 24 Nang simulan niyang magkwenta, dinala sa kanya ang isang lingkod na may utang na milyun-milyong piso.25 Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad. 26 Lumuhod ang lingkod sa harapan ng hari at nagmakaawa, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ 27 Naawa sa kanya ang hari kaya't pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya.28 “Ngunit pagkaalis roon ay nakita niya ang isa niyang kapwa lingkod na may utang sa kanya na ilang daang piso. Sinakal niya ito, sabay sabi, ‘Magbayad ka ng utang mo!’ 29 Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ 30 Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ito'y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad.31 “Sumama ang loob ng ibang mga lingkod ng hari sa pangyayaring iyon, kaya't pumunta sila sa hari at nagsumbong. 32 Ipinatawag ng hari ang lingkod na iyon. ‘Napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. 33 Naawa ako sa iyo. Hindi ba't dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?’ 34 At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran nang buo ang kanyang utang. 35 Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo taos pusong patatawarin ang inyong kapatid.”

3.     DAPAT NATING MATUTUNANG MAHALIN ANG NAGKASALA SA ATIN TULAD NG PAGMAMAHAL NG DIYOS SA ATIN.

·        Ang isa pang paraan upang sabihin ito ay ang parehong minamahal ng Diyos ang biktima at ang gumawa ng kasalanan.

·        Hindi sinasabi na hindi hahatulan ng Diyos ang salarin, ngunit mahal niya ang indibidwal kung kaya sa Diyos palaging may pangalawang pagkakataon at dapat din nating tularan Siya  .

·        Ang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa mga taong nakasakit o nakagawa ng isang pagkakamali o pagkakasala sa atin.

·         At Ito ay bahagi ng utos na ibinigay sa atin ni Hesus na mahalin ang ating mga kaaway

Mateo 5:44

44 Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo,

Lucas 6:27-36

27 “Subalit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ng mabuti ang mga napopoot sa inyo. 28 Pagpalain ninyo ang sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga nang-aapi sa inyo. 29 Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag inagaw ang iyong balabal, huwag mong ipagkait ang iyong damit. 30 Bigyan mo ang bawat humihingi sa iyo; at kung may kumuha ng iyong ari-arian, huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon. 31 Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo.32 “Kung ang nagmamahal lamang sa inyo ang inyong mamahalin, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Ang mga makasalanan man ay nagmamahal din sa mga nagmamahal sa kanila. 33 Kung ang mga gumagawa lamang ng mabuti sa inyo ang gagawan ninyo ng mabuti, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay gumagawa rin niyan! 34 At kung ang makakabayad lamang ang inyong pauutangin, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay nagpapautang din sa kapwa nila masama, sa pag-asang sila'y mababayaran. 35 Sa halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa kanila. Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo'y magiging mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya'y mabuti kahit sa masasama at sa mga hindi marunong magpasalamat. 36 Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama na mahabagin.”

·        Ang hirap namang gawin niyan Pastor talagang mahirap sa ayaw magpasakop sa Salita ng Diyos ! Mahirap Yan!

·        Hindi natin kayang mapatawad ang iba kung hindi natin sila matututunang mahalin.

·        Ang isang malaking bahagi na makakatulong sa atin tungo sa  pagpapatawad ay ang maghangad tayong  maging katulad ng Diyos pagdating sa Pag-abot sa mga nagkasala sa kanya...at isa ka na  doon.

4.     HINDI LAMANG BAHAGI NG PAGSASAKRIPISYO NI KRISTO ANG DAPAT NATING TANGAPIN

·         Kung magpapatuloy tayo  sa pagkapoot laban sa isang taong nagkamali sa atin,Patuloy mong  mararamdaman iyon hindi natin "mapapatawad ang mga ito," Parang  sinasabi natin na ang sakripisyo ni Kristo ay hindi sapat upang takpan ang kasalanan ng taong iyon.

·        Ipinaalala sa atin ni Apostol Juan:

1 Juan 2:2

2 Si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, hindi lamang ang ating mga kasalanan, kundi maging ang kasalanan ng lahat ng tao.

5.     ANG PAGPAPATAWAD AY HINDI KAWALAN NG HUSTISYA

 Ang inisip ng karamihan kapag nagpatawad ka sa nakagawa ng seryusong 

kasalanan laban sayo ay parang tinangihan mo ng tumangap ng tamang hustisya sa kasalanang nagawa niya laban sayo..pero hindi po iyon ganun.

