Monday, 20 April 2020


PANANAMPALATAYANG WALANG KALAKIP NA PAGKATAKOT

Joshua 14:10-12

·         Noong nakarang abril 9 araw ng kagitingan ay ginunita natin ang kabayanihan ng mga sundalong lumaban sa mga hapon  upang makamit natin ang kalayaang inaasam during worldwar2
·         Sa ating pagtunghay sa kasulatan ngayong umaga ,ay aking naalala ang isang  dakilang bayani ng pananampalataya ...si Caleb

·         Siya ay lalaking buo ang loob matapang , lalaking may maigting na pananampalataya
·         Isa ring  lalaki na may mabagsik na kakayahan sa pakikipagdigma..
·         Buksan natin ang ating biblia sa

Josue 14:10-12
10 Apatnapu't limang taon na ang lumipas buhat nang sabihin ito ni Yahweh kay Moises. Noo'y naglalakbay pa sa disyerto ang bayang Israel. Iningatan ni Yahweh ang buhay ko hanggang ngayon. Walumpu't limang taon na ako ngayon 11 ngunit hindi pa nagbabago ang lakas ko mula nang ako'y isugo ni Moises upang siyasatin ang lupaing ito. Kaya ko pang makipaglaban at gawin ang kahit anong trabaho. 12 Kaya ibigay mo na sa akin ang kaburulang ipinangako sa akin ni Yahweh. Narinig mo rin na mga higante ang nakatira doon at matitibay ang pader ng naglalakihan nilang lunsod. Ngunit sa tulong ni Yahweh ay palalayasin ko sila sa lupaing iyon gaya ng ipinangako niya.”

Anong aral ang matotonan natin kay Caleb?

1.       NAGHAHANAP ANG DIYOS NG TAONG MAGTITIWALA SA KANIYA NG LUBOS..

·         Sumunod si caleb sa panginoon sa loob ng 45 na taon sa ilang..

·         Kaya nga si Caleb lang at si Jushua ang nakaligtas mula sa ilang

·         Kasi sila lang ang nagnasang  sumunod sa Diyos upang pasukin at maagaw mula sa mananakop ang lupaing ibinigay sa kanila ng Diyos..ang lupang pangako.

·         Ang naging resulta sa mga Israelitang hindi tumuloy at masminabuti nilang manatili sa ilang ay nangamatay..na hindi man lang nakita ang lupang pangako..

·         Naintindihan ni Caleb na may Diyos siyang pinaglilikuran  na tapat sa kaniyang mga pangako..
·         Alam niyang sa anumang panganib na kakaharapin kasama nila ang Diyos

·         Ang ating problema sa ngayon ay ang pagsusumikap nating kaharapin ang mga hamon sa buhay sa pamamagitan ng sarili nating diskarte..kaya mas nahuhulog tayo sa mas malaki pang problema..

·          Kong kaya nga ang Diyos ay naghahanap ng mga taong inilalagak ang buong tiwala sa kaniya..
·         Ang sabi ng Diyos si Caleb ay sumunod sa kaniya ng buong puso..

·         Inilagay ni Caleb ang buong pagtitiwala niya sa Diyos ..sa kabuuan ng aspeto ng kaniyang buhay ipinagkatiwala niya sa Diyos..

·         Pinanghawakan ni Caleb iyong pangako ng Diyos sa kaniya na makababalik siya sa canaan at doon na siya maninirahan..


2.ANG DIYOS AY NAGHAHANAP NG TAONG HANDANG SUMUNOD SA KANIYA

·         Sumunod si Caleb sa Diyos ..sinunod niya ang anumang sa kaniya ay iniutos.

·         Si Caleb ay lumakad kasama ang Diyos ..at siya ay nanatili sa panig ng Diyos sa kabila na nag buong pangkat ng mga Israelita ay nagrebelde laban sa Diyos.

·         Nakita ng Diyos ang maibubunga ng pagsuway ,mga ayaw magpasakop sa Diyos..

·         Kaya mas lalo pa niyang naunawaan na ang Diyos ang siyang pinagmumulan ng kanilang lakas.
·         Kapag sumunod tayo sa Diyos ,ito ang magdadala satin upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok at malagpasan ang anumang hadlang sa ating daraanan..o pagdadaanan sa buhay

·         Ang Diyos ay hindi nangako na hindi tayo dadanas ng mga kahirapan sa buhay ,bagkos siya’y nangako nang mas higit pa diyan ..

·         Ang Diyos ay nangako na siya ay sasaatin sa panahon na tayo’y dumadaan sa mga pagsubok at kahirapan sa buhay

·         Kasama natin ang Diyos kaya’t walang dapat pangambahan..ang kristiyano..

3.       NAGHAHANAP ANG DIYOS NG MGA TAONG MAKAKTAYO SA ANUMANG HAMON NA KAKAHARAPIN SA BUHAY..

·         Alam ni  Caleb ang hamon na kakaharapin niya pagdating nila sa lupang pangako ,
·         Nakita niya ang mga kaaway na kakaharapin niya doon.

·         Ngunit hindi lamang tinanggap ni caleb ang hamon ,kundi tinangap niya ang pinaka malaking hamon..

·         Pinili ni Caleb ang Canaan sa kabila ng nandoon ang mga Anakites.
·         Na kong saan ang lahi ni Goliat ay matatagpuan... mga higante ang mga tao doon..

·         Pumasok si caleb doon upang patayin ang mga manankop na mga Higanteng nakatira doon..
·         Ang paguugali ni Caleb ay kamanghamangha... ang sabi niya kong tutulungan ako ng Diyos palalayasin ko silang lahat..

·         Wala siyang pagaalinlangan . walang anumang bahid ng takot
·         Ang tinignan niya ang Diyos na katulad nong siya ay nasa ilang nakita niya kong paano sila sinamahan ng Diyos..kaya magagamit niya iyon para sa susunod na yugto na kaniyang kakaharapin.

PAGTATAPOS:

·         Sa lahat ng mga hamon na dumarating sa ating buhay ang tanging katanungan lamang na nanatili ay magtitiwala ba tayo sa Diyos o hindi..?

·         Hindi inialis ng Diyos ang mga hamon kasama natin iyon sa takbo ng ating buhay pero kahit bna anuman ang kinakaharap mo ngayon . tiyak na sasamahan ka niya..sa anumang hamon na kakaharapin mo sa buhay..kaya huwag kang matakot tumugon ka sa panawagan ng Diyos sayo..



No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...