5 BASICS FOUNDATION OF SANCTIFICATION
(Part 4)
Santification –Pagpapakabanal
Mga Hebreo 12:1-16
12 Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi, tanggalin natin ang anumang balakid at ang kasalanang kumakapit sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa takbuhing nasa ating harapan. 2 Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos.3 Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang pag-uusig sa kamay ng mga makasalanan, upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob. 4 Hindi pa humahantong sa pagdanak ng dugo ang pakikipaglaban ninyo sa kasalanan. 5 Nalimutan na ba ninyo ang panawagan ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya, mga salitang nagpapalakas ng loob?“Anak ko, huwag mong baliwalain ang pagtutuwid ng Panginoon,at huwag kang panghihinaan ng loob kapag ikaw ay dinidisiplina niya.6 Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya,at pinapalo ang itinuturing niyang anak.”7 Tiisin ninyo ang lahat ng hirap tulad sa pagtutuwid ng isang ama, dahil ito'y nagpapakilalang kayo'y tinatanggap ng Diyos bilang tunay niyang mga anak. Sinong anak ang hindi dinidisiplina ng kanyang ama? 8 Kung ang pagdidisiplina na ginagawa sa lahat ng anak ay hindi gagawin sa inyo, hindi kayo tunay na mga anak kundi kayo'y mga anak sa labas. 9 Hindi ba't dinidisiplina tayo ng ating mga magulang, at dahil diyan ay iginagalang natin sila? Hindi ba't upang tayo'y mabuhay, mas nararapat na tayo'y pasakop sa Diyos na ating Ama sa espiritu? 10 Sa loob ng maikling panahon, dinisiplina tayo ng ating mga magulang para sa ating ikabubuti. Gayundin naman, itinutuwid tayo ng Diyos sa ikabubuti natin upang tayo'y maging banal tulad niya. 11 Habang tayo'y itinutuwid, hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis, ngunit pagkatapos niyon, mararanasan natin ang kapayapaang bunga ng pagsasanay sa matuwid na pamumuhay.12 Dahil dito'y itaas ninyo ang inyong mga nanghihinang kamay at patatagin ang mga nangangalog na tuhod. 13 Lumakad kayo sa daang matuwid upang hindi lumala ang mga paang napilay at sa halip ay gumaling ang nalinsad na buto.14 Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito. 15 Pag-ingatan ninyong huwag tumalikod ang sinuman sa inyo sa pag-ibig ng Diyos. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito'y napapasamâ ang iba. 16 Pag-ingatan ninyo na huwag makiapid ang sinuman sa inyo, o pawalang-halaga ang mga bagay na espirituwal, tulad ng ginawa ni Esau. Ipinagpalit niya sa pagkain ang kanyang karapatan bilang panganay.
Pagbabalik Tanaw sa Nakaraang
Pagaaral:
1.
CONVERSION –We call upon God to turn
us around and change our lives.This requires Repentance and Faith
2.
JUSTIFICATION- This is Reversal of
God’s Attitude toward Us because of our New Relationship with Him.
3. REGENERATION- Which is the Impartation of a New Nature or Heart
Ngayon tatalakayin naman natin ang pang-apat:
4. SANCTIFICATION- Which is a separation to God,Purification from Moral Evil and Conformation to the Image of Christ.
Tignan natin kung ano ang Patungkol sa Sanctification o Pagpapabanal:
1. IT IS ONLY SEPARATION UNTO GOD BUT SEPARATION FROM DEFILEMENT
Paghihiwalay ito sa Diyos ,Ngunit
Paghihiwalay mula sa Karumihan.
Ang kabanalan ay hindi higit na
naituro sa karamihan kung kaya nga ang
Sistema sa mundo ay ang kabaligtarang umiiral…na kung saan nga ay itinuturing
na marumi ng mga legalismo.
Sa katotohanan nga ang inaasahan ng
Diyos sa kanyang mga anak ay ang kabanalan o mamuhay tayo ng may
kabanalan.upang maging malinis sa kanyang Paningin.
