Thursday, 17 June 2021



 5 BASICS FOUNDATION OF SALVATION Part 5

Reconciliation-Pagkakasundo

2 Corinto 5:17-20

17 Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago. 18 Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng ito. Sa pamamagitan ni Cristo, ibinilang niya kaming mga kaibigan at hindi na kaaway, at pinagkatiwalaan niya kami upang maglingkod nang sa gayon ang mga tao ay maging kaibigan rin niya. 19 Ang ibig sabihin, sa pamamagitan ni Cristo, ang mga tao'y ibinilang ng Diyos na kaibigan, at hindi na niya tinatandaan ang kanilang mga kasalanan. At kami naman ay inatasan niyang ipamalita ito.20 Kaya nga, kami'y mga sugo ni Cristo; ang Diyos mismo ang nakikiusap sa inyo sa pamamagitan namin. Kami'y nakikiusap sa inyo alang-alang kay Cristo: makipagkasundo kayo sa Diyos.

Pagbabalik Tanaw:

1.     CONVERSION- A person calls upon God to Turn Him or Her Around and Change his or her life.

·        Ang pagbabagong buhay ay nagsisimula sa tunay na Pagsisisi

2.  JUSTIFICATION- This is Reversal of God’s Attitude toward Us because of our New Relationship with Him.

3.  REGENERATION- Which is the Impartation of a New Nature or Heart

·        Ngayon tatalakayin naman natin ang pang-apat:

4. SANCTIFICATION- Which is a separation to God,Purification from Moral Evil and Conformation to the Image of Christ.

Ang Panglimang ay..

5. RECONCILIATION- To Restore to Friendship or Harmony to Settle Differences,to submit to the Higher Authority

2 Corinto 5:17-20

Magandang Balita Biblia

17 Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago. 18 Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng ito. Sa pamamagitan ni Cristo, ibinilang niya kaming mga kaibigan at hindi na kaaway, at pinagkatiwalaan niya kami upang maglingkod nang sa gayon ang mga tao ay maging kaibigan rin niya. 19 Ang ibig sabihin, sa pamamagitan ni Cristo, ang mga tao'y ibinilang ng Diyos na kaibigan, at hindi na niya tinatandaan ang kanilang mga kasalanan. At kami naman ay inatasan niyang ipamalita ito.20 Kaya nga, kami'y mga sugo ni Cristo; ang Diyos mismo ang nakikiusap sa inyo sa pamamagitan namin. Kami'y nakikiusap sa inyo alang-alang kay Cristo: makipagkasundo kayo sa Diyos.

Ang unang Paghaharap ng Tao at Diyos ay sa Harden ng Eden.

Dahil sa Pagkakasala Tumalikod din ang Diyos kay Adan sa madaling salita hindi na muling nagpansinan ang Tao at ang Diyos

Ngunit ng dahil sa kamatayan ni Kristo sa Cross napagkasundo muli ang Tao at ang Diyos at muling naibalik ang Pansin sa isat-isa.

Nagkaroon muli ang tao ng Pagkakataong makapagbalik loob sa kanya at maipanumbalik ang Pansin sa Diyos.

Reconciliation is the Ministry of changing completely!

Ngunit ang tanong Sino ang Magbabago?

Hindi ang Diyos dahil hindi Siya nagbabago.He is the same Yesterday,Today and Forever

 He is Immutable ..Hindi nagbabago

Kung kaya nga ang makasalanan ang kinakailangang Magbago..ang Pagbabagong buhay ay Posible sa Pamamagitan lamang ng Ginawa ni Hesus sa Cross.

Colosas 1:20-23

20 at sa pamamagitan ng Anak, niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay, maging sa langit o sa lupa ay ipagkasundo sa kanya. Nakamtan ang kapayapaan sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak na inialay sa krus. 21 Dati, kayo'y malayo sa Diyos at naging kaaway niya dahil sa inyong paggawa at pag-iisip ng masasama. 22 Ngunit naging tao ang Anak ng Diyos at sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay ay ipinagkasundo kayo sa Diyos. Nang sa gayon ay maiharap niya kayong banal, walang kapintasan at walang dungis. 23 Subalit kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag pabayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita na inyong narinig. Niloob ng Diyos na akong si Pablo ay maging lingkod para sa Magandang Balitang ito na ipinangaral sa lahat ng tao sa buong daigdig.

Tandaan natin hindi ang Diyos ang dapat na makipagkasundo sa atin dahil hindi siya nagbago sa atin tayo ang dapat na makipagkasundo sa Diyos.

