Tuesday, 18 August 2020

LAGPASAN ANG MGA KAHIRAPAN SA BUHAY (Part 2)

 

LAGPASAN ANG MGA KAHIRAPAN SA BUHAY (Part 2)

Rev.Vicente E. Cervantes Jr

Ruth 2:1-23

 

Juan 16:1

16 “Sinabi ko ito sa inyo upang huwag ninyong talikuran ang inyong pananalig sa akin.

Juan 16:33

Magandang Balita Biblia

33 Sinabi ko ito sa inyo upang sa inyong pakikipag-isa sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”

Ruth 2:1-23


Kong ating paiikliin ang ikalawang mensahe dito sa chapter 2 maiaalis natin ang ating pagtuon sa mga kahirapan at maitutuon natin ang ating isipan sa Diyos..

1. May isang tao. (Talatang 1, 20)

·         Sa pagbubukas ng talatang ito ang pangunahing hangarin ng may-akda ay upang alisin ang ating pansin sa mga problema at matutunan nating tingnan ang solusyon at  mawala ang ating focus sa problema kahit sa isang minuto man lang upang magawa nating simulan na makita ang solusyon

·         Minsan sobrang nakatuon tayo sa kahirapang nararanasan natin sa buhay  kaya nabigo tayo upang makita kung ano ang nais ng Diyos na gawin para sa atin.

·         Katulad ni Pedro ng siya ay lumakad sa ibabaw ng tubig sa aklat ng  (Matthew 14) , nagsimula siyang lumakad ng may pananmplataya kay Jesus at nakatuon lamang ang kaniyang paningin kay Jesus ..ngunit ng makita niya ang naglalakihang alon...pagnakita natin ang mga kahirapan...siya ay natakot at nagsimulang lumubog..umiyak siya sa Diyos at sinabi Panginoon iligtas mo ako ...at dagliang inabot ni Jesus ang kaniyang mga kamay ..at sinabihan ng ganito o ikaw na may maliit na pananmpalataya bakit ka nagalinlangan..

·         Maaring pinili mong mag Focus sa katotohanan na mayroong kahirapan ngunit ang nararapat na sanay maging tugon ay mayroong isang tao..na gagamitin ang Diyos para abutin ka ,para tulungan ka.. 

·         Si Ruth kong papansinin natin ginamit ng Diyos si Boaz para tulungan siya..kong kaya nga ang marapat lamang gawin sa panahon ng mga kahirapan ay:

2. HUWAG SUSUKO SA BUHAY (Verse 2)

·         May pagkakaiba tayong makikita sa pagitan nina Ruth at Naomi.

·         Si ay unti-unti nang kakakitaan ng kawalan pananampalataya at pasuko na sa buhay ..ang katutuhanan nga sinimulan na niyang sisihin ang Diyos..at ni katiting na pag-asa ay naglaho na sa kaniyang buhay..

·         Si Ruth naman ay nagpapakita ng isang positibong katangian na pwede nating tularan upang tayo’y makaligtas din sa panahon na dumarating ang mga paghihirap sa buhay.

·         Mahalaga na hindi tayo sumuko sa buhay pansinin natin si Ruth Tumayo Siya at nilakasan niya ang kaniyang loob at para bagang sinabi niya sa kaniyang kalooban patuloy akong tatayo at mamumuhay hindi ako patatalo sa mga kahirapan na aking nararanasan sa buhay.

·         Maaari magantay nalang siya ng kaniyang kamatayan dahil sa kawalan ng pag-asa pero kabaligtaran nito ang kaniyang ginawa ...sinabi niya na pupunta ako sa bukid at pupulutin ko ang bawat butil na mahuhulog sa sinumang mga tao na magbibigay sa akin ng pansin o pabor..

·         Sa madaling salita, parang sinasabi niya hindi ko alam kong paano ngunit hindi ako susuko..

·         Kapag naniniwala tayo na ang Diyos ang may-akda, tagapaglaan, muling nabuhay at nagbibigay ng buhay, magagawa nating hindi sumuko.

·         Ngunit kung minsan ang ganitong uri ng pananampalataya ay kailangang pukawin ng Panginoon mismo..

·         Sa bagong tipan kong pagaaralan natin ang kwento ni Jairus at nang kanyang anak na babae na may sakit ..

·         Si Jairus ay nagpunta at lumapit kay Jesus upang humingi ng tulong..

·         Ngunit ng silay dumating ang sabi ng mga tao huwag mo ng gambalain pa ang guro ang iyong anak ay patay na..

