Rev.Boyet Cervantes
Mga Kawikaan 15:13-25
Jokes:
Sabi ng iba para daw mawala ang
Stressed eat more desserts,dahil ang kabaligtaran daw nito pag spelling ang
pinaguusapan ay “desserts.” Kong iyan ay totoo napakarami pong stress sa pagitan ng Pasko at bagong
taon..kasi dami pong Desserts sa mga panahong iyon eih..
2. Cultivate Contentment. (Linangin
ang Kasiyahan)
·
Ang Kasiyahan ay dapat na maging panluob
na kasiyahan na kong saan ay wala ng paghahanap pa na mapalitan ang panlabas na
kalagayan..
• One reason people are stressed out
in life is lack of satisfaction.
• They always want more and end up in
tension and stress.
Illustration:
May isang Bishop na dumaan sa
matinding pag-subok sa kaniyang buhay sa loob ng mahabang panahon...ngunit sa
kabila ng lahat Siya ay masiyahin pa din at di kakikitaan ng kahit kunting
kalungkutan..minsan tinanong siya kong ano ang sekreto niya: ang sabi niya “ginamit
ko sa tamang pagtingin ang aking mga Mata”
"Pakipaliwanag pong maigi Bishop interesado po akong malaman ang kahulugan
ng inyong sinasabi :
"Una, tumingin ako sa Langit at
naaalala ko na ang aking pangunahing naisin sa buhay ay ang makarating doon sa
piling ng Diyos at sa magandang tahanan na inilaan na niya para sa akin.
"Pagkatapos ay tumingin ako sa
lupa at naisip ko na maliit lamang pala na lupa ang kailangan ko pagnamatay ako
at ito ang lupang paglibingan sa akin.
"Pagkatapos ay tumingin ako sa
paligid at nakita ko na mas marami pang mas masahol ang kalagayan kaysa sa akin.
"Kung kaya nga natututunan ko kung saan dapat nakasalalay ang
totoong kaligayahan sa buhay at tinapos nito ang lahat ng aking mga pag-aalala,
at wala ng dahilan pa para magreklamo ako iyon ang sanhi ng aking kasiyahan...”
Mga Kawikaan 15:16
16 Ang mahirap na gumagalang at
sumusunod kay Yahweh, ay mas mainam kaysa mayamang panay hirap naman ang
kalooban.
• Mainam po na magkaroon tayo ng mga
pagpapala - isang bagong bahay, isang maayos
na kotse at magagandang bagay ngunit alam mo ba, na sa kabila ng lahat
ng iyan hindi tayo magiging mas masaya pa kaysa sa mga taong naka sakay lamang sa
bisikleta..ngunit masaya naman ang buhay at pamilya.
• Kung nais mong magkaroon ng isang
masayang tahanan, kailangan mong linangin ang kasiyahan.
• Walang kasiyahan sa buhay ang
nagtutulak sa labis na paggasta ng maraming tao.
• Bumibili sila ng mga bagay na hindi
nila kailangan, ang kanilang kaligayahan ay ang pagkakaroon ng higit, at
gumamit ng pera na wala sila, kundi utang credit card...paano nila maabot ang
kasiyahan sa buhay kong ganun.!
Filipos 4:11
11 Hindi ko sinasabi ito dahil sa
kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman
ang aking kalagayan.
1 Timoteo 6:8
8 Kaya, dapat tayong masiyahan kung
tayo'y may pagkain at pananamit.
Mga Hebreo 13:5
5 Huwag kayong magmukhang pera; at
masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita
iiwan ni pababayaan man.”
Jokes:
·
Naalala ko tuloy iyong nakita ko sa
social Media na ang sagot daw sa sakit ng ulo ng iyong asawang babae ay
patungan mo ng pera sa ulo...at tiyak daw wala pang isang segundo magaling
na..!
·
· Huwag masayadong intindihin ang Pera kasi pag iyan na palagi ang laman ng iyong isipan tiyak makakalimutan mo na si Lord..dahil tiyak ang uunahin mo ay ang paghahanap ng pera o paghahanap buhay...yan ang ibig sabihin niyan mawawalan ka na ng panahon kay Lord..
· Dapat ang inuuna natin palagi ay si Lord mukha niya ang hanapin natin hindi ang mukha ng mga bayani natin..
· Dahil may pangako siya pag-inuna mo siya hindi ka niya iiwan ni pababayaan man.
