LAGPASAN ANG MGA KAHIRAPAN SA BUHAY (Part-1)
Rev: Vicente E. Cervantes Jr
Ruth 1:1-22
Intro:
Ang aklat ni Juan ay nagbigay ng
mahabang talakayin ukol sa mga binitiwang salita ng panginoong Jesus doon sa upper
room on the night of his betrayal.
In chapter 16, pagkatapos niyang magbahagi ng
maraming bagay sa kanila ,at bago siya manalangin ng prayer of the Highest
priest in chapter 17; ipinaliwanag ni Jesus sa kanila kong bakit niya ito
sinasabi sa kanila..
Juan 16:1
16 “Sinabi ko ito sa inyo upang huwag
ninyong talikuran ang inyong pananalig sa akin.
Juan 16:33
33 Sinabi ko ito sa inyo upang sa
inyong pakikipag-isa sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Magdaranas kayo
ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob!
Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”
·
Jesus was concerned that what had
begun in the hearts of his disciples would continue.
·
Kaya nga malinaw na
pinagmamalasakitan niya ang kalagayan ng ating mga puso ang nais niya’y
manatili ang kaniyang napasimulan sa ating mga puso sa pamamagitan ng patuloy
at tuloy-tuloy na pananampalataya. ..
·
Para magawa ito tapatang sinabi niya
sa kanila that they will face difficulties in this world
·
Ang kabalisahan o kaguluhan- ay
mayroong literal na kahulugan na ang ibig sabihin ay pangigipit,pagdidiin ..
·
Ang kahalintulad nito ay
pagpapahirap,mga kahirapan,kapighatian,pag-aalala,
·
Ito ay kahalintulad na salita na
ginamit in Matthew 13 where Jesus speaks of the parable of the seed and the
sower.
Mateo 13:20-21
20 “Ang katulad naman ng binhing
nalaglag sa mabatong lupa ay ang taong nakikinig ng mensahe na kaagad at
masayang tumatanggap nito
21 ngunit hindi tumitimo ang mensahe
sa kanyang puso. Sandali lamang itong nananatili, at pagdating ng mga
kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod sa kanyang
pananampalataya.
·
Sa ganap na katotohanan tayong lahat
ay kumakaharap sa mga kahirapan sa mundong ito. Kong kaya nga sinabi ni apostol
Santiago..sa aklat ng
Santiago 1:2-4
2 Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng
pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong
pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. 4 At dapat kayong magpakatatag
hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.
·
Mag pakatotoo tayo ...ilan sa atin
dito na kumakaharap sa mga kahirapan at kapighatian sa buhay at sa kabila nito
nagagawa niyang magsaya..?
·
Ang ibig kong tukuyin ilan sa atin na
kapag dumarating ang mga kahirapan sa buhay ay sinasabi natin "YES… Bring
it on… This is going to be so good for my faith"
·
Pero karamihan sa atin ang maiisip ay
huwag naman ,huwag ngayon? Totoo ba ito? Paano ako makakawala dito?paano ko
malalagpasan ito?
PAANO NGA BA NATIN MALALAGPASAN ANG
MGA KAHIRAPAN SA ATING BUHAY..?
·
Naiisip ko ang kalagayan ng mga disciples
pagkatapos ng pagkabuhay na magmuli ng Panginoong Jesu-Cristo..
·
We focus so much on the joy of the
resurrection that we sometimes forget the realities of the difficulties they
must have faced following the resurrection.
·
Hindi lahat kasiyahan ang naidulot nito
..Mayroon silang takot,pag-aalinlangan,kalituhan, kakulangan ng pananampalataya,kalungkutan,pagnanasang
bumalik sa pangingisda kaysa ang sumunod sa utos ni Cristo na humayo ..
·
Ang kahirapan po ay napakalawak ang
sakop nito sa ating buhay..
·
Ang kahirapan ay pwedeng maging
trahedya..kawalan ng mahal sa buhay - lalo na kong ama ng tahanan ang
mawala , ang malalng karamdaman,ang
katulad ng pandemya na nararanasan natin sa kasalukuyan, kasalatan ng
pangangailang pang financial, kamatayan dahil sa aksidente,natural na sakuna
–katulad ng bagyo,lindol,pagputok ng bulkan,baha,landslide..
