PAGPAPANATILI NG
PANINGIN SA DIYOS ;SA KABILA NG PAGPATAK NG IYONG MGA LUHA..
Rev: Vicente E. Cervantes Jr.
Mga Awit 30:5
5 Ang kanyang galit, ito'y panandalian,ngunit
panghabang-buhay ang kanyang kabutihan.Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak,
pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.
Buod: Ang sermon na ito ay naghihikayat sa atin na
panatilihin ang pagtuon nang ating buong pansin sa Panginoon sa gitna ng mga
mapaghamong sitwasyon na nagdudulot ng sakit at pagluha.
PANIMULA –
Ang bawat tao'y umiyak sa ilang pagkakataon. Ang ilan ay maaaring umiyak ng madalas na ang
kanilang mga luha ay nakikitang pumapatak sa kanilang mga mata.
ang iba namay maaaring umiyak lamang sa loob o sa kanilang
kalooban , dahil walang makitang pagpatak ng luha sa kanilang mga mata.
Maraming pong naitala sa Biblia ng mga taong lumuha.
kapag pinag-uusapan ang Bibliya tungkol sa pag-luha. Una sa
listahan ang Panginoong Jesus..siya ay nakakitaan na umiyak
sa publiko sa libing ng kaniyang kaibigang na si Lazaro (Juan 11:35),
Juan 11:35
35 Tumangis si Jesus.
Mga Hebreo 5:7
7 Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y
nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa kanya sa
kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang nagpakumbaba.
Lucas 6:21
21 “Pinagpala kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo'y
bubusugin “Pinagpala kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo'y magsisitawa!
Sa personal, bihira po akong makitang lumuluha , hindi dahil ako ay isang napakalakas na tao,
ngunit marahil dahil ganun talaga ako.Gayunpaman, sa mga oras ng personal na krisis at kabiguan,
maraming beses akong umiiyak doon sa aking kalooban o sa loob ko, maraming
beses itong nangyari na walang nakakakita.Sa kabutihang palad, ang mga luha na iyon ay mas lalong nagpapalapit
sa akin sa Diyos.Dahil kong walang nakakakita ng iyong mga luha, siguradung
nakikita ito ng Diyos!
Umiiyak ka ba ngayon? Malaya kang lumuha ? Kung gayon iyan ang eksaktong nangyayari sa
iyo ngayon , ipinapanalangin ko na ang araling ito ay makakatulong sa iyo ng malaki
PROPOSITION –
PAGPAPANATILI NG
PANINGIN SA DIYOS ;SA KABILA NG PAGPATAK NG IYONG MGA LUHA...
Ang mga pagluha ay nagdudulot sa atin ng pagpapagaling kapag
napapaligiran tayo ng sakit ng Damdamin at kalungkutan...kaya matatawag din natin
ito na pagpapala mula sa Diyos..
Ang pagluha po ay literal din na naglilinis ng ating mga
mata upang malinaw tayong makakita at hindi madapa . pagpapala din iyan mula sa
Diyos..!
Ngayon, nais kong bigyan kayo ng 4 na mga saloobin na may
kinalaman sa pagluha at ang dalangin ko ay makatulong ng malaki upang
mapalakas kayo:
1) Panatilihin ang iyong Paningin sa Diyos kapag natatakpan ng pagluha ang iyong mga mata.
Nakakapagbigay kalabuan at kadiliman ang pagluha sa natural
na pananaw natin.
Nasubukan mo na bang bumasa habang puno ng luha ang iyong
mga mata, madali po ba?
Hindi po madali !. ganun
din po ang ating pagtingin sa buhay ito po ay lumalabo kapag napupuno tayo ng pagluha.
Sa Awit 6: 7 Sinabi ni David,
Mga Awit 6:7
7 Mata ko'y namamaga dahil sa aking pagluha, halos di na
makakita, mga kaaway ko ang may gawa.
Alam din natin na para naman sa ilan, 'Iyan ay luha ng
kagalakan', lalo na pagkatapos ng isang malaking tagumpay, ngunit ito’y maaaring mapanganib at maaaring kasing matakpan
ng ulap ng pagmamalaki ang kanilang paningin..kapag hindi nila nahawakan ng
maayos ang tagumpay na kanilang nakamtan ..tiyak hahantung ito sa pagmamataas.
Ang iba naman ay mga dalubhasa na sa pag-iyak kayat ang
pagpatak ng kanilang luha ay 'luha ng panlilinlang', kung minsan ay tinukoy
bilang ' luha ng mga buwaya'. ( tuwing pista ng mga patay pagmasadan ninyo
maigi ang puntod o libingan ng mga Chino..akala mo kamag-anak ang umiiyak
..hindi pala! mga binabayaran pala iyon na mga dalubhasa sa pagiyak)
Sa banal na kasulatan mayron ding ganiyan dalubhasa sa
pagiyak..
Si Delilah ay isang klasikong halimbawa ng isang taong manlilinlang
niloko niya si Samson sa pamamgitan ng malambing na pananalita at may kasama
pang pagluha..kaya naman napaglinlangan niya si samson .. (Hukom 16:15)!
