Friday, 1 May 2020


RAPTURE

1 Tesalonica 4:13-17

13 Ngunit, hindi ko ibig na kayo mga kapatid, ay hindi makaalam patungkol sa mga natutulog upang huwag kayong magdalamhati na tulad ng mga iba na walang pag-asa.
14 Ito ay sapagkat kung naniniwala tayo na si Jesus ay namatay at nagbangong muli, gayundin naman ang mga natutulog kay Jesus ay dadalhin ng Diyos kasama niya.
15 Ito ay sinasabi namin sa inyo ayon sa salita ng Panginoon na tayong nabubuhay at nanatili hanggang sa pagdating ng Panginoon ay hindi mauuna sa anumang paraan sa mga natutulog.
16 Ito ay sapagkat ang Panginoon din ang siyang bababa mula sa langit na may isinisigaw na utos, na may tinig ng pinunong-anghel at may trumpeta ng Diyos. Ang mga patay kay Cristo ay unang magbabangon.
17 Pagkatapos nito, tayong mga buhay at naririto pa ay kasama nilang aagawin sa mga alapaap upang salubungin natin ang Panginoon sa hangin. Sa gayon, makakasama natin ang Panginoon magpakailanman.

Ang  Rapture of the Church ay isang malaki at maluwalhating tagpo na natala ayon sa isinulat ng mga propeta na nakaplano at  tiyakang mangyayari..sa takdang panahon.

Marami sa ating mga simbahan ang nagaantay nalang kong mangyayari ba ito o hindi dahil nagkakaroon na ng mga kalituhan dahil sa dami ng naglalabasang turo hingil dito kayat mahalaga po nating talakayin ito..

Kaya sa umagang ito ay maingat po nating pagaaralan ang mga bagay na may kaugnayan dito:
   

  

1. Kahulugan ng salitang Rapture
2. Ibat ibang paniniwala o pananaw  sa Rapture.
3.  ang pagkakaiba sa pagitan ng Rapture at Second coming of Christ
4.  ang resulta ng Rapture of the Church.
5. ang pangako at babala hingil sa Rapture.

I. Talakayin natin ang kahulugan ng salitang Rapture

·         Ang salitang "Rapture"ay hiniram sa Latin Vulgate Bible at nasalin sa English Bible as "caught up." "Caught up" sa tagalog “pagdagit”
·         Sa  Greek ay "harpazo", na ang kahulugan "to snatch or catch away...to take by force." Simple lang sa tagalog yan “Agawin”

·         Ang  salitang  English ay nagbigay din ng kahulugan na "to transport to a state of happiness" “dalhin sa isang estado ng kaligayahan” na nagmula naman sa salitang latin na  "rapio."
·         Rapio means "to seize quickly or suddenly or to snatch away." “sakupin nang mabilis o agawin”
·         Tayo po ay aagawin upang makasama na ng may kagalakan ang ating Panginoon..

II. Ibat- ibang paniniwala o pananaw  sa Rapture

·         Marami pong pananaw na itinuturo hingil po sa usapin ng Rapture.
·         Ang apat na pananaw :

1. Post Tribulationist
2. Pre-wrath Tribulationist
3. Mid-Tribulationist
4. Pre-Tribulationist

1. Post Tribulationist view:

·         Ang paniniwala na ang Church ay mararupture sa katapusan ng the Great Tribulation Period..

2. Pre-wrath Tribulationist view:
·         Ito naman ay nagtuturo na ang Church ay dadagitin sa kalagitnaan ng last three and a half years of the Great Tribulation Period.

3.       Mid-Tribulationist view:

·         Nagtuturo na dadagitin ang Church in the middle of the Great Tribulation Period.

4.       Pre-Tribulationist view: ito ang ating stand

·         Ito po ay nagtuturo na mauuna muna ang pagdagit bago ang  Tribulation Period.
·         Ito ang tinatayuan natin ,dahil ito ay nakasalig sa napakaraming talata sa Biblia..:

·         Ang Church ay hindi tinawag para danasin ang matinding galit ng Diyos.
·         Ang sabi ng kasulatan ang  Great Tribulation Period ay pagpapakita niya ng matinding galit niya..

Pahayag 6:16
16 Sinabi nila sa mga bundok at mga bato, “Tabunan ninyo kami at itago upang hindi namin makita ang mukha ng nakaupo sa trono at upang makaligtas kami sa galit ng Tupa.
17 Sapagkat dumating na ang araw na parurusahan nila ang mga tao, at walang sinumang makakapigil sa kanila.”