Ang Biblia ay puno ng kwento
patungkol sa mga Tao na katulad natin na nakasunod naman sa pamantayan ng
Diyos.
Si Haring Hezekiah sa edad na 25 siya
ay naging Hari sinundan niya ang kaniyang Ama na si Haring Ahaz na kung saan ay
kilala ito si haring Ahaz na ubod sama ang kanyang panunungkulan sa loob ng 16
na taon..
Ngunit binago ito ng kaniyang Anak na
si king Hezekiah binangit ito ng malinaw ng Lumang Tipan ..pinagsigla niyang
muli at nilinis ang kaniyang bayan.
2 Cronica 29:4-6
4 Tinipon niya ang mga pari at mga
Levita sa bulwagan sa gawing silangan ng Templo. 5 Sinabi niya: “Makinig kayo,
mga Levita. Italaga ninyo ngayon ang inyong sarili at ang Templo ni Yahweh, ang
Diyos ng inyong mga ninuno. Alisin ninyo ang mga karumal-dumal na bagay sa
dakong banal. 6 Nagkasala ang ating mga magulang. Hindi sila naging tapat kay
Yahweh na ating Diyos. Kanilang tinalikuran siya at ang kanyang Templo.
At nagkaruon ng katuparan ito sa
bagong tipan hangang sa ating Panahon:
2 Corinto 6:14-18
14 Huwag kayong makisama sa mga
di-sumasampalataya na para bang kapareho ninyo sila. Maaari bang magsama ang
katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman? 15 Maaari
bang magkasundo si Cristo at ang Diyablo[a]? Ano ang kaugnayan ng
sumasampalataya sa di- sumasampalataya? 16 O di kaya'y ng templo ng Diyos sa
diyus-diyosan? Hindi ba't tayo ang templo[b] ng Diyos na buháy? Siya na rin ang
maysabi,“Mananahan ako at mamumuhay sa piling nila. Ako ang magiging Diyos
nila, at sila'y magiging bayan ko. 17 Kaya't lumayo kayo sa kanila,humiwalay
kayo sa kanila,” sabi ng Panginoon.“Iwasan ninyo ang anumang marumi,at
tatanggapin ko kayo.18 Ako ang magiging ama ninyo,at kayo'y magiging mga anak
ko,”sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.
Sa ngayon mahalagang Makita kung
Paano Iningatan ni Apostol Pablo ang katotohanang ito sa mga sumusunod na
talata:
2 Corinto 7:1
7 Mga minamahal, yamang ipinangako sa
atin ang mga bagay na ito, alisin natin sa ating sarili ang lahat ng
nakapagpaparumi sa ating katawan at sa ating espiritu. Sikapin nating mamuhay
nang may ganap na kabanalan at paggalang sa Diyos.
Ano itong binabangit na lahat ng
nakakapagparumi sa ating katawan at Espiritu?
A. SENSUAL SINS: (Mahalay)
a.
ADULTERY-is Sex between Married
People not Married to each other.
b.
FORNICATION- is Sex between People
not Married
c.
UNCLEANNESS O THE MIND- Hindi maayos
na laman ng Kaisipan
d. LASCIVIOUSNESS (brutalidad at sadismo)
B. RELIGIOUS SINS (Pangrelehiyon)
e.
IDOLATRY- Pagsamba sa diyus-diyusan (Anumang
bagay na pantay nating iginagalang o higit pa kaysa sa Diyos )
f.
WHICHCRAFT- Pangkukulam (Nagmula sa
salitang PHARMAKEA at may kinalaman din sa Mga Droga)
g.
HATRED- Pagkagalit O Poot Awayan
h. VARIANCES- Pagbabago ng pagtingin sa isat-isa ,pagaaway,pagbubukod ng pangkat
C. SOCIAL SINS: (Panlipunan o Pang kapwa)
i.
EMULATIONS –(Rivalry,Jealousy)
j.