Mga Hukom 16:15
15 Kaya't sinabi sa kanya ni Delilah, “Ang sabi mo'y mahal
mo ako, hindi pala totoo! Tatlong beses mo na akong niloloko. Bakit ayaw mong
sabihin sa akin ang lihim ng iyong lakas?”
Eh ito namang si samson natangay ng emosyon kaya umamin..at
dahil doon nakuha niya ng buong-buo si delaila kaya sa pagod ayon nakatulog
nagkaroon tuloy ng pagkakataon si delaila para putulin ang kaniyang buhok..kaya
nawalan siya ng lakas ..pero sa bandang dulo humingi siya ng tawad sa panginoon
at pabor na kong pwede ibalik muli ang kaniyang lakas ..tinugon naman ng Diyos
ang kaniyang kahilingan at naibalik ngunit ng magiba ang gusali kasama siyang
natabunan at namatay..
Sa araw na ito ,napupuno ba ng pagluha ang iyong buhay at
maging ang paningin mo,at ang layunin na nais makamit ay malabu na din at
maging ang iyong paguugali ay naapektuhan na nito..? ilagak mo ang iyong mga
pagluha sa Panginoon na siyang higit na nakakaintindi o nakakunawa sayong
kalagayan at huwag kanino mang tao kundi sa kaniya lamang..
Hayaan mong maging malinaw muli ang iyong paningin o pananaw
sa buhay. Gayunman, may isang bagay na dapat nating pagingatan ..huwag gumawa
ng pagpapasya ayon sa karunungan ng tao.
Hintayin mong muling paliwanagin ng Diyos ang iyong paningin
at ibigay sa iyo ang Kanyang karunungan, kayat buong pagpapakumbaba mong hingin
sa kanya (Santiago 1: 5).
Santiago 1:5
5 Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan,
humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang
sagana at hindi nanunumbat.
1 Pedro 3:12
12 Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, ang
kanilang panalangin ay kanyang pinakikinggan,ngunit ang masasama ay kanyang
sinasalungat.”
2) Panatilihin ang iyong paningin sa Diyos upang paggaling ka niya sa pamamagitan ng iyong mga matang
lumuluha
Kailangan mo ba ng pagpapagaling, maging sa pisikal o
emosyonal? Nagdala ba ito ng sakit at luha sa iyong mga mata? Hanapin sa Diyos
ang paggaling sa pangalan ni Jesus sapagkat Siya ang ating tagapagpapagaling
Exodo 15:26
26 Ang sabi niya, “Kung ako ay buong puso ninyong susundin,
kung gagawin ninyo ang matuwid at susundin ang aking kautusan at mga tuntunin,
hindi ko ipararanas sa inyo ang alinman sa mga sakit na ipinadala ko sa Egipto.
Akong si Yahweh ang inyong manggagamot.”
Umiyak si Hana at napuno ng pagluha ang kaniyang mga mata dahil
sa emosyonal na pagkabalisa dahil sa hindi siya pinagkakalooban ng anak..
1 Samuel 1:10
10 Buong pait na lumuluha si Ana at taimtim na nanalangin
kay Yahweh.
At higit pa doon iniinsulto pa siya ng kaniyang karibal na
si Peninnah kaya nadaragdagan ang kaniyang kalungkutan..
1 Samuel 1:6-7
6 Si Ana ay palaging kinukutya ni Penina dahil hindi niloob
ni Yahweh na magkaroon siya ng anak. 7 Ito'y ginagawa ni Penina taun-taon,
tuwing pupunta sila sa bahay ni Yahweh. Labis naman itong dinaramdam ni Ana
kaya't napapaiyak siya at hindi makakain.
Hindi lang yan may karagdagang kaganapan pa nang makita siya
ng kaniyang Pastor na humihiyaw at walang tigil sa kakaiyak napagkamalian pa tuloy
siyang lasing
1 Samuel 1:13-14
13 Gumagalaw ang kanyang mga labi ngunit hindi naririnig ang
kanyang tinig sapagkat siya'y nananalangin lamang sa sarili. Dahil dito,
inakala ni Eli na siya'y lasing. 14 Kaya, lumapit ito at sinabi sa kanya, “Tama
na 'yang paglalasing mo! Tigilan mo na ang pag-inom ng alak at magpakatino ka
na!”
Kaya nagkakaganun si hana dahil alam niya na Tanging ang Diyos lamang ang makapagbibigay kagalingan sa
kanya ..
Siguro naghahanap ka ng kagalingan sa pamamagitan ng pagpatak
ng iyong mga luha na maaaring magdala ng pagkakasundo para sa isang sirang
relasyon?
Alalahanin kung paano pinagaling ng Diyos ang ugnayan ni
Jose at ng kanyang mga kapatid sa gitna ng kanilang pagluha
Genesis 45:1-2
45 Hindi na mapigil ni Jose ang kanyang damdamin, kaya
pinaalis niya ang kanyang mga tagapaglingkod na naroon. Nang sila na lamang ang
naroon, ipinagtapat ni Jose sa kanyang mga kapatid kung sino siya. 2 Sa lakas
ng kanyang iyak, narinig siya ng mga Egipcio, kaya't ang balita'y mabilis na
nakarating sa palasyo.
