5 BASICS FOUNDATION OF SALVATION
(Part 3)
REGENERATION-ANG PAGBABAGONG-BUHAY
Lucas 10:20
Magandang Balita Biblia
20 Ngunit magalak kayo, hindi dahil
sa napapasunod ninyo ang masasamang espiritu, kundi dahil nakatala sa langit
ang inyong mga pangalan.”
PANIMULA:
Sa nakaraang Pag-aaral natin ang
pangunahing pinagusapan ay ang Conversion at Justification
1.
CONVERSION – Mankind calls upon God
to turn him around and change his life.
· Nagsimula ito sa tooong Pagsisisi at Pananampalataya.
2.
JUSTIFICATION – is the Reversal of
God’s attitude toward the sinner because of the sinners new relationship with
Christ.
· Naibalik ka sa kalagayan noong panahon na ang tao ay di pa nagkakasala may maayos na kaugnayan sa Diyos..
· Dahil sa naibilang ka sa mga napawalang-sala na ang dahilan ay ang iyong ginawang pagpapasya na magsisi sa iyong mga nagawang kasalanan at nagsimulang nanampalataya kay Hesu-kristo at sa kaniyang ginawa doon sa Cross para sa ikatutubos ng marami.
· Ngayon naman ang paguusapan natin ay ang Regeneration –Ang Pagbabagong –buhay
3.
REGENERATION – This is the Communication
of Devine Life to the Soul,the Impartation of New Nature or Heart
I- ANG PANGANGAILANGAN NG PAGBABAGONG BUHAY
·
Ang kaligtasan ay higit pa sa
Pagbibigay ng Pangako,Paghihinagpis dahil sa nagawang kasalanan,Pagpapahirap sa
Sarili,o Paglikha ng isang Desisyon.
·
Paulit-ulit na sinasabi ng kasulatan
na ang Tao ay kinakailangang magkaroon ng Pagbabagong-Buhay bago niya Makuha
ang lubusang pansin ng Diyos. Yon lamang
ang tanging paraan.
·
May di pangkaraniwang pagbubuhos ng buhay na banal sa loob o
kalooban ng isang tao.
·
Kung walang kabanalan walang sinumang
makakakita sa Diyos
Mga Hebreo 12:14
14 Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito.
·
Ngunit ang sangkatauhan ayon sa
kalikasan nito ay hindi nakaabot sa kalwalhatian ng Diyos o hindi pumasa sa
kanyang pamantayan sa kabanalan kung kaya nga naging makasalanan sa kaniyang
paningin.
·
Kung kaya nga malinaw na ang
Pagbabagong-Moral ng isang tao ay sa pamamgitan lamang ng Gawa ng Diyos.
· Binago niya ang ating Puso ..kaya wala tayong maipagmamalaki sa Diyos pagdating sa kaligtasan natin dahil nangaligtas tayo dahil sa kanyang habag at biyaya sa atin at hindi dahil sa ating mga gawa..maging ang Pagbabagong-Buhay natin gawa pa rin niya. At ang tawag dito ay “Bagong Kapanganakan”
Juan 1:12
12 Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos.
Juan 3:3
3 Sumagot si Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.”
·
Kung kaya nga ang Paglalagay ng Diyos
ng kaniyang Sarili sa Mananmpalataya sa kanya sa pamamagitan ni Hesu-Kristo ang
siyang lilikha ng banal na kalikasan sa atin na may takot sa kanya , kung tayo
lang wala tayong kakayanang magbago..o mabago ang ating buhay tanging siya lang
ang dahilan ng lahat ng kaganapang ito sa ating buhay.
II- Paano magiging Posible ang Pagbabagong-Buhay?
· Ito ay kalooban ng Diyos .
Santiago 1:18
18 Niloob niyang tayo'y maging anak niya sa pamamagitan ng
salita ng katotohanan, upang tayo'y maging pangunahin higit kaysa lahat ng
kanyang mga nilalang.
·
Nais ng Diyos na ang iyong Likas na
Pagkatao ay Mapalitan at Mabago.
·
Nais niya na magkaroon tayo ng
Maka-Diyos na uri ng buhay na katulad ng nakay-Kristo.
· Ang Pagkapako sa Cross ni Hesu-Kristo ang Pwedeng maging dahilan upang ang himala ng Pagbabago sa iyong buhay ay maganap at makamtan.
