Sunday, 20 September 2020

GISING NA!


 

Gising na!

Rev: Boyet Cervantes

Marcos 14:32-42

Intro:

·        Noong gabing bago ipako si Jesus ,siya ay nagsalita sa kaniyang mga alagad at pinaalalahanan sila sa hardin ng Gethsemane at sinabi sa kanila na “Ang puso ko'y labis na nalulungkot at ako'y halos mamatay na! Maghintay kayo rito at magbantay.”

·        Pangalawang balik niya inabutang natutulog si Simon..“Natutulog ka ba, Simon? Hindi ka ba makapagbantay kahit isang oras man lamang?

·        Pangatlong balik niya..“Natutulog pa ba kayo at namamahinga? Tama na, sapagkat dumating na ang oras upang ang Anak ng Tao'y ibigay sa kamay ng mga makasalanan. 42 Bumangon kayo! Narito na ang magkakanulo sa akin.”

·        Tatlong beses nanalangin si Jesus sa Ama at tatlong beses din niyang dinatnan ang mga alagad na natutulog..

·        Sa pagbasa natin ng talata ,napansin natin at narinig ang pagkadismaya ni Jesus sa kaniyang mga alagad..sa pagsasabi niyang ..“Natutulog ka ba, Simon? Hindi ka ba makapagbantay kahit isang oras man lamang?

·        Ako po ay naniniwala kong mulat lamang ang ating mga mata sa kasalukuyang nagagnap sa mundo tayo ay nasa kritikal na nakaganapan ng plano ng Diyos.

·        Ang tanong lamang ay madadtnan ka kayang gising o tulog ng Panginoon sa kaniyang pagbabalik?

·        Kayat mahalagang magising na tayo at gumawa ng nararapat para sa kaniyang kaharian dito sa lupa ngayon alam na natin na tayo ay nasa mga huling araw na..

 

·        Sa  Matthew 24 si  Jesus ay nagsalita patungkol sa kaniyang muling pagparito

 

Mateo 24:46

46 Pinagpala ang aliping iyon kapag dinatnan siyang tapat na naglilingkod sa pagbabalik ng kanyang panginoon!

 

·        At sa kapahayagan naman na sinabi niya kay apostol Pablo ,sinabi ni Jesus

Pahayag 16:15

15 “Makinig kayo! Ako'y darating na parang magnanakaw! Pinagpala ang nananatiling gising at nag-iingat ng kanyang damit. Hindi siya lalakad na hubad at hindi mapapahiya sa harap ng mga tao!”

Para sa atin ,sa mga panahon na tayo ay nabubuhay pa,akoy naniniwala na mayroon tatlong bagay na kong saan ay dapat nga  tayong magising..

GISING NA …

1.SA IYONG ESPIRITUWAL NA TUNGKULIN O RESPONSABILIDAD.  

·        Sa hardin ng Gethsemane, tinawag ni Jesus ang kaniyang mga alagad na sumalo sa kanya kahit isang oras lang samahan siya ng mga ito na mikapaglaban sa Espirituwal na digmaan kahit sa huling sandali ng kaniyang buhay bago siya maipako sa Cross.

·        Ngunit bago maisagawa ito kinakailangan tayong magising sa ating Espirituwal na tungkulin o responsabilidad..

·        Mga Responsabilidad na katulad ng

1.     Pananalangin.

2.     Paghayo

3.     Disiplena at paglago..(Paghahanda ng puso)

·        Sabi nga ni Jesus ang Espiritu ay malakas ngunit mahina ang laman .”

·        Kailangan nating aminin na tayo ay napapagod na katulad ng mga disipulo pagod na silang maglakbay ..naglakad sila sa loob ng buong linggo at araw-araw sila’y kumakaharap sa maraming labanan.

·        Kaya mas nanaisin nalang nilang matulog kaysa ang kumaharap patuloy na mga kaguluhan sa buhay..at responsabilidad

·        Ngunit ang katotohanan ay, mayroon tayong trabaho na dapat gawin..

·        may spiritual battle na dapat kang paglabanan at itoy atas ni Jesus

·        kong saan ay tinawag tayo ni Jesus upang ating malabanan at mapagtagumpayan panahon na upang gumising at gawin ang ating responsabilidad

·        Hindi kinakailangang sumuko at ilibing ang ulo sa buhangin..may gawaing dapat gampanan..