Genesis 45:14-15
14 Umiiyak niyang niyakap si Benjamin, at ito nama'y umiiyak
ding yumakap kay Jose. 15 Patuloy siyang umiiyak habang isa-isang hinahagkan
ang ibang kapatid.
O katulad ni Peter, naghahanap ka ng kagalingan sa ilang
kabiguan sa pamamagitan ng iyong mga luha..ang luha ng pagsisisi
Mateo 26:75
75 Naalala ni Pedro ang sinabi ni Jesus, “Bago tumilaok ang
manok, tatlong beses mo akong ikakaila.” Lumabas siya at tumangis nang buong
kapaitan.
May nagsabi, 'Kung kayang bilangin ng Diyos ang hibla ng ating
buhok, hindi rin ba Niya mabibilang ang ating bawat patak ng ating mga luha'?
Samakatuwid, manalangin tayo sa Diyos na tulad ni David,
"Balik at sagutin mo ako, O Panginoong Diyos ko! Ibalik ang sparkle sa
aking mga mata ...
Mga Awit 13:3
3 Yahweh, aking Diyos, tingnan mo ako at sagutin, huwag
hayaang mamatay, lakas ko'y panumbalikin.
3) Panatilihin ang iyong paningin sa Diyos kapag naghahasik
ng luha
Karamihan sa mga tao ay alam kung anong uri ng trabaho at paggawa sa anumang larangan ng
kanilang pinagkakaabalahan sa buhay nang walang namang masyadong nakikitang
tagumpay.
Maaaring nagiisip tayo kung kailan kaya mangyayari ang isang
positibong pagbabago. Nabasa natin ang mga kwentong ng pagtatagumpay ng iba at marahil
mapapaisip tayo bakit tayo tila nilalagpasan lang, isinumpa ba tayo? bakit sila lang .. ?
huwag kang mag-alala
may tamang panahong laan si Lord sayo ..Nakikita ng Diyos ang pagbaha ng iyong
mga luha habang naghahasik ka nang may katapatan.mag-antay ka lang at iyong
makikita ang katagumpayan na laan na ng Diyos para sa iyo..sa tamang panahon....
sa mga nanunuod ngayon anumang Samahang Kristiyano ang iyong
kinabibilangan ..Siguro nasa ministeryo ka at sa iyong palagay ay naging mabagal
ang nakikita mong resulta. Hinihikayat kita na huwag sumuko sa paggawa ng iyong
ginagawa para sa Panginoon at huwag tumigil sa pag-iyak para sa kaligtasan ng mga
kaluluwa ng mga tao sa iyong kapaligiran upang maabot mo at mabahaginan sila patungkol
sa Ebanghelyo..kasi di mo naman sila maaakay sa pamamagitan ng iyong sariling
karunungan at katalinuhan kong di ka pangungunahan ng Diyos sa pamamgitan ng
kaniyang banal na Espiritu..
Mateo 9:37
37 Kaya't sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Napakaraming aanihin,
ngunit kakaunti ang mag-aani.
Ang tagumpay sa ministeryo ay hindi kailanman dapat
pahalagahan ng bilang o mga numero! Dadalhin ka ng Diyos sa pag-aani na
inihanda niya sa takdang oras, at gagantimpalaan niya ang iyong katapatan nang pagbubunga
1 Corinto 3:7
7 Hindi ang nagtatanim o nagdidilig ang mahalaga kundi ang
Diyos, sapagkat siya ang nagpapatubo at nagpapalago.
Sinasabi ng Mga Awit 126:5
5 Silang tumatangis habang nagsisipagtanim,hayaan mo na
mag-ani na puspos ng kagalakan.
Ang iyong luha ay magiging binhi para sa mga gantimpala at
mga resulta na ipagkakaluob niya sayo.
Jeremias 31:16
16 Sinasabi ni Yahweh:“Itigil na ninyo ang inyong pag-iyak,
huwag na kayong lumuha;
sapagkat gagantimpalaan ang inyong mga ginawa,babalik sila
mula sa lupain ng kaaway.
Kaya, patuloy tayo na magtiwala sa Diyos para sa mga
resulta. 'Kung hindi tayo maghasik ng luha, ang mga kaluluwa ay mamamatay sa
luha'!
Kaya church of the living God ano ang dapat nating gawin..? share the Gospel
nawa sa pagbubukas muli ng ating simbahan may akay na tayong bago sa paanan ng
ating panginoon..at makita ng Diyos at saksi ako na may dala-dala kayong bagong
kasama sa gawain ng Panginoon ito’y maaring kapatid mo,magulang mo,kamag-anak
mo o kaibigan ..iiyak mo sila sa panginoon at tiyak na maakay mo sila patnubayan
ka ng Diyos..God Bless po..!
No comments:
Post a Comment