Hindi mo Pwedeng Pasundin ang Diyos sa Gusto mo at hindi mo siya pwedeng hubugin ayon sa layun mo.

Ang pagkakasundo ay nagsisimula kapag naintindihan natin na kinakailangan tayong maging kawangis ng Diyos.

Ang ating katayuan ay katulad din ng ibang mga Tao Ngunit nabago dahil sa kamatayan ni Kristo sa Cross.

Ang Diyos ay may sariling kapamaraanan para maabot ang mga makasalanan sa Mundo.

No One in the world can Change God’s mind about you –Except You!

Walang Sinuman sa mundo ang makakabago sa pag-iisip ng Diyos tungkol sa iyo –kundi ikaw lamang !

Pansinin po natin ang isang Kwento na nakasaad sa Banal na Kasulatan na nahuling nakikiapid ng mga Pareseo..o mga taong nakakalam sa batas..

Juan 8:1-11

8 Si Jesus naman ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo. 2 Kinabukasan, maaga pa'y nagbalik na siya sa Templo. Lumapit sa kanya ang lahat ng mga tao. Umupo siya at nagsimulang magturo. 3 Dumating noon ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na may dalang isang babaing nahuli sa pangangalunya. Iniharap nila ito sa karamihan, 4 at sinabi kay Jesus, “Guro, ang babaing ito'y nahuli sa aktong pangangalunya. 5 Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga katulad niya. Ano naman ang masasabi ninyo?” 6 Itinanong nila ito upang subukin siya, at nang may maiparatang sila laban sa kanya.Ngunit yumuko lamang si Jesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri.7 Patuloy sila sa pagtatanong kaya't tumayo si Jesus at nagsalita, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.” 8 At muli siyang yumuko at sumulat sa lupa.9 Nang marinig nila iyon, sila'y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Iniwan nila ang babaing nakatayo sa harap ni Jesus. 10 Tumayo si Jesus at tinanong ang babae, “Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?”11 “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae.Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”

Alam niyo ba kung ano ang Isinulat ng Diyos sa Lupa ?

Jeremias 7:13

13 At ngayon, ginawa rin ninyo ang mga kasalanang iyon. Paulit-ulit ko kayong pinaalalahanan, ngunit ayaw ninyong makinig. Hindi ninyo pinansin ang aking panawagan.

Posible na ang kaniyang isinulat ay ang Pangalan ng Nagkasala at ang kasalanang nagawa

At dahil doon nagsipagalisan silang lahat…dahil si Hesus lang ang nagiisang may karapatan para batuhin ang babae hangang sa mamatay pero hindi niya ginawa.

V 10-11

10 Tumayo si Jesus at tinanong ang babae, “Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?”11 “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae.Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”

Hinatulan ba ni Hesus iyong nagkasalang babae ? NO! “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”

2 Corinto 5:19

19 Ang ibig sabihin, sa pamamagitan ni Cristo, ang mga tao'y ibinilang ng Diyos na kaibigan, at hindi na niya tinatandaan ang kanilang mga kasalanan. At kami naman ay inatasan niyang ipamalita ito.

Bakit hindi niya hinatulan ? dahil dinala na niya ang kasalanan ng babae doon sa Cross

Paano ito nakaapekto sa iyo at sa akin?

2 Corinto 5:20

20 Kaya nga, kami'y mga sugo ni Cristo; ang Diyos mismo ang nakikiusap sa inyo sa pamamagitan namin. Kami'y nakikiusap sa inyo alang-alang kay Cristo: makipagkasundo kayo sa Diyos.

Mayroon pong isang napakamakapangyarihang Salita tayong makikita

Dahil sa pakikipagkasundo,naging AMBASSADOR tayo ni Kristo

Ano ba ang Ambassador?

AMBASSADOR- It is one who is a Minister of the Highest Rank Accredited to a Foreign Government.

Ganyan ang Pagkilala ng Diyos sa atin-Ambassador niya tayo sa Planetang ito. Ikaw ang kaniyang Representative

Bilang Ambassador nagtatrabaho Tayo sa Dayuhang Lupain at may ibang kultura

Filipos 3:20

20 Subalit sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Mula roo'y hinihintay nating may pananabik ang Panginoong Jesu-Cristo, ang ating Tagapagligtas.

THE IMPORTANCE OF BEING AMBASSADOR? 