Pahayag 15:7
7 Ang isa sa apat na buhay na nilalang ay nagbigay sa pitong anghel ng tig-iisang sisidlang ginto na puno ng mga parusa ng Dios na nabubuhay magpakailanman.
8 Napuno ng usok ang templo dahil sa kadakilaan at kapangyarihan ng Dios. At walang makakapasok doon hanggaʼt hindi pa natatapos ang pitong salot na dala ng pitong anghel.

·         Pinalaya na tayo ni Cristo mula sa matinding galit niya na darating ..

1 Tesalonica 1:10
10 At sila na rin ang nagsasabi tungkol sa paghihintay nʼyo sa pagbabalik ng Anak ng Dios mula sa langit, na walang iba kundi si Jesus na muli niyang binuhay. Siya ang magliligtas sa atin sa darating na kaparusahan.

Roma 5:9
9 At ngayong itinuring na tayong matuwid sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tiyak na maliligtas tayo sa parusa ng Dios dahil kay Cristo.

·         Kaya malinaw na ang  Church ay hindi mararanasan iyong Great Tribulation Period.

III. Ang pagkakaiba sa pagitan ng Rapture at Second coming of Christ

·         Ako poy naniniwala na kaya maraming naglutangan na mga aral patungkol sa Rapture ay sa kadahilanang marami ang hindi nakakaalam na ang Rapture at ang second coming ay magkaibang Event .

·         Ito po ay magkahiwalay na tagpo o pangyayari..

·         Sa Rapture of the Church, si Cristo po ay hindi bababa sa lupa ,kundi katatagpuin niya tayo sa alapaap ..

1 Tesalonica 4:17
17 pagkatapos, ang mga buhay pa sa atin sa araw na iyon ay kasama nilang dadalhin sa mga ulap para salubungin ang Panginoon sa himpapawid. At makakasama na natin ang Panginoon magpakailanman.

·         Iyon naman pong Second Coming ,siya ay bababa sa lupa .

Zacarias 14:4
4 Sa araw na iyon, tatayo siya sa Bundok ng mga Olibo, sa silangan ng Jerusalem. Mahahati ang bundok na ito mula sa silangan hanggang sa kanluran. Ang kalahati ng bundok ay lilipat pahilaga at ang kalahati naman ay lilipat patimog. At magiging malawak na lambak ang gitna nito.

Gawa 1:11
11 at nagsabi, “Kayong mga taga-Galilea, bakit nakatayo pa kayo rito at nakatingala sa langit? Si Jesus na inyong nakita na dinala paitaas ay babalik dito sa mundo. At kung paano siya pumaitaas, ganyan din ang kanyang pagbalik.”

·         Sa Rapture, darating siya bilang upang iligtas ang Church sa dakilang kapighatian at bigyan ng walang hangang kagalakan..

·         Sa  Second Coming, siya y darating para iligtas ang Israel physically at labanan ang and fight anti-christ at ang kaniyang mga kapanalig..

Pahayag 19:11-21
11 Pagkatapos, nakita kong nabuksan ang langit, at may puting kabayo na nakatayo roon. Ang nakasakay ay tinatawag na Tapat at Totoo. Sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma. 12 Parang nagniningas na apoy ang mga mata niya at marami ang mga korona niya sa ulo. May nakasulat na pangalan sa kanya, na siya lang ang nakakaalam kung ano ang kahulugan.
13 Ang suot niyang damit ay inilubog sa dugo. At ang tawag sa kanya ay “Salita ng Dios.”
14 Sinusundan siya ng mga sundalo mula sa langit. Nakasakay din sila sa mga puting kabayo, at ang mga damit nila ay malinis at puting-puti.
15 Mula sa bibig niya ay lumalabas ang matalas na espada na gagamitin niyang panlupig sa mga bansa. At pamamahalaan niya sila sa pamamagitan ng kamay na bakal. Ipapakita niya sa kanila ang matinding galit ng Dios na makapangyarihan sa lahat.
16 Sa damit at sa hita niya ay may nakasulat: “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.”
17 Pagkatapos, nakita ko ang isang anghel na nakatayo sa araw. Sumigaw siya sa mga ibong lumilipad sa himpapawid, “Halikayo! Magtipon kayo para sa malaking handaan ng Dios!
18 Halikayo! Kainin ninyo ang laman ng mga hari, mga heneral, mga kawal, mga nakasakay sa kabayo, pati na ang laman ng kanilang mga kabayo. Kainin ninyo ang laman ng lahat ng tao, alipin man o hindi, hamak man o dakila.”
19 Pagkatapos, nakita ko ang halimaw at ang mga hari sa mundo kasama ang kanilang mga kawal. Nagtipon sila upang labanan ang nakasakay sa puting kabayo at ang kanyang mga sundalo mula sa langit.
20 Ngunit dinakip ang halimaw. Dinakip din ang huwad at sinungaling na propeta na gumagawa ng mga himala para sa halimaw. Ang mga himalang ito ang ginamit niya upang dayain ang mga taong may tatak ng halimaw at sumasamba sa imahen nito. Silang dalawa ay itinapon nang buhay sa lawang apoy na may nagliliyab na asupre.
21 Pinatay ang mga sundalo nila sa pamamagitan ng espadang lumabas sa bibig ng nakasakay sa puting kabayo. At ang mga ibon ay nagsawa sa kakakain ng kanilang bangkay.

