ANG KAHALAGAHAN NG PANANAMPALATAYA AT PAG-GAWA SA KALIGTASAN
NG TAO
Panimula:
Ang pananmpalataya ba ay sapat na sa kaligtasan o ito ay
kinakailangang samahan ng Pag-gawa?
Ngayong araw po hayaan nating sagutin ito ni Apostol
Santiago :
Santiago 2:14-26
14 Mga kapatid, ano ang pakinabang kung sabihin ng isang tao
na siya'y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya ito pinapatunayan sa
gawa? Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya? 15 Halimbawa, may
isang kapatid na walang maisuot at walang makain. 16 Kung sasabihin ninyo sa
kanya, “Patnubayan ka nawa ng Diyos; magbihis ka't magpakabusog,” ngunit hindi
naman ninyo siya binibigyan ng kanyang kailangan, ano ang silbi niyon? 17
Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.18 Ngunit
may nagsasabi, “May pananampalataya ka at may gawa naman ako.” Ipakita mo sa
akin kung paano maaaring magkaroon ng pananampalataya nang walang mga gawa, at
ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga
gawa. 19 Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, di ba? Mabuti naman! Ang mga
demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa. 20 Isa kang hangal! Nais
mo pa bang patunayan ko sa iyo na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang
kasamang gawa? 21 Hindi ba't ang ating amang si Abraham ay itinuring ng Diyos
na matuwid dahil sa kanyang mga gawa, nang ihandog niya sa dambana ang anak
niyang si Isaac? 22 Dito ay makikita mong magkalakip ang kanyang
pananampalataya at mga gawa, at naging ganap ang kanyang pananampalataya dahil
sa kanyang mga gawa. 23 Natupad ang sinasabi ng kasulatan, “Si Abraham ay
sumampalataya sa Diyos, at dahil dito, siya'y itinuring ng Diyos bilang
matuwid,” at tinawag siyang “kaibigan ng Diyos.” 24 Diyan ninyo makikita na itinuturing
na matuwid ang isang tao dahil sa kanyang mga gawa at hindi dahil sa
pananampalataya lamang.25 Gayundin si Rahab, ang babaing nagbebenta ng aliw;
pinatuloy niya ang mga espiya ng Israel at itinuro pa sa kanila ang ibang daan
upang sila'y makatakas. Dahil sa ginawa niyang iyon, siya'y itinuring na
matuwid.26 Patay ang katawang walang espiritu; gayundin naman, patay ang
pananampalatayang walang kasamang gawa.
1.
ANG PANANAMPALATAYANG WALANG KALAKIP NA GAWA AY
PATAY
Santiago 2:14-17
14 Mga kapatid, ano ang pakinabang kung sabihin ng isang tao
na siya'y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya ito pinapatunayan sa
gawa? Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya? 15 Halimbawa, may
isang kapatid na walang maisuot at walang makain. 16 Kung sasabihin ninyo sa
kanya, “Patnubayan ka nawa ng Diyos; magbihis ka't magpakabusog,” ngunit hindi
naman ninyo siya binibigyan ng kanyang kailangan, ano ang silbi niyon? 17
Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.
Iginiit ni Santiago na ang pananmpalatayang walang gawa ay
walang maidudulot na mabuti kasi hindi naman ito makapagliligtas..
14 Mga kapatid, ano ang pakinabang kung sabihin ng isang tao
na siya'y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya ito pinapatunayan sa
gawa? Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya?
Ngayon malamang ang iba sa inyo ay nahihiwagaan ,bakit sa
kaisipan naman ni Pablo ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng
pananampalataya at hindi sa pamamagitan ng pag-gawa .
Tandaan po na hindi
sinabi ni Santiago na maliligtas tayo sa pamamagitan ng gawa .ang sabi niya
maliligtas tayo sa pamamgitan ng pananampalataya at makikita ang resulta nito
sa pamamgitan ng ating mga gawa..yon po ang ibig niyang sabihin..
James 2:15-16
15 Halimbawa, may isang kapatid na walang maisuot at walang
makain. 16 Kung sasabihin ninyo sa kanya, “Patnubayan ka nawa ng Diyos;
magbihis ka't magpakabusog,” ngunit hindi naman ninyo siya binibigyan ng
kanyang kailangan, ano ang silbi niyon? 17 Gayundin naman, patay ang pananampalatayang
walang kalakip na gawa.
Anong uri ng pag-gawa ang magpapatunay sa ating
pananampalataya?
Malinaw po na hindi ito tumutukoy sa pag-gawa ng mga
tinatawag religious rituals o pagpapanatili sa pag-gawa o pagtupad sa mga
kinasanayang tradisyon
Kundi ang sabi ni sa Santiago 2:8 Magandang Balita Biblia
(MBBTAG)
8 Mabuti ang inyong ginagawa kung tinutupad ninyo ang utos
ng Diyos na ating hari, ayon sa Kasulatan, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng
pag-ibig mo sa iyong sarili.”
Ang ibig ipakahulugan ni Santiago sa
pag-gawa, ipakita natin ang ating pagiibigan bilang magkakapatid.
Kong wala ang Pag-ibig ang pananampalataya ay Patay kong
kaya nga hindi ito makapagliligtas dahil ang pag-ibig ang tanging nagpapakita
ng panlabas na totoong pananampalataya..
Santiago 2:17
17 Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang
kalakip na gawa.
Hindi ko lang alam kong ang ibang relihiyon ay nagtuturo sa
kanilang mga nasasakupan na mahalin ang isat-isa..
Ano nga ba ang pagkakaiba ng sang ka kristiyanuhan pagdating
sa kaligtasan ng Tao?