1.     An Ambassador is sent only to a nation where your country has a Friendly Relationship.

Malinaw na a ng isang Ambassador ay ipinapadala lamang sa isang bansa kung saan ang iyong bansa ay mayroong isang Relasyon ng Pagkakaibigan,

Ang Diyos ay patuloy na umaabot sa pamamgitan ng kanyang mga tiga sunod ,Ngunit kapag inalis nan g Diyos ang kaniyang Ambassadors pagdating ng Rapture,ang mundong ito ay magiging magulo mabablot ng mga kaguluhan at magsisimula ng maganap ang Paghatol ng Diyos...

2.     Now an Ambassadors Represent His Covereign..His Authority over Him. He not make up His or Her own Personal Policies,

Malinaw na ang isang Ambassadors ay kumakatawan sa   pansamantalang kapangyarihan na bigay sa kanya ng nakakataas. Hindi siya gumagawa ng Sarili niyang panuntunan o pang Personal na Mga Patakaran,

May ilang mga mananampalataya na ang iniisip ay gumawa ng sarili nilang batas o patakaran,hindi sila nakikipagkasundo ng Lubos  Diyos

Ang isang Ambassador alam niya kung ano ang gusto ng kanyang Gobyerno at matapat siya sa pagpapakilala nito sa ibang mga bansa.

Ang Ambassador hindi lumalabag sa dekta ng kaniyang Gobyerno..siya ay palaging nakapasakop sa mga patakaran nito

Ang Ambassador ay matapat na ipinahahatid ang mensahe mula sa nakatataas sa kanya.

FINITO:

Ang ibig sabihin niyan naganap na!

Alam ni Paul kung sino ang dapat niyang Paniwalaan .at kung ano ang dapat niyang Paniwalaan

Sabi niya I am confident of my salvation. I have

·        Converted

·        Justified

·        Regenerated

·        Sanctified

·        And Reconciled to God

I can sing: Blessed assurance Jesus is mine. Hallelujah.

 

 

 

Wednesday, 16 June 2021

5 BASICS FOUNDATION OF SALVATION PART-4


 





5 BASICS FOUNDATION OF SANCTIFICATION (Part 4)

Santification –Pagpapakabanal

Mga Hebreo 12:1-16

12 Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi, tanggalin natin ang anumang balakid at ang kasalanang kumakapit sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa takbuhing nasa ating harapan. 2 Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos.3 Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang pag-uusig sa kamay ng mga makasalanan, upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob. 4 Hindi pa humahantong sa pagdanak ng dugo ang pakikipaglaban ninyo sa kasalanan. 5 Nalimutan na ba ninyo ang panawagan ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya, mga salitang nagpapalakas ng loob?“Anak ko, huwag mong baliwalain ang pagtutuwid ng Panginoon,at huwag kang panghihinaan ng loob kapag ikaw ay dinidisiplina niya.6 Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya,at pinapalo ang itinuturing niyang anak.”7 Tiisin ninyo ang lahat ng hirap tulad sa pagtutuwid ng isang ama, dahil ito'y nagpapakilalang kayo'y tinatanggap ng Diyos bilang tunay niyang mga anak. Sinong anak ang hindi dinidisiplina ng kanyang ama? 8 Kung ang pagdidisiplina na ginagawa sa lahat ng anak ay hindi gagawin sa inyo, hindi kayo tunay na mga anak kundi kayo'y mga anak sa labas. 9 Hindi ba't dinidisiplina tayo ng ating mga magulang, at dahil diyan ay iginagalang natin sila? Hindi ba't upang tayo'y mabuhay, mas nararapat na tayo'y pasakop sa Diyos na ating Ama sa espiritu? 10 Sa loob ng maikling panahon, dinisiplina tayo ng ating mga magulang para sa ating ikabubuti. Gayundin naman, itinutuwid tayo ng Diyos sa ikabubuti natin upang tayo'y maging banal tulad niya. 11 Habang tayo'y itinutuwid, hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis, ngunit pagkatapos niyon, mararanasan natin ang kapayapaang bunga ng pagsasanay sa matuwid na pamumuhay.12 Dahil dito'y itaas ninyo ang inyong mga nanghihinang kamay at patatagin ang mga nangangalog na tuhod. 13 Lumakad kayo sa daang matuwid upang hindi lumala ang mga paang napilay at sa halip ay gumaling ang nalinsad na buto.14 Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito. 15 Pag-ingatan ninyong huwag tumalikod ang sinuman sa inyo sa pag-ibig ng Diyos. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito'y napapasamâ ang iba. 16 Pag-ingatan ninyo na huwag makiapid ang sinuman sa inyo, o pawalang-halaga ang mga bagay na espirituwal, tulad ng ginawa ni Esau. Ipinagpalit niya sa pagkain ang kanyang karapatan bilang panganay.

