Wednesday, 23 September 2020

STREES MANAGEMENT Part-1


 

Rev.Boyet Cervantes

Mga Kawikaan 15:13-25

Joke:

Isang araw pumunta ang isang lalaki kasama ang kaniyang asawang babae sa Doctor dahil sa dinaranas niyang severe stress. 

Sabi ng Doctor sa kaniyang asawa ,ang iyong asawa ay nangangailangan ng pahinga at kapayapaan.

Ito ang mga tabletang pampatulog “ ipapainom ko po sa kaniya lahat ito? Hindi sabi ng Doctor para sa iyo yan !”

  Pagnakatulog nga naman siya makapagpapahinga na at magkakaroon ng kapayapaan ang kaniyang asawang lalaki..

 

Sabi ni Helen Steiner Rice:

Life is a mixture of sunshine and rain, teardrops and pleasure, laughter and pain.

 

   Maaring sa isang pagkakataon tayo ay sasaya ngunit kalaunan ang buhay mo ay magdudulot sayo ng mas maraming problema at kawalang pag-asa.

   Kong hindi tayo magiging maingat magdudulot ito sa atin ng kawalang kagalakan sa puso dahil napalitan ito ng malubhang kagipitan..o kahirapan.

   Maraming tao ang nakakaranas na ma -burned out at sa pagkatapos ng buong maghapon ay matutulog nalang ng malungkot .

   Hindi tayo nilikha ng Diyos para mabuhay sa stressful life kundi para ma enjoy natin iyong every moment of our day.

    Ngayong araw nais kong makita natin iyong biblical perspective kong paano natin makayanang labanan ang stress sa ating buhay..

 

Mga Kawikaan 15:13-25

13 Ang taong masayahin ay laging nakangiti,ngunit ang may lumbay ay wari bang nakangiwi.

14 Ang taong may unawa ay naghahangad pa ng karunungan, ngunit ang mangmang ay nasisiyahan na sa kanyang kahangalan.

15 Lahat ng araw ng mahirap ay puno ng pakikipagbaka, ngunit ang masayahin, saganang piging ang kagaya.

16 Ang mahirap na gumagalang at sumusunod kay Yahweh,ay mas mainam kaysa mayamang panay hirap naman ang kalooban.

17 Mas masarap ang isang plato ng gulay na inihaing may pag-ibig kaysa isang matabang baka na inihaing may galit.

18 Ang mainit na ulo ay humahantong sa alitan,ngunit pumapayapa sa kaguluhan ang mahinahong isipan.

19 Ang landas ng batugan ay punung-puno ng tinik, ngunit patag na lansangan ang daan ng matuwid.

20 Ang anak na may unawa ay kaligayahan ng isang ama,ngunit ang isang mangmang ay kahihiyan ng kanyang ina.

21 Ang mga walang isip ay natutuwa sa mga bagay na kahangalan, ngunit lumalakad nang matuwid ang taong may kaalaman.

22 Ang isang balak na mabilis ay di papakinabangan, ngunit ang planong pinag-aralan ay magtatagumpay.

23 Ang matalinong pananalita ay nagdudulot ng kasiyahan, at ang salitang angkop sa pagkakataon, may dulot na pakinabang.

24 Sa mga marunong, ang daan ng buhay ay pataas,upang maiwasan ang daigdig ng mga patay.

25 Wawasakin ni Yahweh ang bahay ng hambog, ngunit ang tahanan ng isang biyuda ay iingatan ng Diyos.

 

   Dito sa talatang ito makikita natin ang ilang negative words: Wasak ang Espiritu,pinahihirapan o nahihirapan,kaligaligan,pag-kagalit,pagiging bugnutin o mainitin ang ulo,palaaway,maraming kaalit,at kabiguan..

   Itong lahat na ito ay kasing kahulugan ng stress and tension.

   Someone compared human stress to a balloon. Ang  balloon ay nakapagbibigay kasiyahan sa mga bata nagagawa ito ng kung ano-anong anyo dahil sa kahusayan ng mga gumaganap bilang Clown sa mga event.ngunit tayong mga nakatatanda ay alam natin na may pressure ito sa loob na anytime pweding maging sanhi ng pag putok

Mangangaral 5:17

17 Bukod dito, ang buhay natin ay laging may alinlangan; puno ng pagkabalisa, hinagpis, galit at karamdaman.

 

   This is stress.

