Monday, 20 April 2020


PANANAMPALATAYANG WALANG KALAKIP NA PAGKATAKOT

Joshua 14:10-12

·         Noong nakarang abril 9 araw ng kagitingan ay ginunita natin ang kabayanihan ng mga sundalong lumaban sa mga hapon  upang makamit natin ang kalayaang inaasam during worldwar2
·         Sa ating pagtunghay sa kasulatan ngayong umaga ,ay aking naalala ang isang  dakilang bayani ng pananampalataya ...si Caleb

·         Siya ay lalaking buo ang loob matapang , lalaking may maigting na pananampalataya
·         Isa ring  lalaki na may mabagsik na kakayahan sa pakikipagdigma..
·         Buksan natin ang ating biblia sa

Josue 14:10-12
10 Apatnapu't limang taon na ang lumipas buhat nang sabihin ito ni Yahweh kay Moises. Noo'y naglalakbay pa sa disyerto ang bayang Israel. Iningatan ni Yahweh ang buhay ko hanggang ngayon. Walumpu't limang taon na ako ngayon 11 ngunit hindi pa nagbabago ang lakas ko mula nang ako'y isugo ni Moises upang siyasatin ang lupaing ito. Kaya ko pang makipaglaban at gawin ang kahit anong trabaho. 12 Kaya ibigay mo na sa akin ang kaburulang ipinangako sa akin ni Yahweh. Narinig mo rin na mga higante ang nakatira doon at matitibay ang pader ng naglalakihan nilang lunsod. Ngunit sa tulong ni Yahweh ay palalayasin ko sila sa lupaing iyon gaya ng ipinangako niya.”

Anong aral ang matotonan natin kay Caleb?

1.       NAGHAHANAP ANG DIYOS NG TAONG MAGTITIWALA SA KANIYA NG LUBOS..

·         Sumunod si caleb sa panginoon sa loob ng 45 na taon sa ilang..

·         Kaya nga si Caleb lang at si Jushua ang nakaligtas mula sa ilang

·         Kasi sila lang ang nagnasang  sumunod sa Diyos upang pasukin at maagaw mula sa mananakop ang lupaing ibinigay sa kanila ng Diyos..ang lupang pangako.

·         Ang naging resulta sa mga Israelitang hindi tumuloy at masminabuti nilang manatili sa ilang ay nangamatay..na hindi man lang nakita ang lupang pangako..

·         Naintindihan ni Caleb na may Diyos siyang pinaglilikuran  na tapat sa kaniyang mga pangako..
·         Alam niyang sa anumang panganib na kakaharapin kasama nila ang Diyos

·         Ang ating problema sa ngayon ay ang pagsusumikap nating kaharapin ang mga hamon sa buhay sa pamamagitan ng sarili nating diskarte..kaya mas nahuhulog tayo sa mas malaki pang problema..

·          Kong kaya nga ang Diyos ay naghahanap ng mga taong inilalagak ang buong tiwala sa kaniya..
·         Ang sabi ng Diyos si Caleb ay sumunod sa kaniya ng buong puso..

·         Inilagay ni Caleb ang buong pagtitiwala niya sa Diyos ..sa kabuuan ng aspeto ng kaniyang buhay ipinagkatiwala niya sa Diyos..

·         Pinanghawakan ni Caleb iyong pangako ng Diyos sa kaniya na makababalik siya sa canaan at doon na siya maninirahan..


2.ANG DIYOS AY NAGHAHANAP NG TAONG HANDANG SUMUNOD SA KANIYA

·         Sumunod si Caleb sa Diyos ..sinunod niya ang anumang sa kaniya ay iniutos.

·         Si Caleb ay lumakad kasama ang Diyos ..at siya ay nanatili sa panig ng Diyos sa kabila na nag buong pangkat ng mga Israelita ay nagrebelde laban sa Diyos.

·         Nakita ng Diyos ang maibubunga ng pagsuway ,mga ayaw magpasakop sa Diyos..

·         Kaya mas lalo pa niyang naunawaan na ang Diyos ang siyang pinagmumulan ng kanilang lakas.
·         Kapag sumunod tayo sa Diyos ,ito ang magdadala satin upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok at malagpasan ang anumang hadlang sa ating daraanan..o pagdadaanan sa buhay

·         Ang Diyos ay hindi nangako na hindi tayo dadanas ng mga kahirapan sa buhay ,bagkos siya’y nangako nang mas higit pa diyan ..

·         Ang Diyos ay nangako na siya ay sasaatin sa panahon na tayo’y dumadaan sa mga pagsubok at kahirapan sa buhay

·         Kasama natin ang Diyos kaya’t walang dapat pangambahan..ang kristiyano..

