Saturday, 12 June 2021

TRUE REPENTANCE


 

Juan 10:1

10 “Tandaan ninyo ito: ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi sa pinto nagdaraan, kundi umaakyat sa di dapat pagdaanan ay magnanakaw at tulisan.

PANIMULA:

Ang paraan na inilatag ng Diyos upang ang tao ay maligtas ay sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya sa Panginoong Jesucristo. Iyon lang ang paraan. Hindi tatanggapin ng Diyos ang isang tao na sumusubok na umakyat sa anumang ibang paraan.

Si Juan Bautista na dumating upang ihanda ang daan ng Panginoon ay nangangaral ng pagsisisi. Iyon lamang ang paraan na ang bansa ng Israel ay maaaring maging handa na tanggapin si Jesus bilang kanilang Tagapagligtas. Walang ibang paraan para sa atin.

I- Pagsisisi at Pananampalataya

Karamihan sa mga mananampalataya  ngayon ay tila walang lalim o pagtatalaga o kapangyarihan na katulad sa mga unang Kristiyano.

Ano sa palagay mo ang dahilan ?

Ang pangunahing dahilan ay hindi sila nagsisi nang maayos.

Naniniwala sila kay Cristo . Ngunit  naniwala ng hindi  nagsisisi. At dahil nga sa gayong kalagayan naging  mababaw ang kanilang pag-kakilala .

May isang Himno na ganito ang nilalaman na mensahe:

"Ang isang makasalanan kapag naniwala kay Hesus ay tatanggap ng kapatawaran. Totoo ba iyan - na ang makasalanan ay maaaring makatanggap ng kapatawaran sa pamamagitan lamang ng "tunay na paniniwala?"

Hindi ba niya kailangan munang magsisi?

Ang tunay na pananampalataya ay nangangailangan  din ng pagsisisi.

kung hindi maipapaliwanag iyan ng maayos sa taong makasalanan , maaari siyang umalis at isiping siya ay ipinanganak ng muli dahil lamang sa naniniwala siya. At tiyak aalis siya na nadaya at hindi lubos na nakaunawa .

ang ipinangaral mesmo ni Hesus ay :

·         "Magsisi at maniwala sa ebanghelyo"

Marcos 1:15

15 Sinabi niya, “Dumating na ang takdang panahon. Malapit nang maghari ang Diyos! Kaya magsisi na kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan. Paniwalaan ninyo ang Magandang Balita!”

·         Inutusan Niya ang Kanyang mga apostol na ipangaral ang parehong mensahe

Lucas 24:47

47 Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng mga bansa, magmula sa Jerusalem.

·         At iyon mismo ang ginawa nila (Acts 20:21).

Mga Gawa 20:21

21 Maging Judio o Griego man ay pinangaralan kong tumalikod sa kasalanan, manumbalik sa Diyos at manalig sa ating Panginoong Jesus.

Ang Salita ng Diyos ay napakalinaw dito. Ang pagsisisi at pananampalataya ay hindi maaaring paghiwalayin kung nais mong maging maayos ang iyong pagbabalik-loob sa Diyos. Pinagsama ng Diyos ang dalawang ito kung kaya’t di pwedeng paghiwalayin ..

·         Ang pagsisisi at pananampalataya ay ang unang dalawang elemento ng pundasyon ng buhay Kristiyano

Mga Hebreo 6:1

6 Kaya't iwan na natin ang mga panimulang aralin tungkol kay Cristo at magpatuloy tayo sa mga aral na para sa mga may sapat na gulang na. Tigilan na natin ang muling paglalagay ng pundasyon tungkol sa pagtalikod sa mga gawang walang kabuluhan at tungkol sa pananampalataya sa Diyos,

Kung hindi ka pa nagsisi nang maayos,  ang iyong pundasyon ay tiyak na may mali. At dahil nga mali ang resulta nito ay ang buong buhay mo bilang  Kristiyano ay tiyak mawawalan ng laman at kabuluhan..

·         Sinasabi ng Bibliya na "ang pagkatakot sa Panginoon ay ang simula (o ang ABC) ng karunungan"

Mga Kawikaan 9:10

10 Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman.

Mga Kawikaan 3:7

7 Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman;  igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan.

·         Kaya't ang mga hindi nagsisisi at tumalikod sa kasalanan, ay hindi natutunan kahit na ang ABC ng buhay Kristiyano.

II- Mali at Tamang Pagsisisi

Kung nagsisi ka, dapat mong tiyakin na nagsisi ka ng tunay. Sapagkat mayroon ding pekeng pagsisisi na itinuturo si satanas, at dinadaya niya ang mga tao.

