Sunday, 19 April 2020


UMIWAS SA MALING DESISYON..

TALATANG BABASAHIN: Genesis 16:1-16

PANIMULA:

Isa sa unang kamaliang  nagawa nila ay ang inisip nila na ang problema ay napakalaki..sa madaling salita sinubukan nilang tulungan ang Diyos sa pamamagitan nang kanilang sariling diskarte ..
 Alam nilang parehas na si sarai ay baog kaya kailangan nilang gumawa nang paraan at pagisipang  mabuti para masuportahan ang plano nang Diyos na mabigyan sila nang anak..
Naalala niyo si sarai ay natawa nang sabihin nang Diyos na siya ay magdadalantao..
Nalimutan niya na ang kapangyarihan nang Diyos na nasa atin ay masnakahihigit kaysa sa panggigipit na ating nararanasan sa  ating kapaligiran..

Mga Awit 34:19
19 Ang taong matuwid, may suliranin man,sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan.

Normal sa isang tao na kumakaharap sa problema na lutasin ito nang mabilisan.ayaw niya na ito ay magtagal..walang taong gustong manatili sa problema nang mahabang panahon..
Kaya minsan natutukso ang taong utusan ang Diyos na itoy lunasan kaagad ..

Dahil ang nasa isip natin ang pagkaantala ay nangangahulugang ang Diyos ay di nagmamalasakit..kaya ayaw nang magantay sa panahon na inilaan niya para sa atin..

Sa tagpong ito si  Sarai at Abram ay talagang nakakaramdam na nang kawalang pag-asa ..kaya ang sabi nila okay kong hindi tayo nagwagi sa plan-A kasi nga nakakainip nang magantay sa timeng ng Diyos gumawa tayo nang plan - B

Ang isa sa pinaka mahirap na kalagayan  ay ang panahon na tila milya-milya o milyong milya ang layo nang Diyos sa atin at tila di niya sinasagot ang ating dalangin . ..ipinangako nang Diyos sa kaniyang salita na siya ay palaging nandiyan ngunit napakatahimik at tila hindi natin maramdaman na nadiyan Siya.

Maaring nasasabi mo nasaan ka panginoon sa panahon nang sakit na aking nararamdaman..?
Isinulat ni Job sa lumang tipan ,
Job 23:8

8 “Sa dakong silangan, hindi ko siya natagpuan;hindi ko rin siya nakita sa gawing kanluran.
Pero nakita niyo si Job sa kabila nang kaniyang nararanasan natoto siyang magantay sa tugon nang Diyos...kaya siya’y lubos na pinagpalang muli.

Marami sa atin ang nagantay sa Panginoon nang mahabang panahon . maaring nagaantay ka para sa magandang trabaho,sa maayos na kalusugan,maayos na pagsasama bilang magasawa,o maaring katulad ka ni Sarai,na nagaantay na magkaroon nang sariling anak..ngunit hindi nangyayari..

Ngunit ang Diyos ay mayroong sariling itinakdang panahon para sa atin..ang Diyos ay kumikilos sa sarili niyang pagkilos at panahon ..alam niya ang kailangan mo at kong kailan niya ito ipagkakaloob sayo.

Minadali ni Abraham kaya nabaliwala niya ang pagpapala na nais nang Diyos ibigay sa kaniya..ang naging resulta nito sa katapusan walang naging masaya..kasi may mali sa kaniyang nagawa at nagbunga ito nang walang katapusang kaguluhan..

Verses 4-6 ang unang bunga nito ay ang walang katapusang pagaaway ni sara at ni hagar dahil sa walang tigil na silusan at paninibugho sa isat-isa..

Verses 10-12. Pangalawa iyong anak ni abraham kay hagar na si Ishmael.

Kong naalala mo ang naging bunga o kapalit nang iyong maling pagkilos alalahanin mo ang talatang ito..

Para kay abaraham magandang paraan iyon ang magkaanak siya kay hagar , dahil nga matanda na si Sarah ngunit hindi nila nakita ang maibubunga nito sa hinaharap ,. ..kaya nga ang arab country na siyang pinamunuan ni ismael at ang israel ay di magkasundo hangang ngayon..iyan ang pangalawang naging bunga nang maling desisyon ni Abraham..

Tandaan natin na kahit na ang Diyos ay mapagpatawad o pinatawad na niya tayo sa ating nagawang  kasalanan . kahit nga si abraham ay napatawad din nang Diyos sa kaniyang kamalian ,hindi maitatangi ang katotohanan na ang bunga nang nagawang kamalian ay hindi na mawawala pa..

Alalahanin natin ang mga talatang ito sa aklat nang mga awit: patungkol sa pagaantay

Mga Awit 27:14
14 Kay Yahweh tayo'y magtiwala! Manalig sa kanya at huwag manghinawa.Kay Yahweh tayo magtiwala!

Mga Awit 38:15
15 Ngunit sa iyo, Yahweh, ako'y may tiwala, aking Diyos, ika'y tiyak na tutugon.

 Mga Awit 130:5
5 Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon,pagkat ako'y may tiwala sa pangako mong pagtulong.

Kaya matuto tayong mag-antay sa biyayang laan sa atin nang Diyos at mga pagpapala ,panghawakan ang kaniyang pangako,huwag bibitaw at manatiling magantay sa kaniyang pagkilos huwag kang gagawa nang sarili mong pagkilos para iwas sa pagkakamali..God Bless.

No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...