Wednesday, 26 August 2020

ANG KAPANGYARIHAN NG PAGPAPAKUMBABA (Part-1)


 

ANG KAPANGYARIHAN NG PAGPAPAKUMBABA (Part-1)

Rev:Vicente E. Cervantes Jr

 

INTRODUCTION:

• Ano ang nakikita ng mga tao  sa iyo ? ano ang nakikita ng iyong sariling pamilya at lipunan? Ikaw bay palakaibigan,maibigin,o mainisin laging nakikipagtalo?kilala ka sa mga maling gawain..

• Gumagana ang Mundo ayon sa prinsipyo ng galit, poot, kasakiman, pagmamalaki atbp.

• Hindi ito ang paraan o prinsipyo na dapat nating tahakin..

• Nang nilikha tayo ng Diyos  binigyan  niya tayo ng kanyang kagandahang loob 'pag-ibig' upang maging akma at maayos ang ating mga  relasyon sa isat-isa o sa kapwa.

Nais ko pong pagusapan natin ngayong umaga ang isa sa aspeto ng Pag-ibig :

1 Corinto 13:4

4 Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man,

• Ang salitang "ipinagmamalaki" ay nangangahulugang "magyabang, magpakita, mag-parada ng sarili.

Mga Kawikaan 27:2

2 Hayaan mong iba ang sa iyo'y pumuri at ang sariling bangko'y huwag mong buhatin.

Illustration:

Si Muhammad Ali, ang dakilang boxer ay hindi kailanman kilala sa pagiging isang mabuting tao. Kapag nga siya sumasakay sa eroplano ang madalas niyang sinabi, "Ako ang pinakadakila." Minsan narinig ito ng safety officer kong kayat siya’y nilapitan nito at pinagsabihan dahil nga sa napansin niya na  wala siyang seatbelt. Sinabi niya sa kanya, "Mr. Ali, kailangan mong isuot ang seatbelt " Sumagot si Ali, "Hindi kailangan ni Superman ng seatbelt." Sumagot ang safety officer "Hindi rin kailangan ni  Superman ang eroplano."

• Ang isang mapagmahal na tao ay hindi nagyayabang sa kanyang sarili; gayon pa man, minsan sa aminin natin at hindi nagagawa natin ito.

 Ipinagmamalaki natin ang ating mga nagawa, ang ating mga pag-aari o ari-arian, ating kakayahan, at syempre ang ating mga anak.

• Halos lahat tayo ay nakikibaka sa kasalanan na ito.

• Kapag binasa natin ang parehong OT at ang NT, makikita natin  ang maraming magkakaibang mga katalogo ng kasalanan, ngunit ang kasalanan ng pagmamataas ay number one sa listahan..

• Ang mga Kawikaan ay naglista ng pitong bagay na kinamumuhian ng Diyos.

Mga Kawikaan 6:16-17

16 Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay,mga bagay na kanyang kinasusuklaman:

17 kapalaluan, kasinungalingan,at mga pumapatay sa walang kasalanan,

18 pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan,mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan,

19 saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin,pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin.

 

Santiago 4:6

6 Ngunit ang Diyos ay nagbibigay ng higit pang pagpapala. Kaya't sinasabi ng kasulatan, “Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.”

• Madalas nating pinagtutuunan ng pansin ang malalaking kasalanan tulad ng pangangalunya, pagkagumon, pagsamba sa idolo atbp.

• Alam mo ba na ang pagmamataas ay isang kasalanan na kapantay niyan..ito’y  malubha din ngunit  nakatago at pinipigilan nito ang ating relasyon sa Diyos at sa kapwa natin tao.

• Nakalulungkot lang isipin na ang pagmamalaki ay hindi masayadong napapansin ng mga Kristiyano at hindi rin nakikita na labis na palang nakakaapekto ito sa relasyon.

MGA PROBLEMANG NALIKHA NG PAGMAMATAAS

a. Mapang-husga

• Ang mga taong mayabang ay karaniwang nahuhulog sa panghuhusga.

 Ang mga taong mapagmataas ang laging nais ay ang masunod sila at kapag nasaktan isisisi ito sa iba..at nagiging mapanghusga.

• Hindi nila namamalayan na ang uri ng salitang ginagamit ay sumisira na ng relasyon  sa pamilya, trabaho o sa lipunan.

Mateo 7:1

7 “Huwag kayong humatol, nang kayo'y di hatulan.

Mateo 7:5

5 Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.

• Ang ganitong mga tao ang pakiramdam nila  alam na nila ang lahat, at sa palagay nila hindi na sila nagkakamali.

• Hindi sila kailanman nagkakamali, kaya sila ay may ugaling mapanghusga.

• Hindi  talaga sila marunong makinig dahil para sa kanila alam na nila ang lahat ng mga sagot.

b. Ang pagmamataas ay naghihimok ng mga argumento.

Mga Kawikaan 13:10

10 Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan,ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan.

Roma 12:16

16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha.[a] Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong.