Pagbabalik Tanaw sa Nakaraang Pagaaral:

1.     CONVERSION –We call upon God to turn us around and change our lives.This requires Repentance and Faith

2.     JUSTIFICATION- This is Reversal of God’s Attitude toward Us because of our New Relationship with Him.

3.     REGENERATION- Which is the Impartation of a New Nature or Heart

Ngayon tatalakayin naman natin ang pang-apat:

4.     SANCTIFICATION- Which is a separation to God,Purification from Moral Evil and Conformation to the Image of Christ.

Tignan natin kung ano ang Patungkol sa Sanctification o Pagpapabanal:

1. IT IS ONLY SEPARATION UNTO GOD BUT SEPARATION FROM DEFILEMENT

 

Paghihiwalay ito sa Diyos ,Ngunit Paghihiwalay mula sa Karumihan.

 

Ang kabanalan ay hindi higit na naituro sa karamihan kung  kaya nga ang Sistema sa mundo ay ang kabaligtarang umiiral…na kung saan nga ay itinuturing na marumi ng mga legalismo.

 

Sa katotohanan nga ang inaasahan ng Diyos sa kanyang mga anak ay ang kabanalan o mamuhay tayo ng may kabanalan.upang maging malinis sa kanyang Paningin.

 

Ang Biblia ay puno ng kwento patungkol sa mga Tao na katulad natin na nakasunod naman sa pamantayan ng Diyos.

 

Si Haring Hezekiah sa edad na 25 siya ay naging Hari sinundan niya ang kaniyang Ama na si Haring Ahaz na kung saan ay kilala ito si haring Ahaz na ubod sama ang kanyang panunungkulan sa loob ng 16 na taon..

 

Ngunit binago ito ng kaniyang Anak na si king Hezekiah binangit ito ng malinaw ng Lumang Tipan ..pinagsigla niyang muli at nilinis ang kaniyang bayan.

 

2 Cronica 29:4-6

4 Tinipon niya ang mga pari at mga Levita sa bulwagan sa gawing silangan ng Templo. 5 Sinabi niya: “Makinig kayo, mga Levita. Italaga ninyo ngayon ang inyong sarili at ang Templo ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno. Alisin ninyo ang mga karumal-dumal na bagay sa dakong banal. 6 Nagkasala ang ating mga magulang. Hindi sila naging tapat kay Yahweh na ating Diyos. Kanilang tinalikuran siya at ang kanyang Templo.

 

At nagkaruon ng katuparan ito sa bagong tipan hangang sa ating Panahon:

2 Corinto 6:14-18

14 Huwag kayong makisama sa mga di-sumasampalataya na para bang kapareho ninyo sila. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman? 15 Maaari bang magkasundo si Cristo at ang Diyablo[a]? Ano ang kaugnayan ng sumasampalataya sa di- sumasampalataya? 16 O di kaya'y ng templo ng Diyos sa diyus-diyosan? Hindi ba't tayo ang templo[b] ng Diyos na buháy? Siya na rin ang maysabi,“Mananahan ako at mamumuhay sa piling nila. Ako ang magiging Diyos nila, at sila'y magiging bayan ko. 17 Kaya't lumayo kayo sa kanila,humiwalay kayo sa kanila,” sabi ng Panginoon.“Iwasan ninyo ang anumang marumi,at tatanggapin ko kayo.18 Ako ang magiging ama ninyo,at kayo'y magiging mga anak ko,”sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.

Sa ngayon mahalagang Makita kung Paano Iningatan ni Apostol Pablo ang katotohanang ito sa mga sumusunod na talata:

2 Corinto 7:1

7 Mga minamahal, yamang ipinangako sa atin ang mga bagay na ito, alisin natin sa ating sarili ang lahat ng nakapagpaparumi sa ating katawan at sa ating espiritu. Sikapin nating mamuhay nang may ganap na kabanalan at paggalang sa Diyos.

Ano itong binabangit na lahat ng nakakapagparumi sa ating katawan at Espiritu?