Alam ni satanas na ang karamihan sa mga tao ay nabubuhay sa pamamagitan lamang ng isang utos na nagsasabing, "Hindi ka dapat pahuhuli!" At sa gayon tinuruan niya sila ng mga paraan upang magkasala nang hindi mahuhuli  ng sinuman.

Kahit isang magnanakaw ay magmamakaawa at hihingi na kapatawaran o ng Sorry  kapag siya ay  mahuli. Ngunit hindi iyon ang pagsisisi.

Nakita natin mula sa  ilang mga halimbawa sa Bibliya tungkol sa mga Maling Pagsisisi.

1. Nang sumuway si Haring Saul at Sumuway sa Diyos, inamin niya kay Samuel na siya ay nagkasala.

Ngunit ayaw niyang malaman ng mga tao iyon. Hinanap niya pa rin ang karangalan ng tao. Hindi talaga siya nagsisi.

·         Ikinalulungkot lamang niya na siya ay nahuli (1 Samuel 15: 24-30).

 Iyon ang pagkakaiba sa pagitan niya at ni Haring David dahil si haring David bagamat nagkasala  lantarang niyang kinilala ang kanyang kasalanan at hiningi niya ang awa’t habag ng Diyos (Awit 51).

2. Si Haring Achab ay Naaawa sa kanyang sarili nang babalaan siya ni Elijah na hatulan siya ng Diyos.

·         Isinuot pa niya ang sako sa kanyang sarili at nalungkot para sa kanyang mga kasalanan nagawa (1 Hari 21: 27-29).

Ngunit hindi talaga siya nagsisi. Natakot lang siya sa hatol ng Diyos.

3. Ang kaso ni Judas Iscariot ay isang malinaw na halimbawa ng maling pagsisisi.

·         Nang makita niya na si Hesus ay hinatulan ng kamatayan ang  pakiramdam niya ay napakasama niyang tao at sinabi, "Nagkasala ako" (Mateo 27: 3-5).

Ngunit ginawa niya ang pagtatapat sa mga pari - tulad ng ginagawa ng ilan kahit sa ngayon! Hindi siya nagsisi - kahit na nalungkot siya sa kanyang nagawa.

Kung siya ay tunay na nagsisi, mapupunta siya sa paanan ng Panginoon upang humingi ng lubusang kapatawaran. Ngunit hindi niya ginawa iyon.bagkos siya ay nagpakamatay

Maraming matutunan mula sa mga halimbawang ito - kung ano ang hindi pagsisisi!

·         Ang totoong pagsisisi ay  "pag-balik  sa Diyos at iwan na ang mga idolo" (1 Tesalonica 1: 9).

1 Tesalonica 1:9

9 Ang mga tagaroon na rin ang nagbabalita kung paano ninyo kami tinanggap. Sila rin ang nagsasabi kung paano ninyo tinalikuran ang pagsamba sa mga diyus-diyosan upang maglingkod sa tunay at buháy na Diyos,

Ang mga idolo ay hindi lamang gawa sa kahoy at bato na matatagpuan sa mga templo ng pagano. Mayroong ding  mapanganib na mga idolo na sinasamba ng mga tao na hindi natin napapansin dahil hindi naman mukhang pangit.

 Ito ang mga idolo ng kasiyahan, ginhawa, pera, reputasyon ng isang tao, nais ng sariling kalooban atbp.

Lahat tayo ay sumamba sa mga ito. Ang pagsisisi ay nangangahulugang itigil ang pagsamba sa mga idolo na ito, at talikuran na ng lubusan at tahakin ang daan patungo sa Diyos.

Ang tunay na pagsisisi ay kinapapaluoban ng   ating buong pagkatao -  isip,  emosyon at kalooban.

1. Una sa lahat, ang pagsisisi ay nangangahulugang binago natin ang ating isip tungkol sa kasalanan at sa mundo.

Napagtanto natin na ang ating kasalanan ang siyang sanhi ng pagkahiwalay natin sa Diyos , pinaghiwalay tayo ang Diyos at Tao.

Nakita rin natin na ang buong paraan ng pamumuhay ng mundong ito ay laban sa Diyos.

At nais na nating tumalikod sa paraan ng pamumuhay na nagdudulot ng nakakahiyang kalagayan natin sa harapan ng ating  Diyos.

2. Pangalawa , Ang pagsisisi ay kinapapaluoban  ng ating emosyon.

·         Nalulungkot tayo dahil sa maling uri ng ating  ipinamuhay

2 Corinto 7:10

10 Sapagkat ang kalungkutang buhat sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago tungo sa kaligtasan. Ngunit ang kalungkutang dulot ng mundo ay humahantong sa kamatayan.

