Thursday, 23 July 2020



"Isang Awit ng Pag-asa."

Rev:Vicente E. Cervantes Jr

Text: Psalm 27

 

Introduction:

Ang pag-asa para sa mga  taong makasanlibutan ay ang kanilang mga inaasahan at hinanhangad, ngunit ito’y may mas malalim na kahulugan para sa Diyos..

Jeremias 17:7

7 “Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya.

Ang Salita ng Diyos ay isang mahusay na mapagkukunan ng pag-asa para sa ating mga mananampalataya.

Ang ating teksto ngayon, ang Awit 27, ay nagpapahayag kung bakit dapat tayong magkaroon ng pag-asa.

Tinatawag itong

 

"Isang Awit ng Pag-asa."

Text: Psalm 27

1 Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan;sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking buhay, sino pa ba ang aking kasisindakan?

2 Kung buhay ko'y pagtangkaan ng taong masasama, sila'y mga kalaban ko at mga kaaway nga,mabubuwal lamang sila at mapapariwara.

3 Kahit isang hukbo ang sa aki'y pumalibot,hindi pa rin ako sa kanila matatakot;salakayin man ako ng mga kaaway,magtitiwala pa rin ako sa Maykapal.

4 Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling,iisa lamang talaga ang aking hangarin ang tumira sa Templo niya habang buhay,upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.

5 Itatago niya ako kapag may kaguluhan,sa loob ng kanyang Templo ako'y iingatan;sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay.

6 Matatalo ko ang mga nakapaligid kong kaaway.Sa Templo'y sisigaw nang may kagalakan, habang mga handog ko'y iniaalay;aawitan ko si Yahweh at papupurihan.

7 Pakinggan mo ako, Yahweh, sa aking panawagan,sagutin mo ako at iyong kahabagan.

8 Nang sabihin mo, Yahweh, “Lumapit ka sa akin,”sagot ko'y, “Nariyan na ako at kita'y sasambahin.”

9 Huwag ka sanang magagalit sa akin;ang iyong lingkod, huwag mo sanang palayasin.Tinulungan mo ako, Diyos ng aking kaligtasan, huwag mo po akong iwan, at huwag pabayaan!

10 Itakwil man ako ng aking ama at ina,si Yahweh ang sa akin ay mag-aaruga.

11 Ituro mo sa akin, Yahweh, ang iyong kagustuhan,sa ligtas na landas ako'y iyong samahan,pagkat naglipana ang aking mga kaaway.

12 Sa mga kaaway ay huwag akong ipaubaya,na kung lumulusob ay mga pagbabanta at kasinungalingan ang dalang sandata.

13 Naniniwala akong bago ako mamatay,kabutihan ni Yahweh'y aking masasaksihan.

14 Kay Yahweh tayo'y magtiwala!Manalig sa kanya at huwag manghinawa.Kay Yahweh tayo magtiwala!

Body:

I. Ang pagtitiwala sa Diyos ay Nagbibigay ng Pag-asa   (Verses 1-3)

 

1 Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan;sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking buhay, sino pa ba ang aking kasisindakan?

2 Kung buhay ko'y pagtangkaan ng taong masasama, sila'y mga kalaban ko at mga kaaway nga,mabubuwal lamang sila at mapapariwara.

3 Kahit isang hukbo ang sa aki'y pumalibot,hindi pa rin ako sa kanila matatakot;salakayin man ako ng mga kaaway,magtitiwala pa rin ako sa Maykapal.

 

 

·          "Liwanag" Iniligtas ng Diyos ang Kanyang bayan mula sa kadiliman.

 

Colosas 1:13

13 Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak.

 

• Hindi na tayo dapat matakot sa masasamang loob maging sa  kamatayan. Dahil pinapatnubayan Niya ang ating mga hakbang.

 

Mga Awit 37:23

23 Ang gabay ng tao sa kanyang paglakad, ay itong si Yahweh, kung nais maligtas; sa gawain niya, ang Diyos nagagalak.

 

• "Kaligtasan" Iniligtas ng Diyos ang makadiyos mula sa paggawad ng kaparusahan..

 

Juan 5:24

24 “Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi nakatawid na siya sa buhay mula sa kamatayan.

 

• "Depensa" Ang aking lakas ay nasa Panginoon.

 

Isaiah 54:17 

17 Ngunit mula ngayon, wala nang sandatang gagamitin laban sa iyo,at masasagot mo ang anumang ibibintang sa iyo.Ang mga lingkod ko'y aking ipagtatanggol, at sila'y bibigyan ng pagtatagumpay.” Ito ang sinabi ni Yahweh.

 

·         Walang dahilan upang magkaroon tayo ng takot , Dahil ang Diyos natin ay totoong Diyos na pinakamakapangyarihan sa lahat .

 

·         ang Kanyang bayan ay hindi dapat matakot sa anumang kaaway.

Bakit po dahil hindi nila makakayang talunin ang Diyos.!

 

·         Alalahanin ang lahat ng nagawa niya sa nakaraan.

Upang ang loob mo ay lumakas..

 

II. Ang pakikipag-ugnay sa Diyos ay Nagbibigay ng Pag-asa (Verses 4-6)

 

4 Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling,iisa lamang talaga ang aking hangarin ang tumira sa Templo niya habang buhay,upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.

