Saturday, 12 June 2021

5 BASIC FOUNDATION OF SALVATION (Part 1)

 


CONVERSION-PAGBABALIK-LOOB

Lucas 10:20

Magandang Balita Biblia

20 Ngunit magalak kayo, hindi dahil sa napapasunod ninyo ang masasamang espiritu, kundi dahil nakatala sa langit ang inyong mga pangalan.”

INRODUCTION:

Si Sir James Simson isang Medical Scientist na kong saan siya ang nakalikha ng chloroform o sa madaling salita anesthesia minsan ay tinanong ..ano ang maituturing mo na pinaka dakilang pagtuklas sa tanang buhay mo  ? ang inaasahang sagot sa nasabing tanong ay ang chloroform pero nagulat ang lahat ng sabihin niya na ang pinaka dakilang pagtuklas na kaniyang nakita sa buong buhay niya ay ang kaniyang tagapagligtas at ito ay ang Panginoong Hesu-Kristo,

Inatasan ni Hesus na humayo ang kaniyang 70 mga alagad upang mag ministeryo.bumalik sila ng may kagalakan dahil sa mga himalang nagawa nila dahil sa Pagsunod nila kay Hesus..

Ngunit sinabihan sila ni Jesus na ang kanilang tagumpay ay huwag nilang ikagalak kundi ang ikagalak nila ay dahil sa ang kanilang pangalan ay nakatala sa Langit.

Ang kadalasan na mga tanong na ating nakakaharap ay ang mga sumusunod:

1.       How can I know that I’m a Christian ,that I am saved or born again?

2.       How can  I be assured of Eternal Life?

 Kadalasan ang mga katanungan ay emotional kailangang maramdaman na tayo ay ligtas..kaya kadalasan nagkakaroon ng kalituhan at pagaalinlangan.

 2 Timoteo 1:12

12 at iyan ang dahilan kaya ako nagdurusa nang ganito. Ngunit hindi ako nahihiya, sapagkat kilala ko ang aking sinasampalatayanan at natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya

 What was Paul Suffering ?

 Siya ay nasa kulungan ni Nero sa Roma at inaantay ang parusang igagawad sa kanya sa pamamgitan ng pagpugot ng ulo..hindi ba pwedeng pangalingan iyan ng Depression? Hindi ba pweding pangalingan iyan ng discouragement?

 Hinding –hindi ang sagot ni iyan  Paul diyan..bilang isang great Theolegian,Missionary and Evangelist..

 Dahil alam niya na siya ay Ligtas at ang kaligtasan na alok ni Kristo ay kaniya ng nakamtan.

 Kaya nga pansinin natin iyong Verb na ginamit niya “FOR…I KNOW” hindi niya isinulat na “For I think..For I Know,For I Hope” NO no no! but he said “FOR …I KNOW”

 Kadalasan sa mga Worship Leader tinatanong ang mga tao..nararmdaman niyo po ba ang Espiritu ng Diyos sa ating kalagitnaan? Alam niyo po mas mainam na ang sabihin natin naririto ang kilos ng kapangyarihan ng banal na Espiritu sa ating kalagitnaan..dahil ang pakiramdam kung minsan ay di totoo dahilan na lamang pero ang pagkaalam na nandoon ang Diyos ay iyon ang malinaw na katotohanan.

 Isaias 1:18

18 “Halikayo at tayo'y magpaliwanagan,” sabi ni Yahweh. Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan, kayo'y aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak.

 1 Juan 1:9

9 Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.

 Iyan ay nakasulat na pangako ng Diyos at pagtatalaga ng Diyos ng kaniyang Sarili sayo..anuman ang pakiramdam mo o nararamdaman mo hingil dito. May pangako ang Diyos sayo..Therefore you can Know you are Save.

Mahalagang Alamin mo ang iyong Kaligtasan sa pamamgitan ng seryeng ito hingil sa :

5 BASIC FOUNDATION OF SALVATION

1.       CONVERSION

2.       JUSTIFICATION

3.       REGENERATION

4.       SANTIFICATION

5.       RECONCILIATION

 Sa ilang Survey na Ginawa sa karamihan sa Member ng Penticostal/Charismatic believers are not very Familiar with most of these Term samantalang ito ay isa sa Pundasyon n gating Pananampalataya..at iyan ay ayaw ko pong mangyari sa inyo kaya po sasamantalahin ko ang Programang ito na Pagkaing Espiritwal para turuan kayo..