·        Ang Pagpatawad sa isang tao ay hindi inaalis ang pangangailangan para sa ligal o iba pang mga uri ng hustisya kung saan ganoon naaangkop ang mga hakbang.

·        Ang ating tugon ay hiwalay sa sa lipunan o kahit na ng Diyos - na naglilinaw na hahatulan niya ang lahat ng mga bagay

Mangangaral 12:14

14 Lahat ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama ay ipagsusulit natin sa Diyos.

Mga Gawa 17:31

31 Sapagkat itinakda na niya ang araw ng paghuhukom sa sanlibutan, at ito'y buong katarungan niyang gagawin sa pamamagitan ng isang tao na kanyang hinirang. Pinatunayan niya ito sa lahat nang muli niyang binuhay ang taong iyon.”

·        Ngunit Inaasahan tayo ng Diyos na "kumilos nang makatarungan at magmahal ng may kahabagan at awa sa nagkasala laban sa atin“

Mikas 6:8

8 Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos.

·        Nangangahulugang maaari nating patawarin –ang sinumang nagkasala laban sa atin ng may katarungan alinsunod sa batas ng Diyos sa Pagpapatawad at sinasangayunan din ng batas ng Tao pagdating sa katarungan.

6.     KAPAG DI KA NAKAPAGPATAWAD MAGHIHIRAP ANG IYONG PISIKAL NA KATAWAN.

·        Kapag nagpatawad ang Diyos sa atin, para ito sa kapakanan natin. Kapag sinabi sa atin ng Diyos na patawarin ang iba, ito rin ay para sa atin.

·        Ang kabiguang magpatawad ay maaaring magdulot ng sakit sa ating Pangkaisipan, emosyonal, at kanser sa espiritu na dahan-dahang sumisira sa kapayapaan ng isip, kaligayahan, at maging sa  kalusugan ng ating pangangatawan.

·        Iyong Taong nagkasala laban sayo masaya na Tawa na ng Tawa samantalang ikaw lugmok sa pagdadalamhati at Sakit kaya ang lubos na pagpapatawad ay gamut pangkalusugan.

·        Maraming mga medikal na pag-aaral ang nagpakita na ang pagpapanatili ng isang saloobin tungo sa ganap na  pagpapatawad sa isang nagkasala ay maaaring magdulot ng ibayong lakas sa pagpapagana ng Sistema ng ating  cardiovascular at Nerbiyos ,at ang mapagpatawad na tao ay mas mababa ang tyansa na magkasakit ng malubha.

7.     KUNG HINDI NATIN MAGAGAWANG MAGPATAWAD MAGHIHIRAP ANG ATING ESPIRITU

·        Bukod sa sanhi pisyolohikal at sikolohikal na pinsala sa ating sarili, ang  isang ugali ng di pagpapatawad ay maaari ding labis na makapanira  sa ating buhay espiritwal.

·        Ang kabiguang magpatawad ay palaging hahantong sa espirituwal na kapaitan - isang sitwasyon na dapat iwasan :

Mga Hebreo 12:14-15

14 Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito.

15 Pag-ingatan ninyong huwag tumalikod ang sinuman sa inyo sa pag-ibig ng Diyos. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito'y napapasamâ ang iba.

·        Higit sa lahat , ang pagkabigo na magpatawad sa iba ay sumisira sa relasyon natin sa minsang namatay para sa ating mga kasalanan at iyan ay si Hesus.

·        Sa pamamagitan ng pag-sasanay  na magpatawad, tinatanggap natin ang sakripisyo ni Kristo para sa ating sarili pati na rin para sa iba - at pinalalakas natin ang ating ugnayan kaysa sirain ang ating relasyon sa kapwa at sa Diyos.

   8. ANG PAGPAPATAWAD ANG MAGPAPALAYA SA ATIN.

“Forgiveness is the key that unlocks the door of resentment and the handcuffs of hatred. It is a power that breaks the chains of bitterness and the shackles of selfishness.” (Corrie ten Boom)

"Ang pagpapatawad ay ang susi na magbubukas sa pintuan ng sama ng loob at mga posas ng poot. Ito ay isang kapangyarihang pumuputol sa mga kadena ng kapaitan at mga kadena ng pagkamakasarili. "

·        Ang pagkakaruon ng ugaling hindi mapagpatawad ay higit na nakapipinsala kaysa sa taong hindi niya magawang Mapatawad.