3.       NAGHAHANAP ANG DIYOS NG MGA TAONG MAKAKTAYO SA ANUMANG HAMON NA KAKAHARAPIN SA BUHAY..

·         Alam ni  Caleb ang hamon na kakaharapin niya pagdating nila sa lupang pangako ,
·         Nakita niya ang mga kaaway na kakaharapin niya doon.

·         Ngunit hindi lamang tinanggap ni caleb ang hamon ,kundi tinangap niya ang pinaka malaking hamon..

·         Pinili ni Caleb ang Canaan sa kabila ng nandoon ang mga Anakites.
·         Na kong saan ang lahi ni Goliat ay matatagpuan... mga higante ang mga tao doon..

·         Pumasok si caleb doon upang patayin ang mga manankop na mga Higanteng nakatira doon..
·         Ang paguugali ni Caleb ay kamanghamangha... ang sabi niya kong tutulungan ako ng Diyos palalayasin ko silang lahat..

·         Wala siyang pagaalinlangan . walang anumang bahid ng takot
·         Ang tinignan niya ang Diyos na katulad nong siya ay nasa ilang nakita niya kong paano sila sinamahan ng Diyos..kaya magagamit niya iyon para sa susunod na yugto na kaniyang kakaharapin.

PAGTATAPOS:

·         Sa lahat ng mga hamon na dumarating sa ating buhay ang tanging katanungan lamang na nanatili ay magtitiwala ba tayo sa Diyos o hindi..?

·         Hindi inialis ng Diyos ang mga hamon kasama natin iyon sa takbo ng ating buhay pero kahit bna anuman ang kinakaharap mo ngayon . tiyak na sasamahan ka niya..sa anumang hamon na kakaharapin mo sa buhay..kaya huwag kang matakot tumugon ka sa panawagan ng Diyos sayo..



Sunday, 19 April 2020


UMIWAS SA MALING DESISYON..

TALATANG BABASAHIN: Genesis 16:1-16

PANIMULA:

Isa sa unang kamaliang  nagawa nila ay ang inisip nila na ang problema ay napakalaki..sa madaling salita sinubukan nilang tulungan ang Diyos sa pamamagitan nang kanilang sariling diskarte ..
 Alam nilang parehas na si sarai ay baog kaya kailangan nilang gumawa nang paraan at pagisipang  mabuti para masuportahan ang plano nang Diyos na mabigyan sila nang anak..
Naalala niyo si sarai ay natawa nang sabihin nang Diyos na siya ay magdadalantao..
Nalimutan niya na ang kapangyarihan nang Diyos na nasa atin ay masnakahihigit kaysa sa panggigipit na ating nararanasan sa  ating kapaligiran..

Mga Awit 34:19
19 Ang taong matuwid, may suliranin man,sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan.

Normal sa isang tao na kumakaharap sa problema na lutasin ito nang mabilisan.ayaw niya na ito ay magtagal..walang taong gustong manatili sa problema nang mahabang panahon..
Kaya minsan natutukso ang taong utusan ang Diyos na itoy lunasan kaagad ..

Dahil ang nasa isip natin ang pagkaantala ay nangangahulugang ang Diyos ay di nagmamalasakit..kaya ayaw nang magantay sa panahon na inilaan niya para sa atin..

Sa tagpong ito si  Sarai at Abram ay talagang nakakaramdam na nang kawalang pag-asa ..kaya ang sabi nila okay kong hindi tayo nagwagi sa plan-A kasi nga nakakainip nang magantay sa timeng ng Diyos gumawa tayo nang plan - B

Ang isa sa pinaka mahirap na kalagayan  ay ang panahon na tila milya-milya o milyong milya ang layo nang Diyos sa atin at tila di niya sinasagot ang ating dalangin . ..ipinangako nang Diyos sa kaniyang salita na siya ay palaging nandiyan ngunit napakatahimik at tila hindi natin maramdaman na nadiyan Siya.

Maaring nasasabi mo nasaan ka panginoon sa panahon nang sakit na aking nararamdaman..?
Isinulat ni Job sa lumang tipan ,
Job 23:8

8 “Sa dakong silangan, hindi ko siya natagpuan;hindi ko rin siya nakita sa gawing kanluran.
Pero nakita niyo si Job sa kabila nang kaniyang nararanasan natoto siyang magantay sa tugon nang Diyos...kaya siya’y lubos na pinagpalang muli.

Marami sa atin ang nagantay sa Panginoon nang mahabang panahon . maaring nagaantay ka para sa magandang trabaho,sa maayos na kalusugan,maayos na pagsasama bilang magasawa,o maaring katulad ka ni Sarai,na nagaantay na magkaroon nang sariling anak..ngunit hindi nangyayari..