    Nabubuhay tayo sa panahon na hindi na halos mahawakan ng mga tao ang  stress.

    Marami ang nagpapakamatay dahil dito..

    Stress is a mysterious thing: You can’t see it, you cannot touch it, but you definitely know it’s there. Psychologists say men, women, and even children nowadays suffer from stress.

 

SIGNS OF STRESS

 

1.        Nagiging makakalimutin..

2.        Mainitin ang ulo.

3.        Sakit sa katawan /Halos di makatulog

4.        Pakiramdam na wala na siyang magagawa pa.

5.        Pakiramdam na wala siyang nagagawa at natatapos.

6.        Ang pakiramdam niya bigo siya

7.        Laging nagkakasakit,Sakit sa ulo at tensions. Migraines.High blood pressure.

Heart disease.

 

   The root behind all of this is human stress.

    Kaya't kung haharapin mo ang ugat ng stress, ititigil mo ang prutas, lahat ng mga sintomas na ito.

 

BIBLICAL STEPS TO REDUCE STRESS.

 

1.   Learn to Laugh.

 

Mga Kawikaan 15:13

13 Ang taong masayahin ay laging nakangiti, ngunit ang may lumbay ay wari bang nakangiwi.

 

Mga Kawikaan 15:15

15 Lahat ng araw ng mahirap ay puno ng pakikipagbaka,ngunit ang masayahin, saganang piging ang kagaya.

 

   Nakatira tayo sa isang nakababahalang mundo, kaya kailangang maglaan ng kaunting oras upang gumaan.

Joke:

Ang mga empleyado ng isang kumpanya ay nagkaroon ng isang pizza party sa araw ng pahinga.

Matapos ang pahinga  ang bagong CEO ay nagpasyang tanggalin ang lahat ng mga tamad na empleyado, na hindi man lang tumulong sa pagliligpit  pagkatapos ng pagdiriwang.

Hindi nagtagal ay napansin niya ang isang binata na nakasandal sa dingding, walang ginagawa.

Tinanong siya ng CEO, "Magkano ang pinasasahod sayo ng kumpanya?" " 6000 po , ”sabi ng lalaki. Hinihiling sa kanya ng CEO na maghintay at lumakad sa kanyang cabin.

Bumalik siya at ibinigay ang sahod sa loob ng dalawang buwan bali 12000 iyon at sinasabing, "Narito na ang bayad para sa 2 buwan.

Lumabas ka na at huwag ka ng bumalik.

Nagtanong ang CEO sa mga trabahador ano ang trabaho noon dito sa kumpanya..

Boss Pizza delivery boy po yon at napakamot nalang ng ulo iyong CEO."

    Ang mga taong tumatawa nang regular ay mas malusog, at tiyak na mabubuhay nang mas matagal,

    Mayroon tayong  mga bayarin na kailangan ng bayaran, mga bata na nasa mataas na antas ng paaralan ,mga deadline sa tanggapan, siksikan sa trapiko, pagkakasakit atbp at madaling sumuko sa  presyur ng buhay.

     Kung hindi tayo nag-iingat ay hahayaan natin ang lahat na maging napakatindi at hindi tayo kailanman tatawa, hindi tayo magkakaroon ng anumang kasiyahan, mabibigatan lang lalo tayo sa ating  buhay.

     Sa mga panahon ngayon napakaraming tao ang nawala na ang kanilang sense of humour.

     Ang mga tao ay naging seryuso ,ang lahat ay nakatuon na sa trabaho ay wala ng panhon para mag relax

     Huwag po tayong mabuhay sa ganiyang kalalagayan

     One of the best stress relievers that God created is joy.

     Ang maayos na pagtawa ay nakakapagpababa ng ating  blood pressure, it lowers stress.

    Ang pagtawa ay nakakpagpalakas ng ating immune system.

     It releases endorphin and make us feel better.

     Ang pagtawa ay nakakapagpalakas ng ating brain function.

     Kapag tumatawa ka araw-araw ,nagsasaya ka araw-araw katulad niyan ay araw-araw din na umiinom ng gamot tiyak lalakas ka..

 

Mga Kawikaan 17:22

22 Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan, at ang malungkuti'y unti-unting namamatay.

 

    Kapag ikaw ay masayahing tao, you are going to be more creative, you are going to be more effective.