 CONVERSION- PAGBABALIK-LOOB

 Hindi po natin mamadaliin an gating Pag-aaral iisa-isahin po natin ang 5 BASIC FOUNDATION OF SALVATION unahin po natin ang CONVERSION-PAGBABALIK-LOOB

 Nagbigay hamon si Apostol Pablo sa Church in Rome at ito ang tatakbuhin ng ating talakayin ngayong umaga.

 Roma 10:8-16

8 Sapagkat ganito ang sinasabi, “Malapit sa iyo ang mensahe, nasa iyong bibig at nasa iyong puso.” Ang tinutukoy dito'y ang salitang ipinapangaral namin tungkol sa pananampalataya. 9 Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. 10 Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay itinuturing na matuwid ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang bibig at sa gayon ay naliligtas. 11 Sinabi nga ng kasulatan, “Ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” 12 Kaya't walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya, 13 dahil sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon.”14 Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila? 15 At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng Magandang Balita!” 16 Ngunit hindi lahat ay sumunod sa Magandang Balita, gaya ng sinulat ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming ibinalita?”

 Sa ating pagtalakay lagi tayong babalik sa kasulatan,an gating pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig at pakikinig ng Salita ng Diyos.

 At ito ang Salitang nagmula mismo sa Diyos:

 Mateo 18:2-3

2 Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa gitna nila 3 at sinabi, “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.

 Ang Pagbabalik-loob ay nangangailangan that mankind calls upon God to turn us around and change our lives .it’s spiritual about- face!”

 There are two elements to CONVERSION: REPENTANCE AND FAITH

 1.       REPENTANCE-PAGSISISI

 ·         Kung walang Pagsisisi walang Kaligtasan.

Difination of Repentance:

 REPENTANCE- is a Sincere and Thorough (Masinsinan) changing of the mind ,involving a sense of personal guilt and helplessness ,apprehension of God’s Mercy .A strong Desire to be saved from sin and the voluntary abandonment of the sin.

 2 Cronica 7:14

14 ngunit kung ang bayang ito na nagtataglay ng aking karangalan ay magpakumbaba, manalangin, hanapin ako at talikuran ang kanilang kasamaan, papakinggan ko sila mula sa langit. Patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan at muli kong pasasaganain ang kanilang lupain.

·         Ipinangaral ni Hesus ang Pagsisisi

 Mateo 4:17

17 Magmula noon ay nangaral si Jesus. Itinuturo niyang, “Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit.”

 Lucas 13:5

5 Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo, malibang magsisi kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong tulad nila.”

 ·         Ang Pagsisisi ang nilalaman ng pangangaral ni Apostol Pedro sa araw ng Pentecostes

 Mga Gawa 2:38

38 Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

 ·         Ang pagsisisi ang pundasyon ng pangangaral ni apostol Pablo

 Mga Gawa 26:19-20

19 “Dahil dito, Haring Agripa, hindi po ako sumuway sa pangitaing mula sa langit. 20 Nangaral ako, una sa Damasco, saka sa Jerusalem at sa buong lupain ng Judea, at gayundin sa mga Hentil. Ipinangaral kong dapat silang magsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan, lumapit sa Diyos, at ipakita ang kanilang pagsisisi sa pamamagitan ng mga gawa.

 ·         Ang Pagsisisi ay may dakilang kahalagahan sa langit.

 Lucas 15:7

7 Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.”

 There are parts of REPENTANCE:

 1.       THE INTELLECTUAL PARTS (Pangkaisipan)

·            Nangangahulugan ito ng pagpapalit ng paanaw

 

A.      I Now See Sin as God Sees it!

Kung kaya nga dahil dito ang kasalanan ay hindi na kakit-akit para atin bagkus kasuklam-suklam na kagaya ng pananaw ng Diyos sa kasalanan.

B.      I See Sin as My Fault Alone.

Si David ay nanalangin ng Ganito: “Nagkasala ako laban sa Sayo “ 

Mga Awit 51:3-4

3 Mga pagkakasala ko'y kinikilala,di ko malilimutan, laging alaala.

4 Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, at ang ginawa ko'y di mo kinalugdan;kaya may katuwiran ka na ako'y hatulan,marapat na ako'y iyong parusahan.