A.    SENSUAL SINS: (Mahalay)

a.     ADULTERY-is Sex between Married People not Married to each other.

b.     FORNICATION- is Sex between People not Married

c.      UNCLEANNESS O THE MIND- Hindi maayos na laman ng Kaisipan

d.     LASCIVIOUSNESS (brutalidad at sadismo)

B.    RELIGIOUS SINS (Pangrelehiyon)

e.     IDOLATRY- Pagsamba sa diyus-diyusan (Anumang bagay na pantay nating iginagalang o higit pa kaysa sa Diyos )

f.       WHICHCRAFT- Pangkukulam (Nagmula sa salitang PHARMAKEA at may kinalaman din sa Mga Droga)

g.     HATRED- Pagkagalit O Poot Awayan

h.     VARIANCES- Pagbabago ng pagtingin sa isat-isa ,pagaaway,pagbubukod ng pangkat

C.     SOCIAL SINS: (Panlipunan o Pang kapwa)

i.       EMULATIONS –(Rivalry,Jealousy)

j.       WRATH- Matinding Poot iyan ay bunga ng pagiging maiinitin ang ulo

k.     STRIFE- Alitan  nagreresulta ng pagkakampi-kampi

l.       SEDITIONS- Panunulsol lumilikha ito ng Division

m.  HERESIES- Sabisabi Teaching that are not True or Biclical

n.     ENVYINGS- Pagkaingit ,Magimbot (Coveting)

o.     Murder

D.    PERSONAL SINS:(Pang Personal Ginagawang mag-isa)

p.     Drunkennnes

q.     Revelings

At idinagdag pa ni apostol Pablo: at ang iba pa pang katulad nito meaning marami pa ang hindi naisama sa talaan na hindi naging kalugod lugod sa paningin ng Diyos at pagkatapos ay isinunod niyang sabihin ang magagandang talata na tumutukoy naman sa bunga ng Banal Espiritu

Galacia 5:22-23

22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.

Ang mga tao madalas ikatuwiran na hindi nila kaya kasi kinakalimutan ang aral patungkol sa tinalakay natin kahapon na Pagbabagong-buhay

2 Corinto 3:18

18 At ngayong naalis na ang talukbong, nagniningning sa ating mga mukha ang kaluwalhatian ng Panginoon. At ang kaluwalhatiang iyan na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang magbabago sa atin mula sa isang antas ng kaluwalhatian hanggang tayo'y maging kalarawan niya.

Madalas nating tawagin ito na pamumuhay ayon kay Kristo. O ipinamumuhay si Kristo

How does Santification “happen?”

Sa kasalukuyan:

Mayroong dalawang uri ng Sanctification ito ay umiiral sa pangkasalukuyan sa buhay natin

Iyong una nagkaroon ng kaganapan ng ikaw ay magbalik-loob sa kanya ang tawag dito

1.     POSITIONAL/PRACTICAL SANCTIFICATION

ang kasulatan ay nagtuturo na sa oras na ang tao ay magbalik sa Diyos maniwala kay Kristo ,ma ipanganak na muli at sumampalataya sa kaniyang ginawa para siy’y maligtas tiyak na siya ay mapapaging-banal

Malinaw na hindi dahil sa ating mga gawa o mga naabot kundi tinangap natin ang Pagiging banal  sa pamamgitan ng buhay ni Kristong banal na nasa atin. Siya ay naninirahan na sa buhay natin at hindi na tayo ang nabubuhay saganang atin kundi si Kristo na ang nabubuhay sa atin.

Ang Sanctification hindi tumitigil nagpapatuloy kung kay nga  ang tawag sa pangalawa ay

2.     PROGRESSIVE/EXPEREMENTAL SANCTIFICATION

Roma 8:13

13 Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo ayon sa katawang makalaman, ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng katawang makalaman, mabubuhay kayo.

Hindi ito tumutukoy sa kawalan ng kasalanan o Pagiging perpekto ng isang Tao.. Tandaan na walang matuwid sa atin ngunit hindi tayo nagpapatuloy at nagbababad sa kasalanang nagawa sa nakalipas,

Roma 6:1

6 Ano ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang-loob ng Diyos?

Ang Positionally or Practically tayo’y Pinaging-banal ng Tayo’y sumampalataya kay Hesu-Kristo

Progresivelly or Experementally tayo ay lumago at umunlad sa Biyaya ng Diyos.

May pangatlo iyan :

3. COMPLETE and FINAL SANCTIFICATION

Ito naman ay makakamtan lamang pagdating ng Rapture or Resurrection of the Dead

Sa panahong iyon ang katawan na may kabulukan ay papalitan niya ng katawang di na nabubulok.