    Ang pagtawa ang siyang sisira sa pader kapag nagawa mong patawanin ang iba magiging bukas sila sayo

    Ang pagtawa ang magdadala sa mga tao upang makinig sayo

    Kong kaya nga ang mga nagtatagal na shows in television are the comedy shows.

Mga Awit 126:2-3

2 Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit! Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid, “Tunay na dakila, ginawa ni Yahweh para sa kanila!”

3 Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa, kaya naman kami ngayon, nagdiriwang, natutuwa!

Job 8:22

22     ngunit ang mga kaaway mo'y kanyang ipapahiya, at ang tahanan ng masasama ay ganap na mawawala.”

 

Sunday, 20 September 2020

GISING NA!


 

Gising na!

Rev: Boyet Cervantes

Marcos 14:32-42

Intro:

·        Noong gabing bago ipako si Jesus ,siya ay nagsalita sa kaniyang mga alagad at pinaalalahanan sila sa hardin ng Gethsemane at sinabi sa kanila na “Ang puso ko'y labis na nalulungkot at ako'y halos mamatay na! Maghintay kayo rito at magbantay.”

·        Pangalawang balik niya inabutang natutulog si Simon..“Natutulog ka ba, Simon? Hindi ka ba makapagbantay kahit isang oras man lamang?

·        Pangatlong balik niya..“Natutulog pa ba kayo at namamahinga? Tama na, sapagkat dumating na ang oras upang ang Anak ng Tao'y ibigay sa kamay ng mga makasalanan. 42 Bumangon kayo! Narito na ang magkakanulo sa akin.”

·        Tatlong beses nanalangin si Jesus sa Ama at tatlong beses din niyang dinatnan ang mga alagad na natutulog..

·        Sa pagbasa natin ng talata ,napansin natin at narinig ang pagkadismaya ni Jesus sa kaniyang mga alagad..sa pagsasabi niyang ..“Natutulog ka ba, Simon? Hindi ka ba makapagbantay kahit isang oras man lamang?

·        Ako po ay naniniwala kong mulat lamang ang ating mga mata sa kasalukuyang nagagnap sa mundo tayo ay nasa kritikal na nakaganapan ng plano ng Diyos.

·        Ang tanong lamang ay madadtnan ka kayang gising o tulog ng Panginoon sa kaniyang pagbabalik?

·        Kayat mahalagang magising na tayo at gumawa ng nararapat para sa kaniyang kaharian dito sa lupa ngayon alam na natin na tayo ay nasa mga huling araw na..

 

·        Sa  Matthew 24 si  Jesus ay nagsalita patungkol sa kaniyang muling pagparito

 

Mateo 24:46

46 Pinagpala ang aliping iyon kapag dinatnan siyang tapat na naglilingkod sa pagbabalik ng kanyang panginoon!

 

·        At sa kapahayagan naman na sinabi niya kay apostol Pablo ,sinabi ni Jesus

Pahayag 16:15

15 “Makinig kayo! Ako'y darating na parang magnanakaw! Pinagpala ang nananatiling gising at nag-iingat ng kanyang damit. Hindi siya lalakad na hubad at hindi mapapahiya sa harap ng mga tao!”

Para sa atin ,sa mga panahon na tayo ay nabubuhay pa,akoy naniniwala na mayroon tatlong bagay na kong saan ay dapat nga  tayong magising..

GISING NA …

1.SA IYONG ESPIRITUWAL NA TUNGKULIN O RESPONSABILIDAD.  

·        Sa hardin ng Gethsemane, tinawag ni Jesus ang kaniyang mga alagad na sumalo sa kanya kahit isang oras lang samahan siya ng mga ito na mikapaglaban sa Espirituwal na digmaan kahit sa huling sandali ng kaniyang buhay bago siya maipako sa Cross.

·        Ngunit bago maisagawa ito kinakailangan tayong magising sa ating Espirituwal na tungkulin o responsabilidad..

·        Mga Responsabilidad na katulad ng

1.     Pananalangin.

2.     Paghayo

3.     Disiplena at paglago..(Paghahanda ng puso)

·        Sabi nga ni Jesus ang Espiritu ay malakas ngunit mahina ang laman .”

·        Kailangan nating aminin na tayo ay napapagod na katulad ng mga disipulo pagod na silang maglakbay ..naglakad sila sa loob ng buong linggo at araw-araw sila’y kumakaharap sa maraming labanan.

