Monday, 14 June 2021

5 BASICS FOUNDATION OF SALVATION (Part 2)


 

JUSTIFICATION-PAGPAPAWALANG-SALA

Lucas 10:20

Magandang Balita Biblia

20 Ngunit magalak kayo, hindi dahil sa napapasunod ninyo ang masasamang espiritu, kundi dahil nakatala sa langit ang inyong mga pangalan.”

PANIMULA:

·        Noong Nakaraang Lingo Pinag-aralan natin ang Patungkol sa CONVERSION o PAGBABALIK-LOOB

Which requires honest Repentance and Turn around in Attitude and Lifestyle.

·        Nangangailangan ito ng higit pa sa pagsunod sa Sinners Prayer o maging sa pagperma sa church membership form.

Roma 10:8-16

Magandang Balita Biblia

8 Sapagkat ganito ang sinasabi, “Malapit sa iyo ang mensahe, nasa iyong bibig at nasa iyong puso.” Ang tinutukoy dito'y ang salitang ipinapangaral namin tungkol sa pananampalataya. 9 Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. 10 Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay itinuturing na matuwid ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang bibig at sa gayon ay naliligtas. 11 Sinabi nga ng kasulatan, “Ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” 12 Kaya't walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya, 13 dahil sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon.”14 Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila? 15 At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng Magandang Balita!” 16 Ngunit hindi lahat ay sumunod sa Magandang Balita, gaya ng sinulat ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming ibinalita?”

WHAT IS CONVERSION ?

It is sincere changing of the mind and disposition in regard to Sin ,Involving a sense of Personal guilt and Helplessness ,Apprehension of God’s mercy and strong Desire to scape or be saved from Sin and the voluntary Abandonment of that Sin.

Isang nakamamanghang kaganapan ang nangyari sa ating buhay ng tayo’y magbalik –loob sa kanya at ito ay ang lubusang pagsakop niya sa ating buong pagkatao..

Itinuro ni Apostol Pablo:

Roma 5:12-19

Magandang Balita Biblia

Si Adan at si Cristo

12 Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala. 13 Nasa sanlibutan na ang kasalanan bago ibigay ang Kautusan, ngunit kung walang kautusan, ang kasalanan ay hindi itinuturing na kasalanan. 14 Gayunman, naghari pa rin ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, pati sa mga taong hindi nagkasala tulad ng pagsuway ni Adan sa utos ng Diyos.Si Adan ay anyo ng isang darating. 15 Subalit magkaiba ang dalawang ito dahil ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay hindi katulad ng kasalanan ni Adan. Totoong maraming tao ang namatay dahil sa kasalanan ng isang tao. Ngunit ang kagandahang-loob ng Diyos ay mas dakila, gayundin ang kanyang walang bayad na kaloob sa maraming tao sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng isang tao, si Jesu-Cristo. 16 Ang kaloob na ito ay hindi katulad ng ibinunga ng pagsuway ni Adan. Sapagkat hatol na kaparusahan ang idinulot matapos na magawâ ang isang pagsuway, subalit kaloob na nagpapawalang-sala naman ang idinulot matapos magawâ ang maraming pagsuway. 17 Sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao, naghari ang kamatayan. Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao, si Jesu-Cristo, ang mga taong pinagpala nang sagana at itinuring na matuwid ng Diyos ay maghahari sa buhay.18 At kung paanong ang pagsuway ng isang tao ay nagdulot ng kaparusahan sa lahat, ang matuwid na ginawa rin ng isang tao ay nagdudulot ng pagpapawalang-sala at buhay sa lahat. 19 Sapagkat kung naging makasalanan ang marami dahil sa pagsuway ng isang tao, marami rin ang mapapawalang-sala dahil sa pagsunod ng isang tao.

·        CONVERSION is followed by JUSTIFICATION

Difination:

JUSTIFICATION- is the reversal (Kabaligtaran) of God’s attitude toward Sinner because of the sinner’s new relationship with JesusChrist. Parang nabalik na sa panahong ang tao ay di pa nagkasala laban sa kanya.

I-                   Bago ang pagbabalik-loob at Pagpapawalang-sala ang tingin at laman ng isipan ng  Diyos sa tao ay Makasalanan ang tao ,katulad niya’y maruming basahan at ubod samang Kriminal…kaya nga Galit ang Diyos sa tao!

Roma 3:23

23 sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.

              Roma 5:6

              6 Sapagkat noong tayo'y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang                            panahon para sa mga makasalanan.

               Colosas 1:21

               21 Dati, kayo'y malayo sa Diyos at naging kaaway niya dahil sa inyong                        paggawa at pag-iisip ng masasama.

            Tito 3:3

A.    At ang kabayarang o kaparusahang ibinigay ng Diyos hingil ditto ay ang Kamatayan..

Santiago 1:15

15 At ang pagnanasa kapag naitanim sa puso ay nagbubunga ng kasalanan; at ang kasalanan, sa hustong gulang ay nagbubunga ng kamatayan.

