PANATILIHIN ANG PANANAMPALATAYA SA PANAHON NG KAGIPITAN.
Awit 27:1
1 Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang
aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat
katakutan.
Paano natin mapananatili ang ating pananmpalataya sa panahon
ng kagipitan?
Madalas ang bagyo sa
buhay ay dumarating ng hindi inaasahan:
·
Pangit na balita
·
Ipinagkanulo ka ng iyong kaibigan
·
Kahirapan sa iyong trabaho
·
Paghihirap ng iyong mahal sa buhay
·
Sa isang segundo tungo sa panibago tayo ay
nalilipat sa panibagong katotohanan ng mga pangyayari na pilit sumasaklaw sa
ating kaluluwa at katawan at ang alon nito ay nagbibigay sa atin ng katatakutan
at pangamba..
·
Ang ating bangka ay patuloy sa pag-uga sa
nagngangalit na karagatan..
·
Natuklasan natin napakahirap mag isip ng malalim
,hindi ka makapanalangin,ang mag isip ng malinaw,at manatiling kalmado sa iyong
pananampalataya sa panahon ng kagipitan..iyan ang katotohanan.
Ilustration:
Naalala ko noong umuwi kami sa Probinsiya ng aking asawa sa
Jintutolo Masbate ,First Time ko iyon na sumakay sa barko . sa unang paglalayag
okay pa ako panatag at kalmado ngunit sa patuloy na pagusad ng barko at nasa
kalagitnaan na kami ng karagatan biglang sumungit ang panahon..sadyang
napakalalaki ng alon na aming sinagupa at unti-unti na nagsimula ang aking
pagkabalisa ,hindi na ako makapag-isip ng malalim,hindi ko na din nagawang
manalangin,at nawala ang aking pagiging kalmado at napalitan ng dakilang
pangamba..hangang sa nakita ko nalang ang aking sarili na balik ng balik sa
Comfort Room pero hindi pa rin ako mapanatag butil butil na ang aking pawis at
maputla na ang aking kulay at pagpumasok na ako sa aming kwarto sa loob ng
barko hindi ko naman mapigilan ang panginginig ng aking katawan..at hangang sa
nakita ko ang aking sarili na kasama ko na ang mga maintenance ng barko na
nagbababa ng mga harang sa gilid ng barko parang nawala ako saglit sa sarili ..at
pagdating namin sa Roxas City nakahinga ako ng malalim ang problema sasakay
nanaman kami ng bangka patungong Jintutolo Island dahil doon ang lugar ng aking
asawa .another byahe nanaman ito tatlong oras ka nanamang maglalayag sa bangka
at sadyang napakalalaki talaga ng alon na sinasagupa ng bangka nako ayan
nanaman inatake nanaman ng takot kaya pag dating sa pampang nasa harapan ko na
byanan ko hindi ko pa nakilala naki pagagawan pa ako ng bag na dala ko doon sa
inutusan niyang kumuha ng bag ko lingaw pa ako hahaha, at dahil diyan sa
karanasang iyan aking napagtanto na ganun pala ang nararanasan ng mga taong natatakot
at nabablisa.
1.
ANG PAGLABAN UPANG MAPANATILI ANG
PANANAMPALATAYA SA PANAHON NG KAGIPITAN
Ang pinakamahalaga
ngunit mahirap na bagay na gawin sa panahon ng kagipitan ay ang iwanan
ang ating pagtuon sa pagkatakot at pangambang nararanasan at ituon na lamang
natin ang ating pansin sa panginoon. Napakadaling sabihin pero pag nandun ka na
matutuklasan mo ang katotohanan napakahirap palang gawin..
Pero pakatandaan natin kapag nagawa natin ito ..at higit
tayong nag Focus sa panginoon,sa kaniyang katangian,at sa kaniyang mga
pangako,higit mong mararanasan at matatangap ang kaniyang kapayapaan at
pag-gabay..
Ang tawag ng Biblia dito ay ang pagkakaroon ng kaisipang
nagpapatuloy at nanatili..mapagtiwala sa Diyos.
Isaias 26:3
3 Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong
kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo.
Magagawa natin ito
kong babalotan natin ang ating mga kaisipan ng ng mga talatang magdadala
sa atin upang pagtibayin ang ating pag-asa at magkaroon tayo ng ganap na
kapayapaan sa kabila ng mga kagipitan na ating nararanasan sa buhay..
Si David ay nagsalita sa kaniyang pagkatakot at kabalisahan
kaniyang ipinahayag na ang Diyos ang kaniyang ilaw ,kaligtasan , at kanlungan .