• Ang mga mapagmataas na tao ay hindi marunong makibagay o makisama sa iba lalot higit sa mga taong mababa ang kalagayan o posisyon kaysa kaniya..

 

d. Pinipigil ng pagmamataas ang pagkakasundo.

• Kapag parehas na mapagmataas hindi kailanman magkakasundo..

• Walang gustong magbigay

Illustration:

Cliff Barrows says that there are 12 words that are absolutely essential for a good marriage. Here they are: I was wrong, I am sorry, Please forgive me, I love you. Any relationship he says has to have those 12 words in it or it simply won’t work.

 

• Kapag may asawa kang lalaki na nagmamalaki na hindi niya kailanman sasabihin na siya’y mali ,at mayroon ka namang sawang babae na nagmamalaki na kailanman hindi niya sasabihin ang salitang patawad patawarin mo na ako at mayroon kang mga anak na gayon din kung gayon mayroon kang isang pamilya na kung saan walang nagsasabi, "Mahal kita" sa bawat isa. At ang relasyon na iyon ay hindi maaaring gumana.

 

• Ang isang taong mapagmataas ay umiiwas na  makipagtagpo sa mga tao dahil ayaw nilang makipagkasundo.

• Iniiwasan nila ang mga pampublikong pagtitipon tulad ng mga kasalan, pagpupulong, minsan sa simbahan dahil nagkakaroon sila ng sama ng loob.

• Matapos ang ilang oras nakalimutan nila kung ano ang mga pangyayari ngunit naalala nila palagi ang ang sakit na dulot ng kanilang Ego o Pride.

Illustration: ang magkapatid at ang panday

 

Mga Kawikaan 28:13

13 Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.

 

Monday, 24 August 2020

Mga Uri ng Galit

 

Mga Uri ng Galit

Rev.Vicente E. Cervantes Jr.

Efeso 4:26

26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.

Introduction:

·         Ang galit ay isang malakas na emosyon. Maaari  magamit ito upang maging  produktibo o pwede ring magamit ito bilang mapanirang kapamaraanan.

·         Kapag galit ka kong minsan hindi mo mapigil ang bugso ng iyong damdamin kaya nagiging masyadong emosyonal ka na at tila parang hindi na ikaw yan..parang maynagbago sa iyong katauhan hangang sa umabot sa pisikal na pananakit ..tumaas ang iyong adrenaline at nag ala hercules ka na o incrideble hulk..

·         Ang pagkagalit ay may dahilan o may pinaghugutan..ugatin natin sa pamamagitan ng isang halimbawa:

 

Halimbawa..

 

Pag-uwi ng  asawang lalaki galing sa trabaho mainit ang ulo ibinunton ang galit  kay misis.. bakit kaya ? kasi kinagalitan ng kaniyang Boss. Dahil sa hindi niya kayang pagsalitaan ang kaniyang Boss ang kaniyang asawang babae ang pinagbuntunan ng galit. Ito namang si asawang babae hindi niya kayang pagsalitaan ang kaniyang asawang lalaki kaya ibinunton ang galit sa anak...ito namang si anak hindi niya kayang pagsalitaan ang kaniyang nanay kaya ibinunton naman ang galit sa alagang pusa ito namang si pusa hindi niya kaya iyong anak kaya ibinunton naman ang galit kay daga hindi kaya ni daga si pusa buti nalang nakakita siya ng kublihan hindi siya napatay ni pusa kaya ng makita niya ang ang mga damit na nakakalat sa sahig dito niya ibinunton ang kaniyang galit ..kaya walang katapusan ang dulot nito sa buhay..

 

Masama ba ang magalit?

Makakabuti ba sa iyo ang magalit?

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa galit?

·         Sa aking pagtuklas at pag-aaral hingil dito nakakita ako ng dalawang uri ng galit:

 

1.      makasalanang galit

2.      at matuwid na galit

1. MAKASALANANG GALIT

Mateo 5:21-22

21 “Narinig ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno, ‘Huwag kang papatay; ang sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman.’ 22 Ngunit sinasabi ko naman sa inyo, ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, ang humahamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid, ‘Ulol ka!’ ay manganganib na maparusahan sa apoy ng impiyerno.

• Kung nagagalit ka sa iyong kapatid mapapasailalim ka sa paghuhusga.

·         Sa madaling salita sinabi ni Jesus, "Kung nagagalit ka sa iyong kapatid nang walang dahilan ito ay kasalanan ."

·         Ang ating galit ay kasalanan kung ito ay nakatuon sa tao..

·         Si Jesus ay hindi kailanman nagagalit sa sinumang tao ngunit nagagalit siya sa kasalanan na patuloy na ginagawa ng mga tao.

·         Kapag ang isang tao ay nagkamali laban sa atin dapat nating mahalin ang tao iyon, ngunit kinakailangan kang mapoot  sa kasalanan na ginagawa niya...ang ibig lang sabihin ay huwag mong gayahin ang kaniyang ginagawa kundi tulungan mo siyang makaahon mula sa kumunoy na kaniyang kinasadlakan.. .