C.      I Accept God’s Demand for Righteousness .

2.       THE EMOTIONAL PART (Madamdamin)

 ·            Kinapapaluoban ito ng Pagbabago ng Pakiramdam 

A.      I Now Have Sorrow for Sin

B.      I Ask God for His Pardon for My Sin.

Mga Awit 51:1

51 Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos,sang-ayon sa iyong kagandahang-loob;mga kasalanan ko'y iyong pawiin,ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!

3.       THE VOLITIONAL PART (Kusang loob)

·            Kinapapaluoban ito ng Pagbabago ng Kalooban.

A.      You Make the Descision to Turn from Sin . 

2 Corinto 7:10

10 Sapagkat ang kalungkutang buhat sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago tungo sa kaligtasan. Ngunit ang kalungkutang dulot ng mundo ay humahantong sa kamatayan. 

Pangalawang Elemento ng CONVERSION…

II- FAITH-PANANAMPALATAYA

Mga Hebreo 11:6

6 Hindi maaaring kalugdan ng Diyos ang walang pananampalataya sa kanya, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya.

Gaano Kahalaga ang Pananampalataya?

1.       We are Saved by Faith (Naligtas)

Mga Gawa 16:31

31 Sumagot naman sila, “Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.”

2.       We are Enriched by Faith (Pinagyaman)

Galacia 3:5

5 Dahil ba sa pagsunod ninyo sa kautusan ay ipinagkakaloob ng Diyos ang Espiritu sa inyo at gumagawa kayo ng mga himala, o dahil sa pananampalataya na inyong narinig tungkol kay Cristo?

Galacia 3:14

14 Ginawa ito ni Cristo upang ang mga pagpapalang ipinangako ng Diyos kay Abraham ay makamtan din ng mga Hentil sa pamamagitan ni Cristo Jesus at sa pamamagitan ng pananalig ay matanggap natin ang Espiritung ipinangako ng Diyos.

3.       WE are Santified by Faith (Pinaging Banal))

Mga Gawa 26:18

18 Imumulat mo ang kanilang mga mata, ibabalik sila sa kaliwanagan mula sa kadiliman, ililigtas sila sa kapangyarihan ni Satanas at ibabalik sa Diyos. At sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa akin, sila'y patatawarin sa kanilang mga kasalanan at mabibigyan ng lugar kasama ng mga taong ginawang banal ng Diyos.’”

4.       We are Kept by Faith (Iningatan)

1 Pedro 1:5

5 Sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakahandang ihayag sa katapusan ng panahon.

Difination of Faith:

·         Ang FAITH ay higit pa sa HOPE. Ang HOPE para sa hinaharap samantalang ang FAITH ay kinapapaluoban ng Past,Present, and Future

·         Ang FAITH higit pa sa BELIEF . si Satanas may paniniwala din sa Diyos Ngunit hindi niya nabigyang kasiyahan ang kaniyang manlilikha.

·         Ang FAITH ayon sa Hebreo 11:1

Mga Hebreo 11:1

11 Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating mga inaasahan, at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita.

There are Three Element to Faith

A.      THE INTELLECTUAL ELEMENT(Pangkaisipan)

·         It is Therefore Faith based on the best of  Evidence

B.      THE EMOTIONAL EVIDENCE(Madamdamin)

Mateo 13:20-21

20 “Ang katulad naman ng binhing nalaglag sa mabatong lupa ay ang taong nakikinig ng mensahe na kaagad at masayang tumatanggap nito 21 ngunit hindi tumitimo ang mensahe sa kanyang puso. Sandali lamang itong nananatili, at pagdating ng mga kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod sa kanyang pananampalataya.

·         The Emotional Element means “Pagkagising ng kaluluwa sa kanyang personal na Pangangailangan”at ang Personal na Pagsasabuhay ng Pagtubos na inilaan ng Diyos sa Pamamagitan ni Kristo 

C.      THE VOLUNTARY ELEMENT(Kusang loob)

·         Ito’y isa sa pinakamadali.

·         Ang isang tao na tumangap ng kapahayagan ng Diyos at nakatangap ng totoong Kaligtasan ay iyong taong naniwala mula sa kaibuturan ng kaniyang puso na si Hesus ay sapat na at higit pa. 

Juan 1:12

12 Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos.

Juan 4:14

14 ngunit ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay ko ay magiging batis sa loob niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.”

   CONCLUSION: 

  Ang resulta ng Pananampalataya ..Good Works do not save a person but saved person do good works ,

      Mateo 5:16

     16. Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita         nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

 

 


1 comment:

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...