Mayroon kang magandang kinabukasan: Sagot ng Diyos sa iyong
mga Kabiguan
Jeremias 29:11
11 Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo;
mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga
planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.
Ngayon nakita natin ang isa sa mga kilalang pangako mula sa
Bibliya:
·
Hindi natin maiintindihan ang talatang ito
maliban kung may alam tayo tungkol sa background nito. Isinulat ito para sa mga
Judiong itinapon sa Babilonya at pilit na inalis mula sa Jerusalem ni
Nabucodonosor.
·
Matapos mabihag sila ngayon ay naninirahan ng may daan-daang milya ang layo sa bahay nila
, sa gitna ng makamundong pompe at paganong pagsamba sa idolo.
·
Ang lahat ng kanilang mga pangarap at pag-asa ay
nasira. Nagtataka sila, "Paano pinayagan ng Diyos na mangyari ito?
·
Kung tayo ay tunay na kanyang bayan, paano tayo
nagtapos dito? " kinalimutan na ba tayo ng Diyos?
·
Tulad ng iniisip natin tungkol sa talatang ito,
tandaan ang dalawang bagay
·
Hindi palaging gagawin ng Diyos ang inaasahan
nating gagawin niya, ngunit lagi niyang gagawin ang sinasabi niya na gagawin
niya.
Gamit ang background na ito, isaalang-alang natin ang
tatlong matinding katotohanan mula sa Jeremias 29:11.
1.
PALAGI TAYONG LAMAN NG ISIPAN NG DIYOS.
“Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo”
Iniisip tayo ng Diyos !
Iyon ang maaaring pinakamahalagang pahayag na naririnig mo
sa tanang buhay mo.
Biruin mo ! Laman ka ng isipan ng Diyos. ! Alam niya kung sino tayo at nasaan
tayo. Kahit isang segundo tayo’y kailanmay di nawala sa kaniyang panigin o dili
kaya’y kinalimutan niya.
Kahit na magkagulo-gulo pa ang mundo hindi ka niya
kalilimutan . Alam niya ang iyong mukha,
naiintindihan niya ang iyong sakit, at itinatala niya ang bawat luha na natulo
sa iyong mga mata..
Ang isang maliking pagpapatibay nito ay ang karanasan ng mga Hudyo sa pagkabihag sa malayong lugar ng Babilonya.Sinabi sa kanila ng
Diyos,
Jeremias 29:10
10 “Subalit ito ang aking sinabi: Pagkatapos lamang ng
pitumpung taon ng pagkabihag sa Babilonia, muli kong ipadarama ang pag-ibig ko
sa inyo. Tutuparin ko ang aking pangakong ibabalik kayo sa lupaing ibinigay ko
sa inyo.
Nangangahulugan ito na hindi sila mananatili sa babilonia magpakailanman,
ngunit ang 70 taon ay isang mahabang panahon na pagkabihag.
Sinabi ng Diyos, "Sa palagay niyo nakalimutan ko na kayo. Narito ka dahil
nakalimutan mo ako, at totoo na pinaparusahan kita sa iyong kasalanan, ngunit tandaan
mo ang aking parusa kailanman ay nagbabawas nang pagmamahal ko sa iyo. Ikaw ay mananatili
magpakailanman sa aking saloobin. Ikaw pa rin ang aking bayan. Hindi kita
nakalimutan."
makakatagpo tayo ng malaking kaginhawahan sa mga sumusunod
na katotohanan:
Alam ng Diyos ang iniisip niya kahit hindi natin ganap na
maunawaan sa ngayon
Maraming beses na nating
sinabi, "Lord, anong ginagawa mo? Bakit nangyayari ito? Andami ng
buhay ang nawala .
Kong minsan Kahit na ang sinasabi mo sa iyong sarili,
"May plano ang Diyos," pero malabo pa din para sayo at tila hindi mo
maunawaan ang mga pangyayari ..
Ngunit alam ng Diyos kung ano ang iniisip niya kapag ang
kanyang mga iniisip ay nakatago at hindi hayag sa atin magtiwala ka lang ng
lubusan sa kaniya..at tiyak magtatagumpay dahil sa ganda ng plano niya para sa
iyo..
II. ANG SALOOBIN NG DIYOS SA ATIN AY PALAGING MABUTI.
“mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong
ikabubuti.”
Hindi sapat na malaman natin na iniisip tayo ng Diyos.
Kailangan nating malaman kung ano ang iniisip niya para sa atin.
Sa pagkakataong ito ayon sa talata ay nililinaw niya na ito ay “mga planong hindi
ninyo ikasasama kundi para sa inyong ikabubuti.”
Hindi natin maiintindihan nang wasto ang Jeremias 29:11 kung
sa palagay natin ay mapoprotektahan tayo nito mula sa sakit o mga pagdurusa.
