Sunday, 3 May 2020


PAANO TAYO MAKATAGPO NG KAGALAKAN SA KABILA NG MGA KAGULUHANG NARARANASAN SA BUHAY?
Santiago 1:2-4
2 Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng mga pagsubok.
3 Sapagkat alam ninyong nagdudulot ito ng katatagan sa inyong pananampalataya. 4 Kaya tiisin ninyo ang mga pagsubok upang maging ganap at walang anumang pagkukulang ang buhay nʼyo.  
          
Juan 16:33
33 Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, pero magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo.”

PAANO MAKATAGPO NG KAGALAKAN SA KABILA NG MGA KAGULUHAN NARARANASAN SA BUHAY?

·         Tignan po natin ngayong umaga ang ilan sa kingdom principles of faith kong paano na tayo ay maging matagumpay at magkaroon ng kagalakan kapag iniligtas na kayo ng Panginoon.

Isaias 12:2-3
2 Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas.Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot. Kayo, Panginoon, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit.Kayo nga ang nagligtas sa akin.”
3 Kung paanong ang malamig na tubig ay nagbibigay kagalakan sa nauuhaw, kayo naman ay magagalak kapag iniligtas na kayo ng Panginoon.

1.LUBUSAN NA NATING TALIKDAN ANG NAKARAAN.

Filipos 3:13
13 Mga kapatid, hindi ko sinasabing naabot ko na ang ganap na buhay. Ngunit ito ang ginagawa ko ngayon: Kinakalimutan ko na ang nakaraan at pinagsisikapan kong makamtan ang nasa hinaharap.
Hangat hindi tayo lumalaya sa nakaraan o nakalipas ,hindi tayo magakakaroon ng galak na kailangan natin upang makaharap ang mga pangkasalukuyang pagsubok at problema.

Kinilala ni apostol pablo yong bigat ng kahapon..kapag hangang ngayon dala-dala mo pa din iyan mahihirapan ka talaga..hindi ka makakusad o kong makausad ka man sobrang bagal
alam ni Pablo iyon kaya binitawan niya..ganun din dapat tayo..

kinakailangang bitawan natin ang ating dala-dalahan sa nakaraan upang sa ganun ma enjoy naman natin ang pangkasalukuyan at panghinaharap..

hindi natin maeenjoy ang pangkasalukuyan at di natin mararting ang panghinaharap kong hindi natin iiwan ang nakaraan..kaya marapat lamang na iwan na natin ang bangungut ng nakaraan sa ating mga buhay..

2. KINAKAILANGAN MAGKAROON TAYO NG PANGITAIN HIGIT SA ATING MGA KAHIRAPAN NA PINAGDADAANAN SA ATING BUHAY..

Kawikaan 29:18
18 Kapag tinanggihan ng isang bansa ang turo at gabay ng Dios, wala itong kapayapaan. Mapalad ang mga taong sumusunod sa turo ng Dios.

·         Ang pangitain o maging ang pangarap ang siyang pupuno sa atin at magdudulot ng kagalakan sa gitna ng mga kahirapan na ating nararanasan sa buhay,dahil binibigyan tayo nito ng kakayahang makita ang ating kinabukasan..,

·         Tinutulungan tayo nito na huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga kahirapan at problemang kinakaharap sa buhay.

·         Kapag nagpatuloy tayong naka focus on our vision kong ano ang inilaan ng Diyos para sa atin at kasama na dito yong pangwalang hangang pagpapala ,makikita natin na lahat ng nagyayari sa atin ay pansamantala lamang kaya magkakaroon pa din tayo ng galak na naguumapaw sa ating mga puso.

2 Corinto 4:16-18
16 Iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na unti-unting humihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu.
17 Sapagkat ang mga paghihirap na dinaranas namin sa mundong ito ay panandalian lamang at hindi naman gaanong mabigat. At dahil sa aming mga paghihirap, may inihahandang gantimpala ang Dios para sa amin na mananatili magpakailanman at hinding-hindi mapapantayan.
18 Kaya hindi namin pinapahalagahan ang mga bagay na nakikita sa mundong ito kundi ang mga bagay na hindi nakikita. Sapagkat ang mga bagay na nakikita ay panandalian lamang, pero ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.

Illustration:
·         Sa isang Germany's famous art galleries, a painting called "Cloud Lane" hangs at the end of a long dark hall.
·         Mayroon pong malaking painting ,ngunit napakapangit at may nakalilitong combinasyon ng kulay,hindi ka talaga maiinganyong tignan ito . pero kapag nilapitan mo ito makikita mo ang hindi mabilang na dami ng mga anghel..

·         Kapag ang ating kaluluwa ay puno ng pagsubok at problema wala ka nang nakikita kundi makapal na ulap pawang kabiguan at kawalang pag-asa ..Ngunit kong titignan mo ito ayon sa iyong tinatayuang pananampalataya matutuklasan mo na ang makapal na ulap ay karwahi ng kalinga ng Diyos na punong-puno ng mga anghel ng kahabagan na sayo ay tutulong..pagkatapos ng unos ang kasunod ay dakilang pagtatagumpay na laan na ng Diyos para sa atin..

The example of Joseph - Genesis 37:5-11.

