"Isang Awit ng Pag-asa."
Rev:Vicente E. Cervantes Jr
Text: Psalm 27
Introduction:
Ang
pag-asa para sa mga taong makasanlibutan
ay ang kanilang mga inaasahan at hinanhangad, ngunit ito’y may mas malalim na
kahulugan para sa Diyos..
Jeremias
17:7
7
“Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya.
Ang
Salita ng Diyos ay isang mahusay na mapagkukunan ng pag-asa para sa ating mga mananampalataya.
Ang
ating teksto ngayon, ang Awit 27, ay nagpapahayag kung bakit dapat tayong
magkaroon ng pag-asa.
Tinatawag
itong
"Isang
Awit ng Pag-asa."
Text:
Psalm 27
1
Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan;sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh
ang muog ng aking buhay, sino pa ba ang aking kasisindakan?
2
Kung buhay ko'y pagtangkaan ng taong masasama, sila'y mga kalaban ko at mga
kaaway nga,mabubuwal lamang sila at mapapariwara.
3
Kahit isang hukbo ang sa aki'y pumalibot,hindi pa rin ako sa kanila
matatakot;salakayin man ako ng mga kaaway,magtitiwala pa rin ako sa Maykapal.
4
Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling,iisa lamang talaga ang aking
hangarin ang tumira sa Templo niya habang buhay,upang kagandahan ni Yahweh'y
aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.
5
Itatago niya ako kapag may kaguluhan,sa loob ng kanyang Templo ako'y
iingatan;sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay.
6
Matatalo ko ang mga nakapaligid kong kaaway.Sa Templo'y sisigaw nang may
kagalakan, habang mga handog ko'y iniaalay;aawitan ko si Yahweh at papupurihan.
7
Pakinggan mo ako, Yahweh, sa aking panawagan,sagutin mo ako at iyong kahabagan.
8
Nang sabihin mo, Yahweh, “Lumapit ka sa akin,”sagot ko'y, “Nariyan na ako at
kita'y sasambahin.”
9
Huwag ka sanang magagalit sa akin;ang iyong lingkod, huwag mo sanang
palayasin.Tinulungan mo ako, Diyos ng aking kaligtasan, huwag mo po akong iwan,
at huwag pabayaan!
10
Itakwil man ako ng aking ama at ina,si Yahweh ang sa akin ay mag-aaruga.
11
Ituro mo sa akin, Yahweh, ang iyong kagustuhan,sa ligtas na landas ako'y iyong
samahan,pagkat naglipana ang aking mga kaaway.
12
Sa mga kaaway ay huwag akong ipaubaya,na kung lumulusob ay mga pagbabanta at
kasinungalingan ang dalang sandata.
13
Naniniwala akong bago ako mamatay,kabutihan ni Yahweh'y aking masasaksihan.
14
Kay Yahweh tayo'y magtiwala!Manalig sa kanya at huwag manghinawa.Kay Yahweh
tayo magtiwala!
Body:
I. Ang pagtitiwala sa Diyos ay
Nagbibigay ng Pag-asa (Verses 1-3)
1 Si Yahweh ang ilaw
ko at kaligtasan;sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking
buhay, sino pa ba ang aking kasisindakan?
2 Kung buhay ko'y
pagtangkaan ng taong masasama, sila'y mga kalaban ko at mga kaaway
nga,mabubuwal lamang sila at mapapariwara.
3 Kahit isang hukbo
ang sa aki'y pumalibot,hindi pa rin ako sa kanila matatakot;salakayin man ako
ng mga kaaway,magtitiwala pa rin ako sa Maykapal.
·
"Liwanag" Iniligtas ng Diyos ang
Kanyang bayan mula sa kadiliman.
Colosas 1:13
13 Iniligtas niya
tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal
na Anak.
•
Hindi na tayo dapat matakot sa masasamang loob maging sa kamatayan. Dahil pinapatnubayan Niya ang
ating mga hakbang.
Mga
Awit 37:23
23
Ang gabay ng tao sa kanyang paglakad, ay itong si Yahweh, kung nais maligtas;
sa gawain niya, ang Diyos nagagalak.
•
"Kaligtasan" Iniligtas ng Diyos ang makadiyos mula sa paggawad ng
kaparusahan..
Juan 5:24
24 “Pakatandaan ninyo: ang
nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na
walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi nakatawid na siya sa buhay mula
sa kamatayan.
• "Depensa"
Ang aking lakas ay nasa Panginoon.
Isaiah
54:17
17 Ngunit mula
ngayon, wala nang sandatang gagamitin laban sa iyo,at masasagot mo ang anumang
ibibintang sa iyo.Ang mga lingkod ko'y aking ipagtatanggol, at sila'y bibigyan
ng pagtatagumpay.” Ito ang sinabi ni Yahweh.
·
Walang
dahilan upang magkaroon tayo ng takot , Dahil ang Diyos natin ay totoong Diyos
na pinakamakapangyarihan sa lahat .
·
ang
Kanyang bayan ay hindi dapat matakot sa anumang kaaway.
Bakit po dahil hindi
nila makakayang talunin ang Diyos.!
·
Alalahanin
ang lahat ng nagawa niya sa nakaraan.
Upang ang loob mo ay
lumakas..
II.
Ang pakikipag-ugnay sa Diyos ay Nagbibigay ng Pag-asa (Verses 4-6)
4
Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling,iisa lamang talaga ang aking
hangarin ang tumira sa Templo niya habang buhay,upang kagandahan ni Yahweh'y
aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.
5
Itatago niya ako kapag may kaguluhan,sa loob ng kanyang Templo ako'y
iingatan;sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay.