·        Kaya mas nanaisin nalang nilang matulog kaysa ang kumaharap patuloy na mga kaguluhan sa buhay..at responsabilidad

·        Ngunit ang katotohanan ay, mayroon tayong trabaho na dapat gawin..

·        may spiritual battle na dapat kang paglabanan at itoy atas ni Jesus

·        kong saan ay tinawag tayo ni Jesus upang ating malabanan at mapagtagumpayan panahon na upang gumising at gawin ang ating responsabilidad

·        Hindi kinakailangang sumuko at ilibing ang ulo sa buhangin..may gawaing dapat gampanan..

·        Hindi lamang natin ito pinagdaanan at hinihintay ang pagbabalik ni Hesus; pinagtatrabahuhan natin ito

·         ihanda ang ating sarili at ang iba para sa pagbabalik ni Jesus.

2 Tesalonica 2:6-7

6 Hindi pa nga lamang nangyayari ito dahil may pumipigil pa, at alam ninyo kung ano iyon. Lilitaw ang Suwail pagdating ng takdang panahon. 7 Ngayon pa man ay gumagawa na ang hiwaga ng kasamaan at mananatiling ganyan hangga't di naaalis ang humahadlang sa kanya.

 

·        Sa kabila ng malinaw na nakikita na natin  ito, hindi ko pa rin nakikita ang pambansang pagsisisi at pananlangin ay hindi parin nagkakaruun ng katuparan binabaliwala mlamang ng mga tao kahit ng mga tao sa simbahan ...ano kaya ang naging balakid..?

·        ang muling pagkabuhay ay matagal nang humupa at napalitan ng sekularismo sa simbahan at tao nakasentro na sa mga diskarte sa paglago ng simbahan.

·         Ang paggalaw ng Espiritu ng Diyos ay napalitan na may mga high tech na special effects at entertainment na ang bawat simbahan ..wala naman pong masamang tinapay ika nga patungkol diyan pero ang masakit na katotohanan nawala na ang makatotohanang paghahanap sa presensiya ng Diyos napalitan ng panay kasiyahan at maling motibo sa pag abot ng kaluluwa..

·        Kadalasan ay nagtatrabaho na gamit ang  isang mapurol na palakol. Kailangan natin muli ang diwa ng isang Diyos upang bigyan tayo ng kapangyarihan na gawin ang trabaho.

Zacarias 4:6

6 Sinabi sa akin ng anghel ang ipinapasabi ni Yahweh para kay Zerubabel, “Pinapasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas ng hukbo o sariling kapangyarihan kundi sa pamamagitan lamang ng aking espiritu.

·        Sama-sama tayong mangarap na ang Simbahan ng The Living Water Family Worship Center ay manatiling:

  isang lugar kung saan tayo ay  maaaring magpalit at kumuha ng iyong bagong kasuutan na malinis,at maging kaigaigaya ka sa harap ng Diyos at ng mga tao sa loob at labas ng sambahang ito...

·        Tulungan nawa tayo ng Diyos at mapanatili ang kaisahan,pagmamahalan ,paguunawaan at paghahangad sa presensiya ng Diyos ng sama-sama at lumikha ito ng kabaguhan at maayos na buhay habang tayo ay nasa ibabaw pa ng sandaig-digan..

 

2. SAPAGKAT MALAPIT NA SAYO ANG KALABAN BAKA KA MAISAHAN ..

 

·        Kahit na ang mga Disipulo ay natutulog habang ang kalaban nila ay papalapit ng papalapit sa kanila ..kaya nga ako’y naniniwala naalimpungatan pa itong si Pedro kaya natagpas niya ang tenga nitong si malco..

·        Kasi ng gisingin sila ni Jesus ang sabi niya gising na nandirito na ang kalaban..

 

1 Juan 2:18

18 Mga anak, ito na ang huling panahon! Tulad ng inyong narinig, darating ang kaaway ni Cristo. Ngayon nga'y marami nang lumilitaw na mga kaaway ni Cristo, kaya't alam nating malapit na ang wakas.

1 Juan 4:1-3

 Mga minamahal, huwag ninyong paniwalaan ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito. 2 Ito ang palatandaan na ang Espiritu ng Diyos nga ang nasa kanila: kung ipinapahayag nila na si Jesu-Cristo ay dumating bilang tao. 3 Kung hindi gayon ang kanilang ipinapahayag tungkol kay Jesus, hindi mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila. Ang espiritu ng Kaaway ni Cristo ang nasa kanila. Narinig na ninyong ito'y darating at ngayon nga'y nasa sanlibutan na.