·        Hindi lamang natin ito pinagdaanan at hinihintay ang pagbabalik ni Hesus; pinagtatrabahuhan natin ito

·         ihanda ang ating sarili at ang iba para sa pagbabalik ni Jesus.

2 Tesalonica 2:6-7

6 Hindi pa nga lamang nangyayari ito dahil may pumipigil pa, at alam ninyo kung ano iyon. Lilitaw ang Suwail pagdating ng takdang panahon. 7 Ngayon pa man ay gumagawa na ang hiwaga ng kasamaan at mananatiling ganyan hangga't di naaalis ang humahadlang sa kanya.

 

·        Sa kabila ng malinaw na nakikita na natin  ito, hindi ko pa rin nakikita ang pambansang pagsisisi at pananlangin ay hindi parin nagkakaruun ng katuparan binabaliwala mlamang ng mga tao kahit ng mga tao sa simbahan ...ano kaya ang naging balakid..?

·        ang muling pagkabuhay ay matagal nang humupa at napalitan ng sekularismo sa simbahan at tao nakasentro na sa mga diskarte sa paglago ng simbahan.

·         Ang paggalaw ng Espiritu ng Diyos ay napalitan na may mga high tech na special effects at entertainment na ang bawat simbahan ..wala naman pong masamang tinapay ika nga patungkol diyan pero ang masakit na katotohanan nawala na ang makatotohanang paghahanap sa presensiya ng Diyos napalitan ng panay kasiyahan at maling motibo sa pag abot ng kaluluwa..

·        Kadalasan ay nagtatrabaho na gamit ang  isang mapurol na palakol. Kailangan natin muli ang diwa ng isang Diyos upang bigyan tayo ng kapangyarihan na gawin ang trabaho.

Zacarias 4:6

6 Sinabi sa akin ng anghel ang ipinapasabi ni Yahweh para kay Zerubabel, “Pinapasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas ng hukbo o sariling kapangyarihan kundi sa pamamagitan lamang ng aking espiritu.

·        Sama-sama tayong mangarap na ang Simbahan ng The Living Water Family Worship Center ay manatiling:

  isang lugar kung saan tayo ay  maaaring magpalit at kumuha ng iyong bagong kasuutan na malinis,at maging kaigaigaya ka sa harap ng Diyos at ng mga tao sa loob at labas ng sambahang ito...

·        Tulungan nawa tayo ng Diyos at mapanatili ang kaisahan,pagmamahalan ,paguunawaan at paghahangad sa presensiya ng Diyos ng sama-sama at lumikha ito ng kabaguhan at maayos na buhay habang tayo ay nasa ibabaw pa ng sandaig-digan..

 

2. SAPAGKAT MALAPIT NA SAYO ANG KALABAN BAKA KA MAISAHAN ..

 

·        Kahit na ang mga Disipulo ay natutulog habang ang kalaban nila ay papalapit ng papalapit sa kanila ..kaya nga ako’y naniniwala naalimpungatan pa itong si Pedro kaya natagpas niya ang tenga nitong si malco..

·        Kasi ng gisingin sila ni Jesus ang sabi niya gising na nandirito na ang kalaban..

 

1 Juan 2:18

18 Mga anak, ito na ang huling panahon! Tulad ng inyong narinig, darating ang kaaway ni Cristo. Ngayon nga'y marami nang lumilitaw na mga kaaway ni Cristo, kaya't alam nating malapit na ang wakas.

1 Juan 4:1-3

 Mga minamahal, huwag ninyong paniwalaan ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito. 2 Ito ang palatandaan na ang Espiritu ng Diyos nga ang nasa kanila: kung ipinapahayag nila na si Jesu-Cristo ay dumating bilang tao. 3 Kung hindi gayon ang kanilang ipinapahayag tungkol kay Jesus, hindi mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila. Ang espiritu ng Kaaway ni Cristo ang nasa kanila. Narinig na ninyong ito'y darating at ngayon nga'y nasa sanlibutan na.

 

·        Ang tanong lamang ay nakikilala niyo ba sila ang Espiritu ng anti- Cristo na kong saan ay kumikilos na unti-unti ngayon sa Mundo?

·        Huwag nating kalilimutan , ang isa sa nagkanulo kay Jesus ay isa sa kaniyang labing dalawang alagad

·        Nakikita natin ang Espiritu ng Anti-Cristo ay gumagawa din maging sa mga tiga  Simbahan sa ngayon..