PRACTICAL HELPS IN SANCTIFICATION

1.     Pursue Holiness. Set personal goal

2.     Let there be a daily.total surrender of your life to God’ all to Jesus I Surrender”

3.     Make a point to have daily time in God’s word there is no shortcut to this!

Bukas pagusapan natin ang last Reconciliation





5 BASICS FOUNDATION OF SALVATION Part-3

         

          

       

5 BASICS FOUNDATION OF SALVATION (Part 3)

REGENERATION-ANG PAGBABAGONG-BUHAY

Lucas 10:20

Magandang Balita Biblia

20 Ngunit magalak kayo, hindi dahil sa napapasunod ninyo ang masasamang espiritu, kundi dahil nakatala sa langit ang inyong mga pangalan.”

PANIMULA:

Sa nakaraang Pag-aaral natin ang pangunahing pinagusapan ay ang Conversion at Justification

1.     CONVERSION – Mankind calls upon God to turn him around  and change his life.

·        Nagsimula ito sa tooong Pagsisisi at Pananampalataya.

2.     JUSTIFICATION – is the Reversal of God’s attitude toward the sinner because of the sinners new relationship with Christ.

·        Naibalik ka sa kalagayan noong panahon na ang tao ay di pa nagkakasala may maayos na kaugnayan sa Diyos..

·        Dahil sa naibilang ka sa mga napawalang-sala na ang dahilan ay ang iyong ginawang pagpapasya na magsisi sa iyong mga nagawang kasalanan at nagsimulang nanampalataya kay Hesu-kristo at sa kaniyang ginawa doon sa Cross para sa ikatutubos ng marami.

·        Ngayon naman ang paguusapan natin ay ang Regeneration –Ang Pagbabagong –buhay

3.     REGENERATION – This is the Communication of Devine Life to the Soul,the Impartation of New Nature or Heart 

I- ANG PANGANGAILANGAN NG PAGBABAGONG BUHAY

·        Ang kaligtasan ay higit pa sa Pagbibigay ng Pangako,Paghihinagpis dahil sa nagawang kasalanan,Pagpapahirap sa Sarili,o Paglikha ng isang Desisyon.

·        Paulit-ulit na sinasabi ng kasulatan na ang Tao ay kinakailangang magkaroon ng Pagbabagong-Buhay bago niya Makuha ang lubusang pansin  ng Diyos. Yon lamang ang tanging paraan.

·        May di pangkaraniwang  pagbubuhos ng buhay na banal sa loob o kalooban ng isang tao.

·        Kung walang kabanalan walang sinumang makakakita sa Diyos 

Mga Hebreo 12:14

14 Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito.

·        Ngunit ang sangkatauhan ayon sa kalikasan nito ay hindi nakaabot sa kalwalhatian ng Diyos o hindi pumasa sa kanyang pamantayan sa kabanalan kung kaya nga naging makasalanan sa kaniyang paningin.

·        Kung kaya nga malinaw na ang Pagbabagong-Moral ng isang tao ay sa pamamgitan lamang ng Gawa ng Diyos.

·        Binago niya ang ating Puso ..kaya wala tayong maipagmamalaki sa Diyos pagdating sa kaligtasan natin dahil nangaligtas tayo dahil sa kanyang habag at biyaya sa atin at hindi dahil sa ating mga gawa..maging ang Pagbabagong-Buhay natin gawa pa rin niya. At ang tawag dito ay “Bagong Kapanganakan”

Juan 1:12

12 Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos.

Juan 3:3

3 Sumagot si Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.”

·        Kung kaya nga ang Paglalagay ng Diyos ng kaniyang Sarili sa Mananmpalataya sa kanya sa pamamagitan ni Hesu-Kristo ang siyang lilikha ng banal na kalikasan sa atin na may takot sa kanya , kung tayo lang wala tayong kakayanang magbago..o mabago ang ating buhay tanging siya lang ang dahilan ng lahat ng kaganapang ito sa ating buhay.

II- Paano magiging Posible ang Pagbabagong-Buhay?

·        Ito ay kalooban ng Diyos .

Santiago 1:18

18 Niloob niyang tayo'y maging anak niya sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo'y maging pangunahin higit kaysa lahat ng kanyang mga nilalang. 

·        Nais ng Diyos na ang iyong Likas na Pagkatao ay Mapalitan at Mabago.

·        Nais niya na magkaroon tayo ng Maka-Diyos na uri ng buhay na katulad ng nakay-Kristo.

·        Ang Pagkapako sa Cross ni Hesu-Kristo ang Pwedeng maging dahilan upang ang himala ng Pagbabago sa iyong buhay ay maganap at makamtan.