Illustration:
lungkot na lungkot ako noon sa isang member natin sa Church kasi binigyan siya ng Lord ng Negosyo pero binubuksan naman niya kapag linggo dahil sa katuwirang baluktot naman sa paningin ng Diyos dahil ang ikinakatuwiran niya palagi kapag linggo maraming nagbabayad ng utang iyon ang naging katuwiran niya..at dahil doon may mga pagkakataon na hindi na nga siya nakasasamba o kaya makasamba man late na pagdumating sa simbahan..kaya wala akong magawa kundi palalahanan siya at ipanalangin..kasi ganiyan naman ang pangunahing trabaho naming mga pastor ang ipanalangin kayo..At dumating nga ang panahon na nabago ang pananaw niya sa buhay at lubusan ng inuna ang Diyos at sumunod sa kaniya kaya naman ngayon mas lalo niyang naranasan ang pagsama ng Diyos sa kanilang buhay..purihin ang panginoon.
· Kong kaya nga ganito ang paalala sa atin sa aklat ng :
Lucas 12:15
15 At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”
So, learn to laugh, cultivate
contentment…
3. PAKALMAHIN ANG GALIT
Mga Kawikaan 14:17
17 Ang taong mainit ang ulo ay nakagagawa ng di marapat,ngunit ang mahinahon ay lagi nang nag-iingat.
Mga Kawikaan 15:18
18 Ang mainit na ulo ay humahantong sa alitan,ngunit pumapayapa sa kaguluhan ang mahinahong isipan
• Ayon sa survey karamihan ng mga kalalkihan na nanakit ng asawa ay dahil sa Stress
• Karamihan sa mga babae na nangbubulyaw ng ng anak at asawa ay dahil sa stress
• Ang stress ay naguugat minsan sa
galit
• Kaya kailangang pakalmahin ang galit na iyan sa ating buhay.
• Ang isang paraan para makontrol ang
galit ay ang kontrolin ang ating dila.
Mga Kawikaan 18:13
13 Nakakahiya at isang mangmang ang isang taong sumasagot sa tanong na hindi naman niya nalalaman.
Mga Kawikaan 29:20
20 Mabuti nang di hamak ang hangal
kaysa taong ang sinasabi'y hindi na pinag-iisipan.
• Walang anumang makapagbabawas ng stress and tension in the home kundi ang pigilan ang iyong dila.
• Kapag ika’y
naiinis.nagagalit,pigilan ang dila
• Karaniwang sinasabi ng mga tao: Sa sobrang init ng sandaling iyon, hindi ko mapigilan ang aking bibig ... oh hindi totoo iyan kaya mo!
• ipalagay mo na ang isang asawa ay kasalukuyang nakikipagtalo sa kaniyang kanyang asawa.
• at napakalakas ang kaniyang tinig binubulyawan ang asawa,tapos may biglang pumasok sa eksena tumunog ang cell phone biglang tumawag si Boss biglang naging matamis ang kaniyang pananalita: Kumusta po Boss magandang umaga po Boss ! Kita mo, makokontrol natin ang galit kung nais natin!
Mga Kawikaan 15:1
15 Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit.
• Pagaralan nating tumawa/ Linangin ang Kasiyahan /pakalmahin ang galit
·
Be Yourself
· Huwag mong sayangin ang iyong panahon sa kakagaya sa iba ,gusto mong maging katulad niya,ang malagay sa kalagayan niya,at gawin ang katulad sa trabaho niya,at hangarin kong ano ang kaloob na mayron siya,at mag salita ng katulad ng sa kaniya..
· Be yourself! God made you. Respect your own individuality.
· Kong patuloy tayong papasok sa paraan na nais ng Diyos para sa atin ,hindi ka magpapalano para sa iyong sarili kundi hahayaan mo siyang mag plano para sayo
· Hindi pwedeng dalawa ang gagawa ng Plano magulo yon hindi malaman kong sino ang susundin
· Dapat isa lang ang gagawa ng plano at iyan ang Diyos
· Kinakailangan lamang na magpaubaya ka..
·
Kinakailangang isuko mo sa kaniya ang
lahat ng iyong balak at siya ang magpapatupad nito ..at tiyak pang hindi ka na
ma e stress pa kapag natutuhan mong ipaubaya ito sa kaniya,,pagpalain po tayong
lahat ng ating panginoon..