·        Ito iyong Historical Follow-up sa aklat ng James 1:15 (Payo o Babala)

Genesis 2:16-17

16 Sinabi niya sa tao, “Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, 17 maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka.”

Roma 6:23

23 Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

B.    Samakatuwid, kung ikaw at ako ay ligtas na, ang parusang kamatayan na ito ay inalis nan g Diyos sa atin.

·        Ito’y natupad sa pamamagitan ng kamatayan ni Hesus sa Cross.

Isaias 53:5

5 Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.

1 Pedro 2:24

24 Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang ating mga kasalanan upang tayo'y mamatay na sa kasalanan at mamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang mga sugat, kayo'y pinagaling.

·        Inako ni Hesus ang kabayaran na kamatayan doon sa Cross at ang sinumang maniwala at sumampalataya sa kanya at sa kanyang Ginawang pagtubos sa atin..doon lamang siya mapapatawad ng Diyos at mapapawalang-sala.

·        Ang pangalawa...

II-                Ang kasalanan ay hindi lamang nagdudulot ng kamatayan kundi  pagkawala din ng pansin ng Diyos sa tao.

Juan 3:36

36 Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa Anak ay hindi magkakaroon ng buhay. Sa halip, mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.

    Sa Ngayon maraming tao ang walang pagkaunawa sa pagkatakot sa Diyos

    Ang iba nga hinahamon pa ang Diyos ..ang lakas ng loob na kalabanin ang Diyos

    Ngunit dapat na magingat ang sinumang taong gumagawa nito sapagkat ang  isa sa Damdaming mayroon ang Diyos ay ang Pagkagalit..o pagkapoot.

Roma 1:18

18 Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong dahil sa kanilang kasamaan ay hinahadlangan ang katotohanan.

·        Ngunit salamat sa Diyos dahil sa regalong ibinigay niya sa atin ito ay ang Pagpapawalang –sala sa pamamagitan ng ginawa ni Hesus doon sa Cross at ito ang malinaw na dahilan ng paghupa ng kaniyang galit sa atin na sa kanya ay nagsitangap sumampalataya sa kaniyang ginawa para sa atin at patuloy na sumunod sa kanyang kalooban.

A.    Ngayon ang pagpapatawad sa  parusang nararapat sa atin  ay  iba pa sa  usapin ng pagpapanumbalik sa aktwal na pansin ng Diyos  sa atin

Galacia 3:26

26 Dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus, kayong lahat ay mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya.

III- Ang pagpapawalang-sala ay inuugnay din sa Pagkamatuwid (upang maiugnay ang katwiran mula sa bawat isa)

·        Ang makasalanan ay hindi lamang napatawad sa kaniyang kasalanan,kundi pinagkalooban din ng positibong katuwiran..kaya ang tao sa ngayon na nagbalik-loob at napawalang –sala ay Malaya ng makalapit sa Diyos.

HALIMBAWA:

Sa biblia ay may kahanga-hangang kwento sa pagitan nila Pablo,Filimon at Onesimus..

Tumakas si onesimus sa kanyang amo hangang makarating sa Roma na kung saan sila nagkita ni Pablo

Sa kanilang pagkikita kumilos ang banal na Espiritu sa buhay ni Onesimus at ang sabi niya gusto na niyang bumalik sa kanyang among si Filimon pero natatakot siya sa pwedeng gawin nito sa kanya.

Kaya nagawang sumulat ni Pablo kay Filimon at iyan nga ang laman ng aklat ni Filimon.hiniling niya tangapin muli ni Filimon si Onesimus alang-alang sa kanya kay Pablo ..

Anong napansin natin dito isinaalang-alang ni Filimon ang kabutihan ni Pablo sa kanya kaya tinanggap niyang muli si onesimus hindi dahil kay Onesimus kundi dahil kay Apostol Pablo.

·        hinggil sa pag-aalala ng Diyos, ito ay hindi sa pamamgitan nang ating kabutihan sa lahat kundi ang dahilan nito ay si Kristo na nasasaatin .siya ang pag-asa ng ating katuwiran at kaluwalhatian

·        Ano ang isa sa mga pakinabang ng kristong ito na nasa atin na kung saan siya ang ating pag-asa ng katuwiran at kaluwalhatian

·        Ang kaluwalhatian ni Kristo ang siyang kasuutang pangkasal na nakasuot sa babaeng ikakasal (Iyong babaeng ikakasal na nabangit ay tayo the Church) at the Marriage supper of the lamb.

·        Binangit ni Hesus ang Kwentong ito:

Mateo 22:11-14

11 “Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin. Nakita niya ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan. 12 Tinanong niya ito, ‘Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakasuot ng damit pangkasalan?’ Hindi nakasagot ang tao, 13 kaya't sinabi ng hari sa mga lingkod, ‘Talian ninyo ang kanyang kamay at paa, at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.’”14 Pagkatapos nito'y sinabi ni Jesus, “Marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang pinili.”