6
Matatalo ko ang mga nakapaligid kong kaaway.Sa Templo'y sisigaw nang may
kagalakan, habang mga handog ko'y iniaalay;aawitan ko si Yahweh at papupurihan.
·
Ipinagkaluob
ni David ang kanyang buong buhay sa
piling ng Panginoon, kung saan ay nagawa niyang parangalan at sambahin ang
Diyos.
·
Pinagtuonan
niya ito ng Pansin..at pagsusumikap..
Mga Awit 84:1-4
1 Mahal ko ang iyong
templo, O Makapangyarihang Yahweh!
2 Nasasabik ang
lingkod mo na sa templo ay pumasok.Ang buo kong pagkatao'y umaawit na may lugod,sa
masayang pag-awit ko pinupuri'y buháy na Diyos.
3 Panginoon, sa
templo mo, mga maya'y nagpupugad,maging ibong layang-layang sa templo mo'y
nagagalak,may inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar;O Yahweh, hari namin at
Diyos na walang hanggan.
4 Mapalad na
masasabi, silang doo'y tumatahan at palaging umaawit, nagpupuring walang
hanggan. (Selah)[b]
•
Nais niyang "masdan ang kagandahan ng Panginoon." Kapag hinahanap ng
isang tao ang Presensiya ng Diyos sa pamamagitan ng pagsamba, kinakailangan
niyang tiyakin na wasto ang kaniyang paglapit..
•
kailangan niyang gamitin ang kanyang isip, emosyon, at kalooban. Sa pagsasagawa
nito, upang maranasan niya ang kasiya-siyang uri ng pagsamba sa Diyos...
•
Inihayag ni David kung gaano siya nakadipende sa Diyos. Ang tabernakulo ng
Diyos, ang Kanyang tolda, ang kanyang bato sangalang ay nagpapakita kung gaano
siya kaligtas sa presensya ng Diyos...kaya wala siyang ginawa kundi ang umawit
sa harap ng Presensiya ng Diyos at ito dapat ang ating maging tugon..Ito rin ang
dapat nating tugon.
Mga Hebreo 13:15
15 Kaya't lagi tayong mag-alay ng
papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa ating
mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan.
III. Ang Kaawaan ng
Diyos ay Nagbibigay ng Pag-asa (Verses
7-12)
·
Hinanap
ni David ang habag at awa ng Diyos. Nanalangin siya ng malakas.
Mga Awit 4:6-7
6 Tanong ng marami,
“Sinong tutulong sa atin?”Ikaw, O Yahweh, ang totoong mahabagin!
7 Puso ko'y iyong
pinuno ng lubos na kagalakan,higit pa sa pagkain at alak na inumin.
·
Nagtitiwala
siya na pakinggan ng Diyos ang kanyang panalangin.
Isaias 65:24
24 Ang dalangin nila
kahit hindi pa tapos ay aking diringgin,
at ibibigay ko ang kanilang hinihiling.
·
Kahit
na pinabayaan ng kanyang mga magulang, alam niyang hindi siya pababayaan ng
Diyos
Mga Hebreo 13:5-6
5 Huwag kayong
magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng
Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” 6 Kaya't malakas ang loob nating
masasabi,“Ang Panginoon ang tumutulong sa akin,hindi ako matatakot.Ano ang
magagawa sa akin ng tao?”
·
Nais
ni David na turuan siya ng Diyos sapagkat alam niya na aakayin siya nito sa
isang "landas na matiwasay ."
·
Nagtitiwala
siya sa Diyos na aakayin siya nito sa tamang landas.
Mga Awit 119:105
105 Salita mo'y isang
tanglaw na sa akin ay patnubay,sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw
·
Tandaan
natin na ang ating kaaway ay nakamasid sa ating pagbagsak”
Mga Awit 5:8
8 Patnubayan mo ako,
Yahweh, sa iyong katuwiran,dahil napakarami ng sa aki'y humahadlang, landas
mong matuwid sa aki'y ipaalam, upang ito'y aking laging masundan.
IV. Ang kaaliwan ay
mula sa Diyos na nagbibigay ng Pag-asa (Verses
13-14)
13 Naniniwala akong
bago ako mamatay,kabutihan ni Yahweh'y aking masasaksihan.
14 Kay Yahweh tayo'y
magtiwala!Manalig sa kanya at huwag manghinawa.Kay Yahweh tayo magtiwala!
• May malakas na pananampalataya si David sa kabutihan ng
Diyos na nagingat sa kanya sa panahon ng kawalang pag-asa.
• Ang kabutihang ito
ay hindi lamang para sa susunod na buhay, kundi para sa kasalukuyang buhay...
Nagbigay ito ng ginhawa sa kanya sa panahon ng mahihirap na sitwasyon .
Mga
Awit 23:6
6
Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama ko habang
ako'y nabubuhay; at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan.
•
Magtiyaga sa paghihintay sa katugunan ng Panginoon. Magtiwala sa oras o panhong
itinakda niya. Maghintay nang may kumpiyansa.
•
at Ang nakaaaliw na kaisipang ito ang siyang
nagbibigay ng pag-asa.
Konklusyon:
“HUWAG
SUSUKO!” May awa din ang DIYOS!
"Maghintay
sa harap ng Kanyang pintuan nang may kalakip na pananalangin ; maghintay sa Kanyang paanan nang may
pagpapakumbaba; maghintay sa Kanyang hapag na may kalakip na pagseserbisyo;
maghintay sa Kanyang bintana nang may kalakip na pag-asa. ”