Sunday, 28 June 2020

Maaari ka bang makapasa sa Pagsubok na ito?



Maaari ka bang makapasa sa Pagsubok na ito?
Rev: Vicente E. Cervantes Jr
Text: Santiago 1:19-26

Ang isa sa mga kahulugan ng pagsubok  ay ... "isang kaganapan o sitwasyon na naghahayag ng
lakas o kalidad ng isang tao o isang bagay sa pamamagitan ng paglalagay sa kaniya sa kahirapan . "

Ang ating bansa, maging ang buong mundo ay kasalukuyang nasa pagsubok ng pandaigdigang
pandemya na  tiyak na wawasak sa ating ekonomiya, sa  ating personal na kalayaan, at maging sa paraan ng ating pamumuhay.


Ang isang kahindik-hindik na mga pangyayari ay napapanuod natin sa telivision at nababasa sa mga pahayagan na sa kabila ng epedemya may mga ibang grupo naman na nananamantala upang makapanggulo sa pamahalaan, at ang ibang mga pulitiko naman ay nanamantala din sa karapatang pang tao ng kaniyang mga kababayan ,at marami na ang nag buwis ng buhay maging pulitiko,frontliner,sundalo man,pulis,o ordinaryong mamayan....

at ang isa pang nakalulungkot na katotohanan may mga iilan pa ding mga buwaya sa pamahalaan kaya maraming kaso ang nakasalang sa DILG sa ngayon..

At dahil diyan buhay nanaman ang lansangan dahil sa galit ng mga laban sa katiwalian , kaya nandiyan ang protesta, kaguluhan at karahasan sa kabila ng krisis na ating kinakaharap sa ngayon hindi maawat ang mga kaguluhan..

Sinubukan din ang ating pananampalataya, nasubok ang ating teolohiya, ang ating pansariling pasiya at pagmamahal para sa Diyos at sa  iba ay nasubok din.

Nagpakita sila ng kaunting pagmamalasakit sa bawat isa at ginugol ang kanilang panahon para sa sarili lamang at hindi lamang iyon kundi mas piniling sirain ang isat-isa  kaysa tulungang makabangon..

Ayan po ang mga pangyayaring nagagnap sa ating mundo sa kasalukuyan...

Santiago 1:19-26
19 Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, maingat sa pagsasalita at hindi agad nagagalit. 20 Dahil ang galit ng tao ay hindi nakakatulong upang magawa kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos. 21 Kaya't talikuran na ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang asal. Mapagpakumbabang tanggapin ninyo ang salitang itinanim sa inyong puso. Ito ay may kakayahang magligtas sa inyo.

22 Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili. 23 Sapagkat ang nakikinig ng salita ngunit hindi sumusunod dito ay katulad ng isang taong tumitingin sa salamin, 24 at pagkatapos makita ang sarili ay umaalis at kinakalimutan ang kanyang anyo. 25 Ang taong nagsasaliksik at nagpapatuloy sa pagsunod sa Kautusang ganap na nagpapalaya sa tao ang pagpapalain ng Diyos sa lahat ng kanyang gawain. Siya ang taong gumagawa at hindi siya katulad ng nakikinig lamang at pagkatapos ay nakakalimot.
26 Kung inaakala ninuman na siya'y relihiyoso, ngunit hindi naman siya marunong magpigil ng dila, dinadaya lamang niya ang kanyang sarili. Walang kabuluhan ang kanyang pagiging relihiyoso.


Tandaan na Nabigo Tayong maipasa ang   pagsubok kapag tayo ay  ...
1. Mabilis sa pagbitaw ng  salita ngunit mabagal naman sa pakikinig..
Ang bawat tao'y nais na magsalita; dahil  lahat ay nais na marinig ang tinig... Ang problema ay karamihan sa mga tao ay hindi muna nag-iisip bago  magsalita.
At iyan ang kadalsan na naedudulot ng malalaking social media kaya madalas silang  nagiging bahagi ng problema dahil sa ibinatong maling impormasyon..
Dapat tayong maging maingat ...suriin nating muli ang aklat ng Kawikaan..

Mga Kawikaan 13:3
3 Ang maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay, ngunit ang taong madaldal ay nasasadlak sa kapahamakan.

Nababantayan mo ba ang iyong mga labi o nagsasalita ka muna bago ka mag-isip ?

Mga Kawikaan 10:19
19 Ang taong masalita ay malapit sa pagkakasala, ngunit ang nagpipigil ng dila ay dunong ang pakilala.