Juan 3:14-15
14 At kung paanong itinaas ni Moises ang tansong ahas doon sa ilang, gayundin naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, 15 upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Mga Bilang 21:4-9
4 Mula sa Bundok ng Hor, nagpatuloy ang mga Israelita patungong Dagat na Pula[a] upang iwasan ang Edom. Subalit nainip sila sa pasikut-sikot na paglalakbay. 5 Nagreklamo sila sa Diyos at kay Moises, “Inilabas mo ba kami sa Egipto upang mamatay lamang sa ilang na ito? Wala kaming makain ni mainom! Suyang-suya na kami sa walang kuwentang pagkaing ito.” 6 Dahil dito, pinadalhan sila ni Yahweh ng mga makamandag na ahas at maraming Israelita ang natuklaw ng mga ito at namatay. 7 Kaya, lumapit sila kay Moises. Sinabi nila, “Nagkasala kami kay Yahweh at sa iyo. Ipanalangin mo kami na kanyang paalisin ang mga ahas na ito.” Nanalangin nga si Moises para sa Israel 8 at ganito ang sagot sa kanya ni Yahweh: “Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang mahabang kahoy. Sinumang natuklaw ng ahas at tumingin doon ay hindi mamamatay.” 9 Ganoon nga ang ginawa ni Moises. Kaya lahat ng natuklaw ng ahas ay tumitingin sa ahas na tanso at hindi nga namamatay.
·
Ito ay isa sa mga pinaka nakakatakot
na mga Talata sa lumang tipan..
·
Ang mga natuklaw ng ahas na mga
Israelitang tumingin doon sa Brass Sepent ay nabuhay.
· Tinawag ito ng mga Israelita na NEHUSHTAN at marami sa kanila ang Patuloy na sumamba dito ng halos may isang libong taon.hangang sa dumating si propeta Hezekiah at inalis ito.
2 Mga Hari 18:4
4 Ipinagiba niya ang mga dambana sa mga sagradong burol at ipinasira ang mga sinasambang haligi, pati ang rebulto ni Ashera. Dinurog din niya ang tansong ahas na ginawa ni Moises na kung tawagin ay Nehustan sapagkat hanggang sa panahong iyon ay pinagsusunugan pa nila ito ng insenso.
·
Hangang sa ngayon marami pa ring
sumasamba sa mga Imahen o Rebulto kaysa sa buhay na Diyos
· Ang Pagbabagong –buhay ay nakikita sa pamamgitan n gating tunay na Paniniwala sa Pagkabuhay na muli ni Kristo.
1 Pedro 1:3
3 Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa
· Ang Pagbabagong buhay ay inihatid sa atin ng buhay na Salita ng Diyos.
Efeso 5:26
26 upang ialay ito sa
Diyos, matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa tubig at sa salita.
·
Walang ibang nagpaalala sa atin patungkol sa Pangangailangan natin ng
Pagbabagong-buhay kundi ang buhay na Salita ng Diyos.
· Ginamit ng Diyos ang mga Pastor o Ministro ng Ebanghelyo para Magturo at Mangaral upang maipabatid sa atin ang kahalagahan ng Pagbabagong-buhay.
1 Corinto 4:15
15 Kahit magkaroon pa kayo ng napakaraming tagapagturo sa pamumuhay Cristiano, iisa lamang ang inyong ama. Sapagkat kayo'y naging mga anak ko sa pananampalataya kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo.
·
Kung kaya nga napakahalaga sa aming
mga Preacher na ipangaral ang Salita ng Diyos at hindi ang Patungkol sa
Pulitika o sa Sarili..
· Ang Pagbabagong - buhay ay nagbubuhat sa banal na Espiritu.
Tito 3:5
5 iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Tayo'y iniligtas niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas sa atin upang tayo'y ipanganak na muli at magkaroon ng bagong buhay.
EVEDENCES OF REGENERATED LIFE
· May mga kwento na kung saan ay iyong matutuklasan ang iyong Bagong-Buhay
1. A Person Born of God Overcomes Temptation
Juan 3:9
9 “Paano po mangyayari iyon?” tanong ni Nicodemo.
1 Juan 5:4
4 sapagkat napapagtagumpayan ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya.
1 Juan 5:18
18 Alam nating ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat iniingatan sila ng Anak ng Diyos, at hindi sila maaaring galawin ng diyablo.
2. A Regenerated Person Habitually loves all Other Brothers and Sisters in Christ and Others as well
1 Juan 5:20
20 At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan.
3.