·        Higit pa kaysa dati dapat nating makilala ang mga kagamitan  na gagawin o gagamitin ng anticristo

·        kasama ng mga pangangatuwiran na magdulot sa karamihan ng mga tao na tanggapin ang mga kagamitang ito

 

•isinusulong na sa ngayon ang   cashless society ang tanong sino ang nasa likod nito? Sino ang may Idea..?

• Hindi ka makakbili o makapagtitinda kong wala kang tatak..

 

Pahayag 13:16-17

16 Sapilitang pinatatakan ng ikalawang halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya. 17 At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas ng pangalan niyon.

·        Maaring ang maitatanong ninyo sa akin Pastor nasa Tribulation Period na ba tayo?

·        Ang maisasagot ko base sa ating Foundation wala pa..!

·        Kasi Rapture muna bago ang 7 years Tribulation

·        Eih ano itong nangyayari sa ngayon ?

·        Iyan po ay Preparation na at testing..kaya kinakailangan na tayong gumising dahil anytime pwedeng mag rapture at kapag wala na tayo dito saka pa lamang nila maipatutupad ang lahat ng balak nila at doon palang hayagang magpapakilala ang anti-Cristo hangat nandirito tayo hindi magaganap ang lahat ng iyan..ang mga nababalitaan natin hindi pa iyan ang tatak na 666 prepation pa lamang iyan at testing nila..

·        Sa ating bansa magkakaroon ng tinatawag na National ID marami ang natatakot na Kristiyano baka daw iyan na ang 666 hindi pa po iyan..preparetion lang iyan at kapahayagan sa darating na panahon ng Tribuation ganiyan ang mangyayari..bakit ?

·        Kasi po ang national id na gagawin ng PSA ay may kasamang Micro chip na kong saan ay pwede niyang malaman

• kong nasaan ka ano ang ginagawa mo..

·        Lahat ng impormasyon patungkol sa iyo ay kukunin nila.

·        Kaya nang kontrolin ng gobyerno ang ating buhay

• Isang pag-aalala para sa kalusugan at kaligtasan na magdadala sa atin sa pagpapasakop sa lalong madaling panahon at tinatanggal unti-unti ang ating mga karapatan..

·        Nangyayari na po ito sa panahon natin ngayon kaya panahon na upang tayo’y gumising nalalapit na ang araw ng Panginoon.

 

2 Corinto 2:11

11 upang hindi tayo malamangan ni Satanas, sapagkat hindi lingid sa atin ang kanyang mga pamamaraan.

 

3. HABANG ANG MGA PLANO NG DIYOS AY NAGSISIMULA PA LAMANG MAGANAP

 

·        Maaari tayong matukso upang makita kung ano ang nangyayari at kung ano ang maaaring mangyari sa mga araw na ito dumating bilang pagkatalo at ang katapusan ng plano ng Diyos. Sigurado ako na iyon ang nadama ng mga alagad

·        Nang gabi na si Jesus ay naaresto,ipinagkanulo at napako sa krus.

·        Doon nagsimulang maganap ang mga plano ng Diyos ngunit ito ay isang plano na puno ng katagumpayan  na ang pakay nito ay para sa ating ikabubuti.

·        Kong kaya nga ang patuloy na sumusunod kay Jesus ay hindi talo sa laban na ito kundi palaging wagi dahil kay Jesus .

·        Kong kaya nga Huwag kang panghinaan ng loob,ang laban na ito ay sa Panginoon at siya ay nagwagi na laban sa kalaban..

·        Naisip ng diyablo na nanalo siya, ngunit ang krus ay hindi tagumpay para sa diyablo kundi tagumpay ito para kay Hesukristo, at pinatunayan niya ito pagkalipas ng tatlong araw nang siya ay bumangon mula sa libingan.

·        Ang mga huling araw ay hindi tagumpay para sa diyablo, ngunit tagumpay para sa plano ng Diyos upang makumpleto ang pagbuhos ng banal na Espiritu ng Diyos , upang matupad ang kaniyang pangako na ang ebanghelyo ay  maipinangaral sa buong mundo,

·        Hindi tayo natalo; higit pa tayo sa mga mananakop sa pamamagitan ni Cristo na nagmamahal sa atin..purihin natin ang ating panginoong Diyos na pinaka makapangyarihan sa lahat..

Roma 8:38

38 Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap,

Kong kaya nga mga kapatid ,magising na tayo! Maraming bagay tayong dapat gawin para sa kaharian ng ating Diyos.!

 

No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...