·         Kinamumuhian natin ang ating sarili para sa ating nagawang nakaraang maling  pagkilos; at higit pa rito, kinamumuhian natin ang mas malaking kasamaan na nakita natin sa loob natin na walang ibang nakakaalam o nakakakita kundi tayo at ang Diyos.

Ezekiel 36:31

31 Maaalala rin ninyo ang inyong kasamaan, at dating kasuklam-suklam na mga gawa. Dahil dito, masusuklam kayo sa inyong mga sarili.

·         Naiiyak tayo at nalulungkot na nasaktan natin ang Diyos sa pamamagitan ng uri ng pamumuhay natin. 

 Iyon ang reaksyon ng maraming dakilang tao sa Bibliya nang magkaroon sila ng kamalayan sa kanilang mga kasalanan.

David (Awit 51), Job (Job 42: 6) at Peter (Mateo 26:75) - lahat ay umiiyak ng labis at puno ng kapaitan nang magsisi sila sa kanilang mga kasalanan.

·         Parehong hinimok tayo ni Jesus at ng mga apostol na umiyak at magluksa sa ating mga kasalanan (Mateo 5: 4; Santiago 4: 9).

Mateo 5:4

4 “Pinagpala ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.

Santiago 4:9

9 Maghinagpis kayo, umiyak at tumangis! Palitan ninyo ng pagluha ang inyong tawanan, at ng kalungkutan ang inyong kagalakan!

·          Iyon ang daan pabalik sa Diyos.

Ang alibughang Anak ay nagpasiyang bumalik sa bahay ng kanyang ama, at handang gawin kung anuman ang ipagagawa sa kanya ng kaniyang Ama, handa na siyang maging lingkod.

·         Iyon ang totoong pagsisisi (Lucas 15: 11-24).

3. Panghuli - Ang pagsisisi ay kinapapaluoban ng ating kalooban o saluobin

Kailangang isuko ng lubusan sa Diyos ang ating matigas na Sariling kalooban –na ang nais masunod palagi ay ang sarili – Dapat nating  gawin na si Jesus na ang ating maging Panginoon sa buhay.

Nangangahulugan iyon na handa na nating  gawin ang anumang nais ng Diyos na dapat nating gawin mula ngayon, anuman ang maging kapalit susundin mo na ang  kaniyang kalooban..

Halimbawa nito ay ang Alibughang Anak sa kaniyang Pagsisisi ang naisip niya ay handa siyang tangapin anuman ang ipagagawa sa kanya ng kaniyang Ama. Ito ang totoong pagsisisi (Lukas 15: 11-24).

Hindi natin kailangang ipagtapat sa Diyos isa-isa ang bawat  kasalanan na nagawa natin.

 Imposibleng matandaan natin ang lahat.

Hindi ginawa iyon ng alibughang anak. Ang sinabi lamang niya ay, "Ama, nagkasala ako." At iyon lang ang kailangan nating sabihin din.

Ngunit alalahanin na sinabi din ni Judas Iscariot, "Nagkasala ako."

Mayroong pagkakaiba, sa pagitan ng kanyang pagtatapat at ang pagtatapat ng alibughang anak.

 Ang Diyos ay hindi nakikinig lamang sa mga salitang sinasabi natin.

Nararamdaman niya ang espiritu sa likod ng mga salita, at kong kaya nga nakikipag-usap siya sa atin ng naayon sa kaniyang Espiritu.

III- Ang Bunga ng Pagsisisi

1.       Sinabi ni Juan Bautista sa mga Pariseo na magbunga at ito’y ang bunga ng  pagsisisi

Mateo 3:8

8 Patunayan muna ninyo sa inyong mga buhay na kayo'y talagang nagsisisi,

·         Kung tunay tayong nagsisi, babaguhin nito ang ating buong pamumuhay.

Ang isa sa mga unang bagay na dapat nating gawin, pagkatapos nating magsisi ay ang bayaran ang mga nagawang pagkakamali sa ating buhay.

·         Nabasa natin ang tungkol kay Zaqueo sa mga ebanghelyo, na siya ay nahatulan sa kanyang mga kasalanan pagkapasok ni Jesus sa kanyang bahay (Luc. 19: 1-10).

Si Zaccheus ay isang lalaking mahilig sa pera mahilig mangurakot mula sa kaban ng bayan.

Ngunit naintindihan niya kung ano ang nakapaloob sa  pagsisisi. Alam niya na kung siya ay magiging isang alagad ni Hesus kailangan niyang baguhin ang lahat ng mga maling nagawa niya sa kanyang buhay.

