Wednesday, 17 March 2021

PAGTITIWALA SA DIYOS


 

PAGTITIWALA SA DIYOS..

1 Juan 5:14

14 May lakas-loob tayong lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban.

TANONG:

1.     May tiwala ka ba sa Diyos ? kong gayun Sa anong kalagayan mo nasasabing may tiwala ka sa Diyos?

2.     Bakit ka nagtitiwala sa Diyos ? ano ang nagiging pamantayan mo kong bakit ka nagtitiwala..?

 

·        Marami ang nahahawa ng virus na ito.

 

·        Maraming ang may sakit and we pray for them.

 

·        We pray that the very hands of God would touch them and let the healing of Jesus cease every pain.

 

I- MAGTIWALA KA NA ANG DIYOS ANG SIYANG DAKILANG MANGGAGAMOT

 

·        Yes, God is our Great Healer, ngunit bakit hindi lahat nakakaranas ng kagalingan ?

 

·        Kapag tayo'y nagpray at humiling sa Diyos ng healing, we can trust that He will hear and answer us.

 

·        Subalit maaring hindi niya tayo sagutin ng ayon sa ating iniisip na paraan o ng ayon sa ating kagustuhan.

 

·         He did everything according to His will.

 

·        He will not give us something against His will.

 

·         Nais ng Diyos na ang pinaka "the best" ang siyang matanggap natin lagi - and sometimes the best thing may be to allow a sickness in ways we did not expect.

 

 

 

A.    Kung minsan pinahihintulutan ng Diyos ang karamdaman para kunin niya ang ating atensiyon at idirekta niya ang ating buhay.

 

B.    Kung minsan kailangan munang pahigain ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng sakit para ma-realize niya na may langit pala at may Diyos na dapat lagi niyang inaalala at pinagtitiwalaan.

Ang sabi ng Proverbs 20:30,

Mga Kawikaan 20:30

30 Ang hampas na lumalatay ay lumilinis ng kasamaan, at ang palong nadarama'y humuhugas sa kalooban.

·        “Sometimes it takes a painful experience to make us change our ways”. ( "Ang mga latay na sumasakit ay lumilinis ng kasamaan...")

 

·        Marami sa atin ang may personal testimony na kailangan muna na tayo'y makaranas ng mga masasakit na karanasan katulad ng karamdaman para mabago ang ating mga pamumuhay, pag uugali at gawi.

 

C.     Kung minsan din naman pinahihintulutan ng Diyos ang karamdaman na maging buhay na testimony natin para sa iba.

 

·        Dahil alam ng Diyos ang ating kakayahan at ang ating pagtitiwala sa kanya sa panahon ng karamdaman, at alam niya na magiging maganda at buhay na patotoo ang buhay natin sa iba, lalong lalo na sa mga unbelievers.

 

·        Ganito ang karanasan ni Apostle Paul at ang sabi niya sa

 

Philippians 1:12,

"Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang nangyari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita."

 

·        Alam n'yo ba kung nasaan si Paul at ano ang kalagayan niya sa mga oras na isulat niya ito?

 

·        Si Paul ay may sakit at naka isolate sa isang bilangguan.

 

·        Pinapatotoo niya kung papaano ginamit ng Diyos ang mga naranasan niyang ito para maipalaganap ang Mabuting Balita.

 

·        You know what? The greatest witness you will ever have is your example of the way you handle pain.

 

·        Kung papano natin hinarap, binata, pinagtiisan at pinagtagumpayan ang mga mapapait na mga pangyayari sa ating buhay ang siyang higit na nakikita at napapansin ng tao.

 

II-  MAGTIWALA KA NA ANG DIYOS ANG TUNAY NA MAASAHAN PANAHON NG KAGIPITAN.

 

·        Kapag tayo'y dumaranas ng mga pressure and pain at ating naipapakita ang grace, power, comfort, blessing at healing ng Diyos, it brings glory to Him.

 

·        Kung minsan, malungkot man para sa iba na sabihin na God allows a sickness to take someone into eternity.

 

·        Ang tawag dito ay, "sickness unto death" ( karamdaman na hahantong sa pag-uwi sa tunay at walang hanggan tirahan).

 

·         Ang sabi ng Hebrews 9:27, "Nakatakda sa tao ang mamatay at pagkatapos nito ay ang paghuhukom.

 

·        Isa itong realidad ng buhay.

 

·        Marami sa  atin na may mga mahal sa buhay na nauna nang pinauwi ng Diyos sa kanilang permanenteng tahanan.

 

·        At hindi naman talagang ibig ng Diyos na tayo'y manatili sa mundong ito forever.

 

·        Tiyak hindi iyon ang kalooban ng Diyos.

 

III-MAGTIWALA KANG PAGAGALINGIN KA NG DIYOS KONG IKAW AY  HIHILING SA KANYA NG MAY LUBOS NA PAGTITIWALA..

·        Bakit kailangan nating lumapit sa Diyos ng may ganap na pagtitiwala?

 

·         Dahil alam nating ibibigay ng Diyos ang ating kahilingan.

 

·         Ito ang sabi ng

 

1 John 5:14-15,

 "Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban. At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya."

 

·        Remember: When we pray in God’s will, He always hears us.

 

·        Maaring iba ang paraan niya sa pagtugon sa ating mga prayers at maaring iba ang orasan ng langit sa ating orasan dito sa lupa, but His answer is always for our good, at the right time, and for the glory of his name.

 

Prayer:

Dear Lord, we know that by your stifes we are healed. Walang karamdaman na hindi mo kayang pagalingin. We believe that when You allow sickness and pain to come into our lives, You have a much deeper reason and purpose. Tulungan mo po kami na laging magtiwala sa iyo dahil higit mong nalalaman ang mga magaganap sa aming buhay at higit mo ring alam ang mas mabuti para sa amin. Dear Lord, heal those who are sick, and strengthen those who are weak. In your name Jesus we pray, amen.🙏

 

 

  GANAP NA LIWANAG Tanong : ·          Ano sa palagay mo ang dahilan bakit ang mga tao ay madalas makaramdam ng takot sa gitna ng kadili...