Kung minsan ang dahilan kaya nais nating magsalita ng magsalita, dahil nararamdaman natin na  iyon ay ating obligasyon upang baguhin kung ano ang mali na ating nakikita...kaya madalas napaka daldal natin lalo na ang mga nanay..sa loob ng kanilang tahanan..naku di bali sana kong basuka isang putok na matindi lang ang iyong maririnig kaso machine Gun ang dala kaya tuloy tila wala ng naririnig kasi nabingi na ang kausap paano pa makakarinig..

Ang bawat labas ng bala ay may angking katotohanan naman kaso ...kahit gaano karami ang salita na ginagamit kung walang taglay na karunungan at pagkaunawa kung  paano at kailan dapat gamitin ang uri ng salita o pananalita ay tiyak hindi pa rin ito makakapagbago sa taong dinadakdakan mo..

Mga Kawikaan 17:27-28
27 Nagtataglay ng kaalaman ang maingat magsalita,ang mahinahon ay taong may pagkaunawa.
28 Ang mangmang na hindi madaldal ay iisiping marunong; kung hindi siya masalita at ang bibig ay laging tikom.

Ang nais tukuyin ni Santiago dito ay dapat tayong "maging mabagal o maingat sa pagsasalita " ngunit maging mabilis sa pakikinig."
Gaano ka ba kagaling makinig?
Isaalang-alang natin ang ilan sa mga saloobin na ito tungkol sa pakikinig

 “Most people do not listen with the intent to understand; they listen with the
intent to reply.” Stephen R. Covey

"Karamihan sa mga tao ay hindi nakikinig dahil wala talaga silang intensyon unawain ang sinasabi; ngunit nakikinig sila na ang intensyon nila ay ang sumabat sa usapin”

“One of the most sincere forms of respect is actually listening to what another has
to say.” Bryant H. McGill

"Ang isa sa mga taimtim na anyo ng paggalang ay ang pakikinig sa kung ano ang sinasabi ng iyong kausap”

“Never miss a good chance to shut up.” Will Rogers
"Huwag palampasin ang isang magandang pagkakataon upang manahimik ."

“Wisdom is the reward you get for a lifetime of listening when you would have
rather talked.” Mark Twain
"Ang karunungan ay ang gantimpala na pang habang buhay na makukuha mo sa pamamagitan ng iyong madalas na pakikinig kaysa sa  iyong pagsasalita”

“Courage is what it takes to stand up and speak; courage is also what it takes to
sit down and listen.” Winston Churchill

"Ang lakas ng loob ay kinakailangan upang tumayo at magsalita; ang lakas ng loob din ang kinakailangan upang umupo at makinig. "

“Listen thrice. Think twice. Speak once.” Anonymous
"Makinig ng tatlong beses. magIsip nang dalawang beses. Magsalita nang isang beses”

Tandaan na Nabigo Tayong maipasa ang   pagsubok kapag tayo ay  ...
2. Gumaganti  sa kapwa dahil sa iyong  galit, mabilis tayong nagbibigay ng paghatol sa kapwa , at pagkondena sa halip na tumugon nang may awa, pag-unawa, at pagpapatawad

Oo may mali siya , oo mayroong kang nakikitang kasamaan sa kaniya, oo ang mga taong ay gumagawa ng mga bagay na kahangalan, oo sila ay gumagalaw nang higit pa at malayo sa mga pamantayan sa bibliya,

Ngunit hindi nais ng Diyos na ang tugon natin ay pag-ganti at pag hatol..
Ang sabi ni Santiago sa ating texto  James …

Key Text: Santiago  1:19,20  
19 Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, maingat sa pagsasalita at hindi agad nagagalit. 20 Dahil ang galit ng tao ay hindi nakakatulong upang magawa kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos.
Muli, ang Social media at media sa pangkalahatan ay isang malaking bahagi ng problema.

Dahil ang mga kataga o ulat ay kadalasang kulang o labis o di kaya ay binaluktot upang makakuha o makaagaw pansin sa madla..
Tingnan kung gaano karaming beses na ang balita tungkol sa COVID-19 ay sumalungat sa kanyang sarili.

Pero bilang tugon  ano ang ginagawa natin ... Nag-react tayo kaagad, nag-repost, nagkomento, sumiklab ang galit, at ang kinalabasan ng lahat ay paghatol ..
Ang masaklap diyan ng malaman natin na biktima lang pala tayo ng maling ulat..wala na tayong magawa pa upang bawiin kasi naikalat na ito..