Ngunit ang Diyos ay mayroong sariling itinakdang panahon para sa atin..ang Diyos ay kumikilos sa sarili niyang pagkilos at panahon ..alam niya ang kailangan mo at kong kailan niya ito ipagkakaloob sayo.

Minadali ni Abraham kaya nabaliwala niya ang pagpapala na nais nang Diyos ibigay sa kaniya..ang naging resulta nito sa katapusan walang naging masaya..kasi may mali sa kaniyang nagawa at nagbunga ito nang walang katapusang kaguluhan..

Verses 4-6 ang unang bunga nito ay ang walang katapusang pagaaway ni sara at ni hagar dahil sa walang tigil na silusan at paninibugho sa isat-isa..

Verses 10-12. Pangalawa iyong anak ni abraham kay hagar na si Ishmael.

Kong naalala mo ang naging bunga o kapalit nang iyong maling pagkilos alalahanin mo ang talatang ito..

Para kay abaraham magandang paraan iyon ang magkaanak siya kay hagar , dahil nga matanda na si Sarah ngunit hindi nila nakita ang maibubunga nito sa hinaharap ,. ..kaya nga ang arab country na siyang pinamunuan ni ismael at ang israel ay di magkasundo hangang ngayon..iyan ang pangalawang naging bunga nang maling desisyon ni Abraham..

Tandaan natin na kahit na ang Diyos ay mapagpatawad o pinatawad na niya tayo sa ating nagawang  kasalanan . kahit nga si abraham ay napatawad din nang Diyos sa kaniyang kamalian ,hindi maitatangi ang katotohanan na ang bunga nang nagawang kamalian ay hindi na mawawala pa..

Alalahanin natin ang mga talatang ito sa aklat nang mga awit: patungkol sa pagaantay

Mga Awit 27:14
14 Kay Yahweh tayo'y magtiwala! Manalig sa kanya at huwag manghinawa.Kay Yahweh tayo magtiwala!

Mga Awit 38:15
15 Ngunit sa iyo, Yahweh, ako'y may tiwala, aking Diyos, ika'y tiyak na tutugon.

 Mga Awit 130:5
5 Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon,pagkat ako'y may tiwala sa pangako mong pagtulong.

Kaya matuto tayong mag-antay sa biyayang laan sa atin nang Diyos at mga pagpapala ,panghawakan ang kaniyang pangako,huwag bibitaw at manatiling magantay sa kaniyang pagkilos huwag kang gagawa nang sarili mong pagkilos para iwas sa pagkakamali..God Bless.

Thursday, 16 April 2020

PAGTAGUMPAYAN ANG PAGKATAKOT SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA, 

Mga Kawikaan 1:33  
33 Ngunit ang makinig sa akin, mananahan nang tiwasay, mabubuhay nang payapawalang katatakutan.” 
  • Ang pagkatakot ay totoo ,ngunit mayroon tayong Diyos na masmalaki kaysa sa anumang bagy na kinatatakutan mo.. 

  • Ang pagkatakot ay walang magagawang tulong sa problema,ngunit ang pananampalataya ay magadadala sayo sa tamang pananaw sa buhay.. ang ibig sabihin ikaw ay manumbalik sa Diyos kapag nararamdaman mo ang pagkatakot  ...ang ibig sabihin lang piliin mo ang tapang at  lakas ng loob kaysa ang takot..

Ano ang kahulugan ng tapang o lakas ng loob? 

  • Ang tapang o lakas ng loob ay kalakasan o lakas kapag kumakaharap sa mga katatakotan sa buhay.. 
  • Hindi mo matototonan ang pagkakaroon ng tapang o lakas ng loob kong hindi mo naranasan o alam kong ano ang pagkatakot.. Pwede tayong baldahin ng pagkatakot..

  • ang tapang at lakas ng loob ang siyang magdadala sa atin sa maayos na kalalgayan sa buhay.. Ipinakita ni Jesus  ang tapang at lakas ng loob dahil sa pananampalataya  niya at pagsunod sa kalooban ng kaniyang Ama.. Hangang sa cross.

  •  Datapwat alam niya ang kong ano ang kapangyarihan ng takot sa ating buhay kay pinaalalahanan niya ang kaniyang mga disipulo na manghawakan sa pananampalataya..at hindi sa pagkatakot.. 

  • ang isa sa halimbawa po ay matatagpuan natin sa aklat ng Matthew chapter 14. 

Mateo 14:27  
27 Ngunit nagsalita agad si Jesus at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakotako ito!”. 

  • Ang pagkakaroon ng lakas at tapang ay matatgpuan lamang natin kapag inilagay natin ang ating panampalataya kay Cristo 

  • Ang pagkatakot at panampalataya ay hindi po pwedeng magsama katulad ng langis at tubig.. 
  • Kapag ang pananampalataya ay pumasok ang pagkatakot ay aalis, Kapag ang pananampalataya ay nawala ang pagkatakot ay mabilis na dumarating katulad ng tidal wave.  