 

·        Ang tanong lamang ay nakikilala niyo ba sila ang Espiritu ng anti- Cristo na kong saan ay kumikilos na unti-unti ngayon sa Mundo?

·        Huwag nating kalilimutan , ang isa sa nagkanulo kay Jesus ay isa sa kaniyang labing dalawang alagad

·        Nakikita natin ang Espiritu ng Anti-Cristo ay gumagawa din maging sa mga tiga  Simbahan sa ngayon..

·        Higit pa kaysa dati dapat nating makilala ang mga kagamitan  na gagawin o gagamitin ng anticristo

·        kasama ng mga pangangatuwiran na magdulot sa karamihan ng mga tao na tanggapin ang mga kagamitang ito

 

•isinusulong na sa ngayon ang   cashless society ang tanong sino ang nasa likod nito? Sino ang may Idea..?

• Hindi ka makakbili o makapagtitinda kong wala kang tatak..

 

Pahayag 13:16-17

16 Sapilitang pinatatakan ng ikalawang halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya. 17 At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas ng pangalan niyon.

·        Maaring ang maitatanong ninyo sa akin Pastor nasa Tribulation Period na ba tayo?

·        Ang maisasagot ko base sa ating Foundation wala pa..!

·        Kasi Rapture muna bago ang 7 years Tribulation

·        Eih ano itong nangyayari sa ngayon ?

·        Iyan po ay Preparation na at testing..kaya kinakailangan na tayong gumising dahil anytime pwedeng mag rapture at kapag wala na tayo dito saka pa lamang nila maipatutupad ang lahat ng balak nila at doon palang hayagang magpapakilala ang anti-Cristo hangat nandirito tayo hindi magaganap ang lahat ng iyan..ang mga nababalitaan natin hindi pa iyan ang tatak na 666 prepation pa lamang iyan at testing nila..

·        Sa ating bansa magkakaroon ng tinatawag na National ID marami ang natatakot na Kristiyano baka daw iyan na ang 666 hindi pa po iyan..preparetion lang iyan at kapahayagan sa darating na panahon ng Tribuation ganiyan ang mangyayari..bakit ?

·        Kasi po ang national id na gagawin ng PSA ay may kasamang Micro chip na kong saan ay pwede niyang malaman

• kong nasaan ka ano ang ginagawa mo..

·        Lahat ng impormasyon patungkol sa iyo ay kukunin nila.

·        Kaya nang kontrolin ng gobyerno ang ating buhay

• Isang pag-aalala para sa kalusugan at kaligtasan na magdadala sa atin sa pagpapasakop sa lalong madaling panahon at tinatanggal unti-unti ang ating mga karapatan..

·        Nangyayari na po ito sa panahon natin ngayon kaya panahon na upang tayo’y gumising nalalapit na ang araw ng Panginoon.

 

2 Corinto 2:11

11 upang hindi tayo malamangan ni Satanas, sapagkat hindi lingid sa atin ang kanyang mga pamamaraan.

 

3. HABANG ANG MGA PLANO NG DIYOS AY NAGSISIMULA PA LAMANG MAGANAP

 

·        Maaari tayong matukso upang makita kung ano ang nangyayari at kung ano ang maaaring mangyari sa mga araw na ito dumating bilang pagkatalo at ang katapusan ng plano ng Diyos. Sigurado ako na iyon ang nadama ng mga alagad

·        Nang gabi na si Jesus ay naaresto,ipinagkanulo at napako sa krus.

·        Doon nagsimulang maganap ang mga plano ng Diyos ngunit ito ay isang plano na puno ng katagumpayan  na ang pakay nito ay para sa ating ikabubuti.

·        Kong kaya nga ang patuloy na sumusunod kay Jesus ay hindi talo sa laban na ito kundi palaging wagi dahil kay Jesus .

·        Kong kaya nga Huwag kang panghinaan ng loob,ang laban na ito ay sa Panginoon at siya ay nagwagi na laban sa kalaban..

·        Naisip ng diyablo na nanalo siya, ngunit ang krus ay hindi tagumpay para sa diyablo kundi tagumpay ito para kay Hesukristo, at pinatunayan niya ito pagkalipas ng tatlong araw nang siya ay bumangon mula sa libingan.