VI. Ang resulta ng Rapture of the Church

1. aalisin nito ang Church sa mundong ito bago ang dakilang kapighatian ay magsimula...
2. babaguhin nito ang ating katawan mula sa nabubulok tungo sa hindi na nabubulok..
3. ang pagdagit ay tanda nang pasimula ng dakilang kapighatian dahil pagkatapos na madagit ang mga mananampalataya doon na magpapakilala ang  anti-christ .
4. ang Church ay kukunin upang sa ganun matapos ng panginoong Jesus ang mga hulang tumutukoy sa bayang Israel..
5.ata ng mensahe ng  rapture ay lumilikha ng kaaliwan at magbibigay ng matatag na pundasyon ng pag-asa sa mga hinirang.

V. Ang pangako at babala hingil sa Rapture.

Juan 14:1-4
1 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong mabagabag. Magtiwala kayo sa Dios at magtiwala rin kayo sa akin.
2 Sa tahanan ng aking Ama ay maraming silid. Pupunta ako roon para ipaghanda kayo ng lugar. Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito totoo.
3 Kapag naroon na ako at naipaghanda na kayo ng lugar, babalik ako at isasama kayo upang kung nasaan ako ay naroon din kayo.
4 At alam nʼyo na ang daan papunta sa pupuntahan ko.”
·         Kong ang Diyos nagbigay ng pangako nagbigay din siya ng warning patungkol sa Rapture.

2 Corinto 6:14-18
14 Huwag kayong makiisa sa mga hindi mananampalataya. Sapagkat hindi maaaring magkaisa ang kabutihan at kasamaan, gaya ng liwanag at dilim hindi rin sila maaaring magsama. 15 At kung paanong hindi magkasundo si Cristo at si Satanas, ganoon din naman ang mananampalataya at ang hindi mananampalataya. 16 Hindi maaaring magsama ang mga dios-diosan at ang Dios sa iisang templo. At tayo ang templo ng Dios na buhay! Gaya ng sinabi ng Dios,

“Mananahan akoʼt mamumuhay sa kanilang piling.
    Akoʼy magiging Dios nila,
    at silaʼy magiging mga taong sakop ko.
17 Kaya lumayo kayo at humiwalay sa kanila.[a]
    Layuan ninyo ang itinuring na marumi[b]
    at tatanggapin ko kayo.
18 At akoʼy magiging Ama ninyo,
    at kayo namaʼy magiging mga anak ko.
    Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”

·         Ang mga Kristiyano ay may obligasyon na paalalahanan ang mga kapatid na tumalikod na magsisi at manumbalik na sa panginoon dahil malapit na siyang dumating,,malapit ng mag rupture..

Efeso 5:26

26 upang maging banal ito matapos linisin sa pamamagitan ng bautismo sa tubig at ng salita ng Dios.
27 Ginawa niya ito para maiharap niya sa kanyang sarili ang iglesya na maluwalhati, banal, walang kapintasan, at walang anumang bahid o dungis.

Tignan po natin uli ang magkakasunod na event :

1.       Rupture

2.       Judgement set of Christ huhukuman tayo hindi sa masasamang nagawa kundi sa mabubuting nagawa natin..kasabay niya iyong marriage suffer of the lamb habang sa lupa ay nagagnap naman ang great tribulation.

3.       Tapos second Coming na kasama tayong bababa dito mangyayari iyong battle of armagidon tatalunin niya ng antiCristo at igagapos si satanas at ihuhulog sa malalim na balon..

4.       Kaya sa loob ng isang libong taon maghahari si Cristo kaya walang kaguluhan napakasayang mamuhay sa mga panahon na iyon pagkatapos ng millenial reingh of Christ hindi na nasulat pa ang mga sumusunod na mangyayari,,



No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...