·         ang makasalanang galit ay nagmumula sa makasariling motibo. Ito ay palaging nakadirekta patungo sa isang tao, grupo o komunidad.

 

Uri ng Makasalanang galit.

a. Sumasabog na Galit

·         Sa madaling salita ay tinatawag itong biglaang pagsabog ng galit. Naranasan nating lahat iyon. Ang ganitong mga tao ay tinatawag na mga taong mainitin ang ulo.

 

Mga Kawikaan 19:19

19 Di dapat pansinin ang taong mainit ang ulo,mapayuhan mo mang minsan, patuloy ding manggugulo.

 

·         Sinasabi ng Bibliya na ang isang taong mainit ang ulo ay dapat magbayad ng parusa sa pagkawasak na nilikha niya.

·         Ang nasabing mga tao ay naninira ng mga materyal na bagay dahil sa kanilang galit.

·         At hindi lang iyon kundi Sinisira pa nila ang pagkakaibigan at relasyon.

 

A quick-tempered man does foolish things, and a crafty man is hated. We tend to do foolish things in our temper when we tend to become explosive. This anger is sinful.

Mga Kawikaan 14:17

17 Ang taong mainit ang ulo ay nakagagawa ng di marapat, ngunit ang mahinahon ay lagi nang nag-iingat.

·         May posibilidad na makagawa ka ng di nararapat sanhi ng iyong galit ..kapag ito’y sumabog ito ay mauuwi sa makasalanang galit..

b. Mapaghiganting Galit.

·         Kapag nasaktan tayo ng isang tao ang binhi ng galit ay nahasik. Kapag lumalaki ang galit sa atin nagiging mapaghiganti tayo.

·         Ang ganitong mga tao ay madalas na naghihintay nang isang pagkakataon upang makapaghigante sa ibang tao.

·         Hangat hindi siya nakapaghihiganti ang kaniyang galit ay hindi bumababa..

·         Kadalasan ang paghihiganti na ito ay humahantong sa pagpatay, pakikipaglaban atbp.

Roma 12:17-21

17 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman. 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.”[a] 21 Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.

·         Sabi ng Biblia ang Diyos ang maghihiganti para sa atin..kaya ipagkatiwala lamang natin ito sa Diyos..ang mapaghiganting galit ay isang kasalanan..

c. Sutil na galit.

·         Ito ang galit na nananatili kahit na lumipas pa ang maraming taon.

·         Ang ganitong mga tao ay hindi bukas at hindi kailanman nagsasalita kundi kinikimkim lamang ang kanilang galit sa kapwa..talikuran kong tumira..

·         Dinadala nila ang kanilang galit at kapaitan sa kaibuturan ng kanilang puso.

·         Nagsisimula silang kumilos nang kakaiba at marahas kong mangusap.

·         Ang ganitong paghihimagsik ay makikita sa mga mag-asawa o magkakaibigan.

Illustration:

Minsan isang araw umuwi ang asawang lalaki galing sa trabaho. Nagkaroon ng maraming gusot sa kaniyang trabaho  . ngunit ang kaniyang asawang babae ay pumasok bigla sa eksena nakipagusap at sinimulang makipagtalo dahil sa ilang mga isyu patungkol sa pamilya. Sa halip na tapusin ang argumento at magpatuloy sa buhay, sila ay nagpasyang matulog nalang. Ang asawang babae ay nakaharap sa silangan at ang asawang lalaki naman  ay nakaharap sa kanluran. May malaking puwang sa pagitan nila. Literal nilang tinawag ang diyablo na matulog sa pagitan nila. Parehong matigas ang ulo at walang gustong magpakumbaba..hangang isang araw na gising nalang silang wala na silang parehas katabi dahil ang isa nasa kwarto ang isa naman nasa sala..hangang sa dumating ang pagkakataon na sila’y  nagpasyang maghiwalay..ngunit ang nakalulungkot na tagpo sa bahaging ito  ang mga anak ang siyang nagdusa bunga ng katigasan ng ulo nilang dalawa ...iyan ang pangit na kawakasan ng kwento....ikaw kamusta ka papayag ka ba na mangyari ito sa iyong pamilya..? nasa iyo ang kasagutan..!

·         Kailangang baguhin ang ganitong pag-uugali .karamihan sa mga mag-asawa nakatulog na buong magdamag pagkagising magtatalo nanaman..

·         Tignan natin ang payo ng Biblia hingil dito:

Efeso 4:26

26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.

• Ayaw ng Diyos na kumilos tayo ng may katigasan ang ulo at pag-uugali kapag tayo’y nagagalit .

·         Nais niyang pag-usapan natin nang maayos  at tapusin ito bago mag gabi.

·          Tandaan na ang katigasan ng ulo ay kasalanan.

Tanong:

Ngayon, maaari bang magalit ang isang Kristiyano?

Sagot:

Siyempre oo, ang galit ay isang likas na emosyon. Pag-aralan natin ang pangalawang uri ng galit.