Juan 3:14-15

14 At kung paanong itinaas ni Moises ang tansong ahas doon sa ilang, gayundin naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, 15 upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Mga Bilang 21:4-9

4 Mula sa Bundok ng Hor, nagpatuloy ang mga Israelita patungong Dagat na Pula[a] upang iwasan ang Edom. Subalit nainip sila sa pasikut-sikot na paglalakbay. 5 Nagreklamo sila sa Diyos at kay Moises, “Inilabas mo ba kami sa Egipto upang mamatay lamang sa ilang na ito? Wala kaming makain ni mainom! Suyang-suya na kami sa walang kuwentang pagkaing ito.” 6 Dahil dito, pinadalhan sila ni Yahweh ng mga makamandag na ahas at maraming Israelita ang natuklaw ng mga ito at namatay. 7 Kaya, lumapit sila kay Moises. Sinabi nila, “Nagkasala kami kay Yahweh at sa iyo. Ipanalangin mo kami na kanyang paalisin ang mga ahas na ito.” Nanalangin nga si Moises para sa Israel 8 at ganito ang sagot sa kanya ni Yahweh: “Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang mahabang kahoy. Sinumang natuklaw ng ahas at tumingin doon ay hindi mamamatay.” 9 Ganoon nga ang ginawa ni Moises. Kaya lahat ng natuklaw ng ahas ay tumitingin sa ahas na tanso at hindi nga namamatay.

·        Ito ay isa sa mga pinaka nakakatakot na mga Talata sa lumang tipan..

·        Ang mga natuklaw ng ahas na mga Israelitang tumingin doon sa Brass Sepent ay nabuhay.

·        Tinawag ito ng mga Israelita na NEHUSHTAN at marami sa kanila ang Patuloy na sumamba dito ng halos may isang libong taon.hangang sa dumating si propeta Hezekiah at inalis ito.

2 Mga Hari 18:4

4 Ipinagiba niya ang mga dambana sa mga sagradong burol at ipinasira ang mga sinasambang haligi, pati ang rebulto ni Ashera. Dinurog din niya ang tansong ahas na ginawa ni Moises na kung tawagin ay Nehustan sapagkat hanggang sa panahong iyon ay pinagsusunugan pa nila ito ng insenso.

·        Hangang sa ngayon marami pa ring sumasamba sa mga Imahen o Rebulto kaysa sa buhay na Diyos

·        Ang Pagbabagong –buhay ay nakikita sa pamamgitan n gating tunay na Paniniwala sa Pagkabuhay na muli ni Kristo.

1 Pedro 1:3

3 Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa

·        Ang Pagbabagong buhay ay inihatid sa atin ng buhay na  Salita ng Diyos.

Efeso 5:26

26 upang ialay ito sa Diyos, matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa tubig at sa salita.

·        Walang ibang nagpaalala  sa atin patungkol sa Pangangailangan natin ng Pagbabagong-buhay kundi ang buhay na Salita ng Diyos.

·        Ginamit ng Diyos ang mga Pastor o Ministro ng Ebanghelyo para Magturo at Mangaral upang maipabatid sa atin ang kahalagahan ng Pagbabagong-buhay.

 1 Corinto 4:15

15 Kahit magkaroon pa kayo ng napakaraming tagapagturo sa pamumuhay Cristiano, iisa lamang ang inyong ama. Sapagkat kayo'y naging mga anak ko sa pananampalataya kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo.

·        Kung kaya nga napakahalaga sa aming mga Preacher na ipangaral ang Salita ng Diyos at hindi ang Patungkol sa Pulitika o sa Sarili..

·        Ang Pagbabagong - buhay ay nagbubuhat sa banal na Espiritu.

Tito 3:5

5 iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Tayo'y iniligtas niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas sa atin upang tayo'y ipanganak na muli at magkaroon ng bagong buhay.

EVEDENCES OF REGENERATED LIFE

·        May mga kwento na kung saan ay iyong matutuklasan ang iyong Bagong-Buhay

1.     A Person Born of God Overcomes Temptation

Juan 3:9

9 “Paano po mangyayari iyon?” tanong ni Nicodemo.

1 Juan 5:4

4 sapagkat napapagtagumpayan ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya.

1 Juan 5:18

18 Alam nating ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat iniingatan sila ng Anak ng Diyos, at hindi sila maaaring galawin ng diyablo.