·         Si Joseph ang siyang mainam na halimbawa ng taong nakaranas ng mga kahirapan at ibinahagi niya ang kaniyang karanasan.

·         Ang kaniyang mga kapatid ay nagalit sa kaniya dahil lamang sa kaniyang panaganip kaya naisipan nilang ipagbili siya para maging alila.

·         Ikinulong siya sa kasalanang hindi naman niya talaga ginawa ngunit sa kabila ng lahat may galak pa din siya sa puso..hindi siya nagtanim ng galit.

·         Ang dahilan niyan mayroon kasi siyang pangitain at pangarap na mas malaki pa kaysa sa dinadanas niyang mga paghihirap..kaya ano po ang kinalabasan..

Genesis 39:22
22 Kaya ipinagkatiwala niya kay Jose ang pamamahala sa lahat ng bilanggo at ang lahat ng gawain sa bilangguan.

·         Dahil sa kaniyang hindi natitinag na paguugali ng kagalakan sa gitna ng mga paghihirap na pinagdadaanan ,nakita niya ang kaniyang pangarap at pangitain ay unti-unting nagkakaroon ng kaganapan sa kaniyang buhay..

·         Pinili ni Jose na huwag maging biktima ng kaniyang damdamin na hihingi ng sorry sa kaniyang sarili ang ibig sabihin tumangi siyang maawa sa kaniyang sarili..

·         At hindi siya gumanti sa mga taong nkagawa sa kaniya ng pagkakamali.

Genesis 50:20
20 Totoong nagplano kayo ng masama sa akin, pero plinano na ng Dios na magdulot iyon ng kabutihan na siyang nagligtas ng marami sa inyo sa taggutom.

KAYA NGA PO GAYAHIN NATIN SI JOSE ...KINAKAILANGAN MAGKAROON TAYO NG PANGITAIN O PANGARAP HIGIT SA ATING MGA KAHIRAPAN NA PINAGDADAANAN SA NGAYON SA ATING BUHAY

3. MAG FOCUS TAYO SA KALAGUAN NA NAIS NG DIYOS NA MAPASAATIN.

·         Nais ng Diyos na ang mga kahirapang ating nararanasan ay magsilbing aral sa atin upang maibalik natin sa kaniya ang ating tiwala..ang umasa tayo sa kaniya sa lahat ng panahon at pagkakataon..dahil ito ay opurtunidad para sa atin upang lumago sa pagkakilala sa kaniya.
·         Ang paglago natin ay nakakamtan hindi sa magaang na karanasan sa buhay kundi sa mga mabibigat na karanasan na ating naranasan natoto tayo.

Roma 5:3-5
3 At nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis. 4 Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao. At kung mabuti ang ating pagkatao,may pag-asa tayo na makakabahagi tayo sa kadakilaan ng Dios. 5 At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ipinadama ng Dios sa atin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin.

·         Kadalasan kapag ang mga kaguluhan sa buhay ay dumating naka focus tayo sa ating sarili at sa problema kaya nawawala ang ating kagalakan.

·         Kaya ang nangyayari nag dedevelop tayo ng survival mentality kaysa overcoming mentality..

·         Alm niyo dapat ang laman ng kaisipan natin hindi ang makaraos lang kundi ang magtagumpay..

·         Iyon po ang  overcoming mentality ito po ang magdadala sa atin sa spiritual growth and maturity sa panginoon at ganun din upang maging matagumpay sa buhay..

·         KAYA MAG FOCUS TAYO SA KALAGUAN NA NAIS NG DIYOS NA MAPASAATIN.

4. IPAGKATIWALA NATIN SA DIYOS ANG LAHAT NG BAGAY.

Salmo 5:11-12
11 Ngunit magalak nawa ang lahat ng nanganganlong sa inyo;magsiawit nawa sila sa kagalakan.
    Ingatan nʼyo silang mga nagmamahal sa inyo, upang sa inyo magmula ang kanilang kagalakan.
12 Pinagpapala nʼyo Panginoon ang mga matuwid. Ang pag-ibig nʼyo ay parang kalasag na nag-iingat sa kanila.

·         Ang ating kakayahang magtiwala sa Diyos sa kabila ng mga kahirapang ating patuloy na nararanasan ay napakalakas na pangunahing elemento upang mahanap ang kagalakan sa gitna ng nararanasang kapighatian sa buhay..

Salmo 37:3-4
3 Magtiwala ka sa Panginoon at gumawa ng mabuti.Sa gayon ay mananahan ka nang ligtas sa lupaing ito.
4 Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan,at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.

Filipos 4:4-7
4 Magalak kayong lagi sa Panginoon! Inuulit ko, magalak kayo!
5 Ipakita nʼyo sa lahat ang kagandahang-loob ninyo. Malapit nang dumating ang Panginoon! 6 Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat. 7 Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.

Salmo 125:1
1 Ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay tulad ng Bundok ng Zion na hindi natitinag, sa halip ay nananatili magpakailanman.

CONCLUDING REMARKS.

Sa ating pagtatapos nais kong malaman ninyo na pwede kang magkaroon ng kagalakan sa gitna ng mga pagsubok o kapighatiang iyong nararanasan sa buhay at ang kagalakang iyon ang magbibigay ng lakas sayo upang makapagpatuloy at mapagtagumpayan ang lahat ng iyong nararanasan sa buhay..


No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...