2. MATUWID NA GALIT

·         Ang galit ay hindi palaging masama at ang Bibliya ay nagpapakita ng maraming mga halimbawa ng galit

Mga Awit 7:11

11 Ang Diyos ay isang hukom na makatarungan, at nagpaparusa sa masama sa bawat araw.

 

·         Ang 'galit ng Diyos' o sa madaling salita ay nagagalit ang Diyos. Ay Matatawag natin itong matuwid na galit.

·         Si Jesus ay nagalit

 

Marcos 3:1-6

3 Muling pumasok si Jesus sa sinagoga. Naratnan niya roon ang isang lalaking paralisado ang isang kamay. 2 Pinagmasdan ng ilang taong naroroon kung pagagalingin ni Jesus ang lalaking iyon sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya. 3 Tinawag ni Jesus ang lalaking paralisado ang kamay, “Halika rito!” 4 Pagkatapos, tinanong naman niya ang mga tao, “Alin ba ang naaayon sa Kautusan, ang gumawa ng mabuti, o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Ang magligtas ng buhay, o ang pumatay?”Ngunit hindi sila sumagot. 5 Tiningnan ni Jesus ang mga taong nakapaligid sa kanya. Nagalit siya at nalungkot dahil sa katigasan ng kanilang mga puso. Pagkatapos, sinabi niya sa maysakit, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat naman ng lalaki ang kanyang kamay at ito'y gumaling. 6 Umalis ang mga Pariseo at agad nakipagsabwatan sa mga tagasunod ni Herodes upang maipapatay si Jesus.

 

·         Nagalit siya sa mga pharisees dahil sa kanilang makasariling motibo.

·         Nagalit si Jesus nang makita niya ang bahay ng Panginoon ay naging lungga ng mga magnanakaw.

·         Nagalit si Jesus sa mga tamang bagay.

·         Ang kanyang galit ay hindi nakadirekta sa isang tao ni ito ay makasarili sa kalikasan.

·         Itinuro ni Jesus ang kanyang galit sa tamang bagay.

·         Hindi nagalit si Jesus dahil na-target o inatake siya.

·         Nagalit si Jesus nang tanggihan ang hustisya.

·         Kailangan din nating gamitin ang ating galit sa mga tamang bagay.

·         Gaano kahusay kung gagamitin natin ang ating galit laban sa diyablo at mga pwersa nito para sa paghawak sa mga tao sa ilalim ng kanyang kawalan ng katarungan sa lipunan, laban sa katiwalian at iba pa.

·         Ang ating galit sa diyablo at ang pagdarasal kasama ang sigasig ay maaaring mailigtas ang marami mula sa mga patibong at nagliliyab na palaso ni Satanas.

·         Tandaan natin na na ituro na ang ating galit ay dapat nating gamitin sa isang matuwid na paraan.

 

Conclusion:

Paano mo haharapin ang iyong galit?

 Kinokontrol ka ba ng iyong galit o kinokontrol mo ba ang iyong galit?

 Kung ang galit ang komokontrol sa iyo maaari kang maging makasalanan.

Magagawa mong gawin ang mga bagay na hindi mo nais na gawin.

Kung kinokontrol mo ang iyong galit maaari itong maging produktibo, maaari mong gamitin ang iyong galit upang labanan ang diyablo.

Nagdurusa ka ba dahil sa resulta ng iyong biglaang galit? Sumabog at di napigilang galit? Paghihiganti na galit o sa biglaan o sumasabog na galit, paghihiganti ng galit, o sutil na galit?

Unawain mo na silang lahat ay makasalanang ayon sa kanilang kalikasan.

Sinasabi ng bibliya sa Mga Taga-Efeso 4:26 26 ″

26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.

·         Hilingin sa Diyos na tulungan ka, at dadalhin ka niya sa ganap na paglaya.

Tuesday, 18 August 2020

LAGPASAN ANG MGA KAHIRAPAN SA BUHAY (Part 2)

 

LAGPASAN ANG MGA KAHIRAPAN SA BUHAY (Part 2)

Rev.Vicente E. Cervantes Jr

Ruth 2:1-23

 

Juan 16:1

16 “Sinabi ko ito sa inyo upang huwag ninyong talikuran ang inyong pananalig sa akin.

Juan 16:33

Magandang Balita Biblia

33 Sinabi ko ito sa inyo upang sa inyong pakikipag-isa sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”

Ruth 2:1-23


Kong ating paiikliin ang ikalawang mensahe dito sa chapter 2 maiaalis natin ang ating pagtuon sa mga kahirapan at maitutuon natin ang ating isipan sa Diyos..

1. May isang tao. (Talatang 1, 20)

·         Sa pagbubukas ng talatang ito ang pangunahing hangarin ng may-akda ay upang alisin ang ating pansin sa mga problema at matutunan nating tingnan ang solusyon at  mawala ang ating focus sa problema kahit sa isang minuto man lang upang magawa nating simulan na makita ang solusyon

·         Minsan sobrang nakatuon tayo sa kahirapang nararanasan natin sa buhay  kaya nabigo tayo upang makita kung ano ang nais ng Diyos na gawin para sa atin.