2.     A Regenerated Person Habitually loves all Other Brothers and Sisters in Christ and Others as well

1 Juan 5:20

20 At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan.

3.     A Regenerated Person Sees the lost world as God does. 

2 Corinto 5:14

14 Ang pag-ibig ni Cristo ang naghahari sa amin, sapagkat natitiyak naming may isang namatay para sa lahat, kung kaya't ang lahat ay maibibilang nang patay.

·        Ang tunay na nagkaroon ng kabaguhan sa buhay ay nagmamahal sa Mission and Evangelism at Patuloy na Sumusunod sa Christ Great Commision.

Marcos 16:5

5 At pagpasok nila sa libingan, may nakita silang isang binatang nakasuot ng mahaba at maputing damit, at nakaupo sa gawing kanan. At sila'y natakot.

Mga Gawa 1:8

8 Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.”

·        Paano sasabihin ng tao na mahal niya ang Diyos kung siya naman ay sumusuway at Patuloy na sumusuway sa kanyang mga ipinaguutos.na nais niyang Ipagawa sa atin…marami po sa mga Simbahan ang binabaliwala ito.

THE CONSEQUENCES OF A REGENERATED LIFE

1.     Union with Christ at the New Birth ,Means  Nothing can Separate you from the Love of God –Except your own will.

Roma 11:28-29

 Dahil tinanggihan ng mga Israelita ang Magandang Balita, sila'y naging kaaway ng Diyos, at kayong mga Hentil ang nakinabang. Ngunit dahil sa sila ang mga hinirang ng Diyos, sila'y mahal pa rin niya, alang-alang sa kanilang mga ninuno. 29 Sapagkat hindi nagbabago ng isip ang Diyos tungkol sa kanyang mga kaloob at pagtawag. 

·        Noong nilikha Tayo ng Diyos binigyan niya Tayo ng Free will (Volitional o Hayaang Magkusa)

·        Hindi niya Pinilit ang kanyang kanyang kalooban sa atin ikaw ang magpapasya.

·        May kalayaan kang pumili pero dapat na maging hand aka sa magiging resulta ng iyong ginawang maling pagpili

·        Pero nakatitiyak tayo na walang sinumang makapaghihiwalay sa atin sa Pag-ibig,kaawaan at kahabagan,Pagpapatawad ng Diyos para sa tiyak nating kaligtasan.

2.     Regeration and my union with Christ will Provide Fruitfulness in your Life .You will be Effective for His Glory

Juan 5:5

5 May isang lalaki doon na tatlumpu't walong taon nang may sakit.

Anong Bunga ang Darating sa ating Buhay?

Para sa Kasagutan:

Galacia 5:22-23

22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.

·        Itong 9 Gifts ay may kaugnayan sa ating Christian Character

·        Ang bunga na ito ay di nagmula sa Sarili nating kabutihan,kundi sa Buhay mismo ni Kristo na nasa atin.

·        Nasa Puno, Ang ugat naka dipende sa Puno,kasi ang ginamit na halimbawa ay ang Puno ng Ubas kaya ang Ugat ay naka dipende sa Puno at ang Puno naka Dipende sa Sanga para Mamunga .

·        Sinabihan ni Hesus ang mga Disciple na lumantad sila sa Mundo para Makita ng mga Tao kung sino ang Diyos sa Pamamgitan ng mga buhay natin.

·        Ang sabi niya kapag umakyat na Siya sa Langit dadalangin Siya sa Ama upang hilingin na isugo ng Ama ang kaniyang banal na Espiritu Para tulungan tayo nito na makilala Siya ng Lubusan

·        Si Hesus ay nagkatawang tao para sa pamamagitan niya makilalakung Sino ang Ama.

·        Ang banal na Espiritu ay sumaatin at nanahan sa atin upang sa Pamamgitan natin Makilala kung Sino si Hesus

·        Isinulat ni Apostol Pablo sa mga Mananmpalataya sa Corinto at Greece

1 Corinto 6:19-20

19 Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi ninyo pag-aari ang inyong katawan; 20 sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.

·        Ang bungang inaasahan sa atin ay ang Paguugaling Katulad ng nakay  Kristo

·        Iyon ay Panlabas na Pagpapakita ng Banal na katangian o Paguugaling mayron si Kristo sa buhay natin. Iyong ang tinatawag na kalakasan na mayron ang Diyos sa buhay natin,

·        Ito ay nabubuo sa buhay ng isang Kristiyano.

·        Kaya bukas po tatalakayin naman natin ang Sanctification,

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...