·         Parang sinabi nila isuko mo na ang buhay ,huli na,wala ng mangyayari pa..! ngunit ang sabi ni Jesus:

 

Marcos 5:36

36 Ngunit nang marinig ito ni Jesus,[a] sinabi niya kay Jairo, “Huwag kang matakot; manampalataya ka lamang.”

·         Alam niyo ba na sa iba pang tagpo ng kasaysayang iyon ang sabi ni Jesus hindi siya patay natutulog lamang..sinabi niya ito para mahimasmasan si Jarius.

·         Parang sinbasabi niya huwag kang susuko sa buhay maya-maya bumangon ang anak niya at humingi ng pagkain..

·         Iyon namang kwento patungkol kay Lazaro ... Si Marta at si Maria ay sumuko na sa buhay ...dahil sa pagkamataya ng kanilang kapatid na si  Lazaro at bago dumating si Jesus patay na ito sa loob ng apat na araw..... sabi nila kay Jesus kong dumating ka lang sana ng mas maaga hindi sana namatay ang aming kapatid..

·         ngunit sinabi ni Jesus  ako ang muling pagkabuhay at ang buhay ... Siya na naniniwala sa akin kahit mamatay ay muling mabubuhay naniniwala ka ba rito?

·         Kahit na sa paningin mo imposible huwag mong sukuan dahil alam mo na may  tutulong sayo siya ang may akda ,tigapaglaan at may kakayanang bumuhay ng mga patay ..kaya huwag kang susuko siya ang bahala sayo iyan ay ang ating Panginoong Jesu-Cristo..

3. MAGPATULOY SA PAG-SULONG–

  hangarin mong na sumulong... kung nagawang Tumayo ni Ruth at nagtungo sa bukid at nagsimulang gumawa at namulot ng mga nahuhulog na butil ng trigo sa gawing likuran ng mga nag-aani.

·         Hindi ito madaling trabaho pero nagawa niyang sumulong at dahil doon nakamtan niya ang di niya inaasahang mangyayari sa kaniyang buhay.

• marami sa atin ang natigil... at isa  sa mga bagay na nagpipigil sa pasulong ay ang ating masamang ugali.

·         Isang bagay hindi mo maririnig na lumalabas sa bibig ni Ruth ay ang pagrereklamo ... Siya ay palaging umaasa at nagpapasalamat kahit na walang gaanong dapat ipagpasalamat nagpapatuloy siya sa nakasanayang gawin ang mnagpasalamat sa Diyos,.

·         Kapag natutuon na ang ating pansin sa kahirapan bigo tayong makita ang kabutihan ng Diyos sa maliliit na bagay.

4. MAGPATULOY NA MAGTIWALA SA MAGAGAWA NG DIYOS,SA PAGIINGAT NIYA,AT MGA PLANO NIYA SA IYONG BUHAY..

·         Nais ko pong malaman ninyo na ang mga nangyari kay Ruth ay hindi nagkataon lamang kundi itoy niloob ng Diyos na mangyari sa kaniyang buhay

·         Ang Diyos ang nagpala sa kanya, ang Diyos ang nagingat sa kanya,ang Diyos ang nag plano ng lahat para sa kaniya..

·         Ang isa sa mga makapangyarihang katotohanan na ipinahayag sa akin ng Banal na Espiritu sa talatang ito ay matatagpuan sa mga talatang 8-9. Sinabihan siyang huwag pumunta sa bukid ng ibang tao. At siya ay nanatili doon at sumunod..

8 Nilapitan ni Boaz si Ruth at kinausap, “Anak, huwag ka nang pupunta sa ibang bukid. Dito ka na lamang mamulot kasama ng aking mga manggagawang babae. 9 Tingnan mo kung saan sila gumagapas, at sumunod ka. Sinabi ko na sa mga tauhan ko na huwag kang gambalain. At kung ikaw ay nauuhaw, malaya kang uminom ng tubig mula sa aking banga.”

·         Ipinakita sa akin ng Diyos ang isang larawan sa talatang ito ang paglalaan, proteksyon at mga plano ng Diyos sa kaniyang simbahan –

·         Maaaring may mga problema sa anumang simbahan ngunit ito ay mas mahusay kaysa sa pagiging nag-iisa sa mundo

·         Mayroong paghihikayat, direksyon, at lakas, proteksyon at kagalingan na darating mula sa pagsasama ng laht ng sa kaniya ay sumasampalataya..