Nangangahulugan iyon ng isang malaking pagkawala ng pera sa kanya, sapagkat siya ay nanloko ng maraming tao.

Ngunit nagpasya siya ng  buong pusong  pagsisisi. At sa gayon sinabi niya sa Panginoon na ibibigay niya ang kalahati ng kanyang pera sa mahirap at pagkatapos ay ibalik ng apat na beses ang niloko niya sa iba.

Nung sinabi  ni Zaccheus na magbabayad siya, sinabi ni Jesus na ang kaligtasan ay dumating sa tahanan na iyon.

Ang pagiging handang magbayad ay isa sa mga ebidensya ng totoong kaligtasan (Lukas 19: 1-10).

Ang pantas na tao, sa talinhagang  sinabi ni Jesus, ay humukay ng malalim at inilatag ang kanyang pundasyon sa bato sa ilalim ng mga sapin ng buhangin (Lukas 6:48). Ang taong hangal din ay nagtayo ng kanyang bahay sa iisang lugar. Ngunit hindi siya lumalim nang sapat. Mababaw niyang inilatag ang kanyang pundasyon sa buhangin.

Maaari nating mailapat ang talinhagang  ito sa totoo o maging sa maling pagsisisi. Kapag naghihirap doon lamang tayo lumalalim sa paghuhukay at nagkakaroon ng tinatawag na totoong pagsisisi.

Kayat , mabuting maglaan ng oras sa simula pa lamang, upang ayusin ang lahat ng mga bagay na kailangang ayusin. Kung mababaw tayo dito,makikita natin na an gating pundasyon ay madaling mabuwal,mahina.

Ano ang Nakapaloob sa Pagpapanumbalik?

Ano ang Nakapaloob sa pagbabayad?

Nangangahulugan ito na kung dinaya mo ang gobyerno sa pamamagitan ng pagbayad ng buwis atbp, dapat mo na ngayong bayaran ang mga buwis na iyon. Minsan ayaw talaga nating bayaran , kasi kung gusto may paraan kung ayaw may idadahilan - kung nais nating sundin ang Diyos! ang perang dapat bayaran sa gobyerno ay marapat na ibigay.

1.       Kung nanloko ka ng mga tao, dapat mo ring ihingi ng tawad sa kanila at magbayad ka . 

 Sabihin mo rin sa kanila kung paano dumating ang pagbabago sa iyong buhay! Kung nalaman mong wala kang lakas ng loob na gawin ito magsama ka ng isang kapatid.

2.        Kung hindi mo kayang bayaran ang lahat ng iyong utang nang sabay-sabay, hulog-hulugan mo

hangang matapos mong bayaran.. Gawin mo ito nang hulugan. Sikaping makagawa ng isang panimula - kahit na sa isang maliit lamang na halaga! Tinanggap ng Diyos si Zaccheus sa araw na nagpasya siyang bayaran ang kanyang mga utang - hindi matapos na makumpleto niya ang lahat ng kanyang muling pagbabayad!

3.       Kung naloko mo ang isang tao at hindi mo alam kung saan na siya nakatira ngayon, dapat mong ibalik ang pera sa Diyos - ang orihinal na May-ari ng lahat ng pera.

·         Iyon ang patakaran na inilaan ng Diyos para sa mga Israelita (Bilang 5: 6-8).

Mga Bilang 5:6-8

6 “Sabihin mo ito sa mga Israelita: Sinumang magtaksil kay Yahweh at makagawa ng masama sa kanyang kapwa ay 7 dapat umamin sa kasalanang kanyang nagawa, pagbabayaran niya ito nang buo maliban pa sa dagdag na ikalimang bahagi nito. Ito'y ibibigay niya sa ginawan niya ng masama o sa pinakamalapit na kamag-anak nito. 8 Kung wala itong malapit na kamag-anak, ang halagang ibabayad ay mapupunta kay Yahweh at ibibigay sa mga pari, bukod sa tupang ibibigay ng nagkasala upang ihandog bilang pantubos sa kanyang kasalanan.

Kailangang ibalik mo sa Diyos ang pera na iyan kasi pagkinuha mo Hindi maaaring pagpalain ng Diyos ang ganoong uri ng pera.

4. Kung tayo ay nakasakit o nakasugat sa isang tao, sa ilang paraan na walang kinalaman sa pera, dapat tayong humingi ng tawad sa kanya .

Hindi natin dapat payagan si Satanas na mapanatili tayo pakakasala at hatulan tayo dahil hindi natin na itama ang mali.. Ganap na nauunawaan ng Diyos ang ating sitwasyon - at hindi Niya tayo pinahihirapan.