·         Katulad ni Pedro ng siya ay lumakad sa ibabaw ng tubig sa aklat ng  (Matthew 14) , nagsimula siyang lumakad ng may pananmplataya kay Jesus at nakatuon lamang ang kaniyang paningin kay Jesus ..ngunit ng makita niya ang naglalakihang alon...pagnakita natin ang mga kahirapan...siya ay natakot at nagsimulang lumubog..umiyak siya sa Diyos at sinabi Panginoon iligtas mo ako ...at dagliang inabot ni Jesus ang kaniyang mga kamay ..at sinabihan ng ganito o ikaw na may maliit na pananmpalataya bakit ka nagalinlangan..

·         Maaring pinili mong mag Focus sa katotohanan na mayroong kahirapan ngunit ang nararapat na sanay maging tugon ay mayroong isang tao..na gagamitin ang Diyos para abutin ka ,para tulungan ka.. 

·         Si Ruth kong papansinin natin ginamit ng Diyos si Boaz para tulungan siya..kong kaya nga ang marapat lamang gawin sa panahon ng mga kahirapan ay:

2. HUWAG SUSUKO SA BUHAY (Verse 2)

·         May pagkakaiba tayong makikita sa pagitan nina Ruth at Naomi.

·         Si ay unti-unti nang kakakitaan ng kawalan pananampalataya at pasuko na sa buhay ..ang katutuhanan nga sinimulan na niyang sisihin ang Diyos..at ni katiting na pag-asa ay naglaho na sa kaniyang buhay..

·         Si Ruth naman ay nagpapakita ng isang positibong katangian na pwede nating tularan upang tayo’y makaligtas din sa panahon na dumarating ang mga paghihirap sa buhay.

·         Mahalaga na hindi tayo sumuko sa buhay pansinin natin si Ruth Tumayo Siya at nilakasan niya ang kaniyang loob at para bagang sinabi niya sa kaniyang kalooban patuloy akong tatayo at mamumuhay hindi ako patatalo sa mga kahirapan na aking nararanasan sa buhay.

·         Maaari magantay nalang siya ng kaniyang kamatayan dahil sa kawalan ng pag-asa pero kabaligtaran nito ang kaniyang ginawa ...sinabi niya na pupunta ako sa bukid at pupulutin ko ang bawat butil na mahuhulog sa sinumang mga tao na magbibigay sa akin ng pansin o pabor..

·         Sa madaling salita, parang sinasabi niya hindi ko alam kong paano ngunit hindi ako susuko..

·         Kapag naniniwala tayo na ang Diyos ang may-akda, tagapaglaan, muling nabuhay at nagbibigay ng buhay, magagawa nating hindi sumuko.

·         Ngunit kung minsan ang ganitong uri ng pananampalataya ay kailangang pukawin ng Panginoon mismo..

·         Sa bagong tipan kong pagaaralan natin ang kwento ni Jairus at nang kanyang anak na babae na may sakit ..

·         Si Jairus ay nagpunta at lumapit kay Jesus upang humingi ng tulong..

·         Ngunit ng silay dumating ang sabi ng mga tao huwag mo ng gambalain pa ang guro ang iyong anak ay patay na..

·         Parang sinabi nila isuko mo na ang buhay ,huli na,wala ng mangyayari pa..! ngunit ang sabi ni Jesus:

 

Marcos 5:36

36 Ngunit nang marinig ito ni Jesus,[a] sinabi niya kay Jairo, “Huwag kang matakot; manampalataya ka lamang.”

·         Alam niyo ba na sa iba pang tagpo ng kasaysayang iyon ang sabi ni Jesus hindi siya patay natutulog lamang..sinabi niya ito para mahimasmasan si Jarius.

·         Parang sinbasabi niya huwag kang susuko sa buhay maya-maya bumangon ang anak niya at humingi ng pagkain..

·         Iyon namang kwento patungkol kay Lazaro ... Si Marta at si Maria ay sumuko na sa buhay ...dahil sa pagkamataya ng kanilang kapatid na si  Lazaro at bago dumating si Jesus patay na ito sa loob ng apat na araw..... sabi nila kay Jesus kong dumating ka lang sana ng mas maaga hindi sana namatay ang aming kapatid..

·         ngunit sinabi ni Jesus  ako ang muling pagkabuhay at ang buhay ... Siya na naniniwala sa akin kahit mamatay ay muling mabubuhay naniniwala ka ba rito?

·         Kahit na sa paningin mo imposible huwag mong sukuan dahil alam mo na may  tutulong sayo siya ang may akda ,tigapaglaan at may kakayanang bumuhay ng mga patay ..kaya huwag kang susuko siya ang bahala sayo iyan ay ang ating Panginoong Jesu-Cristo..

3. MAGPATULOY SA PAG-SULONG–

  hangarin mong na sumulong... kung nagawang Tumayo ni Ruth at nagtungo sa bukid at nagsimulang gumawa at namulot ng mga nahuhulog na butil ng trigo sa gawing likuran ng mga nag-aani.