Dapat mayroong tayong isang mas mahusay na paraan para makapasa tayo sa pagsubok na ito.
Tayong mga Kristiyano ay inatasan na Sa halip na magalit, humatol, at magkondena maaari tayong tumugon ng may .

KAHABAGAN
Mayroong isang lumang nangungusap na katotohanan na nagsasabing "Ang dalawang mali ay  hindi makagagawa ng tama" Ang mali ay hindi kayang ituwid ng isa pang pagkakamali..
Malinaw na itinuturo sa atin ng salita ng Diyos ang alituntuning ito

Roma 12:17-21
17 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman. 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.”[a] 21 Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.

Lucas 6:36
36 Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama na mahabagin.

Isaalang-alang natin ang kadakilaan at awa ng Diyos sa atin  hindi man tayo karapat-dapat kaawaan sa totoo lang dahil sa kasamaan ng tao at patuloy na pagsuway ang ating dapat patutunguhan ay sa Impyerno pagdurusang walang hangan...pero ipinadama at ipinakita niya sa atin ang kaniyang kagandahang loob nong tayo’y makasalanan pa inialay niya mismo ang buhay ng kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sasampalataya sa kaniyang bugtong na Anak  ay mapawalang sala..;
Kung gayun hindi ba dapat na magpakita din tayo ng masaganang Awa sa ating kapwa alang-alang sa Panginoon ?

Mikas 6:8
8 Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos.

PAGKAALAM
May pagkakaiba sa pagitan ng pag-unawa at paghatol. Gusto kong sabihin na ang madalas na tugon ng karamihan ay ang panghuhusga

Mateo 7:1-5
Paghatol sa Kapwa
7 “Huwag kayong humatol, nang kayo'y di hatulan. 2 Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba. 3 Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata? 4 Paano mong masasabi sa iyong kapatid, ‘Halika't aalisin ko ang puwing mo,’ gayong troso ang nasa mata mo? 5 Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.
May isang proseso dito ng pang-unawa tungkol sa katotohanan ng Salita ng Diyos, dapat din na
maging maliwanag sa atin ang patungkol sa mga hindi totoo at propaganda na pakana ng kaaway, kung paano na nais niya na gamitin ang mga sitwasyong ito upang maitaguyod niya ang paglalagay ng takot at makalikha ng pagkabaha-bahagi sa loob ng simbahan at ang mundo sa pangkalahatan.

PAGPAPATAWAD
Tila tulad ng mga guro ng batas at Pariseo ay madalas tayong tumayo,na may hawak na mga bato sa kamay at handang magbigay hatol sa kapwa..
Ipinakita sa atin ni Jesus ang isang mas mahusay na paraan ..

Juan 8:3-11
3 Dumating noon ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na may dalang isang babaing nahuli sa pangangalunya. Iniharap nila ito sa karamihan, 4 at sinabi kay Jesus, “Guro, ang babaing ito'y nahuli sa aktong pangangalunya. 5 Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga katulad niya. Ano naman ang masasabi ninyo?” 6 Itinanong nila ito upang subukin siya, at nang may maiparatang sila laban sa kanya.Ngunit yumuko lamang si Jesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri.7 Patuloy sila sa pagtatanong kaya't tumayo si Jesus at nagsalita, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.” 8 At muli siyang yumuko at sumulat sa lupa.9 Nang marinig nila iyon, sila'y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Iniwan nila ang babaing nakatayo sa harap ni Jesus. 10 Tumayo si Jesus at tinanong ang babae, “Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?”11 “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae.Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”

Sa halip na hatulan, bigyang puwang sa ating puso ang pagpapatawad maging sa hindi karapat-dapat na patawarin..

Mateo 5:43-48
43 “Narinig ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa at kamuhian mo ang iyong kaaway.’ 44 Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, 45 upang kayo'y maging tunay na mga anak ng inyong Ama na nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa mabubuti gayon din sa masasama, at nagpapaulan siya sa mga matuwid at sa mga di-matuwid.46 “Kung ang mga nagmamahal sa inyo ang siya lamang ninyong mamahalin, anong gantimpala ang inyong maaasahan? Hindi ba't ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis? 47 At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong binabati, ano ang ginagawa ninyong higit kaysa iba? Hindi ba't ginagawa rin iyan ng mga Hentil? 48 Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit.”



No comments:

Post a Comment

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...