WRATH- Matinding Poot iyan ay bunga
ng pagiging maiinitin ang ulo
k.
STRIFE- Alitan nagreresulta ng pagkakampi-kampi
l.
SEDITIONS- Panunulsol lumilikha ito
ng Division
m. HERESIES- Sabisabi Teaching that are not True or Biclical
n.
ENVYINGS- Pagkaingit ,Magimbot (Coveting)
o. Murder
D. PERSONAL SINS:(Pang Personal Ginagawang mag-isa)
p.
Drunkennnes
q. Revelings
At idinagdag pa ni apostol Pablo: at ang iba pa pang katulad nito meaning marami pa ang hindi naisama sa talaan na hindi naging kalugod lugod sa paningin ng Diyos at pagkatapos ay isinunod niyang sabihin ang magagandang talata na tumutukoy naman sa bunga ng Banal Espiritu
Galacia 5:22-23
22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.
Ang mga tao madalas ikatuwiran na hindi nila kaya kasi kinakalimutan ang aral patungkol sa tinalakay natin kahapon na Pagbabagong-buhay
2 Corinto 3:18
18 At ngayong naalis na ang talukbong, nagniningning sa ating mga mukha ang kaluwalhatian ng Panginoon. At ang kaluwalhatiang iyan na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang magbabago sa atin mula sa isang antas ng kaluwalhatian hanggang tayo'y maging kalarawan niya.
Madalas nating tawagin ito na pamumuhay ayon kay Kristo. O ipinamumuhay si Kristo
How does Santification “happen?”
Sa kasalukuyan:
Mayroong dalawang uri ng
Sanctification ito ay umiiral sa pangkasalukuyan sa buhay natin
Iyong una nagkaroon ng kaganapan ng ikaw ay magbalik-loob sa kanya ang tawag dito
1. POSITIONAL/PRACTICAL SANCTIFICATION
ang kasulatan ay nagtuturo na sa oras na ang tao ay magbalik sa Diyos maniwala kay Kristo ,ma ipanganak na muli at sumampalataya sa kaniyang ginawa para siy’y maligtas tiyak na siya ay mapapaging-banal
Malinaw na hindi dahil sa ating mga gawa o mga naabot kundi tinangap natin ang Pagiging banal sa pamamgitan ng buhay ni Kristong banal na nasa atin. Siya ay naninirahan na sa buhay natin at hindi na tayo ang nabubuhay saganang atin kundi si Kristo na ang nabubuhay sa atin.
Ang Sanctification hindi tumitigil nagpapatuloy kung kay nga ang tawag sa pangalawa ay
2. PROGRESSIVE/EXPEREMENTAL SANCTIFICATION
Roma 8:13
13 Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo ayon sa katawang makalaman, ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng katawang makalaman, mabubuhay kayo.
Hindi ito tumutukoy sa kawalan ng kasalanan o Pagiging perpekto ng isang Tao.. Tandaan na walang matuwid sa atin ngunit hindi tayo nagpapatuloy at nagbababad sa kasalanang nagawa sa nakalipas,
Roma 6:1
6 Ano ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang-loob ng Diyos?
Ang Positionally or Practically
tayo’y Pinaging-banal ng Tayo’y sumampalataya kay Hesu-Kristo
Progresivelly or Experementally tayo ay lumago at umunlad sa Biyaya ng Diyos.
May pangatlo iyan :
3. COMPLETE and FINAL SANCTIFICATION
Ito naman ay makakamtan lamang
pagdating ng Rapture or Resurrection of the Dead
Sa panahong iyon ang katawan na may kabulukan ay papalitan niya ng katawang di na nabubulok.
PRACTICAL HELPS IN SANCTIFICATION
1.
Pursue Holiness. Set personal goal
2.
Let there be a daily.total surrender
of your life to God’ all to Jesus I Surrender”
3. Make a point to have daily time in God’s word there is no shortcut to this!
Bukas pagusapan natin ang last Reconciliation
No comments:
Post a Comment