·         Hindi ito madaling trabaho pero nagawa niyang sumulong at dahil doon nakamtan niya ang di niya inaasahang mangyayari sa kaniyang buhay.

• marami sa atin ang natigil... at isa  sa mga bagay na nagpipigil sa pasulong ay ang ating masamang ugali.

·         Isang bagay hindi mo maririnig na lumalabas sa bibig ni Ruth ay ang pagrereklamo ... Siya ay palaging umaasa at nagpapasalamat kahit na walang gaanong dapat ipagpasalamat nagpapatuloy siya sa nakasanayang gawin ang mnagpasalamat sa Diyos,.

·         Kapag natutuon na ang ating pansin sa kahirapan bigo tayong makita ang kabutihan ng Diyos sa maliliit na bagay.

4. MAGPATULOY NA MAGTIWALA SA MAGAGAWA NG DIYOS,SA PAGIINGAT NIYA,AT MGA PLANO NIYA SA IYONG BUHAY..

·         Nais ko pong malaman ninyo na ang mga nangyari kay Ruth ay hindi nagkataon lamang kundi itoy niloob ng Diyos na mangyari sa kaniyang buhay

·         Ang Diyos ang nagpala sa kanya, ang Diyos ang nagingat sa kanya,ang Diyos ang nag plano ng lahat para sa kaniya..

·         Ang isa sa mga makapangyarihang katotohanan na ipinahayag sa akin ng Banal na Espiritu sa talatang ito ay matatagpuan sa mga talatang 8-9. Sinabihan siyang huwag pumunta sa bukid ng ibang tao. At siya ay nanatili doon at sumunod..

8 Nilapitan ni Boaz si Ruth at kinausap, “Anak, huwag ka nang pupunta sa ibang bukid. Dito ka na lamang mamulot kasama ng aking mga manggagawang babae. 9 Tingnan mo kung saan sila gumagapas, at sumunod ka. Sinabi ko na sa mga tauhan ko na huwag kang gambalain. At kung ikaw ay nauuhaw, malaya kang uminom ng tubig mula sa aking banga.”

·         Ipinakita sa akin ng Diyos ang isang larawan sa talatang ito ang paglalaan, proteksyon at mga plano ng Diyos sa kaniyang simbahan –

·         Maaaring may mga problema sa anumang simbahan ngunit ito ay mas mahusay kaysa sa pagiging nag-iisa sa mundo

·         Mayroong paghihikayat, direksyon, at lakas, proteksyon at kagalingan na darating mula sa pagsasama ng laht ng sa kaniya ay sumasampalataya..

Mangangaral 4:9-12

9 Ang dalawa ay mabuti kaysa isa; mas marami ang bunga ng anumang gagawin nila. 10 Kapag nabuwal ang isa, maitatayo siya ng kanyang kasama. Kawawa ang nag-iisa sapagkat walang tutulong sa kanya kapag siya ay nabuwal. 11 Kung malamig ang panahon, maaari silang magtabi sa higaan upang parehong mainitan. Ngunit saan siya kukuha ng init kung nag-iisa siya? 12 Kung ang nag-iisa'y maaaring magtagumpay laban sa isa, lalo na ang dalawa. Ang lubid na may tatlong pilipit na hibla ay hindi agad malalagot.

1 Samuel 23:16

16 pinuntahan siya ni Jonatan at pinalakas ang kanyang loob sa pangalan ni Yahweh.

5. MAMUHUNAN KA SA BUHAY NG IBA

·         Ang huling bagay na nais kong pag-usapan natin mula sa kabanatang ito ay makakatulong sa atin ng malaki upang  mapukaw ang ating pansin at mailayo ito sa pagtuon sa kahirapan sa pamamgitan ng pamumuhunan para sa buhay ng iba.

·         Malinaw sa talata na hindi nakatuon si Ruth sa kaniyang sarili kundi kay Naomi na kaniyang pinangangalagaan..

·         Tignan natin ang sinabi ni Boaz sa talatang 11-12

11 Sumagot si Boaz, “Nabalitaan ko ang lahat ng ginawa mo sa iyong biyenan mula nang mamatay ang iyong asawa. Alam ko ring iniwan mo ang iyong mga magulang at sariling bayan upang manirahan sa isang lugar na wala kang kakilala. 12 Pagpalain ka nawa ni Yahweh dahil sa iyong ginawa. Gantimpalaan ka nawa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel sapagkat sa kanya ka lumapit at nagpakupkop!”

Mga Kawikaan 11:25

25 Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay,at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

15 Nang ipagpatuloy niya ang pamumulot, pinagbilinan ni Boaz ang mga manggagawa, “Hayaan ninyo siyang mamulot kahit sa tabi ng mga binigkis na uhay. Huwag ninyo siyang babawalan. 16 Maglaglag kayo ng mga uhay mula sa binigkis para may mapulot siya.”

