KAIBIGAN KITA AT
IINGATAN MAGPAKAILANMAN
Rev: Boyet Cervantes
Mga Kawikaan 17:17
17 Ang kaibigan ay
nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa
oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.
·
Ang isa
sa mga pinakamahusay na paraan upang malaman ang patungkol sa Bibliya ay ang
pagsali sa isang kumpetisyon tulad ng Bible Quiz.
·
Mayroong
isang tiyak na paksa; mayroong elemento ng kumpetisyon na pinipilit kang
mag-aral, kabisaduhin at mag-isip nang mabilis sa ilalim ng presyon.
·
Ang
pakikipagkaibigan ay napakahalagang bahagi ng buhay...ang mabuting kaibigan ay
magdudulot sa atin ng kasiyahan at maayos na pakiramdam..
·
Kadalasan
na tayo ay tumatakbo sa ating mga kaibigan upang humingi ng payo at
pagpapalakas loob at maging tulong sa panahon ng kagipitan,kaguluhan at
kalungkutan..
·
Naiintindihan
ng Diyos ang pangangailangan natin ng ganitong klase ng relasyon..
·
Tinawag
nga rin niya tayong kaibigan katulad ng
pagtawag niya kay Abraham
·
Kasi
naiintindihan niya at pinalalakas niya ang ating loob na maikipagkaibigan,
·
Naglaan
ang Diyos ng katuruan mula sa kaniyang mga salita kong paano lumikha at
pagingatan ang iyong mga kaibigan.
·
Tayo ay
tumuon sandali at pagisipang maigi ang patungkol sa kong ano ang mahalaga para
sa ating lahat..:
PAANO MAKALIKHA NG PAGKAKAIBIGAN AT
MAINGATAN ITO
PAANO MAKALIKHA NG
KAIBIGAN.
Kapag ang paglikha ng
kaibigan ang pinaguusapan ,mayroong tamang paraan at maling paraan sa pag-gawa
nito..
1. ANG MALING PARAAN AY ANG IBIGAY LAHAT NG
ANUMANG KANILANG MAIBIGAN..
·
Ang
kayamana'y umaakit ng maraming kaibigan
Mga
Kawikaan 19:4
4
Ang kayamana'y umaakit ng maraming kaibigan, ngunit ang mahirap ay
tinatalikuran ng dating kasamahan.
·
Ang mga
taong mapepera ay kayang bumili ng mga kaibigan..Fake nga lang .!
·
Ang
paraan ay gagawin mo kong ano ang nais nila at tiyak magugustuhan ka nila..
·
Bilhin mo
sila ng Pera o kong hindi ka naman mayaman sabayan mo sila sa mga kalukuhan
nila ..magsalita ka ng mga language nila at manamit ka ng katulad sa pananmit
na mayroon sila..
·
Makipagkompromiso
ka sa mga ginagawa nila at tiyak makaklikha ka ng maraming kaibigan kaya lang
napakalaki ng pagkakaiba ng salitang ka- Gropu sa kaibigan ..kong kaya nga ang
masasbi ko maaring ka-grupo mo lang sila pero hindi maituturing na tunay na
kaibigan..
2. ANG TAMANG PARAAN
AY KONG ANO SA PALAGAY MO ANG PINAKA MAINAM
Mga Kawikaan 22:11
11 Ang magiliw
mangusap at may pusong dalisay, pati ang hari'y magiging kaibigan.
·
Ang
tamang paraan sa paglikha ng tunay na kaibigan ay ang pagpapakita mo ng tamang
kalidad na mayroon ka at iyon ang iyong nais ipasa sa kanila
·
Kapag
ipinapakita mo sa kanila ang katapatan,kabaitan,kalinisan,karunungan,at iba pa.
·
Kahit ang
mga Pinuno ay kanilang makikita ito at magiging tiga hanga mo ..
·
Ang
kalidad mo ang aakit sa mga tao para makipagkaibigan sayo..
·
Lahat ng
tao sa mundo ay nakakalam kong sino ang masamang babae o lalaki kong kaya
walang sinuman sa kanila ang naakit na makipagkaibigan..
Mga Kawikaan 27:17
17 Bakal ang
nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan.