·        Ang mga huling araw ay hindi tagumpay para sa diyablo, ngunit tagumpay para sa plano ng Diyos upang makumpleto ang pagbuhos ng banal na Espiritu ng Diyos , upang matupad ang kaniyang pangako na ang ebanghelyo ay  maipinangaral sa buong mundo,

·        Hindi tayo natalo; higit pa tayo sa mga mananakop sa pamamagitan ni Cristo na nagmamahal sa atin..purihin natin ang ating panginoong Diyos na pinaka makapangyarihan sa lahat..

Roma 8:38

38 Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap,

Kong kaya nga mga kapatid ,magising na tayo! Maraming bagay tayong dapat gawin para sa kaharian ng ating Diyos.!

 

Wednesday, 16 September 2020

KAIBIGAN KITA AT IINGATAN MAGPAKAILANMAN


 

KAIBIGAN KITA AT IINGATAN MAGPAKAILANMAN

Rev: Boyet Cervantes

Mga Kawikaan 17:17

17 Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon,  at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.

·         Ang isa sa mga pinakamahusay na paraan upang malaman ang patungkol sa Bibliya ay ang pagsali sa isang kumpetisyon tulad ng Bible Quiz.

·         Mayroong isang tiyak na paksa; mayroong elemento ng kumpetisyon na pinipilit kang mag-aral, kabisaduhin at mag-isip nang mabilis sa ilalim ng presyon.

·         Ang pakikipagkaibigan ay napakahalagang bahagi ng buhay...ang mabuting kaibigan ay magdudulot sa atin ng kasiyahan at maayos na pakiramdam..

·         Kadalasan na tayo ay tumatakbo sa ating mga kaibigan upang humingi ng payo at pagpapalakas loob at maging tulong sa panahon ng kagipitan,kaguluhan at kalungkutan..

·         Naiintindihan ng Diyos ang pangangailangan natin ng ganitong klase ng relasyon..

·         Tinawag nga rin niya tayong  kaibigan katulad ng pagtawag niya kay Abraham

·         Kasi naiintindihan niya at pinalalakas niya ang ating loob na maikipagkaibigan,

·         Naglaan ang Diyos ng katuruan mula sa kaniyang mga salita kong paano lumikha at pagingatan ang iyong mga kaibigan.

·         Tayo ay tumuon sandali at pagisipang maigi ang patungkol sa kong ano ang mahalaga para sa ating lahat..:

 

PAANO MAKALIKHA NG PAGKAKAIBIGAN AT MAINGATAN ITO

 

PAANO MAKALIKHA NG KAIBIGAN.

Kapag ang paglikha ng kaibigan ang pinaguusapan ,mayroong tamang paraan at maling paraan sa pag-gawa nito..

 

1.       ANG MALING PARAAN AY ANG IBIGAY LAHAT NG ANUMANG KANILANG MAIBIGAN..

 

·         Ang kayamana'y umaakit ng maraming kaibigan

 

Mga Kawikaan 19:4

4 Ang kayamana'y umaakit ng maraming kaibigan, ngunit ang mahirap ay tinatalikuran ng dating kasamahan.

·         Ang mga taong mapepera ay kayang bumili ng mga kaibigan..Fake nga lang .!

·         Ang paraan ay gagawin mo kong ano ang nais nila at tiyak magugustuhan ka nila..

·         Bilhin mo sila ng Pera o kong hindi ka naman mayaman sabayan mo sila sa mga kalukuhan nila ..magsalita ka ng mga language nila at manamit ka ng katulad sa pananmit na mayroon sila..

·         Makipagkompromiso ka sa mga ginagawa nila at tiyak makaklikha ka ng maraming kaibigan kaya lang napakalaki ng pagkakaiba ng salitang ka- Gropu sa kaibigan ..kong kaya nga ang masasbi ko maaring ka-grupo mo lang sila pero hindi maituturing na tunay na kaibigan..

 

2. ANG TAMANG PARAAN AY KONG ANO SA PALAGAY MO ANG PINAKA MAINAM

Mga Kawikaan 22:11

11 Ang magiliw mangusap at may pusong dalisay, pati ang hari'y magiging kaibigan.

·         Ang tamang paraan sa paglikha ng tunay na kaibigan ay ang pagpapakita mo ng tamang kalidad na mayroon ka at iyon ang iyong nais ipasa sa kanila

·         Kapag ipinapakita mo sa kanila ang katapatan,kabaitan,kalinisan,karunungan,at iba pa.