Alalahanin natin na ang kontexto ng talatang ito ay ibinigay sa
mga Hudyo upang bigyan sila ng pag-asa na ang kanilang nararanasan ay hindi
pangmatagalan ...o magpakailanman..lalaya din sila mula sa pagkabihag ng babilonia.
Ito ay paraan ng Diyos sa pagsasabi sa kanila nang ganito ,
"Mahal pa rin kita kahit na hinayaan kitang napasakamay ng masama, ngunit
tandaan mo mayroon pa akong magagandang plano para sa kinabukasan mo, at ang kinabukasan mo ay nagsisimula ngayon,at hindi 70 taon mula ngayon."
Maaring may magtanong, “Pagnagkasala tayo Mahal pa rin ba
tayo ng Diyos? ”
Magandang tanong! Lahat tayo ay nagkakasala, at nagkakasala
tayo minsan ng hindi natin namamalayan kong minsan naman sinasadyang
kasalanan..
Hindi po mabuti na tayo ay magkasala pero bilang tao in
reality nangyayari ito..hindi nga lang madalas pero kong minsan kapag hindi
naging mapagbantay mahuhulog ka sa pagkakasala.
Pag hindi natin ito naunawaang maigi mauuwi tayo sa
pagbabalatkayo..pawang mapagpakunwaring banal na tila walang nagagawang
kasalanan o pagkakamali ..samantalang malinaw naman na lisya ang uri ng ating
isinasapamuhay..kaya mahalaga po nating makita ito sa ating buhay.
Paano tayo matutulungan ng talatang ito ang Jeremiah 29:11?
Kahit na nagkakasala tayo, ang Diyos ay hindi nag-iisip ng
masama sa atin dahil labag ito sa kanyang kalikasan.
Kapag ang diyablo ay bumubulong sa iyong tainga, "Ikaw
ay bulok basura ka, Hindi ka mabuti. Ikaw ay isang kabiguan , "sabihin mo
sa kanya na tama siya, ikaw ay mapapahamak, ngunit mahal ka pa rin ng Diyos, at
hindi siya maaaring mag-isip ng masama laban sa iyo.
Kahit na nagdurusa tayo dahil sa ating kasalanan, nilayon ng
Diyos na dalhin tayo sa pagsisisi at paggaling. Mahal parin tayo ng Diyos kahit
nagkasala tayo.
Once na pinagsisihan natin ang ating nagawang kasalanan tayo ay kaagad niyang
pinapatawad at nililinis.
Kaya hindi po tugon ang magpakalayu-layu na sa panginoon
dahil sa nagawang kasalanan tandaan natin ang Diyos natin ay Diyos na mahabagin..siya
mismo ang nagturo ng tamang paraan patungkol sa pagpapatawad kaya anuman ang
ngawa mong kasalanan magbalik loob ka lang at kayang-kaya ka niyang patawarin.
Yan ang bagay na di natin dapat kalimutan.
III. NILALAYON NG DIYOS NA BIGYAN KA NG KINABUKASAN NA
PUNONG-PUNO NG PAG-ASA
“Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang
punung-puno ng pag-asa..”
Ang ilang mga bersyon ng Biblia ay nagsasabi "upang
bigyan ka ng isang mabuting pagtatapos."
Iyon ay isang mahusay na pagsasalin.
ang talatang ito ay may partikular na pokus. Ang Diyos ay
may itinalagang wakas para sa kanyang bayan, at walang makakapigil sa kanila na
maabot ang pagtatapos na iyon.
Pitumpung taon ang nakalipas ang Diyos na nagtalaga ng isang paganong hari
(Nabucodonosor) upang hatulan sila ay siya ding nagatas sa isa pang paganong
hari (Cyrus) upang mailigtas sila.
Ni ang paganong hari ay walang kamalayan sa kanyang bahagi
sa plano ng Diyos.
Ang bawat tao ay kumilos ayon sa kanyang sariling kalooban o
malayang pasya kaya siya napahamak, ngunit dahil sa kabutihan at kagandahang
loob ng Diyos siya mismo ang gumawa ng
paraan upang maihatid pabalik ang kaniyang mga anak sa kanilang tahanan.
Walang pong hindi natapos na plano ang Panginoon. Kasama
rito ang pagpapadala sa kanyang mga tao sa Babilonya, pinapanatili sila doon sa
loob ng 70 taon, at pagkatapos ay ibalik silang muli sa kanilang tahanan.
Makikita sa liwanag
nito, ang Jeremias 29:11 ay nakakpagdulot sa atin ng kaginhawahan, lalo
na kung dumaan tayo sa mga mahirap na sitwasyon sa buhay .
Itinuturo sa atin ng Diyos, na ang kanyang mga iniisip para
sa atin ay mabuti, at kapag natapos na ang kanyang mga layunin, dadalhin niya
ang ating mga problema sa kaniyang itinalagang pagtatapos.
Ito ang "pag-asa at hinaharap" na kailangan
nating lahat
No comments:
Post a Comment