·
Maghanap
ka ng kaibigan na hahamon sayo upang maging mas mabuti pa kaysa dati..
·
O
makipagkaibigan ka sa mga taong hinahangaan mo at makapagtuturo sayo ng mga
bagay na kong saan ay mas lalo ka pang mapapabuti..at hindi sa mga taong walang
pakialam sayo..pag may pakinabang silang naamoy kaibigan mo pag-wala ka na
iniiwasan na..
PAANO NATIN
MAIINGATAN ANG PAGKAKAIBIGAN
Ang makipagkaibigan o
gumawa ng pagkakaibigan ay sadyang napakahirap,pero ang ingatan sila ay mas
mahirap .
Si Solomon na kong
saan ay tinaguriang pinaka matalinong taong nabuhay sa Mundo ,ay nagbigay sa
atin ng ilang insights kong paano maingatan ang pagkakaibigan..:
1. Mga Kawikaan 16:28
28 Ang taong baluktot
ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan, at sinisira naman ng tsismis ang
magandang samahan.
·
Huwag
mong ipagkwento ang iyong kaibigan sa iba kahit na nagsabi iyan sayo ng
kaniyang sekreto..sekreto nga eih bakit mo binulgar..
·
Kapag
ganiyan papatay iyan ng inyong pagkakibigan..
·
Kapag may
problema ka sa iyong kaibigan,ipanalangin mo ito at magsimula kang tumingin sa
iyong sarili ; at alamin mo saan ka ba nagkulang ..pagkatapos lapitan mo siya
at makipagkasundo.
·
Kapag ito
ay gumana manunumbalik ang inyong pagkakibigan at mas lalo pang lalkas ito.
·
Huwag
kang makipagkaibigan sa mga taong masamang manalita,kasi darating ang panahon
magsasalita din yan ng pangit laban sayo..
2. Mga Kawikaan 17:17
17
Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon,
at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.
Mga
Kawikaan 18:24
24
May pagkakaibigang madaling lumamig, ngunit may kaibigang higit pa sa kapatid.
·
Manatili
sa isat-isa anuman ang mangyari.
·
Ang tunay
na kaibigan ay kaibigan kahit anuman ang mangyari ,kahit mabigo ka,kahit may
karamdaman ka,kahit mahina ka,naghihirap ka o maging sa iyong tagumpay nanatili
pa rin sila sayong tabi..
·
Ang tunay
na kaibigan ay nariyan sa tabi mo kahit hindi mo naman deserve na maging
kaibigan nila..
·
Kong
gusto mong maingatan ang pagkakaibigan ikaw ay dapat na palaging nandiyan para
sa kanila..
BUOD:
·
Umaasa po
ako na lahat tayo ay makatagpo ng tunay na kaibigan..at maingatan ito..
·
Ang buhay
ang nagtuturo sa atin kong gaano kahirap ito . magagawa mo ito kong maalala mo
kong paano lumikha ang panginoon ng kaniyang mga kaibigan at kasama ka na doon
at kaniya itong iningatan..:
·
Ipinakita
niya sa kanila ang kaniyang kalidad ,ang kaniyang mapagmahal na pag-uugali at
nanatili
·
Hindi
siya kailanman nagsalita ng masama patungkol sa kaniyang kaibigan kahit na
siya’y binigo nito at wala sa tabi niya ng kailangan niya.
·
Nanatili
siya sa kaniyang mga kaibigan kahit na manganib pa ang akaniyang buhay handa
niya itong ialay..
·
Si Jesus ay
nagturo sa atin ng kong ano ang tamang pakikipagkaibigan at ang tamang
pakikipagkaibigan ay nasusukat:
Juan 15:13
13 Ang pinakadakilang
pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang mga kaibigan ay ang
ialay ang kanyang buhay para sa kanila.
Ako poy umkaasa na
naksumpong kayo ng kaibigan na katulad niya sa mundong ito . pakaingatan mo
siya at pakmahalin katulad ng pagmamahal mo sa tunay mong kaibigan at
pagmamahal din na ipinakita niya sayo at ito ay si Jesu-Cristong ating
panginoon..
No comments:
Post a Comment