A Regenerated Person Sees the lost
world as God does.
2 Corinto 5:14
14 Ang pag-ibig ni Cristo ang naghahari sa amin, sapagkat
natitiyak naming may isang namatay para sa lahat, kung kaya't ang lahat ay
maibibilang nang patay.
· Ang tunay na nagkaroon ng kabaguhan sa buhay ay nagmamahal sa Mission and Evangelism at Patuloy na Sumusunod sa Christ Great Commision.
Marcos 16:5
5 At pagpasok nila sa libingan, may nakita silang isang binatang nakasuot ng mahaba at maputing damit, at nakaupo sa gawing kanan. At sila'y natakot.
Mga Gawa 1:8
8 Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.”
· Paano sasabihin ng tao na mahal niya ang Diyos kung siya naman ay sumusuway at Patuloy na sumusuway sa kanyang mga ipinaguutos.na nais niyang Ipagawa sa atin…marami po sa mga Simbahan ang binabaliwala ito.
THE CONSEQUENCES OF A REGENERATED LIFE
1. Union with Christ at the New Birth ,Means Nothing can Separate you from the Love of God –Except your own will.
Roma 11:28-29
Dahil tinanggihan ng
mga Israelita ang Magandang Balita, sila'y naging kaaway ng Diyos, at kayong
mga Hentil ang nakinabang. Ngunit dahil sa sila ang mga hinirang ng Diyos,
sila'y mahal pa rin niya, alang-alang sa kanilang mga ninuno. 29 Sapagkat hindi
nagbabago ng isip ang Diyos tungkol sa kanyang mga kaloob at pagtawag.
·
Noong nilikha Tayo ng Diyos binigyan
niya Tayo ng Free will (Volitional o Hayaang Magkusa)
·
Hindi niya Pinilit ang kanyang
kanyang kalooban sa atin ikaw ang magpapasya.
·
May kalayaan kang pumili pero dapat
na maging hand aka sa magiging resulta ng iyong ginawang maling pagpili
· Pero nakatitiyak tayo na walang sinumang makapaghihiwalay sa atin sa Pag-ibig,kaawaan at kahabagan,Pagpapatawad ng Diyos para sa tiyak nating kaligtasan.
2. Regeration and my union with Christ will Provide Fruitfulness in your Life .You will be Effective for His Glory
Juan 5:5
5 May isang lalaki doon na tatlumpu't walong taon nang may sakit.
Anong Bunga ang Darating sa ating Buhay?
Para sa Kasagutan:
Galacia 5:22-23
22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.
·
Itong 9 Gifts ay may kaugnayan sa
ating Christian Character
·
Ang bunga na ito ay di nagmula sa
Sarili nating kabutihan,kundi sa Buhay mismo ni Kristo na nasa atin.
·
Nasa Puno, Ang ugat naka dipende sa
Puno,kasi ang ginamit na halimbawa ay ang Puno ng Ubas kaya ang Ugat ay naka dipende sa Puno
at ang Puno naka Dipende sa Sanga para Mamunga .
·
Sinabihan ni Hesus ang mga Disciple
na lumantad sila sa Mundo para Makita ng mga Tao kung sino ang Diyos sa
Pamamgitan ng mga buhay natin.
·
Ang sabi niya kapag umakyat na Siya
sa Langit dadalangin Siya sa Ama upang hilingin na isugo ng Ama ang kaniyang
banal na Espiritu Para tulungan tayo nito na makilala Siya ng Lubusan
·
Si Hesus ay nagkatawang tao para sa
pamamagitan niya makilalakung Sino ang Ama.
·
Ang banal na Espiritu ay sumaatin at
nanahan sa atin upang sa Pamamgitan natin Makilala kung Sino si Hesus
· Isinulat ni Apostol Pablo sa mga Mananmpalataya sa Corinto at Greece
1 Corinto 6:19-20
19 Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi ninyo pag-aari ang inyong katawan; 20 sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.
·
Ang bungang inaasahan sa atin ay ang
Paguugaling Katulad ng nakay Kristo
·
Iyon ay Panlabas na Pagpapakita ng
Banal na katangian o Paguugaling mayron si Kristo sa buhay natin. Iyong ang
tinatawag na kalakasan na mayron ang Diyos sa buhay natin,
·
Ito ay nabubuo sa buhay ng isang
Kristiyano.
·
Kaya bukas po tatalakayin naman natin
ang Sanctification,
No comments:
Post a Comment