Karamihan sa mga reliheyon ay nagtuturo na ang kaligtasan ay
sa pamamagitan ng gawa at ang katibayan ay ang pananampalataya..ngunit tanging
ang kristiyano lamang ang nagtuturo na tayo ay maliligtas dahil sa ating pananampalataya
at ang katibayan nito ay ang ating mga gawa..!
2.
ANG PAG-GAWA AY NATURAL NA RESULTA NG
PANANAMPALATAYA SA DIYOS.
Santiago 2:18-19
18 Ngunit may nagsasabi, “May pananampalataya ka at may gawa
naman ako.” Ipakita mo sa akin kung paano maaaring magkaroon ng pananampalataya
nang walang mga gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa
pamamagitan ng aking mga gawa. 19 Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, di
ba? Mabuti naman! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa.
Malinaw po na ang pananampalataya at pag-gawa ay di pwedeng
paghiwalayin.
Maaring ito ay makikita sa mananampalataya o hindi na
makikita kailanman,dahil ang pag-gawa ay natural na resulta ng pananampalataya
sa Diyos! Kong nasaan ang pananampalataya nanduun din ang pag-gawa kong walang
pag-gawa wala din doon ang pananampalataya
Santiago 2:18
18 Ngunit may nagsasabi, “May pananampalataya ka at may gawa
naman ako.” Ipakita mo sa akin kung paano maaaring magkaroon ng pananampalataya
nang walang mga gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa
pamamagitan ng aking mga gawa.
Sa sumusunod na talata ang pagsampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng
pangkaisipan lamang ay hindi makapagliligtas.. Ang mga demonyo man ay
sumasampalataya rin, at nanginginig pa ngunit sila ay hinatulon ng Diyos dahil
sa kanilang pag-suway
Wala pong pagkakaiba sa mga demonyo at sa mga kristiyanong
ayaw sundin kong ano ang natutunan o alam niya .
Ipinakikita lamang si Santiago dito na napakaimposible na
sabihin na nais ng Diyos na ang mga tao
ay gumawa ng mabuti at ngayon nais niya na wala na silang gawin..ang Diyos
kailanman ay hindi kokontra sa kaniyang sarili.. totoo po na tayo ay
pinawalangsala sa pamamagitan ng ating totoong pananampalataya kay Cristo
,ngunit pagkatapos kailangan itong samahan ng ating pag-gawa bilang pagsunod sa
kautusan ni Cristo..
Totoong hindi tayo naligtas dahil sa ating mga gawa,ngunit
totoo din na tayo ay naligtas para gumawa..
3.
ANG PAG-GAWA AY KAILANGAN PARA MALUBOS ANG ATING
PANANAMPALATAYA
Santiago 2:20-26
20 Isa kang hangal! Nais mo pa bang patunayan
ko sa iyo na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kasamang gawa? 21
Hindi ba't ang ating amang si Abraham ay itinuring ng Diyos na matuwid dahil sa
kanyang mga gawa, nang ihandog niya sa dambana ang anak niyang si Isaac? 22
Dito ay makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at mga gawa, at
naging ganap ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa. 23 Natupad
ang sinasabi ng kasulatan, “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at dahil
dito, siya'y itinuring ng Diyos bilang matuwid,” at tinawag siyang “kaibigan ng
Diyos.” 24 Diyan ninyo makikita na itinuturing na matuwid ang isang tao dahil
sa kanyang mga gawa at hindi dahil sa pananampalataya lamang.25 Gayundin si Rahab,
ang babaing nagbebenta ng aliw; pinatuloy niya ang mga espiya ng Israel at
itinuro pa sa kanila ang ibang daan upang sila'y makatakas. Dahil sa ginawa
niyang iyon, siya'y itinuring na matuwid.26 Patay ang katawang walang espiritu;
gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kasamang gawa.
Isang kamangmangan na sabihin na sapat na ang pananampalataya para sa
kaligtasan dahil marami pong ebedensiya sa banal na kasulatan ang magpapatunay
nito:
Halimbawa si Abraham..
Ang pananampalataya ni Abraham ay isa ng Ebedensiya .ang
kaniyang pananampalataya at pag-gawa ay magkasama
Mga Hebreo 11:17-19 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
17 Nang subukin ng Diyos si Abraham, pananampalataya din ang
nag-udyok sa kanya na ialay si Isaac bilang handog sa Diyos. Buong puso niyang
inihandog ang kaisa-isa niyang anak, gayong ipinangako sa kanya ng Diyos 18 na
kay Isaac magmumula ang magiging lahi niya. 19 Naniwala siya na kaya ng Diyos
na bumuhay ng patay, kaya't sa patalinghagang pangungusap, naibalik nga sa
kanya si Isaac mula sa mga patay.
Juan 8:51 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
51 Pakatandaan ninyo: ang tumutupad ng aking salita ay hindi
mamamatay kailanman.”
Conclusion
Katulad ng kailangan natina ng parehas nating kamay sa
pagpalakpak ,ang kaligtasan ay nangngailangan din ng pananampalataya at
pag-gawa
Parang bangka lang iyan hindi pwedeng panay kana lang ang
pagsagwan at hindi pwedeng panay kaliwa lang iikot-ikot ka lang hindi ka
makakausad ng malayo..
Ang pag-gawa ay hindi ugat ng kaligtasan kundi bunga,
Ang pananmpalataya ay nagdadala sa atin tungo sa
kaligtasan,at ang pag-gawa ay nagdadala sa atin sa pagbunga .kaya po ang
pananampalataya at pag-gawa ay mahalaga at kailanagn para sa kaligtasan ng
tao..
No comments:
Post a Comment