·
Mga kaguluhang likha ng terorismo..
·
Walang tigil ang mga kahirapan ...
Financial hardship, health problems, family problems, relationship battles,
unanswered prayer.
·
Ang mga kahirapan na ito ay
nakakadurog ng puso ,punong –puno ng mga kabiguan at mga kaguluhan.. A bad job
situation, hectic schedules, traffic, accidents, relationship breakups, your
kids school, bills that need paid, rude people, life in general.
ANONG URI NG KAHIRAPAN ANG
KINAKAHARAP MO SA NGAYON..?
PAANO TAYO NAKAKATAGAL SA KABILA NG
MGA KAHIRAPANG ITO SA BUHAY NA HINDI NAAPEKTUHAN ANG ATING PANANAMPALATAYA ?
·
Ito po ang ating sasagutin sa
sunod-sunod nating pag talakay sa aklat ni RUTH ..
PAGUSAPAN NATIN ANG KAHIRAPAN ..sa
unang kapitulo makikita natin:
Una
may matinding kahirapan..kawalan ng kaniyang asawang lalaki,namumuhay
sila sa ibang bansa,nililimusan lang sila ng makakin,ang hirap mamuhay bilang
balo..napakaraming kahirapan na halos bumasag sa kanilang puso..at lumikha ng
mga kaguluhan..
1. Hindi po masama o maituturing na
kasalanan na iwan nila ang Bethlehem dahil sa matinding kahirapan..ngunit kong
minsan ang paghahnap natin ng kasagutan sa mga kahirapan sa buhay ang naglalayo
sa atin sa pananampalataya at kaugnayan sa
Diyos
2. ang makalagpas sa mga kahirapan sa
buhay ay nagsisimula kapag ating napagtanto na sa kabila ng mga kahirapang
ating nararnasan sa buhay mabuti at nanatiling mabuti sa atin ang Diyos..at
siya ay palaging umaalalay at nagbibigay tulong upang maabot ang ating mga
kailangan o pangangailangan..
·
Karamihan sa atin ang unang tugon sa
mga kahirapan ay hindi naka tuon sa Diyos ..kaya mayroong
takot,pangamba,galit,kabiguan,kalituhan,pagaalinlangan,mga katanungan,at
estrateheya..
3. maypaglalakbay pabalik ,o kong mga
baguhan naman iyan ay ang paglalagay ng
buong tiwala at pananmpalataya sa ugnayang mayroon ka sa Diyos.
ANONG URI NG PAGLALAKBAY ANG NAIS
MONG LIKHAIN?
4. tayo po ang mamimili kong saan
tayo titingin o hahanap ng ating lakas at kalinga sa oras ng kahirapan..
5.kong nais nating makalagpas umasa
tayo at ibaling ang ating pansin sa Diyos.
1 Samuel 30:1-6
30 Ikatlong araw na nang sina David
ay makabalik sa Ziklag. Samantalang wala sila, lumusob ang mga Amalekita at
sinunog ang buong bayan. 2 Wala silang pinatay isa man ngunit binihag nila ang
mga babae, matanda't bata. 3 Nang dumating nga sina David, sunog na ang buong
bayan at wala ang kani-kanilang asawa't mga anak. 4 Dahil dito, hindi nila mapigilan
ang paghihinagpis; nag-iyakan sila hanggang sa mapagod sa kaiiyak. 5 Binihag
din ang dalawang asawa ni David na sina Ahinoam at Abigail.
6 Balisang-balisa si David sapagkat
pinag-uusapan ng kanyang mga tauhan na pagbabatuhin siya dahil sa sama ng loob
sa pagkawala ng kanilang mga anak. Ngunit dumulog si David kay Yahweh na
kanyang Diyos upang palakasin ang kanyang loob.
Jeremias 29:11
11 Sapagkat batid kong lubos ang mga
plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong
ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng
pag-asa.
No comments:
Post a Comment