Mga Awit 118:13-17

13 Sinalakay ako't halos magtagumpay ang mga kaaway, subalit si Yahweh, ako'y tinutulungan.

14 Si Yahweh ang lakas ko't kapangyarihan; siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan.

15 Dinggin ang masayang sigawan sa tolda ng mga hinirang: “Si Yahweh ay siyang lakas na patnubay!

16 Ang lakas ni Yahweh ang siyang nagdulot ng ating tagumpay, sa pakikibaka sa ating kaaway.”

17 Aking sinasabing hindi mamamatay, ako'y mabubuhay ang gawa ni Yahweh, taos sa aking puso na isasalaysay.

Mga Kawikaan 18:21

21 Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay,makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.

Ezekiel 37:1-10

37 Nadama ko ang kapangyarihan ni Yahweh at sa pamamagitan ng kanyang Espiritu[a] ay dinala niya ako sa isang libis na puno ng kalansay. 2 Inilibot niya ako sa lugar na puno ng mga kalansay na tuyung-tuyo na. 3 Tinanong niya ako, “Ezekiel, anak ng tao, palagay mo ba ay maaari pang mabuhay ang mga kalansay na ito?”

Sumagot ako, “Kayo po lamang ang nakaaalam, Yahweh.”

4 Sinabi niya sa akin, “Magpahayag ka sa mga kalansay na ito. Sabihin mo: Mga tuyong kalansay, dinggin ninyo ang salita ni Yahweh. 5 Ito ang ipinapasabi niya: Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo'y mabubuhay. 6 Lalagyan ko kayo ng litid at laman, at babalutin ng balat. Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo'y mabubuhay. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.”

7 Nagpahayag nga ako, tulad ng utos sa akin. Nang ako'y nagsasalita, nagkaroon ng malakas na ugong, at nabuo ang mga kalansay. 8 Nakita kong sila'y nagkaroon ng litid at laman; nabalot sila ng balat ngunit hindi pa humihinga. 9 Sinabi sa akin ni Yahweh, “Ezekiel, anak ng tao, tawagan mo ang hangin sa lahat ng dako. Sabihin mong ipinapasabi ko: Hangin, hingahan mo ang mga patay na ito upang sila'y mabuhay.” 10 Nagpahayag nga ako at ang hangin ay pumasok sa kanila. Nabuhay nga sila at nang magtayuan, sila'y ubod ng dami, parang isang malaking hukbo.

LAGPASAN ANG MGA KAHIRAPAN SA BUHAY (Part-1)

 

LAGPASAN ANG MGA KAHIRAPAN SA BUHAY (Part-1)

Rev: Vicente E. Cervantes Jr

Ruth 1:1-22

 

Intro:

Ang aklat ni Juan ay nagbigay ng mahabang talakayin ukol sa mga binitiwang salita ng panginoong Jesus doon sa upper room on the night of his betrayal.

 In chapter 16, pagkatapos niyang magbahagi ng maraming bagay sa kanila ,at bago siya manalangin ng prayer of the Highest priest in chapter 17; ipinaliwanag ni Jesus sa kanila kong bakit niya ito sinasabi sa kanila..

Juan 16:1

16 “Sinabi ko ito sa inyo upang huwag ninyong talikuran ang inyong pananalig sa akin.

Juan 16:33

33 Sinabi ko ito sa inyo upang sa inyong pakikipag-isa sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”

·        Jesus was concerned that what had begun in the hearts of his disciples would continue.

·        Kaya nga malinaw na pinagmamalasakitan niya ang kalagayan ng ating mga puso ang nais niya’y manatili ang kaniyang napasimulan sa ating mga puso sa pamamagitan ng patuloy at tuloy-tuloy na pananampalataya. ..

·        Para magawa ito tapatang sinabi niya sa kanila that they will face difficulties in this world

·        Ang kabalisahan o kaguluhan- ay mayroong literal na kahulugan na ang ibig sabihin ay pangigipit,pagdidiin ..

·        Ang kahalintulad nito ay pagpapahirap,mga kahirapan,kapighatian,pag-aalala,

·        Ito ay kahalintulad na salita na ginamit in Matthew 13 where Jesus speaks of the parable of the seed and the sower.

Mateo 13:20-21

20 “Ang katulad naman ng binhing nalaglag sa mabatong lupa ay ang taong nakikinig ng mensahe na kaagad at masayang tumatanggap nito

21 ngunit hindi tumitimo ang mensahe sa kanyang puso. Sandali lamang itong nananatili, at pagdating ng mga kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod sa kanyang pananampalataya.

·        Sa ganap na katotohanan tayong lahat ay kumakaharap sa mga kahirapan sa mundong ito. Kong kaya nga sinabi ni apostol Santiago..sa aklat ng

 

Santiago 1:2-4

2 Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. 4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.

 

·        Mag pakatotoo tayo ...ilan sa atin dito na kumakaharap sa mga kahirapan at kapighatian sa buhay at sa kabila nito nagagawa niyang magsaya..?

·        Ang ibig kong tukuyin ilan sa atin na kapag dumarating ang mga kahirapan sa buhay ay sinasabi natin "YES… Bring it on… This is going to be so good for my faith"

·        Pero karamihan sa atin ang maiisip ay huwag naman ,huwag ngayon? Totoo ba ito? Paano ako makakawala dito?paano ko malalagpasan ito?