Hindi ba ito din ang kailangan nating gawin sa panahon ng kagipitan?
Awit 27:1
1 Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang
aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat
katakutan.
2.
MANATILING MATATAG SA PANANAMPALATAYA SA
PAMAMAGITAN NG PAGALALA KONG SINO ANG DIYOS SA BUHAY NATIN.
Para makapanatili tayong matatag sa ating pananampalataya sa
panahon ng kagipitan kailangan nating alalahanin kong sino ang Diyos at kong
ano ang kaniyang ginawa sa nakalipas para sa atin ..
Kinakailangan natin ng espirituwal na diseplina kailangan natin
itong mapagsanayan na gawin..
Ang salitang Hebreo na zakar ay madalas magamit sa Biblia ,karamihan
ay makikita natin sa lumang tipan at sa aklat ng mga Awit.
Ito po ay naisalin sa
English words na remember, remembered,
or remembrance.
Sa ibang salin naman po “mention”, “think”, and “mindful”.
Ang zakar ay hindi lamang tumutukoy sa pagalala kundi ang
magisip at magbigay pansin .
Ang pag-alala sa Diyos ay nangangahulugan na
pagkilala,pagtuon,pagbigay nang pansin,panatilihin sa isipan,gawin ang pananagutan,
pagnilay nilayan ,kong sino siya at kong anong ginawa niya at kong ano ang mga
ipinangako niya.
Ang disiplena y makaktulong sa atin upang manatiling
konektado sa katotohanan at sa mataas na pagkaunawa sa kaniyang presensiya at
pag-ibig.
3.
ANG MAKA DIYOS NA KAPAMARAANAN PARA MAKATUON SA
DIYOS AT MAKATUGON NG MAY PANANAMPALATAYA.
Ito ang kailangan nating pagsanayan.
·
Pananalangin at pagpupuri.
·
Ang tumawag ang kaniyang pangalan..
·
Pagnilay nilayan at pagusapan ang kaniyang
ginawa sa nakaraan para sa atin.
·
Ipagyabang ang kaniyang pangalan.
·
Umawit at magalak sa kaniya kahit na maraming
pinagdadaanang kagipitan sa buhay.
Ang Diyos ay nagaanyaya sa atin na tuklasin at hanapin ang
kagalakan,kanlungan,at kapayapaan sa kaniya lamang sa panahon ng bagyo sa ating
mga buhay,,
Dahil siya ang nagiingat sa atin sa panahon ng kagipitan..:
Awit 27:5
5 Sa oras ng kagipitan ay itatago niya ako sa kanyang
templo, at ilalagay niya ako sa ligtas na lugar.
Siya din ang Diyos ,na palging inaalala ang kaniyang tipan
,ang kaniyang pangako,lahat ng ating kalungkutan at hingpis,mga pagluha,at mga
nasain sa buhay.
Araw-araw inaalala niya tayo sa pamamgitan ng pagpili natin
sa kaniya na pagkatiwalaan ng ating kinabukasan siya ay magbibigay sa atin ng
masaganang buhay at pagpapalang walang hangan..
Ang pagsasabi ng ating kagipitan sa ating mga kapatid ay
magdadala sa kanila sa pagtulong upang makatagpo ang iyong mga
pangangailangan..iyan din ay pagtulong ng Diyos sa atin upang makamit ang ating
mga pangunahing pangangailangan sa panahon ng kagipitan.
Naglaan ang Diyos ng pamilya na tutulong at magbibigay
kalakasan sa atin sa panahon ng kagipitan.
4.ITAYO ANG ATING PANANAMPALATAYA SA PANAHON NA PAYAPA ANG
LAHAT.
Makaktulong na tignan ang ating mga sarili na tayo ay mga
sundalo.
Kapag ang sundalo ay wala sa bakbakan o gyera ,sila ay nasa training
field, sinasanay nila ang kanilang galing upang ihanda sa pwedeng mangyari sa
hinaharap.
Sa araw-araw at panahon dapat makita natin na ito ay training
ground para sa atin– pagaralan nating mahanp ang panginoon sa lahat ng
kagipitan,ang malaman kong sino Siya at sanayin ang ating isipan at kaluluwa na
manatili sa kaniya at sa kaniyang kagandahan..
Dahil ang patuloy na pagmasid sa kaniyang kagandahan ang
siyang lilikha sa atin ng kalakasan at katatagan kaya magiging matatag tayo sa
paghihintay sa kaniyang tugon pagpalain po tayo ng ating panginoon..
No comments:
Post a Comment