  • Ang susi para malagpasan ang pagkatakot ay pananampalataya. 

Ikaw bay natatakot 

  • Marahil natatakot ka sa coronavirus crisis or other health concerns. 
  • Marahil natatakot ka na baka bumagsak ang iyong kabuhayan? 
  • Ano man ang mangyari magpasalamat tayo dahil alam natin ang Diyos pa din ang may kontrol.. 
  • Kong ikaw ay lumalaban sa pagkatakot sa ngayon, mag laan ka ng oras para ilapit mo ang iyong puso sa Diyos sa pamamgitan ng panalangin 
  • At magsimula kang magnilaynilay kong sino ang Diyos mo: 
  • Palalahanan ang sarili sa mga panagako ng Diyos ayon sa kaniyang salita. 

  1. 1. God is GOOD –

  2.  kahit na ang panahon ay hindi nakikisama pangit ang nangyayari sa kapaligiran at buhay ,mabuti pa din ang Diyos sa atin 

Nahum 1:7  

7 Si Yahweh ay napakabuti;matibay na kanlungan sa panahon ng kaguluhan.Mga nananalig sa kanya'y
 kanyang inaalagaan. 

Mga Awit 107:1  
1 Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihanPag-ibig niya'y tunaylaging tapat kailanman.

Mga Awit 31:19  
19 Kay sagana ng mabubuting bagay,na laan sa mga sa iyo'y gumagalang.Nalalaman ng lahat ang iyong kabutihang-loob,matatag ang pag-iingat sa nagtitiwala sa iyong lubos.  

Mga Awit 34:8  
Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh;mapalad ang mga taong nananalig sa kanya 

Jeremias 29:11  
11 Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyomga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubutiIto'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa. 

  1. 2. God is POWERFUL – 

  2. Mas malaki siya kaysa sa mga malalaking krissis na dumarating,banta,o hindi magandang mga pangyayari sa buhay mo 

Mga Awit 56:3  
Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; sa iyo ko ilalagakpag-asa ko at tiwala. 

2 Samuel 22:33  
33 Ang Diyos ang aking muog na kanlungan,ang nag-iingat sa aking daraanan. 

Mateo 19:26  
26 Tiningnan sila ni Jesus at sinabi, “Hindi ito magagawa ng taongunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”  

Lucas 6:19  
19 Sinisikap ng lahat ng maysakit na makahawak man lamang sa kanyasapagkat may kapangyarihang nanggagaling sa kanya na nagpapagaling sa lahat. 

Mga Awit 147:4-5  
Alam niya't natitiyak ang bilang ng mga bituin, isa-isang tinatawag, sa pangala'y itinuring. 
5 Si Yahweh na ating Diyos ay dakila at malakas, taglay niyang karununganhinding-hindi masusukat. 

  1. 3. God is NEAR –

  2.  kahit na sa pakiramdam mo malayo siya sa iyo  

Mga Awit 34:17-18  
17 Agad dinirinig daing ng matuwid; inililigtas sila sa mga panganib. 
18 Tinutulungan niyamga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa. 

Mga Awit 145:18  
18 Siya'y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao,sa sinumang taong pagtawag sa kanya'y tapat at totoo.  

Mga Hebreo 1:3  
Nakikita sa Anak ang kaluwalhatian ng Diyos. Kung ano ang Diyos ay gayundin ang AnakSiya ang nag-iingat sa sansinukob sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salitaPagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanansiya'y umupo sa kanan ng Makapangyarihan doon sa langit. 

Josue 1:9  
Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loobHuwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man magpunta.” 

Zefanias 3:17  
17Nasapiling mo si Yahweh na iyong Diyos,at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay.Siya ay magagalak sa iyo at ang pagibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhayMasaya siyang aawit sa 
laki ng kagalakan, 

  1. 4. God is in CONTROL – 

  2. kahit na sa tingin natin wala makakapigil  

Cronica 16:11  
11 Lumapit kayo kay Yahweh upang tulong niya'y hingin,sa tuwina'y parangalan siya at sambahin. 

Mga Awit 105:4-6  
Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan,siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa,ang kanyang paghatolgayon din ang kanyang ginawang himala Ito'y nasaksihan ng mga alipi't anak ni Abraham,gayon din ng lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.  

Roma 8:28  
28 Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya,[a] silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.  

Mga Kawikaan 16:9  
9 Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad. 

Juan 14:27  
27 “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyohindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundoHuwag mabagabag ang inyong kalooban at huwag kayong matakot. 

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...