PAANO NGA BA NATIN MALALAGPASAN ANG MGA KAHIRAPAN SA ATING BUHAY..?

·        Naiisip ko ang kalagayan ng mga disciples pagkatapos ng pagkabuhay na magmuli ng Panginoong Jesu-Cristo..

·        We focus so much on the joy of the resurrection that we sometimes forget the realities of the difficulties they must have faced following the resurrection.

·        Hindi lahat kasiyahan ang naidulot nito ..Mayroon silang takot,pag-aalinlangan,kalituhan, kakulangan ng pananampalataya,kalungkutan,pagnanasang bumalik sa pangingisda kaysa ang sumunod sa utos ni Cristo na humayo ..

·        Ang kahirapan po ay napakalawak ang sakop nito sa ating buhay..

·         Ang kahirapan ay pwedeng maging trahedya..kawalan ng mahal sa buhay - lalo na kong ama ng tahanan ang mawala  , ang malalng karamdaman,ang katulad ng pandemya na nararanasan natin sa kasalukuyan, kasalatan ng pangangailang pang financial, kamatayan dahil sa aksidente,natural na sakuna –katulad ng bagyo,lindol,pagputok ng bulkan,baha,landslide..

·        Mga kaguluhang likha ng terorismo..

·        Walang tigil ang mga kahirapan ... Financial hardship, health problems, family problems, relationship battles, unanswered prayer.

·        Ang mga kahirapan na ito ay nakakadurog ng puso ,punong –puno ng mga kabiguan at mga kaguluhan.. A bad job situation, hectic schedules, traffic, accidents, relationship breakups, your kids school, bills that need paid, rude people, life in general.

ANONG URI NG KAHIRAPAN ANG KINAKAHARAP MO SA NGAYON..?

PAANO TAYO NAKAKATAGAL SA KABILA NG MGA KAHIRAPANG ITO SA BUHAY NA HINDI NAAPEKTUHAN ANG ATING PANANAMPALATAYA ?

·        Ito po ang ating sasagutin sa sunod-sunod nating pag talakay sa aklat ni RUTH ..

PAGUSAPAN NATIN ANG KAHIRAPAN ..sa unang kapitulo makikita natin:

Una   may matinding kahirapan..kawalan ng kaniyang asawang lalaki,namumuhay sila sa ibang bansa,nililimusan lang sila ng makakin,ang hirap mamuhay bilang balo..napakaraming kahirapan na halos bumasag sa kanilang puso..at lumikha ng mga kaguluhan..

1. Hindi po masama o maituturing na kasalanan na iwan nila ang Bethlehem dahil sa matinding kahirapan..ngunit kong minsan ang paghahnap natin ng kasagutan sa mga kahirapan sa buhay ang naglalayo sa atin sa pananampalataya at kaugnayan sa  Diyos

2. ang makalagpas sa mga kahirapan sa buhay ay nagsisimula kapag ating napagtanto na sa kabila ng mga kahirapang ating nararnasan sa buhay mabuti at nanatiling mabuti sa atin ang Diyos..at siya ay palaging umaalalay at nagbibigay tulong upang maabot ang ating mga kailangan o pangangailangan..

·        Karamihan sa atin ang unang tugon sa mga kahirapan ay hindi naka tuon sa Diyos ..kaya mayroong takot,pangamba,galit,kabiguan,kalituhan,pagaalinlangan,mga katanungan,at estrateheya..

3. maypaglalakbay pabalik ,o kong mga baguhan  naman iyan ay ang paglalagay ng buong tiwala at pananmpalataya sa ugnayang mayroon ka sa Diyos.

ANONG URI NG PAGLALAKBAY ANG NAIS MONG LIKHAIN?

4. tayo po ang mamimili kong saan tayo titingin o hahanap ng ating lakas at kalinga sa oras ng kahirapan..

5.kong nais nating makalagpas umasa tayo at ibaling ang ating pansin sa Diyos.

1 Samuel 30:1-6

30 Ikatlong araw na nang sina David ay makabalik sa Ziklag. Samantalang wala sila, lumusob ang mga Amalekita at sinunog ang buong bayan. 2 Wala silang pinatay isa man ngunit binihag nila ang mga babae, matanda't bata. 3 Nang dumating nga sina David, sunog na ang buong bayan at wala ang kani-kanilang asawa't mga anak. 4 Dahil dito, hindi nila mapigilan ang paghihinagpis; nag-iyakan sila hanggang sa mapagod sa kaiiyak. 5 Binihag din ang dalawang asawa ni David na sina Ahinoam at Abigail.

6 Balisang-balisa si David sapagkat pinag-uusapan ng kanyang mga tauhan na pagbabatuhin siya dahil sa sama ng loob sa pagkawala ng kanilang mga anak. Ngunit dumulog si David kay Yahweh na kanyang Diyos upang palakasin ang kanyang loob.

Jeremias 29:11

11 Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...