2 Corinto 8:12

12 Sapagkat kung may hangaring magbigay, tatanggapin ng Diyos ang inyong kaloob ayon sa inyong makakaya at hindi ayon sa hindi ninyo kaya.

Purihin ang Diyos na Siya ay napaka maawain!

·         Igagalang ng Diyos ang mga gumagalang sa Kanya (1 Samuel 2:30).

 At ang isang paraan na iginagalang natin Siya ay sa pamamagitan ng pagiging matapat sa maliliit na bagay.

Kung hindi tayo magbabayad, magagapos tayo nito sa buong buhay natin. Susubukan tayo ng Diyos upang makita kung mas mahalaga sa atin ang pagkakaron ng  isang malinis na budhi kaysa sa ating pera, ating karangalan, ating mga degree at maging sa ating trabaho.

Maraming nabigo sa pagsubok. Ngunit, purihin ang Diyos, na may mga natitira pa, sa bawat henerasyon, ng mga nagmamahal sa Diyos nang higit sa anupaman sa mundo.

Pagpapatawad sa Iba

Kasama rin sa pagsisisi ang pagpapatawad sa iba na nanakit sa atin sa anumang paraan.

Sinabi ni Hesus,

Mateo 6:15

15 Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”

Mateo 18:35

35 Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo taos pusong patatawarin ang inyong kapatid.”

Imposibleng patawarin ng Diyos kung hindi natin pinatawad ang iba nang buong puso at buong-buo.

Maaaring hindi natin makalimutan ang ginawa sa atin ng iba. Ngunit tiyak na maaari nating tanggihan na isipin ang kasamaan na kanilang ginawa, tuwing natutukso tayong gawin ito.

Marahil ay may nakasakit sa iyo ng sobra na nahihirapan kang patawarin siya ng buong puso. Hilingin sa Diyos na tulungan kang magpatawad

Kapag naisip natin ang milyun-milyong mga kasalanan na pinatawad tayo ng Diyos, hindi dapat maging mahirap para sa atin na magpatawad sa iba sa parehong paraan. Kapag hindi natin pinatawad ang iba tiyak magkakaroon ng kapangyarihan si Satanas sa atin.

2 Corinto 2:10-11

10 Ang sinumang pinatawad ninyo ay pinatawad ko na rin. Ang pinatawad ko, kung mayroon man akong dapat patawarin, ay pinatawad ko na sa harapan ni Cristo alang-alang sa inyo, 11 upang hindi tayo malamangan ni Satanas, sapagkat hindi lingid sa atin ang kanyang mga pamamaraan.

May isa pang lugar kung saan kailangang maayos ang mga usapin - at iyan ang lugar ng pakikipag-ugnay kay Satanas at mga masasamang espiritu.

Kung nakipag-usap ka sa astrolohiya, pagsamba sa idolo, pagbabasa ng palad, itim na mahika atbp, o kung interesado ka sa rock-music at nakakapinsalang gamot, kailangan mong talikuran ang mga pakikipag-ugnay na ito kay Satanas

Ang unang bagay na dapat mong gawin ay sirain (hindi ibebenta, ngunit sirain) ang lahat ng mga idolo, libro ng okulto at anting-anting at iba pa, na maaaring mayroon ka (Tingnan ang Mga Gawa 19:19). Kung gayon dapat kang manalangin at sambitin ang mga katagang ito.

"Panginoong Hesus, tinatanggihan ko na po na makipag-ugnay kay Satanas, sa anumang paraan sinasadya man o hindi."

Pagkatapos sabihin nang diretso kay Satanas,

"Nilalabanan kita, satanas, sa Pangalan ni Jesucristo na aking Panginoon at Tagapagligtas. Hindi mo na ako mahahawakan pa, sapagkat kabilang na ako ngayon sa Panginoong Jesucristo."

Sinabi sa Santiago 4: 7,

Santiago 4:7

7 Kaya nga, pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo.

Kung magpapatuloy tayo sa paglalakad kasama ang Panginoon, paliliwanagin niya ang ating daraanan bibigyan Niya tayo ng higit na liwanag sa ating buhay. Maaari itong maging sa kamunduhan ng ating pananamit o pananalita o sa tigas ng ating tono ng boses, o sa paraan na tayo ay nadumihan sa pamamagitan ng ating mga gawi sa pagbabasa atbp. Sa gayon ay matutuklasan natin ang mga bagong lugar na patuloy na kung saan kailangan nating magsisi at maging malinis.

Dapat tayong lumakad sa patuloy na pagsisisi sa lahat ng ating mga nagagawang kasalanan araw-araw.


No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...