Mangangaral 4:9-12

9 Ang dalawa ay mabuti kaysa isa; mas marami ang bunga ng anumang gagawin nila. 10 Kapag nabuwal ang isa, maitatayo siya ng kanyang kasama. Kawawa ang nag-iisa sapagkat walang tutulong sa kanya kapag siya ay nabuwal. 11 Kung malamig ang panahon, maaari silang magtabi sa higaan upang parehong mainitan. Ngunit saan siya kukuha ng init kung nag-iisa siya? 12 Kung ang nag-iisa'y maaaring magtagumpay laban sa isa, lalo na ang dalawa. Ang lubid na may tatlong pilipit na hibla ay hindi agad malalagot.

1 Samuel 23:16

16 pinuntahan siya ni Jonatan at pinalakas ang kanyang loob sa pangalan ni Yahweh.

5. MAMUHUNAN KA SA BUHAY NG IBA

·         Ang huling bagay na nais kong pag-usapan natin mula sa kabanatang ito ay makakatulong sa atin ng malaki upang  mapukaw ang ating pansin at mailayo ito sa pagtuon sa kahirapan sa pamamgitan ng pamumuhunan para sa buhay ng iba.

·         Malinaw sa talata na hindi nakatuon si Ruth sa kaniyang sarili kundi kay Naomi na kaniyang pinangangalagaan..

·         Tignan natin ang sinabi ni Boaz sa talatang 11-12

11 Sumagot si Boaz, “Nabalitaan ko ang lahat ng ginawa mo sa iyong biyenan mula nang mamatay ang iyong asawa. Alam ko ring iniwan mo ang iyong mga magulang at sariling bayan upang manirahan sa isang lugar na wala kang kakilala. 12 Pagpalain ka nawa ni Yahweh dahil sa iyong ginawa. Gantimpalaan ka nawa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel sapagkat sa kanya ka lumapit at nagpakupkop!”

Mga Kawikaan 11:25

25 Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay,at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

15 Nang ipagpatuloy niya ang pamumulot, pinagbilinan ni Boaz ang mga manggagawa, “Hayaan ninyo siyang mamulot kahit sa tabi ng mga binigkis na uhay. Huwag ninyo siyang babawalan. 16 Maglaglag kayo ng mga uhay mula sa binigkis para may mapulot siya.”

Mga Awit 118:13-17

13 Sinalakay ako't halos magtagumpay ang mga kaaway, subalit si Yahweh, ako'y tinutulungan.

14 Si Yahweh ang lakas ko't kapangyarihan; siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan.

15 Dinggin ang masayang sigawan sa tolda ng mga hinirang: “Si Yahweh ay siyang lakas na patnubay!

16 Ang lakas ni Yahweh ang siyang nagdulot ng ating tagumpay, sa pakikibaka sa ating kaaway.”

17 Aking sinasabing hindi mamamatay, ako'y mabubuhay ang gawa ni Yahweh, taos sa aking puso na isasalaysay.

Mga Kawikaan 18:21

21 Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay,makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.

Ezekiel 37:1-10

37 Nadama ko ang kapangyarihan ni Yahweh at sa pamamagitan ng kanyang Espiritu[a] ay dinala niya ako sa isang libis na puno ng kalansay. 2 Inilibot niya ako sa lugar na puno ng mga kalansay na tuyung-tuyo na. 3 Tinanong niya ako, “Ezekiel, anak ng tao, palagay mo ba ay maaari pang mabuhay ang mga kalansay na ito?”

Sumagot ako, “Kayo po lamang ang nakaaalam, Yahweh.”

4 Sinabi niya sa akin, “Magpahayag ka sa mga kalansay na ito. Sabihin mo: Mga tuyong kalansay, dinggin ninyo ang salita ni Yahweh. 5 Ito ang ipinapasabi niya: Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo'y mabubuhay. 6 Lalagyan ko kayo ng litid at laman, at babalutin ng balat. Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo'y mabubuhay. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.”

7 Nagpahayag nga ako, tulad ng utos sa akin. Nang ako'y nagsasalita, nagkaroon ng malakas na ugong, at nabuo ang mga kalansay. 8 Nakita kong sila'y nagkaroon ng litid at laman; nabalot sila ng balat ngunit hindi pa humihinga. 9 Sinabi sa akin ni Yahweh, “Ezekiel, anak ng tao, tawagan mo ang hangin sa lahat ng dako. Sabihin mong ipinapasabi ko: Hangin, hingahan mo ang mga patay na ito upang sila'y mabuhay.” 10 Nagpahayag nga ako at ang hangin ay pumasok sa kanila. Nabuhay nga sila at nang magtayuan, sila'y ubod ng dami, parang isang malaking hukbo.

1 comment:

  1. Amen!!! Thank you po and praise God po sa buhay nyo Ptr. Boyet.
    To God All the Highest Glory en Praises!!

    ReplyDelete

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...