5 Itatago niya ako kapag may kaguluhan,sa loob ng kanyang Templo ako'y iingatan;sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay.

6 Matatalo ko ang mga nakapaligid kong kaaway.Sa Templo'y sisigaw nang may kagalakan, habang mga handog ko'y iniaalay;aawitan ko si Yahweh at papupurihan.

 

·         Ipinagkaluob ni David  ang kanyang buong buhay sa piling ng Panginoon, kung saan ay nagawa niyang parangalan at sambahin ang Diyos.

·         Pinagtuonan niya ito ng Pansin..at pagsusumikap..

 

Mga Awit 84:1-4

 

1 Mahal ko ang iyong templo, O Makapangyarihang Yahweh!

2 Nasasabik ang lingkod mo na sa templo ay pumasok.Ang buo kong pagkatao'y umaawit na may lugod,sa masayang pag-awit ko pinupuri'y buháy na Diyos.

3 Panginoon, sa templo mo, mga maya'y nagpupugad,maging ibong layang-layang sa templo mo'y nagagalak,may inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar;O Yahweh, hari namin at Diyos na walang hanggan.

4 Mapalad na masasabi, silang doo'y tumatahan at palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan. (Selah)[b]

 

• Nais niyang "masdan ang kagandahan ng Panginoon." Kapag hinahanap ng isang tao ang Presensiya ng Diyos sa pamamagitan ng pagsamba, kinakailangan niyang tiyakin na wasto ang kaniyang paglapit..

 

• kailangan niyang gamitin ang kanyang isip, emosyon, at kalooban. Sa pagsasagawa nito, upang maranasan niya ang kasiya-siyang uri ng pagsamba sa Diyos...

 

• Inihayag ni David kung gaano siya nakadipende sa Diyos. Ang tabernakulo ng Diyos, ang Kanyang tolda, ang kanyang bato sangalang ay nagpapakita kung gaano siya kaligtas sa presensya ng Diyos...kaya wala siyang ginawa kundi ang umawit sa harap ng Presensiya ng Diyos at ito dapat ang ating maging tugon..Ito rin ang dapat nating tugon.

 

 Mga Hebreo 13:15

15 Kaya't lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan.

 

III. Ang Kaawaan ng Diyos ay Nagbibigay ng Pag-asa (Verses 7-12)

·         Hinanap ni David ang habag at awa ng Diyos. Nanalangin siya ng malakas.

 

Mga Awit 4:6-7

6 Tanong ng marami, “Sinong tutulong sa atin?”Ikaw, O Yahweh, ang totoong mahabagin!

7 Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan,higit pa sa pagkain at alak na inumin.

 

·         Nagtitiwala siya na pakinggan ng Diyos ang kanyang panalangin.

 

Isaias 65:24

24 Ang dalangin nila kahit hindi pa tapos ay aking diringgin,

    at ibibigay ko ang kanilang hinihiling.

 

·         Kahit na pinabayaan ng kanyang mga magulang, alam niyang hindi siya pababayaan ng Diyos

 

Mga Hebreo 13:5-6

5 Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” 6 Kaya't malakas ang loob nating masasabi,“Ang Panginoon ang tumutulong sa akin,hindi ako matatakot.Ano ang magagawa sa akin ng tao?”

 

·         Nais ni David na turuan siya ng Diyos sapagkat alam niya na aakayin siya nito sa isang "landas na matiwasay ."

 

·         Nagtitiwala siya sa Diyos na aakayin siya nito sa tamang landas.

 

Mga Awit 119:105

105 Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay,sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw

 

·         Tandaan natin na ang ating kaaway ay nakamasid sa ating pagbagsak”            

 

Mga Awit 5:8

8 Patnubayan mo ako, Yahweh, sa iyong katuwiran,dahil napakarami ng sa aki'y humahadlang, landas mong matuwid sa aki'y ipaalam, upang ito'y aking laging masundan.

 

IV. Ang kaaliwan ay mula sa Diyos na nagbibigay ng Pag-asa (Verses 13-14)

 

13 Naniniwala akong bago ako mamatay,kabutihan ni Yahweh'y aking masasaksihan.

14 Kay Yahweh tayo'y magtiwala!Manalig sa kanya at huwag manghinawa.Kay Yahweh tayo magtiwala!

 

• May malakas  na pananampalataya si David sa kabutihan ng Diyos na nagingat sa kanya sa panahon ng kawalang pag-asa.

 

• Ang kabutihang ito ay hindi lamang para sa susunod na buhay, kundi para sa kasalukuyang buhay... Nagbigay ito ng ginhawa sa kanya sa panahon ng mahihirap na sitwasyon .

 

 

Mga Awit 23:6

6 Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay; at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan.

 

• Magtiyaga sa paghihintay sa katugunan ng Panginoon. Magtiwala sa oras o panhong itinakda niya. Maghintay nang may kumpiyansa.

• at Ang nakaaaliw na kaisipang ito ang siyang  nagbibigay ng pag-asa.

Konklusyon:

“HUWAG SUSUKO!” May awa din ang DIYOS!

"Maghintay sa harap ng Kanyang pintuan nang may kalakip na pananalangin ;  maghintay sa Kanyang paanan nang may pagpapakumbaba; maghintay sa Kanyang hapag na may kalakip na pagseserbisyo; maghintay sa Kanyang bintana nang may kalakip na pag-asa. ”

 

1 comment:

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...