Ang tanong napasama  ka kaya sa napili?

HOW CAN I BE JUSTIFIED?

Job 25:4

4 Maaari bang maging matuwid ang tao sa paningin ng Diyos?  Sa harapan ng Maykapal siya ba'y dalisay nang lubos?

HOW CAN I BE JUSTIFIED?

I- Justification is by the Grace of God

·        Tandaan natin na ang biyaya ng Diyos ay natamo natin hindi sa pamamgitan ng ating mga gawa at hindi din nararapat ito para sa atin..

·        Ngunit dahil sa habag niya sa atin tayo ay kaniyang pinatawad at siya pa mismo ang gumawa ng paraan para sa ating ikapagpapatawad.

·        Justification is never by our good works or Goodness –but only by the mercy of God

·        Para matangap ito at mapahalagahan sa ating buhay kinakailangan ng mga sumusunod:

1.     Alalahanin natin  na wala tayong anumang Karapatan sa pagiging matuwid .

·        Ito ang dahilan kung bakit ang mga Pareseo ay galit na galit kay Hesus .Dahil kinukuntra ni Hesus ang kanilang pagiging Self-Rightheous . 

2.     Alalahanin natin ang ating kawalan ng kakayahang kunin ang pansin ng Diyos. Dapat may tutulong sa atin para makuha ito. at si Hesus lamang ang makakagawa nito

3.     Alalahanin natin na ang ating Pagkamatuwid ay binayaran sa krus ng kalbaryo at bahagi ito ng Regalo ng Diyos para sa ating ikaliligtas.

4.     Alalahanin natin na walang anumang moral na obligasyong ang Diyos na gawin ang lahat ng ito para sa atin ngunit dahil sa "mahal niya Tayo"  ginawa niya ang sa palagay niya’y hindi natin kayang gawin  ..ang Diyos na ang gumawa para sa atin.

HOW CAN I BE JUSTIFIED?

II- Justification is by the blood of Christ

·        Walang ibang pinagmulan.

Roma 5:9

9 Yamang sa pamamagitan ng kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, lalong tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos.

·        Walang anumang pwedeng magawa ang tao para mapawalang-sala sa  mata ng Diyos kundi ang magkaroon tayo ng tunay na pakikipagrelasyon kay Hesu-Kristo..yon lang ang tanging paraan.

·        Yong bigat na kay Kristo na at wala sa atin kung kaya nga di nakapagtataka na maging iyong patak ng pawis at luha ni Kristo habang siya’y nanalangin sa kaniyang Ama sa may Hardin ng Getsemani ay parang patak ng Dugo.dahil sa alam niya ang hirap na kaniyang dadanasin para sa ating ikatutubos.

HOW CAN I BE JUSTIFIED?

III- Justification by Faith

Roma 5:1

5 Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

·        Ang pananampalataya ang isa sa pangunahing dahilan para ang tao ay mapawalang-sala

·        Ang ating personal na damdamin o pakiramdam ay walang magagwa Hingil dito.

·        Lahat ng iyan ay gawa ng Diyos sa pamamgitan ni Kristo

·        Ang bahagi lamang natin ay ibigay ang buong pagtitiwala kay Kristo at sa mensahe ng Ebanghelyo.

·        Nang umiyak ng malakas si Hesus at nagsabing “naganap na” ang ibig sabihin lang noon ..natangap na tayong muli ng Diyos dahil sa kanyang ginawa para sa atin. Tapos na ang kaniyang misyon sa pagtubos sa mga kasalanan natin ..Hallelujah.!

THE RESULT OF JUSTIFICATION:

1.     I am no longer under the death penalty for my Sin

2.     The condemnation is gone

Roma 8:1

8 Kaya nga, wala nang kahatulang parusa sa mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus.

·        Hindi na tayo papaya ngayon na mapaglinlangan pa muli ni Satanas dahil alam natin na ginanap na ito ni Hesus sa Kalbaryo.

·        Wala na tayong guilt ..There is no condemnation na sa lahat ng nakipagisa na kay Kristo.

3.     I am now at Peace with God there is no Enmity

·        Si Kristo ang naging tulay sa pagitan ng Diyos at ng Tao at ito ang tulay na tinatawag na kalbaryo.

4.     I am now a full Heir of God.

Tito 3:7

7 upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ng inaasahan nating buhay na walang hanggan.

5.     Now because of Justification,I can live an acceptable and Rightheous life before God

·        Sa lahat ng hindi tumatangap sa pangakong ito basahin niyo at unawain ang isinulat ni Juan

1 Juan 3:7

7 Mga anak, huwag kayong palinlang kaninuman! Ang sinumang gumagawa ng matuwid ay matuwid tulad ni Cristo.

6.     I am now assured that I will be saved from the coming wrath of God during the tribulation .we are anticipate the blessed hope of Christ Return,

No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...