·        Ang hindi pagpapatawad ay naging isang kulungan kung saan tayo hindi makatakas, at ang pagkaantala ng pagbibigay ng kapatawaran ay kapareho ng pagtapon ng  susi kaya walang pambukas sa kulungan kaya di makalaya.

“To forgive is to set a prisoner free and discover the prisoner was you.”

“Ang magpatawad ay katumbas ng pagpapalaya ng isang bilanggo at tiyak na iyong malalaman na ang bilangong iyon ay ikaw”

“As I walked out the door toward the gate that would lead to my freedom, I knew if I didn't leave my bitterness and hatred behind, I'd still be in prison.” (Nelson Mandela)

"Habang palabas ako ng pintuan patungo sa gate na hahantong sa aking kalayaan, alam ko kung hindi ko iiwan ang aking kapaitan at poot, magkukulong pa rin ako."

·        Ang Pagpapatawad ang ganap na magpapalaya sa atin.

9.     ANG PAGPAPATAWAD AY NAGPAPANUMBALIK.

·        Kapag pinatawad natin ang mga nakasakit sa atin – gaano man kahirap ang iyong naranasan ang paglimot ay makakapanumbalik ng ating Sarili sa ating magandang ugnayan sa ibang tao at higit sa lahat sa Diyos na may akda ng Pagpapatawad

·        Ipinapakita ng Bibliya ang malawak na pagpapanumbalik na ito sa isang bilang ng mga lugar, marahil ay walang mas mahusay kaysa sa aklat ng Job.

·        Nang nagkasala kay   Job ang kaniyang mga kaibigan sa pamamgitan ng Paghatol sa kanya at pagtanggi na mag-alok suporta at aliw sa kanyang kakila-kilakbot na pagsubok, sinabi sa atin na ang Diyos ay Galit sa kanila at iniutos na hilingin nila kay Job na ipanalangin sila

Job 42:7-9

7 Pagkasabi nito kay Job, si Elifaz na Temaneo naman ang hinarap ni Yahweh. Sinabi niya, “Matindi ang galit ko sa iyo at sa dalawa mong kaibigan sapagkat hindi ninyo sinabi ang katotohanan tungkol sa akin tulad nang ginawa ni Job. 8 Kaya ngayon, kumuha kayo ng pitong toro at pitong tupa. Dalhin ninyo ito kay Job at sunugin bilang handog. Ipapanalangin kayo ni Job. Siya lamang ang papakinggan ko para hindi na kayo pagbayarin sa inyong kahangalan, dahil sa hindi ninyo paglalahad ng buong katotohanan tulad nang ginagawa niya.”9 Ganoon nga ang ginawa nina Elifaz na Temaneo, Bildad na Suhita, at Zofar na Naamita. At ang panalangin ni Job ay dininig ni Yahweh.

·        Ngunit dapat nating Makita sa tagpong ito na hindi inabot ng Diyos si job hangang hindi siya gumagawa ng isang pagsasakripisyo para sa kanyang mga kaibigan :

Job 42:10

10 Ang kabuhayan ni Job ay ibinalik ni Yahweh sa dati, nang ipanalangin nito ang tatlong kaibigan. At dinoble pa ni Yahweh ang kayamanan ni Job.

·        Sa pagbabasa ba natin ng aklat ni Job nakita natin ang katotohanang iyon?

·        Ang ating sariling kalagayan ay maaring hindi ganun ka drama ,pero pakatandaan natin na ang Pagpapatawad ay siyang paraan tungo sa panunumbalik ng nasirang ugnayan natin sa iba at higit sa lahat ay sa Diyos at sa mga Gawaing karapat-dapat

·        Sa Susunod po na ako muli ang magsasalita makikita natin kung bakit Hindi Imposible ang Magpatawad....ito po ay serye ng topic natin na PAANO MAGPATAWAD? Ang Part One natin is Buksan ang Isipan at ang aralin una natin ay ang Part one Lesson two po tayo “Hindi Imposible ang magpatawad”

·        Sa atin pong pagtatapos balikan po natin ang mga puntos ng ating tinalakay sa umagang ito na may kinalaman Sa Part 1 Buksan ang Isipan  at ang Unang Aralin na ating tinalakay sa bahaging ito ay Kung Bakit Kinakailangan Tayong Magpatawad ?, Balikan po natin ang siyam na Punto o dahilan na kailangan natin upang maunawaan kung bakit dapat tayong magpatawad :


No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...