·         Kahit ang mga Pinuno ay kanilang makikita ito at magiging tiga hanga mo ..

·         Ang kalidad mo ang aakit sa mga tao para makipagkaibigan sayo..

·         Lahat ng tao sa mundo ay nakakalam kong sino ang masamang babae o lalaki kong kaya walang sinuman sa kanila ang naakit na makipagkaibigan..

 

Mga Kawikaan 27:17

17 Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan.

·         Maghanap ka ng kaibigan na hahamon sayo upang maging mas mabuti pa kaysa dati..

·         O makipagkaibigan ka sa mga taong hinahangaan mo at makapagtuturo sayo ng mga bagay na kong saan ay mas lalo ka pang mapapabuti..at hindi sa mga taong walang pakialam sayo..pag may pakinabang silang naamoy kaibigan mo pag-wala ka na iniiwasan na..

 

PAANO NATIN MAIINGATAN ANG PAGKAKAIBIGAN

Ang makipagkaibigan o gumawa ng pagkakaibigan ay sadyang napakahirap,pero ang ingatan sila ay mas mahirap .

Si Solomon na kong saan ay tinaguriang pinaka matalinong taong nabuhay sa Mundo ,ay nagbigay sa atin ng ilang insights kong paano maingatan ang pagkakaibigan..:

 

1. Mga Kawikaan 16:28

28 Ang taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan, at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan.

·         Huwag mong ipagkwento ang iyong kaibigan sa iba kahit na nagsabi iyan sayo ng kaniyang sekreto..sekreto nga eih bakit mo binulgar..

·         Kapag ganiyan papatay iyan ng inyong pagkakibigan..

·         Kapag may problema ka sa iyong kaibigan,ipanalangin mo ito at magsimula kang tumingin sa iyong sarili ; at alamin mo saan ka ba nagkulang ..pagkatapos lapitan mo siya at makipagkasundo.

·         Kapag ito ay gumana manunumbalik ang inyong pagkakibigan at mas lalo pang lalkas ito.

·         Huwag kang makipagkaibigan sa mga taong masamang manalita,kasi darating ang panahon magsasalita din yan ng pangit laban sayo..

 

 

2.       Mga Kawikaan 17:17

17 Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon,  at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.

 

Mga Kawikaan 18:24

24 May pagkakaibigang madaling lumamig, ngunit may kaibigang higit pa sa kapatid.

 

·         Manatili sa isat-isa anuman ang mangyari.

·         Ang tunay na kaibigan ay kaibigan kahit anuman ang mangyari ,kahit mabigo ka,kahit may karamdaman ka,kahit mahina ka,naghihirap ka o maging sa iyong tagumpay nanatili pa rin sila sayong tabi..

·         Ang tunay na kaibigan ay nariyan sa tabi mo kahit hindi mo naman deserve na maging kaibigan nila..

·         Kong gusto mong maingatan ang pagkakaibigan ikaw ay dapat na palaging nandiyan para sa kanila..

BUOD:

 

·         Umaasa po ako na lahat tayo ay makatagpo ng tunay na kaibigan..at maingatan ito..

·         Ang buhay ang nagtuturo sa atin kong gaano kahirap ito . magagawa mo ito kong maalala mo kong paano lumikha ang panginoon ng kaniyang mga kaibigan at kasama ka na doon at kaniya itong iningatan..:

 

·         Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang kalidad ,ang kaniyang mapagmahal na pag-uugali at nanatili

 

·         Hindi siya kailanman nagsalita ng masama patungkol sa kaniyang kaibigan kahit na siya’y binigo nito at wala sa tabi niya ng kailangan niya.

 

·         Nanatili siya sa kaniyang mga kaibigan kahit na manganib pa ang akaniyang buhay handa niya itong ialay..

 

·         Si Jesus ay nagturo sa atin ng kong ano ang tamang pakikipagkaibigan at ang tamang pakikipagkaibigan ay nasusukat:

 

Juan 15:13

13 Ang pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila.

Ako poy umkaasa na naksumpong kayo ng kaibigan na katulad niya sa mundong ito . pakaingatan mo siya at pakmahalin katulad ng pagmamahal mo sa tunay mong kaibigan at pagmamahal din na ipinakita niya sayo at ito ay si Jesu-Cristong ating panginoon..

 

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...